My Coldhearted Boss

By jernetz16

1.8M 33.2K 484

Alex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secr... More

Swerte
Meeting the Boss
Intro sa Gyera
Endorsement Period Over
1st Meeting
Exhausting Week
The Bar
Slept at the Wrong House
Tahanan ng Prinsesa
Way to Paradise
Return of the Past
Meeting the Bestfriend
Perfect Fit
The Past and the Present Meets Up
Alex's Confession
Awkward
A Night with the Prince
Leaving Paraiso
Permiso
1st Move ng Prinsipe
What's the Real Score?
The Waiting has Ended
Ang Desperadang Ex
Protecting the Princess
Bad Moves ni Ex
The Captured Princess
Saving my Princess
Author's Note
Where's Alex?
Gaining Back the Memories
Memories Regained
Reunited with the Bestfriends
Fast Forward
The Proposal
The Wedding Preparation
Two Hearts Binded as ONE
Author's Note
Special Chapter

Kilig sa Paraiso

47.5K 911 12
By jernetz16

Zach and Alex started making their way to their first destination. Kitang kita ang excitement sa mga mata ni Alex. Hindi na sya makapaghintay. Nagkukwento palang si Zach tungkol sa mga pupuntahan nila ay tila hindi na magkaintindihan si Alex sa sobrang tuwa.

Nakarating na sina Alex at Zach. Nagbihis na sila para sa gagawin nilang snorkeling at scuba diving. Sobrang saya ni Alex. First time nyang gawin ito. At ang mas nakadagdag pa sa saya na nararamdaman nya ay yung hawak ni Zach ang kamay nya. Kilig na kilig si Alex. "E-enjoyin ko na to. Baka kasi hindi na maulit. Saka ko na lang iisipin yun mga ginawa ko nun event. Sa ngayon, focused na muna ako dito. I'll treasure every single moment habang solo ko pa sya", isip ni Alex.

They were advised by their guide to try "Shark Diving". Nung una ay ayaw ni Alex dahil natatakot daw sya.

"Don't worry Alex. It will be fine. I'm here with you. Just hold my hand and I assure you, I'll never let you go", wika ni Zach.

Kilig na kilig si Alex sa tinuran ni Zach. "Bakit parang may kahulugan ang sinabi nyang yun? May gusto din kaya sya sakin? Naah, daydreaming Alex! Wag kang assumera! Wag kang greedy. Makuntento ka sa kung anong meron ka ngayon. Expect expect ka, pagdating sa huli, ngangabels ka, sige ka!", kontra naman ng utak nya.

"S-sige. Ikaw, pag binitawan mo lang ako, paktay ka talaga sakin. Ipapakain kita talaga dyan sa pating", sabi ni Alex.

Natawa naman si Zach sa sinabing yun ni Alex. "OMG Zach, ang gwapo gwapo mo talaga. Lalo na pag ganyang tumatawa ka. How I wish you're really meant for me. Kaya lang, kita mo naman eksena natin di ba? Julalay mo lang ako. Ang yaman yaman mo naman kasi. As if naman magugustuhan mo ang tulad ko. Well, di naman ako kapangitan. May ganda din naman ako. Yun nga lang, I don't know kung pasok ba sa mga standards mo. Haay. Makalaglag panga ka talaga,Sir", isip ni Alex.

"Why do you keep on doing that? It seems like there's a lot going on behind your mind. I hope you can trust me with your thoughts someday, Alex", wika ni Zach.

"Bakit tila may humaplos sa aking puso nang banggitin nya ang mga salitang yon? Tila gusting matunaw ng puso ko. Para bang may nag-uudyok sakin na maniwalang may gusto rin sya sakin. That my coldhearted boss do care about me", isip ni Alex.

"Wala lang to Sir. Masyado lang kayong napaparanoid", sagot ni Alex.

"Drop the Sir Alex. Just call me Zach, can you?", tanong ni Zach.

"Ah-h, okay. As you wish-- Zach!", may ngiti sa labing turan ni Alex.

Maghapong nag-enjoy sina Alex at Zach. Sobrang appreciated ni Alex ang lahat ng mga nakikita nya. She was so blessed to experience these wonders of nature. Sobrang thankful sya at nabigyan sya ng pagkakataon na magawa ang mga ito kasama ang pinakamamahal nyang si Zach. Although it may be a one-sided love but still, Alex chose to embrace kung anuman ang meron sila ngayon.

Habang nasa byahe ay panay ang bida ni Alex sa sobrang kasayahang nararamdaman nya. Panay ang pasalamat nya kay Zach for letting her experience everything they did the whole day. Magdidilim na ng makauwi sina Alex at Zach sa mansyon.

"Zach, thank you so much. Sobrang appreciated ko talaga tong experience na to. Ang saya ko lang talaga, promise! Thank you talaga ha?", ani ni Alex.

"Unlimited ba yang thank you mo? Kanina pa yan ah. Mamaya nyan, sisingilin na kita, sige ka!", turan ni Zach.

"Ay sobra naman to. Nagpapasalamat na nga ko, sisingilin pa ba daw ako", Alex said while pouting her lips. Natawa naman si Zach sa inasta nito.

"Just kidding! Are you hungry? I'll cook for us?", tanong ni Zach.

"Ay oo nga pala. Wala nga pala silang lahat. Hm, sige, tulong na din ako. Pero di lahat. Di kasi ako marunong magluto ih", nakangiting sagot naman ni Alex.

"Sige, I'll teach you then. Kawawa naman ako, este ang magiging asawa mo pala kung di ka marunong magluto. Magugutom ang pamilya mo nyan", pabirong sabi ni Zach.

"I heard that. Tsk! Wag mo kong biruin nang ganyan, baka patulan kita, haha!", biro din ni Alex.

"Pano kung hindi naman ako nagbibiro?, seryosong tanong ni Zach.

"Natulala naman si Alex sa sinabing iyon ni Zach. Hindi nya alam kung pano magre-react. Hindi nya kasi alam kung totoo ba ang sinasabi nito o parte lamang ng pagbibiro nitosa kanya.

"Naku, lika na nga, magsimula na tayong magluto. Nagugutom na kasi ako e", iwas na sagot ni Alex. Akmang lalakad na si Alex papunta sa kitchen nang maramdaman nya ang kamay ni Zach sa kanyang braso. Agad naman syang napalingon dito at nagkalapit ang kanilang mga mukha.

"B-b-akit Zach? May kailangan ka ba?", utal-utal na tanong ni Alex. Naiilang sya sa sitwasyon nilang yon ni Zach. Hindi tuloy sya magkaintindihan kung pano iiwas ng tingin dahil sobrang lapit talaga ng mukha nila sa isa't isa.

"I like you Alex. In fact, I love you already. It took a hard time before I have to admit it. At kailangan pang ikaw ang mauna kesa sakin. I admired you more nun nagawa mong mag-confess ng nararamdaman mo para sakin, although nalasing ka non. But, I pity myself as well kasi ikaw, you had the guts to admit your feelings, pero ako, heto, nagpadala sa takot kong magtiwala. Hindi ko agad naisip na hindi naman lahat ay kagaya ni Monique. Ahm, well, di mo pala alam ang storya namin. But, I'm sorry Alex. I'm sorry for not telling you soon. But now, I want to tell you, I love you Alex. I really, really love you", pagtatapat ni Zach.

Hindi namalayan ni Alex ang mga luhang unti-unti nang naglandas sa kanyang mga pisngi. Hindi nya maintindihan kung ano ang nararamdaman nya. Magkakahalong tuwa, kilig, at takot. Takot na baka panaginip lang ang lahat ng nagaganap ngayon. Na bukas, paggising nya, balewala na ang lahat.

"T-totoo ba to? Hindi ba to isang panaginip lang? T-totoo b-ba ang lahat ng narinig ko? Mm-mahal mo d-din ako? Mahal mo din ako Zach?" sunod sunod na tanong ni Alex.

Zach kissed Alex softly in the lips. It was a sweet and a very tender kiss they shared. After the kiss, nakangiting humarap si Zach kay Alex at sinabing, "Oo Alex. Mahal na mahal kita. And I can't afford to lose you now. Kaya gagawin ko ang lahat mapasagot lang kita. I've met your parents already and I know kung gaano ka nila kamahal at iniingatan. I wanted to prove to them na malinis ang intensyon ko para sayo. At ayoko ring madaliin ka. Although, you have already confessed your feelings for me, hihintayin ko pa rin yun pagkakataong handa ka ng buong tiwalang ipagkaloob sakin ang puso mo".

Buong higpit na napayakap si Alex kay Zach. Hindi nya lubos maisip na magkakagusto rin ito sa kanya. Ang bawat salitang sinabi nito ay tumagos lahat sa kanyang puso. Lalo pa nyang naramdaman sa sarili kung gano nya kamahal si Zach.


Continue Reading

You'll Also Like

70.7K 1.1K 37
Anong gagawin mo kapag nalaman mong Rebound ka lang pala? She is Sheena Liana Cruz Lee. Will she follow her Heart? Or she will give up all the thing...
3.1K 14 5
UNEDITED... - Babala, kung ayaw mo sa mga taong maraming tinatagong sikreto ay 'wag mong basahin ito, dahil tiyak na maiinis lang kayo. Pero kung gus...
1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...