Chapter 5 (2/9/15)

680K 17.2K 1.7K
                                    

Chapter 5

 

[Timi’s POV]

 

“So, how’s the food?” naka-ngiting tanong sa akin ni Kite habang naka-pangalumbaba.

            Napangiti rin ako, “you are now my official business rival.”

            Pareho kaming napatawa ni Kite.

            Nandito ako ngayon sa newly opened na café ni Kite. Old Manila ang exterior samantalang dito sa loob, para kang nasa mini library dahil napapaligiran ng mga shelves ng libro ang loob ng café. Homey rin ang feel plus I must admit, ang sarap ng pasta and pastries nila.

            Hindi ko akalain na papasukin din nitong si Kite ang food industry.

            “So, kamusta naman ang limang taong pagtatago mo sa France?”

            Sinimangutan ko siya, “hindi ako nagtago ‘no.”

            “Okay if you say so. So may boyfriend ka na ba ngayon?”

            Napangiti ako bigla sa tanong niya, “and why are you asking?”

            “Wala lang,” nag kibit balikat siya, “baka kasi pwede kang pormahan.”

            Napatawa ako ng mahina habang i-iling-iling.

            “Hindi ka talaga nagbago, Kite.”

            “But you’ve changed a lot Timi.”

            “Pangalawang beses ko nang narinig ‘yan ngayong araw.”

            “Lemme guess. Sinabi rin yan sa’yo ng pinsan kong yelo?”

            Napangiwi ako sa tanong niya. Ayokong maalala si Ice. Ayokong maalala lahat ng binitiwan kong mga salita sa kanya kanina.

            Ayokong maalala yung pakiramdam.

            “Balita ko, bawal ka nang tawaging Timi?” pag-iiba ni Kite ng tanong niya. “Should I call you Ms. Stephanie now?”

            Napatawa ulit ako sa sinabi niya, “sira! Para lang yun sa mga hindi ko ka-close. You can still call me Timi.”

            “Wow. Ibig sabihin mas lamang na ako kay Ice ngayon.”

            “Kite, let’s not talk about him okay? Matagal ko na siyang tinanggal sa buhay ko. Kung nag-uusap kami ngayon, it’s all about business, wala nang iba.”

            Iniba na namin ang topic namin at nauwi naman kami sa business. Kahit papaano na-miss ko rin itong si Kite. Sa five years na pamamalagi ko sa France, lagi kaming may communication dalawa. Mas madalas ko pa nga siyang makausap kesa sa ibang EndMira eh. At masaya rin ako na kahit hindi naging maganda ang relasyon namin ng pinsan niya, at least okay kami ngayon.

            Ang problema lang, maya’t-maya siya nagpaparamdam sa akin.

            Kite’s a nice guy. Kahit na playboy ang tingin sa kanya ng iba, nakilala ko ang tunay na siya. I know if I give him a chance, gagawin niya ang lahat mapasaya lang ako.

            But the thing is, ayoko muna ng commitment. Ayoko ng relationship. Sa limang taong pagkawala ko, napatunayan kong mas masaya ko kapag single ako.

            Sakit sa ulo lang yang pag-ibig na yan.

            At kung sakali mang ma-i-inlove ulit ako, ayoko doon sa taong may malaking koneksyon kay Ice.

            “By the way Timi, how’s Rika? Ang tagal ko nang walang balita sa kanya. Nandito na rin ba siya sa Philippines?”

            “Yep. She’s in Cebu right now. Kasama niya ang father niya and oo nga pala, okay na sila ngayon.”

            Napatango na lang si Kite sa sinabi ko.

            “Hindi na yung nagpaparamdam,” halos pabulong niyang sabi.

            Napangiti ako sa kanya, “baka kasi pag nakita mo siya, bigla kang magsisi.”

            “Huh?”

            “Wala! Sabi ko I need to go at naku pupunta pa ako sa bahay nina mommy at kauuwi lang nila. I badly want to see them.”

            “Okay then, hatid na kita sa parking lot?”

            Sabay kaming naglakad sa parking lot at hinintay ako ni Kite na makakapasok sa kotse ko. I started the engine at paalis na sana ako nang kinatok niya ang ako kaya naman ibinaba ko ang bintana ko.

            “Yes?”

            He smiled at me, “Timi, I just want you to know na hindi pa rin ako sumusuko sa’yo. I still want you to be mine.”

            “Kite---“

            “---because I really, really like you. Hanggang ngayon.”

            Bigla akong natigilan sa sinabi niya. But before I could blink or even utter a word, nginitian niya ako at umalis na.

To be continued...

***


Author's Note:


Readers ipagpatawad niyo kung maikli ang update. At sorry rin kung hindi ako madalas makapag update lately. Sobrang busy lang talaga ni author. Sana po'y inyong maintindihan. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako ganito and I'm trying my best na wag mag hiatus ulit kasi mawawala ako ng 10 days sa March eh hahaha (pupunta ako sa dream place ko ng sampung araw)

Pero sorry talaga kung mabagal ang updates. May mga bagay kasi ako na dapat i-priority lately. Salamat sa pag-intindi.

Nga pala, may event ang PSICOM sa February 14 sa SM Megamall at kasama ako doon. Doon na rin i-o-out ang spin off ng My Prince na Reaching You. Kung sakaling wala kayong ka-date nun, tara kita-kits na lang sa event XD *ehem* nandoon din si ABRA *ehem* (Check PSICOM's page for more details)

-- Aly A.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon