Perfect Fit

46K 976 8
                                    

(Zach's POV)

She fell asleep already. Mukang naging habit na nya ang makatulog habang nasa byahe na kasama ako. I hate to wake her up but we need to find the dress for her.

"Alex, Alex. Princess, wake up!", mahinang tawag ko sa kanya na tila himbing na himbing.

"Mmm, ano ba? Kitang natutulog yun tao e", sagot nito na tila wala pa sa wisyo at nasa dreamland pa ang wisyo.

"Alex, you have to wake up. Andito na tayo sa store. You have to choose your dress for the event", sabi ko. Tila umepekto na ang panggigising ko dito nang magsimula na itong magmulat ng mga mata. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Alex nang mamulatan nya ako.

"Anong ginagawa mo?!", gulat na tanong nya sa akin.

"Nothing! I was just waking you up kasi andito na tayo sa store. Bibili tayo ng damit mo for the event, remember?" turan ko sa kanya.

At mukhang naalala naman ito ni Alex. Tumungo ito at hindi nakatakas sa paningin ko na pinamulahan na naman sya. Bagay na ikinatutuwa ko.

"Shall we?", yaya ko sa kanya.

Tumango lamang ito at sumunod sa kanya patungo sa store. Muli ay namangha na naman si Alex sa nakikita ng kanyang mga mata. Napakaraming damit ang ngayo'y nakabungad sa kanya. Iba't iba ng kulay, ng haba, ng style, ngunit lahat ay magaganda.

"Good afternoon, Sir Zach. Good afternoon, Miss.", bati ni Sally. Matagal na si Sally sa store na yun. Pag-aari ng isang family friend ang store kung kaya't sa twing mangangailangan kami ng mga ganung klase ng damit ay dito na kami tiwala.

"Good afternoon, Sally", bati ko sa kanya.

"Good afternoon", bati rin naman ni Alex. "Anu ba yan? Lahat na lang ba ng tao dito e kilala nya? Ganun ba talaga pag mayayaman?" usal naman ng isip ni Alex.

"You're doing it again Alex. What's running on that head of yours?", untag ko sa kanya.

"W-wala ah. Ikaw, kung ano ano kasing napapansin mo", sagot nito sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Well, Sally, we will be joining an event tomorrow and we need a dress for her. Can you assist her, please?" wika nito sa babae.

"Sure. This way, Miss?", sabi ni Sally.

Sandaling iniwan ni Sally si Alex. Kumukuha ito ng mga damit na kanyang susukatin. Samantala, ako nama'y naupo habang naghihintay na matapos sila sa kanilang ginagawa. Nagsimula ng magsukat si Alex ng mga damit.

"Care to show me Alex? Need help?", tanong ko kay Alex.

Binuksan naman ni Sally ang kurtina na tumatabing kay Alex. Namangha ako sa nakita ko. Si Alex wearing a long, black dress. It shows every curve of her body. It's sexy but not too revealing. Bagay na bagay sa ito sa kanya. At tamang tama lang sa height nya na 5'5". Her simplicity makes her more adorable. I'm thinking of how good it will be to have her in my arms. What? Am I falling for her? I can't find the answer.

"Sir Zach, what do you think?", tanong ni Sally na nakapagpabalik sa aking diwa.

"Okay lang ba tong suot ko, Sir? Hindi ba masyadong sexy naman to? Napili kasi to ni Sally. Ayoko sanang i-try pero sabi nya magugustuhan mo daw to", tanong ni Alex.

Hm, she wants to know how I would think with the dress she would wear. Napangiti naman ako.

"You're beautiful, Alex. I mean, the dress looks good on you", sambit ko.

"T-thank you sir.", Alex.

"Sabi ko sayo Miss e, magugustuhan nya yan", sabi naman ni Sally.

"Perfect fit!", wika ko na agad naman ikinapula ng mukha ni Alex.


My Coldhearted BossWhere stories live. Discover now