The Past and the Present Meets Up

47.6K 909 30
                                    

Araw na ng event. Hindi maintindihan ni Alex kung bakit tila kinakabahan sya. Pero pilit na lang nya itong isinantabi at inisip na lang ang trabaho kaya sya naroroon.

"Alex, sasamahan ka ni Aling Beth sa isang salon. Then Philip will take you to the event. Mauuna na ako sa'yo since I also have to assist Nick. If you'll need anything, tell them. They can help you out", wika ni Zach.

"Okay! Thank you", sagot ni Alex.

Inilapit ni Zach ang mukha nya kay Alex, dahilan para malanghap nito ang kanyang pabango. "I'll see you later, princess" bulong nito na nakapaghatid ng kilabot at init sa katawan ni Alex. Ngumiti na lang si Alex kay Zach at nanatiling nakatingin hanggang sa mawala na ito.

(At the Event)

"Zach, glad you're here already. Tingin mo, okay na ba lahat? Wala na ba kong nakalimutan", tila kabadong tanong ni Nick.

"Relax ka lang Nick. Everything will be alright. Chill ka lang pare", sagot ni Zach.

"Pare, alam mo namang first time ko lang to. Di ako sanay kaya kinakabahan talaga ako", Nick.

"Don't worry, I'm here to back you up. Lakad na, nagsisidatingan na ang mga guests. I still have to wait for Alex. She'll be arriving soon", turan ni Zach.

"Sige pare. Balikan ko kayo mamaya", pamamaalam ni Nick.

Zach dialed Alex' number to locate her but she's not answering. He tried calling Philip instead and luckily, he picked up.

"Philip, where's your location?", Zach.

"Sir, andito na po sa entrance. Papunta na po dyan", sagot ni Philip sa kabilang linya.

"Good. I'm waiting here", Zach at tinapos na ang tawag. Maya maya pa'y dumating na sina Philip. Tila hindi makahinga si Zach sa paghihintay na makalabas si Alex sa sasakyan. At nang buksan na ni Philip ang pinto ay natulala si Zach sa unti-unting paglabas ni Alex.

"Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Parang gusto ng tumalon palabas sa dibdib ko Grabe! Ang ganda nya. Sobrang ganda lang nya. I can't find the right words to describe her. Simple yet elegant. Yung damit,mas na-enhance yung ganda nito nang suot na nya. Really a perfect fit", turan ng isip ni Zach.

"Sir? Good evening po", untag ni Alex kay Zach na tila nahipan ng kung anong masamang hangin at nakatulala sa kanya. Ang pagkatulalang yon ni Zach ay nakapagdulot ng kung anong sensasyon sa pagkatao ni Alex. "Ang sarap lang ng titig nya. Pakiramdam ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa balat ng universe. Wapak! Ang haba lang ng hair ko!", tuwang tuwang sambit ng isip ni Alex.

"Ah-h, y-yes! Good evening. You look lovely tonight. Let's go inside?", yaya ni Zach. "By the way, Philip, thanks for bringing her here safely. You can now go back to the mansion. May dala naman akong sasakyan", baling naman nito kay Philip.

"Okay po Sir. Enjoy po kayo ni mam", paalam ni Philip.

At pumasok na nga sina Zach at Alex sa loob. Nakasalubong nila si Nick.

"Pare, can we talk?", sabi ni Nick at tila nabigla pa nang makita sya, "Woahh, beautiful! Hi Alex. Di kita nakilala. Ang ganda mo naman", usal pa nito dahilan para mag-blush si Alex.

"T-thank you Nick. Nahiya naman ako. Di kasi ako sanay sa ganitong sosyalan", wika ni Alex.

"Naah, don't worry. Andito naman si Zach, di ka nya pababayaan", wika ni Nick na tila nakalimutan na ang sasabihin kay Zach. "Hatid ko na kayo sa seats nyo?", tanong pa nito.

"No need, Nick. We can manage. Punta ka na sa back stage para makapag-ready ka na din. Wag mo na kaming alalahanin", sagot naman ni Zach. Tumango na lang si Nick at akma na sanang pupunta sa back stage nang....

"Nick!!!", tawag ng isang babae na nagmumula sa likuran.

Sabay na napalingon sina Alex at Nick sa pinagmumulan ng tinig samanatalang si Zach ay nanatili sa posisyon. "Kilala ko ang boses na yun. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? Why do I have to see her here? Kailangan ba talagang magkita pa kami? After a long time, I wasn't expecting to see her again", sigaw ng utak ni Zach. Tila gusto na nyang tumakbo palayo pero parang napako na ang kanyang mga paa sa kinatatayuan nya.

"M-Monique. H-hi", bati ni Nick habang si Alex ay nanatiling nakatingin lamang sa babae. "Model siguro sya? Ang tangkad nya. Ang ganda pa. Ang sexy! Dyosa ba sya? Grabe! Nasalo na ata nya lahat ang sinabog na biyaya ng kagandahan ng Dyos", isip ni Alex. Natampal naman ni Nick ang kanyang noo dahil dun lang nya naalala ang sasabihin nya kay Zach. Na andito si Monique sa event. Pagkuwa'y humarap naman si Zach sa babae. At di nya inasahan ang sunod na ginawa nito.

Nanlaki ang mga mata ni Alex sa nasaksihan. Monique kissed him in the lips, in front of them. In front of all these people. "Girlfriend ba sya ni Zach? Bakit hindi ko alam? Bakit mo naman dapat malaman?" pagtatalo ng isip ni Alex. Gusto nyang tumakbo. Gusto nyang sumigaw. Gusto nyang umiyak. Pero paano? Bakit? Gulung gulo ang isip ni Alex.

Zach pushed Monique away from him. "Why did you do that?", tanong nito.

"Zach, it's been a long time ago. I missed you so much. Please, forgive me. Nagsisi na ako sa ginawa ko. Can we start all over again?", turan ni Monique.

"Ah-h, Monique, I'll bring, I mean, I'll escort you to your table. Sino bang kasama mo?", pa-utal-utal na sabi ni Nick.

"I'll be joining Zach on his table", sagot ni Monique.

"You cannot, I'm with someone", mabilis na sagot ni Zach.

"And who could that be? Your secretary LANG naman di ba?", sagot nito na binigyang diin ang pagkakasabi sa LANG.

"She's not just my secretary. And perhaps, I'm not welcoming you to join us on the table. So, if you'll excuse us. We will be proceeding on our table. Alex, let's go!", madiing sambit ni Zach.

Nagulat man si Alex sa mga nasasaksihan nya ay sumunod na lamang ito kay Zach. Gulung gulo talaga sya. "Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Bakit ba parang hindi ako makahinga? Giniginaw ako.", isip ni Alex.

Naiwan namang nakatingin lang si Monique sa papalayong sina Zach at Alex. "You'll be mine again Zach. I'll take you back. I will not let anybody stand between us. No one can have you except me. Only me Zach!", isip nito.


My Coldhearted BossWhere stories live. Discover now