Chapter 36

457K 12.8K 1.6K
                                    

Chapter 36

[Timi's POV]

"Kite?"

Naka-ngiting lumapit sa akin si Kite.

"Hi Timi! How are you?"

"What are you doing here?"

"Masama na ba akong dumalaw porket may boyfriend ka na?"

Natigilan ako sa sinabi ni Kite. Alam na niya na kami na ni Ice.

"Ice told me," dagdag ni Kite.

"I-I see..."

"Tara coffee? My treat!" ngiting-ngiti na sabi ni Kite.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang isasagot ko. I know Kite is my friend. Pero alam ko rin kung ano ang nararamdaman niya para sa akin kaya naman napapaisip ako kung dapat pa ba na sumama ako sa kanya.

"Timi," ipinatong ni Kite ang kamay niya sa ulo ko. "Don't worry. I'm not making a move on you. Gusto ko lang mag kape. Wag kang magalala, ipinaalam na kita kay Ice bago pa ako pumunta rito."

"T-talaga?"

"Oo naman. May respeto ako sa pinsan ko at lalo na sa relasyon niyo okay?"

Nginitian ko siya.

"Thank you Kite."

"Sus. Halika na nga!"

Dinala ako ni Kite doon sa café niya. Kaya pala ang lakas ng loob magsabi na treat niya dahil doon din naman niya eh dito rin naman niya ako dadalhin.

"Kamusta yung pesto? Mas okay 'no? Inimprove ko yung recipe eh," sabi niya habang kumakain kami.

"Umamin ka, kaya mo ako dinala rito para ipa-try na naman yung bagong recipe mo 'no?"

He grinned, "ganun na nga. Tsaka para malaman mo na mas lamang pa rin ang cooking skills ko kesa sa'yo."

Napailing ako, "walang-wala ka pa sa level ko. Pero masarap ka naman magluto kaya okay lang yun."

"Ang yabang mo ah? Natikman ko yung desserts sa restaurant mo, mas masarap pa rin yung dito sa café ko."

"Oo na! Pagdating sa desserts talo na ako!"

He chuckled.

"Timi."

"Hmm?"

"I'm glad okay na kayo ni Ice."

Napa-angat ang tingin ko kay Kite. He's looking at me seriously.

"Well, na-basted man ako, at least masaya na ang lovelife mo 'di ba?"

"Kite..."

"And oh, I forgot to tell you na naka-move on na ako sa'yo. Kaya ang tagal kong hindi nagpakita sa'yo dahil inaayos ko na ang buhay ko. Dati nung nagpunta kang Paris, hirap na hirap akong kalimutan ka. Pero ngayon, ang bilis ko na nagawa. Iba pa rin pala talaga kung tanggap mo na sa sarili mo na wala na talaga."

He smiled at me.

Hindi yung mapagpanggap. Walang halong bitterness.

His smile is genuine.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon