The Waiting has Ended

34.5K 659 16
                                    

A month has quickly passed. Alex and Zach dated. A month full of surprises. Galak na galak ang puso ni Alex sa bawat surprise na ginagawa nito. Surprises that she never expected to experience in her entire life. Para kasi sa kanya ay sa pocketbooks, sa teleserye, o sa panaginip lang ito nangyayari. But with Zach, she's experiencing it all. At lubos nya itong ipinagpapasalamat kay Zach.

Nasa parking lot ng Royale Inc. si Zach. Hinihintay nya ang pagbaba ni Alex dahil niyaya nya itong kumain sa isang restaurant. Isang linggo rin silang hindi nagkita dahil sa madalas na meetings nya. "Bakit ba kinakabahan ako ngayon? E isang buwan na rin naman kaming lumabalabas. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko", isip ni Zach.

Meanwhile, Alex was getting ready. Out na nya at magkikita sila ni Zach. Inayos na nya ang mga gamit nya at naglakad na palabas. Dumaan muna sya saglit sa office ni Nick para magpaalam. Kumatok sya sa pinto nito.

"Come in!" wika ng nasa loob.

"Sir Nick, I'll go ahead na po", paalam ni Alex sa kanya.

"Sure. Enjoy your date! Zach's already there in the parking lot waiting for her princess!", nanunuksong sabi nito na ikinapula naman agad ng mga pisngi ni Alex. "You're cute when you're blushing. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng kaibigan kong yun. Go ahead! Baka inip na yun, magbago pa isip!" dugtong pa nito.

"Naku, kayo talaga Sir. Sige po, mauna na po ako. Ingat ka!", paalam ni Alex nang tuluyan.

Habang sakay ng elevator si Alex ay hindi sya mapakali. Kabadong kabado sya. Actually, the real reason is, she's planning to tell Zach her answer. Hindi nya lang alam kung paano sisimulan. Nang makarating sa ground floor ay agad nitong tinungo ang parking lot kung saan naghihintay si Zach. Agad naman sya nitong napansin at kumaway mula sa kinaroroonan nito.

"Hi", Zach greeted and kissed Alex on the cheeks.

"Hi, kanina ka pa?", tanong ni Alex.

"Ah, hindi naman. I'm here just 5 minutes ago. Let's go?" yaya nito.

Agad namang tumango si Alex at pinagbuksan naman sya ni Zach ng pinto. Doon bumungad kay Alex ang isang pumpon ng white roses.

"Flowers for you princess!" nakangiting sabi nito.

"Thank you, Zach!" pasasalamat ni Alex. Dinampot nya ang bouquet at sumakay na sa sasakyan. Nang maisara ni Zach ang pinto ay nagtungo na ito agad sa driver's seat at agad na napaandar ang sasakyan patungo sa restaurant na kakainan nila.

Nang makarating sa restaurant ay agad naman silang sinalubong ng isang waiter.

"Good afternoon Sir, Mam", masiglang bati nito.

"Good afternoon. Reservation for Zach Villafuerte?", saad ni Zach.

"Ah, this way po. I'll lead you to your table", magalang na pag-aassist ng waiter sa kanila.

"Have a seat!", wika ni Zach habang inalalayan si Alex sa kanyang pag-upo. "Such a gentleman!" isip ni Alex.

Iniwan ng waiter ang menu at sinabing babalik para sa mga orders nila.

"Anong gusto mong kainin princess?" tanong nito kay Alex. Sa twing tatawagin si Alex na princess ni Zach ay lalo pang nararamdaman ng kanyang puso ang pagmamahal nito sa kanya. Tunay namang tila prinsesa kung ituring sya ni Zach. Kaya't lalo pang nag-igting sa isip ni Alex ang kanyang desisyon para sa araw na yun.

"Okay lang sakin kahit ano. Alam mo naman ako, wala namang pinipiling kainin" sagot ko kasunod ng pagtawa.

"Sabagay. Kaya nga, ang sarap mong isama sa mga kainan. Di ka mapili sa pagkain. Pero hanga din naman ako, di ka tumataba", biro nito.

"Ah ganon? Parang sinabi mong ang lakas kong kumain ah",pagkunwa'y nagtatampong sagot ni Alex.

"Ay hindi naman sa ganun. Wag ka na magalit dyan princess" wika naman ni Zach. Natuwa naman si Alex dahil kahit alam ni Zach na nagbibiro lang sya ay inaamo pa rin sya nito.

Maya maya'y bumalik na ang waiter upang kunin ang mga order nila. Si Zach na ang nagsabi ng mga kakainin nila. Sa totoo'y hindi naman alam ni Alex kung makakakain sya dahil sa kabang nararamdaman nya. Di nya alam kung sang part nya sasabihin kay Zach.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdatingan na ang mga inorder ni Zach. Wala syang tulak-kabigin sa mga nakahain. "Binabawi ko na pala. Mukang marami akong makakain nito ah. Maya ko na nga lang problemahin yun sasabihin ko. Bubusugin ko muna ang dragon ko sa tyan, umaatungal na", tutol ng isip ni Alex.

"Haay, nabusog ako dun ah!" usal ni Zach habang hinihimas himas ang kanyang tyan.

"Oo nga e. Sarap ng mga pagkain. Salamat sa libre", saad ko naman.

"Anything for you princess", nakangiting sagot nito.

"That smile! It really makes my day! Ngiti pa lang nya, sobrang nakaka-inlove na", isip ni Alex.

"Do you have something bothering your mind?" tanong ni Zach na nakapagpapitlag naman kay Alex.

"Ahm, ah, may gusto sana akong sabihin", wika ni Alex na namula na kaagad ang mukha.

"Ano yun princess? Okay ka lang ba? Bakit ang pula ng mukha mo? May masakit ba sayo? May dinaramdam ka ba?", sunud sunodna tanong ni Zach.

"Ah-h, w-wala. Wala naman. Ahm kasi ano-", Alex.

"Nag-aalala ako sayo. Are you really okay?" nag-aalalang tanong ni Zach.

"Zach, calm down. I'm really okay. Maupo ka nang maayos at makinig kang mabuti sa sasabihin ko dahil isang beses ko lang tong sasabihin at hindi ko na uulitin, okay?", sabi ni Alex.

Naupo naman nang maayos si Zach. Napalunok ito at tumingin nang deretso kay Alex.

"Zach, we've been seeing each other for a month now. Kwentuhan, pasyal, kulitan. At sa bawat araw na dumadaan, you never failed to surprise me. Surprises na kailanman hindi ko inisip na pwede kong maranasan. With that, maraming salamat. Thank you for always letting me feel na special ako. I'm always asking, totoo ba lahat ng to? I really can't imagine this. But seeing you now, I really have to admit it to myself na totoo ka nga. Today, I've come to the point na kelangan ko na tong sabihin kasi baka maging huli pa ang lahat. Zach--, I love you and-- I'm very much willing to be your girlfriend", wika ni Alex.

Nanatiling nakatingin lang si Zach kay Alex. Tila, hindi agad nag-sink in ang lahat ng mga sinabi ng babaeng kaharap nya. Loading.......

"Zach, did you hear me? Are you with me?", takang tanong ni Alex.

"Ah-h, y-yes. Ahm, Alex, totoo ba to? Totoo ba to? I mean, tayo na? As in tayo na nga? You're my girlfriend now?", sabi ni Zach.

"Yes Zach, I'm your girlfriend now! It's official!", wika ni Alex.

"YEEEESSSS! Girlfriend ko na sya. Hey! All of you! See this girl, she's my girlfriend now! Sinagot na nya ako. Kami na! Kami na ng prinsesa ko", Zach exclaimed from his seat. Nagpalakpakan naman ang mga tao na nasa restaurant.

"Zach, anu ka ba? Nakakahiya. Don't make a scene here!" namumulang sabi ni Alex.

"Oh my God, you really made me so happy my princess. I love you so so so much!", Zach said and gave me a peck on my lips. "I love you princess. I promise, you'll never regret giving me this chance to love you", dugtong nito at niyakap na si Alex.

Sa kabila ng kaligayahang nadarama nina Alex at Zach ay may isang babaeng punung-puno ng galit ang matama'y nakatingin sa kanila.

"You'll regret this Alessandra De Dios! I'll assure you, hindi kayo magtatagal ni Zach. I'll get him from you. Hinding hindi ko papayagan na mapunta sayo si Zach. Akin lang sya! Akin lang!" Nagngingitngit na turan ng isip ni Monique at tuluyan nang padarag na lumabas ng restaurant.


My Coldhearted BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz