Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 34

521K 13.5K 7.3K
By alyloony

Chapter 34


[Ice's POV]


"Pre, maupo ka dyan," utos sa akin ni Jasper habang nakaturo sa sofa sa harap namin.

"O eto uminom ka," sabi naman ni Ayen sabay abot sa akin ng isang bote ng beer.

"Uhmm... kay Timi yung beer. Baka magalit siya."

"Sus hindi 'yan pre!" sabi naman ni William. "Kailangan natin ng isang ma-boteng usapan ngayon."

Naupo si Ayen sa tapat ko at tinignan ako ng seryoso. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka-seryoso.

"Kayo na ni Timi?"

Tumango ako, "oo. Kagabi lang."

"May nangyari sa inyo?" tanong naman ni Jasper

"Wala nga sabi. Magkatabi lang kaming natulog. Yun lang."

"Sure?" tanong ni Ayen na parang hindi naniniwala sa akin.

"Oo nga sabi," medyo naiinis nang sagot ko.

"Paano kami makakasigurado?" sabi ni William na ngayon eh umiinom na rin ng beer.

Napabuntong hininga ako.

"Hindi niyo ba kami pinagkakatiwalaan?"

"May tiwala kami sa'yo Ice," sabi ni Ayen. "Kay Timi wala."

"May pagka wild pa naman yun," pag sang-ayon ni Jasper.

"Sure kang hindi ka niya ginahasa?" tanong ni William.

Nginitian ko sila, "masyadong wild ang tingin niyo kayo Timi."

Tumango lang yung tatlo.

Hindi nila alam na kagabi, mas delikado si Timi sa akin. Kung alam lang niya kung gaanong ka-tinding self control ang ginawa ko. Grabeng pagsubok ang binigay niya sa akin. Kung alam lang niya kung gaano katindi ang epekto ng mga pinag gagagawa niya.

Halos hindi ako nakatulog kagabi. Pinilit ko. Pero paano ka ba naman makakatulog kung ang katabi mo ay ang babaeng pinakamamahal mo?

Hindi siya aware kung gaano siya kaganda habang natutulog. Yung ang amo ng mukha niya, tapos ang pula pula ng labi niya.

And for pete's sake! She's wearing a spaghetti strap top. At hindi ba siya aware kung gaano kanipis ang suot niya?

Kinailangan ko pang itaas ng husto ang kumot hanggang baba niya para maiwasan ko lang mapatingin sa....sa maputi niyang braso!

Halos mabaliw ako kagabi.

Nagpapasalamat lang talaga ako nan aka pajama siya nun at hindi ko kita ang legs niya kundi patay na. Masasaniban na ako ng masamang espirito.

Siguro hangga't hindi pa pwede, iiwasan ko muna ang tabihan siya. Mahirap na baka masagad ang self control ko.

Yung babaeng yun pa naman ang hilig hilig mang tempt.

"Pero eto pare seryosong tanong," sabi ni William. "Mahal mo talaga si Timi?"

Tinignan ko siya ng seryoso, "oo. Sobra."

"Hindi mo na gagawin ulit ang ginawa mo sa kanya noon?" tanong naman ni Ayen.

"Hindi na. Hinding hinding hindi na kahit anong mangyari. Ikamamatay ko kapag nasaktan ulit siya ng ganun."

Ibinaling ko ang tingin ko kay William and gave him a meaningful look. Ibinalik niya ang tingin sa akin.

Alam kong naiintindihan niya ako. Alam kong naiintindihan niya na kaya ko nagawa iyon dati ay para protektahan pareho si Erin at si Timi.

Pero kahit ganun, mali na na itago pa kay Timi ang nangyari.

I need to talk to Erin.

"Ice, pare.."

Napalingon ako kay Jasper na seryoso na ring nakatingin sa akin.

"Si Timi, alam kong maganda ang kaibigan namin na 'yan. Oo, maraming nanligaw sa kanya. Marami siyang naging boyfriend. Oo, siguro sa mata mo ang perpekto niya. But that's not the case. Si Timi, katulad din ng iba, may mga flaws din siya. Madaling mag init ang ulo niyan, matalas ang dila kapag nagsalita. Minsan pag sobrang galit siya, nakakapagbitiw yan ng sobrang masasakit na salita. May pagka spoiled din. Only child eh. Pero kahit ganun, sana pati yung negative side niya, tanggapin mo ah?"

Biglang napa-hinga ng malalim si Jasper at iniwas niya ang tingin sa akin.

"Kasi ayokong maranasan niya na masaktan dahil hindi siya tanggap ng buo ng mahal niya. Alam ko kung gaano kasakit yun, Ice. Yung pakiramdam na nanliliit ka sa sarili mo kasi hindi ka perpekto sa mata ng mahal mo? Masakit yun at ayokong maranasan ni Timi yun."

Tumango ako.

"Mahal ko siya nang buong buo kasi kung hindi, hindi ako magaaksaya ng panahong paghirapan siya."

Ngumiti si Jasper, "at least nagkakaintindihan tayo."

"Matagal pa ba kayo?"

Pare-pareho kaming napalingon kay Timi na papalapit sa amin habang naka-pamewang at naka-kunot ang noo.

"Hindi ka talaga marunong pagsabihan na doon ka lang sa kwarto mo 'no?" tanong ni Ayen sa kanya.

"Eh nagugutom na ako eh!"

"Pagluluto kita ng pancake," sabi ko naman sa kanya.

Nginitian niya ako, "wag na. Maupo ka na lang dyan. Ako na bahala."

"Timi nandito rin kaming mga kaibigan mo ah? Wag mo kaming kakalimutan porket may boyfriend ka na!" sabi naman ni Jasper.

"Oo na! Ito na!"

Napangiti na lang ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa kusina.

"Wag ka munang ngumiti pre, hindi pa tapos ang unos na pagdaraanan mo," sabi ni Ayen.

"Huh?"

"Introduction pa lang kaming tatlo. Hindi ka pa nabibirahan ng tanong ni Geo. Pero maghanda ka ng husto sa tatay ni Timi," sabi naman ni William.

"Sus. Si Tito Stephen pa?" iiling-iling na sabi ni Jasper. "Manok ka nga non pero matindi yun. Good luck pre."

Napalunok na lang ako.

Mag hahanda na ba ako ng speech?

~*~

[Timi's POV]

Pagsasabihan ko nga 'tong si Rika na ibahin na ang password ng condo namin nang hindi na basta basta nakakapasok ang EndMira rito. Jusko naman.

"Ba't nga pala kayo sumugod dito?" tanong ko sa kanila habang nag-aalmusal kami.

Mga nakikain pa. Jusko.

"Kailangan nating gumawa ng paraan para sumaya si Geo," sabi ni Ayen habang punong-puno ang bibig.

Hinampas ko siya, "umayos ka nga ng kain. Ang baboy mo!"

"Ang sarap mo kasi magluto, chef," sabi naman niya sabay kindat. Napa-iling na lang ako.

Kinuwento nila na hindi pa rin nagpaparamdam si Geo sa kanila. Pinuntahan nila sa bahay kagabi pero sobrang tamlay. Ang wasted ng itsura. Hindi naman nakainom pero maga ang mata.

Hindi nila mapilit lumabas.

"Sinabi ko na sa kanya na pupunta kami sa bar na alam ko. Yung maraming magagandang babae. Kaso ayaw!" sabi naman ni Jasper.

Binatukan ko nga.

"Tigilan mo 'yan ha? Wag na wag mong dadalhin si Geo sa lugar kung saan nakalat ang STD! Sasapakin kita!"

"Oy grabe ka! Malilinis yung mga yun. Karamihan sa kanila mayayaman pa!" pagmamayabang ni Jasper. "Pareng Ice, sama ka sa akin minsan doon," sabi naman niya kay Ice sabay akbay.

Agad kong hinila siy Ice papalapit sa akin at niyakap ko.

"Hands off sa boyfriend ko!"

Napangiti ng malawak si Ice.

"Anong nginingiti mo dyan ha? Kesa ngumiti ka, humindi ka kaya muna kay Jasper?"

Tinignan ni Ice si Jasper, "sorry pre, hindi ako makakasama sa'yo dyan. May Timi na 'ko eh."

"Bwiset naiinggit ako sa kanila, pre!" sabi naman ni William kay Ayen.

"Sabi kasi sa'yo, tayong dalawa na lang."

"Halika nga dito!"

At niyakap ni William si Ayen.

Pare-pareho kaming nagtawanan.

"Mga hayop! Tigilan niyo yan mamaya maging totohanan na yan!" sabi ni Jasper.

"Pare hindi mo ba napapansin yung mga tingin ko sa'yo nung sabay tayong naligo?" sabi ni William kay Jasper.

"Bwiset! Nakakadiri ka tol!"

"I love you too, pare!"

Napailing na lang ako sa mga 'to habang tatawa-tawa.

"Buti hindi sumasakit ang ulo mo sa kanila samantalang halos araw araw mo silang kasama," bulong ko kay Ice.

Umiling siya habang nakangiti, "magulo, maingay, pero masaya naman silang kasama eh. At tunay silang kaibigan. Nakakatuwa na sila ang pinili mo. Pinapahalagahan ka talaga nila."

Ngumiti rin ako.

Maswerte talaga ako sa mga 'to.

Nauna nang umalis yung tatlo samantalang si Ice naman, tinulungan pa akong magligpit ng mga pinagkainan.

"Pa-good shot?" nakangiti kong sabi sa kanya habang iti-nataob niya yung mga pinggan sa lagayan.

"Hindi naman. Nag p-practice lang sa buhay may asawa," pagbibiro niya.

"Nga pala Ice, pwede ka ba sa Sunday?"

"Hmm, oo, siguro. Why?"

"Kanina nung naguusap kayo nina Jasper, tinawagan ko na sina daddy para...you know."

Natigilan si Ice sa ginagawa niya at kita ko na napalunok siya.

"Gusto ka raw nilang makausap."

"G-ganun ba? Sige go ako! Sunday? Sure."

Ngumiti ako.

"Sure talaga?"

"O-oo!"

"Eh ba't pinagpapawisan ka?"

"Mainit."

Sus. Favorite niyang palusot.

"Don't worry Ice, hindi naman nangangagat si daddy."

"Y-yeah, I-I know. Confident ako."

"Good," tumango ako. "Yung huling lalaki kasi na nagpunta sa bahay namin, hindi na nakabalik. Natakot ata nung inilabas ni daddy yung baril niya."

Halos mapatawa ako nang makita kong namutla si Ice. Hindi naman totoo ang sinabi ko. Sadyang ang sarap sarap lang asarin nito.

Ayokong maging confident siya masyado.

Kasi alam kong ngayon pa lang, pasado na siya kay daddy. Yung saya lang ni daddy nung sabihin ko sa kanya eh.

But for now, hayaan muna natin kabahan ang Ice ko.


~*~


[Ayen's POV]

Ilang beses akong napabuntong-hininga habang nakasandal ako sa kotse ko at may iniintay.

Sila na.

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Alam ko naman na doon na hahantong iyon. Alam ko na magiging si Timi at si Ice. Umpisa pa lang nung umuwi si Timi galing Paris, ramdam ko na mahal pa rin niya si Ice.

I like Ice for her. Alam kong maalagaan niya si Timi.

Kaya nga pinigilan ko ang nararamdaman ko eh.

She's my friend. At kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo, alam kong hanggang doon na lang yun.

Pero hindi ko inakalang magiging ganito ka-pasaway ang puso ko.

Kelan ba nagsimula? Siguro yung madalas na kaming dalawa lang ang magkasama dahil busy na palagi ang EndMira?

O siguro yung araw mismo na umuwi siya sa Pinas galing Paris? God knows kung gaano ko siya namiss.

Pero sinubukan ko talagang pigilan. Umpisa pa lang, itinatak ko na sa kukote ko na sa heartbreak lang ang bagsak nito.

At tama nga naman ako 'di ba?

Oo masaya ako para sa kanya.

Pero ang sakit pa rin.

Nakita kong naglalakad si Ice papunta sa kotse niya. Napahinto siya nang makita niya ako.

"Ayen? Akala ko sumabay ka na kina Jasper," sabi niya.

"May nakalimutan lang akong sabihin sa'yo."

"Ano yun?"

Nilapitan ko siya at tinapik sa braso, "wag na wag na wag mo na ulit sasaktan si Timi kundi patay ka talaga sa akin."

"Ayen.."

Nginitian ko siya, "at congratulations. You deserve each other."

Napangiti si Ice, "salamat ah?"

Tumango lang ako at pumasok na ako sa kotse ko.

Bumuntong hininga ako.

Makaka-move on din ako. Pero bago ang lahat, kailangan ko muna siyang sulatan ng kanta para kahit papaano, kahit indirectly, maparating ko man lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tama.

Susulatan ko siya ng kanta at pagkatapos nun, mag m-move on na talaga ako.

Biglang nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag,

Mia

Calling....

Napailing na lang ako.

Panira talaga ng pag e-emote ang babaeng 'to kahit kelan.

Sinagot ko yung tawag niya.

"Ano na naman ang kailangan mo?"

"H-hi po, Ayen! Ahmm, ano po kasi, may favor sana akong hihingin?"

"Ayoko."

"S-sige na please? G-gagawin ko lahat! Please? Pakinggan mo lang? Sige na. Ipagluluto kita. Ililibre kita ng lunch. Please?"

"So talagang bina-bribe mo ako ng pagkain?"

"H-hindi naman. Pero please Ayen. H-hindi ko alam ba't parang inis na inis ka sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa'yo. Pero kung ano man yun, I'm so sorry. Sana tulungan mo ako. I need you. Please, please, please."

Napahinga na lang ako ng malalim at napakamot sa ulo.

"Sige na. Nasaan ka ba?"

"Oh my gosh! Yes! Yes! Thank you Lord! The best ka! Ah, nandito ako sa coffee shop sa lobby ng office! Iintayin kita!"

"Bye."

I ended the call at napailing na lang ako.

Mga babae talaga ang sakit sa ulo. Buti pa ang pagkain.


~*~


[Erin's POV]

Matangos na ilong, may dimple sa kaliwang pisngi, touseled hair, medyo brownish ang mata..

Napahinto ako bigla nang matauhan ako sa kung sino na ang ginuguhit ko.

Agad ko itong pinunit sa pad ko, nilukot at itinapon sa basurahan.

Ano ba 'to! Bakit ko iginuguhit ang mukha ng lalaking yun? Bakit?! Bakit!

Napapikit ako at parang nag-replay na naman sa utak ko ang ginawa niya.

Nung araw ng concert nila hindi ako pumunta dahil ayokong makita si Timi. Pero ang ginawa niya? Pinuntahan niya ako dito sa bahay mismo para kantahan ako.

Kung hindi raw ako nakapunta, dadalhin na lang niya ang concert dito sa amin.

Napatakip ako ng tenga. Bakit naririnig ko ang boses niya?

Ayoko.

Ayokong mapalapit sa kanya. Ayokong maapektuhan sa kanya.

Ayokong magkaroon siya ng pwesto sa puso ko.

Dahil lahat ng taong nagiging malapit sa akin, lahat ng taong minamahal ko, iniiwan ako, niloloko ako.

Laging hindi sapat.

Laging ako na lang ang mas nagmamahal at nagpapahalaga.

Ayoko.

Ayokong dumating sa punto na pati siya may kakayahan na ring saktan ako ng husto.

Mas mabuti nang mag-isa ako.

Sanay na naman ako eh.

Ayoko na nang iba.

To be continued...


Aly's Note:


Nakapag decide na ako sa magiging title ng story ni Jasper! Wag kayong mag-alala, hindi ito JUST FOR YOU. Hahahaha

"Sana" ang magiging title ng story niya.

Oo! Wala doon sa pinagpilian! Nyahahaha. Natatawa kasi ako sa comments eh. Binase niyo sa title ang magiging "end game" ni Jasper. Kaya ayan, Sana. Mahulaan niyo SANA. XD

Charot. Naka-plan na lahat nang mangyayari sa storya niya don't worry. Basta, alam kong love niyo si Jasper kaya naman ibibigay ko siya sa taong "deserving" para sa kanya. Makikita niyo rin naman sa mismong story niya kung sino ang deserving kaya wag muna pagbasehan ang mga nangyayari rito sa Game Over. Sana ay magtiwala kayo sa akin.


Ayun lang <3


SPECIAL SHOUT OUT SA MGA MEMBERS NG TAMBAYAN GROUP. Iwasan po natin mag post ng spoilers para hindi ma-spoil yung mga 'di pa nakakabasa ng update! Wahahahaha XD




Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
30.8K 289 6
The reason why I'm writing.