Special Chapter

55.2K 844 67
                                    

Author's Note: As requested, here's one special chapter for you. Hope you like it. Happy reading! ^_^ @jhannahbartolome

"Aaaaahhhhh... Hooh...Hooh..!", sigaw ni Alex at kitang kita sa mukha nito ang hirap sa panganganak.

"Hon kaya mo yan. Andito lang ako. Malapit na lumabas si Baby", sambit naman ni Zach na punung puno ng pag-aalala sa nanganganak na asawa.

"Konti na lang misis. Andito na sya. Push!", sabi naman ng mid-wife na nagpapaanak kay Alex.

"Aaaaahhhhh.....", muling sigaw ni Alex at hinang hina man ay nagawang ngumiti nang marinig ang impit na iyak ng sanggol na kanyang iniluwal.

"Congratulations Mr. and Mrs. Villafuerte. It's a baby girl!", pagbati ng mid-wife at agad na ibinigay ang sanggol kay Alex.

Hindi maitago ang kaligayahan nina Zach at Alex. Pareho silang teary eyed habang pinagmamasdan ang sanggol na ngayon ay nasa piling ni Alex.

"Isn't she lovely hon?" mangiyak ngiyak na wika ni Alex.

"She's beautiful. Just like her mom!", sagot naman ni Zach na halos mangiyak ngiyak din. "I don't really know how this baby grown up so well sa tyan ni Alex but I'm truly blessed and thankful. I personally saw what Alex went through nun nagbubuntis sya lalo na nun stages ng paglilihi nya." And he reminisced the past.

(A short reminisce ng pagbubuntis ni Mrs. Alex Villafuerte)

Nagising si Alex na masama ang pakiramdam nya and the moment she opened her eyes ay sya namang tila pag-ikot ng sikmura nya. Dahilan para mapatakbo sya sa cr na mabuti at nasa kwarto lang nilang mag-asawa. Sa patuloy na pagsusuka ni Alex ay agad naman nagising ang kanyang asawa.

"Hon? Okay ka lang ba? Ilang araw ka ng ganyan", nag-aalalang tanong ni Zach.

"Okay lang ako hon. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Minsan may maamoy lang ako, bigla na lang akong maduduwal. Tapos, minsan naman, pag nagustuhan, kulang na lang e lantakan ko lahat. Tapos andalas ko pang mahilo.", sagot naman ni Alex na sapo sapo pa ang sikmura habang pabalik sa kama nila.

"Hindi kaya---", sabay na sambit nina Zach at Alex na tila may kung anong liwanag sa kanilang mga mata.

The same day, they decided not to go to work para pumunta muna sa doktor to confirm ang hinala nilang mag-asawa.

"Have you tried doing the pregnancy test?", tanong ng doktor.

"Hindi pa po", sagot ni Alex.

"Well then, try mo muna to misis. May instructions naman sa packaging. Alam mo na siguro, pag one line, negative then pag two lines positive", dagdag ng doktor.

Tumango naman si Alex at pumunta na sa cr. Matamang naghihintay lang naman si Zach habang kausap ang doktor. Maya maya pa'y lumabas na si Alex mula sa cr. Hindi mawari ni Zach ang itsura ng mukha nito dahil expressionless ito hanggang sa iabot na lang nya ang pregnancy kit kay Zach.

Gustong matawa ni Alex sa reaksyon ng kanyang asawa. Nakanganga pa ito habang hawak ang pregnancy kit.

"W-wait. D-di ba D-doc, sabi mo pag one line negative tapos pag two lines positive?? T-tama po ba??", tanong ni Zach at tumango naman ang doktor. "Two lines! Two lines to dok! Hon?? Magkakababy na tayo?? Magkakababy na tayo!!", tuwang tuwang sambit ni Zach at agad na niyakap ang asawa. "Thank you for this good news Hon. I love you! And I love this kiddo inside you!" wika ni Zach at hinahaplos pa ang tyan ni Alex.

"As far as I can see, you are already 6 weeks pregnant Alex. At sa tingin ko, medyo maselan ka magbuntis. Based na lang din sa naikwento nitong si Zach. Reresetahan kita ng mga vitamins. Sa tingin ko naman is normal lang yun mga pagduduwal mo sa case mong yan. Basta keep eating healthy foods, have a good exercise na din intended for pregnant women like you. Makakatulong din yan", wika ng doktor.

My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon