SLY {Fall for a Detective} [...

由 throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... 更多

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 6 - Shivers

1.8K 54 4
由 throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

All Rights Reserved

Copyright © 2013 throbbingheart


Case 6

Shivers

throbbingheart says: I gave my all in updating so hope you, guys will get to appreciate it. But it's fine if not :)

Dinelle's POV

"Hindi naging boring ang pagbabantay ko sa iyo, salamat sa notebook na iyon."

Nasapo ko ang noo ko at napayuko.

Napaka-mapakialam talaga nitong Detective Wanna Be na 'to e!!

"Tell me, is that notebook, yours?" he asked.

Inangat ko ang mukha ko at tinuro ko sya. "HINDI NO!! Kay Shel yon!!"

"Bakit nasa kama mo?" seryosong dagdag tanong nya.

Ibinaba ko ang kamay ko. "EDI NILAGAY NYA!!"

"Para basahin mo?"

"Gusto nyang ipabasa sa'kin pero h-hindi ko yun binasa no!!"

"Hindi nya yon ipapabasa sa'yo kung hindi ka interesado sa isa sa mga lalaki doon o.." he grinned. "sa akin."

"Haah! The nerve!! Ni kahit hawakan ang walang kwentang notebook na yon, hindi ko naisip!!"

"Edi hindi mo alam na madami na akong naging girlfriend?"

"Ang ginaw na nga, ang hangin mo pa!!! HINDI KA PA NGA NAGKAKA-GIRLFRIEND, ANG YABANG MO NA!!"

Tumawa sya ng mas malakas pa sa dati. Hinampas nya pa ako sa braso habang mamatay-matay kakatawa.

You're hopeless! Nakakaawa--

Unti-unting nag-sink in sa utak ko na inamin ko rin ang tinanggi ko kanina.

"Hindi mo binasa pero alam mong hindi pa ako nagkaka-girlfriend?" tanong nya habang hindi pa nawawala ang mga ngiti.

"S-Sinabi yon ni Shel sa akin!!!" depensa ko sa sarili ko.

Totoo naman.. na sinabi yon ni Shel ah!! Bago ko basahin yon alam ko nang hindi pa sya nagkaka-girlfriend!!

ö~ö~ö~ö

"Gusto mo bang sumama sa tour?" sabi nya habang papalapit na kami sa hotel.

Hindi ako sumagot. Baka mapahiya na naman ako. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng ipis na 'to!

"Matutuwa ang mga kaibigan mo kung makakasama ka nila kahit isang araw lang."

"Kaibigan?" I smirked, not looking at him.

ö~ö~ö~ö

A.M's POV

"San ka pupunta? Ang lakas-lakas ng ulan." sita ni Miss Shel sa'kin.

"M-May bibilhin lang po sa labas.."

"Ha? Madami tayong pagkain bakit bibili ka pa?"

"Ah.. ah.. hindi po pagkain bibilhin ko. Bibili po ako ng.. ng.. ng napkin." nag-init ang mga pisngi ko.

Waa! Bakit sa lahat ng palusot yun pa ang unang pumasok sa isip ko??

"Oh. May vendo machine dyan."

"M-Mahal po. Two hundred eighty po yung isang pack."

Buti na lang nabasa ko yung price kanina, five times ng original kasi nasa five star hotel din kami. Hahaha.

Kinuha ni Miss Shel yung bag nya at nilabas dun ang wallet nya.

"Naku Miss Shel! Hindi nyo po ako kailangang bigyan ng pera. Kaya ko naman pong lumabas. Sige po." tumango ako at nagmamadaling lumabas. Baka pigilan nya pa ako e.

Paglabas ko ng hotel.

WAAA!! Wala pala akong payong! Hindi na ako pwedeng bumalik baka hindi na ako makaalis.

(TT...TT)

Dahil wala na akong ibang pagpipilian, sumugod ako sa ulan para pumunta sa pinakamalapit na bus stop.

Habang tumatakbo ako, tumingin ako sa relo ko, 5:15am na pala.

Medyo malayo pa ang bus stop kaya binilisan ko pa ang takbo ko.

"Ahh!!" sa kinamalas-malasan, nadulas ako at nasira ang sandals ko.

(O_O )

HINDEEEE!!!!!!!!!!!

Nasugat ang binti ko at napaluha ako.

Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa nasira kong sandals.

::::::::::::

"Hindi ko sinasadyang maisama sa basura ang tsinelas mo." Kiel plainly said.

"Okay lang po. Mukha naman pong basura yon. Hayaan nyo na po." sabi ko habang sumisinghot.

"Tigilan mo nga ang pag-iyak mo. Nakakairita!"

"Wag nyo po akong pansinin. Ayos lang po ako." pero dire-diretso pa rin ang patak ng luha ko. Kasi naman galing pa yon sa lola ko, maraming alaala yon. Tas itatapon nya lang dahil napagkamalang basura?

Sino bang hindi maiiyak?

Dumukot sya ng pera sa wallet nya at iniabot sa akin. "Three thousand. Bumili ka ng bago."

"Ah.. wag na po.. wala na naman po akong mabibiling ganun e."

"Tss! BAHALA KA!!" Iniwan nya na ako at umakyat na sa kwarto nya.

Napahagulhol naman ako ng iyak pagkasara ng pinto nya.

Kinabukasan.. maaga kong pinagluto si Kiel ng almusal para magkulong na uli ako sa kwarto ko.

Nakatitig ako sa picture ng lola ko.

"Lola sorry ha? Naitapon ko po kasi yung tsinelas na paborito nyo. Sabi ko iingatan ko yun, pero.. pero *sobs* Lola I'm sorry."

I heard a deep sigh. Napalingon ako sa pinto.

"K-Kiel.."

"Sir Kiel!!" correction nya.

"Sir Kiel.. nandyan pala kayo.."

"Magbihis ka."

Niyuko ko ang suot ko. "Bakit po? Malaswa po ba ang suot ko?"

Mahaba naman ang tshirt ko ah? Tapos naka-jogging pants naman ako. Hindi naman kita yung cleavage ko. Hindi rin naman labas ang pusod ko. Teka, hindi rin naman ako naka-backless. At mas lalong hindi naman see-through ang damit ko.

"Sira ulo!! Magbihis ka!! Aalis tayo!!"

"E di'ba po Sunday ngayon? Saan po tayo pupunta?"

"Magbibihis ka ba o sisisantehin kita?!!"

Iyon na yata ang pinakamaligayang araw sa buhay ko dahil binilhan ako ni Kiel ng sandals.

::::::::::::

Tinanggal ko parehas ang sandals ko at binitbit na lang iyon. Malungkot akong naglakad sa ilalim ng ulan.

Hindi ko iniinda ang lamig at ang sakit ng binti ko. Mas naawa pa nga ako sa sinapit ng sandals ko kaysa sa sarili ko e.

ö~ö~ö~ö

"Hayaan mo, ipapa-ayos kita, promise yan! Pero sa ngayon kailangan ko munang asikasuhin ang tatay mo." sabi ko sa sandals ko na nasa lap ko, nakasakay na ako sa bus.

Parang anak na namin ni Kiel ang sandals na ito.

"Napakawalang kwenta ko bang nanay sa iyo? Sorry na. Basta wag kang maingay sa tatay mo na nasira kita ah? Malapit na tayo sa kanya."

Oo. Tumakas ako para puntahan si Kiel. Nag-aalala na kasi ako sa kanya. Hindi nun kayang ingatan ang sarili nya.

Pero okay lang responsibilidad ko na yun bilang alalay nya. ANG ALAGAAN SYA. Yeee!! Nakakakilig!

Bakit naman kasi pinagtulakan nya pa akong sumama na magsight-seeing e!! Nami-miss ko na tuloy sya.

"Nami-miss mo na rin bang tatay mo?" I pouts. "Iki-kiss natin sya mamaya." napahagikgik ako.

"Mommy!! Mommy!! Bakit tsinelas yung anak nya?" napatingin ako sa batang katapat ng upuan ko at nakatingin sya sa akin pati sa sandals ko.

"Nak, wag mong tingnan yan, baliw yan." iniharap nya sa kanya yung anak nya.

(-o-) "Grabe naman po kayo. Hindi naman ako baliw! Sobra naman po kayo. Tsaka bata! Hindi to tsinelas, sandals tawag dito! Sandals." sumimangot ako at tumingin na lang sa bintana.

"Mommy, bakit po sandals yung anak nung babae?"

Gusto ko pa sanang sagutin yung tanong nung bata kaya lang huminto na yung bus malapit sa hotel kung nasan si Kiel.

Tumayo na ako kaagad at bumaba.

6:00am na pagtingin ko uli sa relo ko

Pagtapak ko ng hotel hinarang ako ng guard.

"B-Bakit po?"

"Bawal namamalimos dito."

( >.<) "Hindi po ako pulubi! Grabe naman! Ang sakit nyo naman magsalita. Staff po ako dito, kasama po ako sa Team ni Kiel Navarro."

"Sorry Miss, hindi talaga kami nagpapapasok ng namamalimos."

Napapadyak ako at kinalkal yung basa kong back pack para hanapin ang Staff I.D ko nang mapahiya ang guard na 'to.

Pinalipitan ko muna yung ID lace bago iniharap sa kanya. "Ito po o."

Nagpabalik-balik pa ang tingin nya sa akin pati sa ID ko bago sya bumuo ng desisyon na papasukin ako.

Alam kong nasasaktan si Kiel ngayon. Naaalala ko pa ang nangyari kahapon.

::::::::::::

"Miss Din itutuloy ko na--" nilagpasan nya lang ako.

May nangyari kaya?

Mine-make-upan ko kasi sya kanina nang dumating si Kiel at pinaalis ako para daw makapag-usap sila.

Lumakad ako pabalik ng dressing room para itanong kay Kiel kung anong ginawa nya kay Miss Dinelle.

Mukha kasing malungkot si Miss Dinelle saka--

"B-Bakit po kayo umiiyak?" nagulat ako sa nakita ko. Nilapitan ko agad siya.

"Umalis ka dito!"

Sa taon na pinagsamahan namin ni Kiel. Ngayon ko lang sya nakitang umiiyak at.. naaawa ako sa kanya..

"Ano po bang problema?"

Gusto kong sabihin na nandito lang ako para sa kanya. Gusto kong pagaanin ang loob nya.

Tinalikuran nya ako at marahas na pinahid ang luha nya. "Hindi kita binabayaran para makialam."

Pagkatapos niyang sabihin yon, iniwan nya na ako.

::::::::::::

"Achuu!" bahin ko. Woo.. ang ginaw pala talaga.

Pagbukas ng elevator..

"Achuu~"

Ba't ba ako nagbabahin? Naiisip siguro ako ni Kiel. Yeee!! Sana magbahin pa ako.

Lumabas na ako ng elevator.

"Achuuu.."

Tinago ko na sa basa kong back pack yung anak naming sandals. Mahirap na, baka mapatay ako ng tatay nito.

Nilabas ko ang swipe card sa bulsa ko para buksan yung pinto.

The sight gave me shivers.

Puro dugo ang pader. Ang daming nagkalat na binasag sa lapag.

At si Kiel..

Si Kiel ay..

Napatakip ako sa bibig ko, halos maligo na sya sa dugo na nasa mga kamay nya. Nakaupo sya sa kama. Nakatulala habang lumuluha.

"Kiel.."

Tumingin sya pero hindi nagsasalita.

Napaluha din ako. "Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" this time hindi na ako gumamit ng 'po' at 'opo'

Lumakad ako palapit.

"Get out. No one needs you here!"

Pero nilapitan ko pa rin sya. "Ahh.. Aww.. Araaay ko.." may tumusok na bubog sa paa ko, dahilan para mapahinto ako.

"I TOLD YOU TO GET OUT!! ANG TIGAS KASI NG ULO MO E! BAKIT BA KASI NAKAYAPAK KA?!" napakalakas na sigaw nya.

Humakbang pa rin ako hanggang sa makalapit sa kanya. "Ayos ka lang ba? Ha? Pumunta na tayo sa ospital, kaysa hintayin pa natin ang paramedics team mo. Nandoon pa sila, at kailangan mo nang magamot." nakatingin ako sa kamay nya.

Tumayo sya.

"Kiel, wag nang matigas ang ulo mo. Makinig ka sa'kin."

"Alam mo ba ang posisyon mo sa buhay ko? Alalay ka lang! Ano ba sa akala mo?! Wala kang karapatang makialam o sabihan ako ng gagawin ko dahil mababa pa sa katulong ang tingin ko sa'yo!! Isaksak mo yan sa makitid mong utak!!"

Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Daig ko pang nasaksak ng maraming beses. Napakasakit ng mga salitang binitawan nya. Para bang pinamukha nya sa'kin kung gaano ako ka-walang kwenta. Kung magsalita sya parang hindi na tao ang kinakausap nya.

Tinalikuran nya ako pero humawak ako sa damit nya para pigilan sya sa paghakbang.

"Kiel.. kailangang.. magamot na yang kamay mo.."

Basa ako ng ulan, nanginginig na ako sa lamig. Nasugatan ang paa ko at nararamdaman ko ang hapdi. Narinig ko ang mga sinabi nya, sobrang sakit. Pero binalewala ko ang lahat-lahat at sya pa rin ang inalala ko.

"Tara na.. sa ospital--" nagkulay itim na lang bigla ang paligid, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"DIN!! NASASAKTAN AKOOO.."

"Talagang masasaktan ka Shellana Janina!!"

Kasalukuyan ko syang pinaghahampas ng notebook nyang kaparehas nyang walang kwenta.

"Tigilan mo na nga yan. Ang sakit na! Bakit mo ba ako hinahampas? Inaano ba kita?" she said those while pouting.

"E sa gusto kitang hampasin e! Pakialam mo naman?!!"

Alauna na at kakauwi lang nila. Sinalubong ba naman sa'kin ang nakaboteng tubig ng jacuzzi?

Ibinato ko ang notebook nya at dinampot ko ang pasalubong nya sa'king tubig.

"Inumin mo 'to.." tinanggal ko yung takip. "Isa!! Hindi mo iinumin?!"

"Mmm.. mmm" Umiling sya ng umiling at idiniin ang sarado ng bibig nya.

"Ipapaligo ko 'to sa'yo o iinumin mo?!" pilit na binubuksan ko ang bibig nya.

Inis na ibinaba ko yun sa side table nung maluha-luha na sya.

Kumuha ako ng unan at tinulak sya pahiga. Tinakpan ko ng unan ang mukha nya para hindi na sya makahinga.

Kriminal na kung kriminal. "Gaga ka! Kasalanan mo lahat 'to!! Dagdag populasyon ka lang sa mundo, lalong naghihirap ang Pilipinas sa'yo! Ba't ang tagal mong mamatay!!"

Tinatanggal nya ang unan sa mukha nya pero malas nya lang. Haah! Mas malakas yata ako sa kanya.

"Girls, di daw tuloy yung shoot.." sabi ng kapapasok na si Vexus.

Napalingon ako. "Bakit hindi tuloy?" tanong ko

Ibig sabihin magtatagal pa kami sa pesteng lugar na 'to?

"Wala si Direk e. Tumawag sya sa head staff na cancelled daw ang shoot kasi may pupuntahan daw sya." pagpapaliwanag ni Vexus.

Tumayo na ako. Nawalan na ako ng ganang pumatay.

"Ba't di nyo ako sinasali? Anong nilalaro nyo?"

"Patayan. Sige sali ka. Ako unang titira." I plainly answered.

I sighed. Habang nagtatagal ako dito, lalo ko lang naaalala si Mama.

Tumakbo si Shel sa kanya at yumakap. "Vexus, you're my saviour. I owe you my precious, gorgeous life!!"

ö~ö~ö~ö

Justin's POV

"Honey!! Where have you been?"

Napalingon ako. Isa lang naman ang tumatawag noon sa akin.

"Bakit hindi ka nagpapaalam sa'kin? Nag-alala ako." yumakap si Beatriz sa braso ko.

"San ang tour ngayon?" tanong ko.

"Sa museum. Boring nu? Gusto mo kumain na lang tayo sa Picnic Grove?"

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa braso ko. "Bee, kumain na ako."

Nilagpasan ko sya.

"Aano kaaa?" sumunod pa rin sya.

ö~ö~ö~ö

Inipon ni Maam Ysaac ang mga estudyante sa labas ng 'Days Hotel.' Nagbibigay sya ng instructions at konting intro tungkol sa museum na pupuntahan namin.

"PDA na yan ha! Mga pre! Ilayo nyo ako dito. Naiinggit ako." narinig kong sabi ni Reyjan kina Tim. Nilingon ko sila at sa akin sila nakatingin.

Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakayakap na naman ni Beatriz.

"Wala ka bang ibang masasamahan?" seryosong tanong ko.

"Kahit meron, gusto ko pa din sa tabi mo." ngumiti sya. "Ayaw mo ba akong kasama?"

I sighed.

"Din!"

Agad na napalingon ako sa likod. Tumakbo sila Ailyn, para lapitan si Suralvo.

I smiled to myself. Sabi na nga bang hindi nya matitiis ang mga kaibigan nya. Humakbang ako para lapitan sila pero hinila ako ni Beatriz pabalik.

"Stay here."

Nawala ang mga ngiti ko at napilitan akong bumalik.

"Friend!! Namiss kita.."

"Pupunta kami ngayon sa museum tapos sa Japanese Friendship Garden na katabi ng Picnic Grove. Excited na ako!!"

"Woo! Ailyn nga! Sabi mo kanina 'boring' dun?"

"Nagbabago mood nyan pag andito si Din eh. Sa bagay, ngayon lang tayo nakumpleto uli. Pag lumalabas kasi tayo, wala si Din e."

"Kailangan gawin nating memorable ang araw na 'to!"

Malayo, pero naririnig ko sila. Makikita mo sa mukha nila na masaya talaga sila. Hindi man ngumingiti si Suralvo o nagsasalita, maliwanag ang mukha nya.

Napatingin ako kay Beatriz nang hawakan nya ang kamay ko. "What?" tanong ko.

"You like her?" she's looking directly on my eyes.

"Like, who?"

"Her!! Dinelle, obviously!!" inis na sagot nya.

Umiling ako. "Hindi."

"Very well said. Then stop looking at her!!"

Napatingin ako sa lugar ni Suralvo. Pag alam kong nasa paligid lang sya, hindi ko maiwasang hindi sya tingnan.

Out of a sudden, I met her eyes. But she immediately looked away.

"Hindi.. hindi ako sigurado, pero yan ang susunod na kasong lulutasin ko."

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Uy Pete, kamukha ng idol mo yung painting o!" kung magcomment si Reyjan akala mo nabili na nya ang buong museum. Napakaingay!

"Bakit? Sino bang idol nya?" isa pa 'tong Ren na 'to! Tinanong pa ang magaling!!

"Si Vegeta. Tawag pa nga nya dun.. VEGETA BABES!" at humagalpak ng tawa si Reyjan.

Nandito kami ngayon sa isang museum. Cancelled kasi ang shoot kaya naisip kong dito na lang magpalipas ng oras. Ang sabi kasi ni Wanna Be bago nya ako iwan, ang hotel daw na tinutuluyan nila ay 'Days Hotel' kaya dun ako dumiretso. Lucky for me, hindi pa sila nakakaalis.

"Hindi si Vegeta ang idol nyan! Si Popo! Tawag nya pa dun POPS" banat pa ni Jun. At sabay-sabay na natawa sila nila Reyjan at Tim.

"Alululu, nagba-blush si Pete!" sakay pa ni Fai.

Hindi naman sila pinapansin ni Pete e. Si Pete ang pinakabihira magsalita sa kanila kaya palagi syang inaasar nitong mga luko-lukong 'to, akala ko nga dati pipi sya, nagulat nga ako nung biglang magsalita.

Nakita kong papalapit si Maam Ysaac sa'min. "Nag-aaral ba kayo?" mahinahon pero may diin sa bawat bigkas na tanong nya.

"Bakit po kami mag-aaral? May exam po?" tanong ni Reyjan.

"Para kayong mga walang pinag-aralan sa inaasal nyo, yan ba ang tinuturo ko sa inyo? Ang bastusin ang mga lugar dito?"

I heaved out a very deep sigh.

"Sorry po.." si Ailyn ang nagsalita.

"Hindi naman si Vegeta o si Popo ang idol ni Pete e. Kasi naman kayo." mahinang pinagalitan ni Phia ang tatlo.

"E sino?" tanong naman ni Fai.

"Si Piccolo.." sabat ni Tim, na ikinatawa nilang lahat maliban kay Ailyn at Pete.

Nakita kong namumula na si Maam Ysaac sa galit. Nung huling nangyari 'to, dalawang oras syang nagsermon.

Sa pula ng mukha nya, parang magiging apat na oras na yon. Umatras ako para lumayo na. Ayoko ngang maisama sa counselling!

But as soon as I stepped backwards, may paa akong natapakan. Kamuntik na akong mabuwal, pero may pamilyar na kamay na sumalo sa akin.

"Falling on me?" tanong ni Wanna Be sa nang-iinis na tono. Napakurap-kurap ako, nakakaduling ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

We can feel each other's breath.

Umiwas ako ng tingin at tumayo ng maayos.

"Napakalaki kasi ng paa mo! Tumabi-tabi ka nga!" hinawi ko sya at nilagpasan.

Wala akong panahon para sumali sa laro nila ni Beatriz. Haaah! Bee? Yun pala ang endearment nya sa ipis na yun! I heard it as we all entered this damn museum. Bee? May point rin naman sya dahil hindi naman nalalayo ang hitsura ni Beatriz sa bubuyog.

Naramdaman kong sumusunod pa rin sya sa akin. I just ignored him.

Bee? Bee ha? E kung BEEgwasan ko kaya sila parehas?!!

Huminto ako at lumingon. "Stop stalking me, stupid!" iritang-irita na ako. Hindi ko maintindihan pati ang sarili ko. Bakit ba parang gusto kong pumatay ng tao?!

"I'm not." umiling sya.

"E ano palang tawag sa ginagawa mo?!"

"Following?" tinaas-baba nya pa ang kilay.

Kung nakakapatay lang ang mga tingin. Malamang double dead na si Wanna Be!! I just don't understand!!! It looks like there's something going on between him and Beatriz, but why he's keeping it from everyone?!

Hindi pa nagkakagirlfriend? Okay!! Fine!!

"Following is stalking, moron!!" tumalikod na ako at lumakad palayo.

Malayu-layo na rin ang nalalakad ko dahil wala na akong nakikitang estudyante sa paligid. Wala akong balak huminto sa paglakad, magpatagalan kami ni Wanna Be, wala akong hamon na inuurungan!!

But seems like I had chewed my words as I had stopped because I saw the person I lose.

The reason of my happiness as well as sadness. The person who never gets tired of telling me everything's okay. Words are not enough to explain how much I've missed her.

I feel shivers as one tear falls on my cheek.

After twelve long years I saw Mama again.

-will be continued

throbbingheart says: Thanks for still reading. Ganun pa rin kahaba ang update, I just got rid of extra spaces. Dapat hindi ko pa muna 'to ipa-publish due to personal reason, but because of my facebook page admin BLUE, I couldn't wait to update. :)

This update was wholeheartedly dedicated to Aylalalalalabyew, my all time sis who supports and appreciate me as always. Sa kanya yung mahahabang comments every update :D You really have no idea how much you made me smile on your comments. Keep up the writing career.

继续阅读

You'll Also Like

13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
21.6M 750K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
965K 45.8K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...