Chapter 35

517K 13.4K 6.8K
                                    

Chapter 35


[Ice's POV]


"Ice, ano ba! Nahihilo na ako sa'yo kakapabalik balik mo! Ano bang iniisip mo at hindi ka mapakali?!" iritang sabi sa akin ni Aiscelle habang nakasilip siya mula sa harap ng laptop niya.

Umiling lang ako at hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa ref at uminom ng tubig.

Hindi ako mapakali. Nakilala ko na naman ang parents ni Timi eh. Pareho silang mabait at friendly sa akin. Yung daddy nga niya naka-inuman ko pa.

But damn it! My nerves are eating me up alive!

Paano kung hindi nila ako magustuhan? What if sabihan nila akong lumayo na ako kay Timi? Anong gagawin ko?

Tsaka pagdating ko doon, ano ang una kong sasabihin? Hi mommy and daddy? Ako ba dapat magpakilala sa sarili ko o hihintayin ko na i-introduce ako ni Timi?

Teka, dapat pa ba akong magpakilala samantalang kilala na nila ako?

Pero in respect sa kanila, dapat ko bang sabihin na girlfriend ko na ang anak nila.

Napaupo ako sa stool na katapat ni Aiscelle at ipinatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko.

Nababaliw na ako! May ilang araw pa bago ako ipakilala ni Timi pero feeling ko mamatay na ako sa tindi ng pagka-tense ko.

"Ice sasapakin na kita. Ano bang problema mo?! Hindi ako makapagtrabaho rito!" inis na sabi ng kakambal ko.

"Ipapakilala na kasi ako ni Timi sa parents niya. Kinakabahan ako."

Tinaasan ako ng kilay, "at ba't naman? Kilala ka na nila 'di ba? Ang yabang yabang mo pa nga nung kinukwento mo sa'kin na gustong gusto ka ng daddy ni Timi?"

Napailing ako, "pakiramdam ko nag iilusyon lang ako nung mga panahon na 'yun. I-search mo nga dyan yung mga dapat gawin pag meet the parents na," tinuro ko yung laptop niya.

"What the hell Ice? Pati ba naman yun kailangan mong ipa-google?!"

"Dali na! Sisiraan kita kay Jasper pag 'di mo ginawa. Sasabihin ko naghihilik ka kapag natutulog."

She glared at me, "eto na! Kainis 'to. Istorbo sa trabaho!"

Nginitian ko siya. Inirapan naman niya ako.

"Eto sabi rito, be polite raw," sabi niya habang may binabasa yung article na na-search nya.

"Polite ako."

"Cold ka Ice! Sakto ang pinangalan ng parents natin sa'yo because you're cold and stoned face!"

"Eh anong gagawin ko?"

"Mag smile ka lang nang mag smile."

"Hindi ba para akong sira nun?"

Napaisip si Aiscelle, "hmmm... actually oo nga. Basta as much as possible smile as genuinely as you can. Iparamdam mo na masaya ka na inimbitahan ka nila sa bahay nila."

"Paano ko gagawin yun kung ninenerbyos ako?"

"Edi alisin mo ang pagka nerbyos mo! Jusko malaki ka na. Kaya mo na yan."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon