Swerte

152K 1.9K 72
                                    

"O-M-GGGGG!!!!!!", malakas na sigaw ni Alex.

First day sa bagong trabaho ni Alex and she is supposed to be in the office by 7:30AM. Yes, "SHE". Her full name was Alessandra De Dios, 24 yrs. Old. Ulilang lubos na si Alex at tanging ang Yaya na lang nya na si Nana Julia at ang asawa nitong si Tata Gustin ang kasama nya sa bahay. Buhat nang mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang ay ang mga ito na ang kumupkop sa kanya dahil nagkataong hindi naman nabiyayaan ng anak ang mga ito. Itinuring na sya ng mga itong parang tunay na anak at itinuring na rin naman nya ang mga itong parang tunay na magulang.

"Alex. Anong nangyari anak?", Nana Julia.

"Nanang, wala naman po. Hindi po ako nagising sa alarm ko e, mahuhuli na po ako. Unang araw ko po sa trabaho ngayon.", sagot ni Alex habang binabagtas ang daan patungo sa banyo.

"Dyaskeng bata ito. Hala, maligo na ng mabilis. Ipaghahain kita ng agahan mo", Nana Julia.

"Hindi na po Nanang. Dun na lang po ako sa opisina kakain. Asan na po si Tatang?", tanong ni Alex habang naliligo.

"Kung hindi ka dito mag-aagahan ay magbalot ka na lang. Naipagluto na kita ng agahan mo. Ang Tatang mo, hayun at nasa bukid na. Alam mo naman yun, kay agang magising at hindi mapakali sa kanyang mga tanim", ani ni Nana Julia.

Dali daling nagbihis si Alex ng kanyang uniporme at kinuha ang kanyang mga gamit. "Sa opisina na lang din ako mag-aayos", isip isip nya.

"Nang, alis na po ako. Tatawag na lang po ako sa inyo pagdating ko sa opisina. Salamat po sa baon. Labyu nang!", paalam ni Alex.

Lakad-takbo ang ginawa ni Alex tungo sa sakayan papunta sa opisina. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya, dala na rin ng pagod sa lakad-takbong ginagawa nya at dala ng kabang nararamdaman nya. Narinig nya kasing may kasungitan ang magiging boss nya. Narinig pa nya ang usapang tila pinagpupustahan kung gano sya tatagal sa pagiging secretary ng boss nya.

Nang marating na nya ang opisina, agad nyang hinanap si Lena, ang nakasabayan nya sa pag-aapply ng trabaho at kasabay ring natanggap tulad nya.

"Alex! Alex!", tawag ng isang babae. Agad namang nakilala ni Alex kung kanino nanggaling ang tinig na tumatawag sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang? Anyare sa'yo girl at daig mo pang sumali sa marathon? Hingal kabayo lang ang peg mo ah.", Lena

"Naku, di ako nagising sa alarm ko. Napuyat kasi ako sa kakabasa ng Wattpad kagabi. Ganda kasi ng story e. kakakilig.", sabi ni Alex.

"Naku ikaw talaga. Buti umabot ka. Tsaka swerte mo, wala pa daw yun boss natin kaya waiting pa tayo dito. Di ba nga, sabi nila, may kasungitan daw yun?", Lena.

"Ah mabuti naman pala. Ang swerte ko nga!", turan ni Alex.

Nakahinga ng maluwag si Alex nang malamang wala pa ang sinasabing masungit nilang boss.

"Masungit kaya talaga yun boss namin? Ano kayang itsura nya? Terror kaya sya? Matanda na siguro yun. Baka matandang binata? Baka may sakit? Ano ba yan, kung ano-anong naiisip ko. Dala na siguro to na di ako nakakain ng agahan. Bakit ba naman kasi di ako nagising sa alarm ko. Pero buti na lang, wala pa sya. Kung nagkataon, lagot agad ako nito." Isip ni Alex.

"Huy Alex! Ano pa bang inuupo upo mo riyan, tinatawag na tayo. Nananaginip ka yata ng gising eh!", untag ni Lena.

"Ay ganun ba! Sorry! San ba tayo?", tanong ni Alex.

"Asus, day dreaming ang peg mo girl. Lika na nga dun.", sambit ni Lena habang tumatawa.


My Coldhearted BossWhere stories live. Discover now