Chapter 21

573K 16.1K 5.5K
                                    

Chapter 21


[Ice's POV]


"Oh Ice, what are you doing here?" gulat na tanong ni Rika nang pag-buksan niya ako ng pinto ng condo unit nila.

"I need your help."

"Why? What's wrong?"

Tinaas ko yung dalawang stufftoy na hawak ko.

"Anong magugustuhan ni Timi? I'm really confused, Rika. Help me!"

Tinignan ni Rika ang dalawang stuffed toy na hawak ko at ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

"Rika?"

Bigla siyang humagalpak ng tawa.

"Seriously Ice?! Oh my god! I can't--!!" at hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil humagalpak na naman uli siya ng tawa.

Kinunutan ko siya ng noo.

"Anong nakakatawa!"

Hindi niya ako pinansin at pilit niyang pinapakalma ang sarili niya kakatawa.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

Sabi na eh! Eto talaga ang kinakatakot ko. Hindi niya ba alam na kaya siya ang pinili kong puntahan kasi umaasa akong hindi niya ako tatawanan at aasarin? Hindi ko nga magawang tanungin ang mga ka-banda ko kasi kung anu-ano ang sasabihin ng mga yun sa akin eh! Pero tignan mo 'to. Ganito rin pala si Rika.

"Sige alis na ako, " I murmured at tinalikuran ko siya.

"Wait, wait Ice! Sorry! Okay? Pumasok ka muna," ngiting-ngiti niyang sabi at hinila niya ako papasok ng condo nila.

"So?" tanong ko ulit sa kanya at itinaas ko ang dalawang stuffed toy. Yung isa teddy bear na may hawak na rose. Yung isa naman, aso na may bell sa leeg.

At hindi ko alam kung alin dito ang mas cute.

"Yung aso. Kamukha ni Hotdog eh."

Nginitian ko si Rika.

"I knew it! Sabi na eto talaga eh!"

She gave me an amused grin.

"W-w-what?!"

"Wala lang. You really like her."

"I love her."

Tumango si Rika at nginitian ako.

"Rika..."

"Hmm?"

"Thank you for believing me."

"I can see your sincerity Ice. Pero sana wag mo nang uulitin kay Timi yun ah? Sana this time tunay na 'tong pinapakita mo sa kanya."

"Papatunayan ko sa inyong lahat na sincere ako sa kanya, Rika."

She grinned, "umpisahan mo na sa pagiging on time sa date niyo."

Nagpaalam na ako kay Rika at agad akong dumiretso sa kotse ko.

"Sana this time tunay na 'tong pinapakita mo sa kanya."

Mula umpisa pa lang, tunay na ang pagmamahal na pinapakita ko kay Timi.

Mula noon pa kahit nung mga panahong hindi niya pa ako kilala. Nung mga panahong hindi pa ako nag e-exist sa mundo niya.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon