Tahanan ng Prinsesa

57K 1K 6
                                    

(Alex' POV)

Tahimik lang kami habang binabagtas ang daan patungo sa bahay namin. Kinakabahan talaga ako. Di ko alam kung pano ko magpapaliwanag kina nanang at tatang. Tapos ngayon, hatid pa ko ng lalaking di nila kilala. Kahit pa sabihing boss ko sya, iba pa din. Lalaki pa din sya.

"There you are again. What are you thinking, princess?" untag sa akin ni Zach.

"Tigilan mo nga yang kakatawag sakin ng princess. Hindi ko alam kung san nanggaling yan at tinatawag mo ko ng ganyan. Mag-focus ka na lang sa pagmamaneho ok? Kumanan ka na dyan. Tapos, pulang gate, samin na yun.", sagot ko naman sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay. Hinarap ko si Zach at sinabi kung pwedeng umuwi na sya tutal nakarating na ko ng bahay. Ang totoo'y ayoko na syang makita nina Nanang at Tatang. Kaya lang, huli na ang lahat. Lumabas ng bahay si Nanang.

"Nakuuu, dyaskeng bata ka. San ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang umuwi? Ni wala ka man lang pasabi. At sino naman yang kasama mo ha? Boypren mo ba yan? E bakit hindi yan dito sa bahay nanligaw?", sunud-sunod na tanong ni Nanang.

"Nang, hindi ko po sya boyfriend-", ngunit di ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Zach.

"Good morning po. Ako po si Zach, katrabaho po ni Alex. Pasensya na po kayo kung ngayon lang po nakauwi si Alex. Ihahatid ko po sana sya kagabi kaya lang nakatulog na po sa sobrang pagod. Hindi ko naman po magawang gisingin kasi himbing na po sya sa pagkakatulog nun nasa byahe kami. E hindi ko po alam ang way papunta dito sa inyo. Wag po kayong mag-alala, wala po akong ginawang masama sa kanya. At kailanman, wala po kong intensyong gumawa ng masama sa anak nyo", paliwanag ni Zach.

"Ah ganun ba iho? Bakit di mo naman agad sinabi anak. O sya, halina't pumasok na kayo sa loob at nang maipagtimpla ko man lang kayo ng kape", wika ni Nanang.

Pano kong magpapaliwanag e sumabat na nga tong isa. Ano bang meron kay Zach at huminahon si Nanang? Parang kanina lang halos gusto na ata nya akong kainin ng buhay.

"Nang, hindi na ho sya papasok. Marami pa ho kasi syang kailangan asikasuhin sa opisina, di ba Sir?", turan ko sa kanya kasabay ng matalim na tingin.

"I won't mind. Makakapaghintay naman sila sa office", sagot nito sakin sabay baling kay Nanang, "Ok lang po ba sa inyong patuluyin ako Nay?".

"Aba oo naman iho. Pasok ka at nang maipakilala kita sa asawa ko", wika ni Nanang. "Alex, lika na sa loob. Maligo at magbihis ka muna. Hihintayin ka namin sa sala".

Gulung-gulo man ang isip ko sa nangyayari ay sumunod na rin ako sa mga ito. Kailangan ko na nga sigurong maligo at baka sakaling madadala ng tubig ang alak sa katawan ko. Ang sakit sa bangs e. Ano to, daig pang manliligaw ko kung maasikaso nila si Zach? Intsik lang? Umaga nanliligaw? Teka, teka, anong ligaw ligaw ba tong iniisip ko? Arrgghhh. Nakakapraning naman sila.

Dumeretso na ko sa kwarto ko at kumuha ng mga damit na pamalit. Mabilis akong naligo at nang makatapos ay bumaba na sa sala. Nagulat ako sa eksenang inabutan ko. Sina Nanang at Tatang, tumatawa at kabiruan si Zach? Daig pa nilang matagal nang magkakakilala ah. Haikz. Lalo atang sumakit ang ulo ko.

"O, anak, andyan ka na pala. Halika't sumalo ka sa amin. Naghain ang Nanang mo ng mga paborito mong kakanin", aya sakin ni Tatang.

Naupo ako at tahimik na kumain. Di naman kasi ako nakakain nang ayos kina Zach dahil nahihiya ako. Maya maya pa'y narinig kong nagpaalam na si Zach at sinabing may kailangan pa syang gawin sa opisina.

"Mauna na po ako Nay, Tay. Dadaan pa ho kasi ako ng opisina. Marami pong salamat sa pagtanggap nyo sa akin dito sa inyo. Ang sarap ho ng mga kakanin nyo Nay. At ang sarap ho ng gatas galing sa inyong kalabaw Tay", buod nito.

"Naku iho, malaya kang bumalik dito kung gusto mo pang tikman ulit ang mga yan. Bukas ang aming tahanan para sayo", wika ni Tatang.

Ano bang orasyon ang ginawa ni Zach sa kanila at ganun na lang sila kabait dito? Ngayon lang naman sila nagkakilala di ba? Ganun na agad ka-welcome? Close agad? My golly wow!

At nang mawala na sa paningin nila ang sasakyan ni Zach ay pumasok na sila sa loob.

"Anak, napakabait naman ni Zach. Boss mo pala sya. Napakababang loob nya kahit sya pa ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Natutuwa ako sa kanya. At bagay kayong dalawa", nakangiting wika ni Nanang.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Aba ay kailangan higit pa natin syang makilala. Kailangan masigurado kong hindi nya sasaktan ang anak natin. Aba, ayokong iiyak yan at tatabakin ko talaga yun leeg nya", sabi naman ni Tatang.

"Nanang, Tatang, hindi nyo naman po sya kailangan kilalanin. Hindi ko naman po sya manliligaw. Boss ko lang po sya. Kayo talaga. Sya, akyat na po muna ako. Iidlip lang po muna ako sandali", sabat ko na lang at iniwan ko silang nakangiti sa may sala.


My Coldhearted BossWhere stories live. Discover now