Chapter 27

485K 14.3K 6.8K
                                    

Chapter 27


[Ice's POV]


"Hay nakakainis talaga!" nakasimangot na sabi ni Timi habang nagmamaneho siya.

Napatawa ako ng mahina. Halata kasi na frurstated na frustrated siya. Lahat kasi ng pinuntahan naming restaurants eh sarado na. Halos 12 midnight na rin kasi at karaniwan mga fastfood chains na lang ang nadaraanan namin.

Sa inis niya ang bilis niya mag maneho.

Sabin a dapat hindi na ako nagpadala sa pangungulit niya. Nung sinabi niyang siya ang mag d-drive ng kotse, dapat hindi ko hinayaan na matalo ako.

Mukhang kaskaserang driver ito pag pikon.

But I find it really amusing.

"What's funny?!" irita niyang sabi sa akin.

Napaayos agad ako ng upo at pilit kong inalis ang ngiti sa labi ko.

"W-wala po. Wala."

Nag pout siya habang nakatingin sa daan. Naglaho na lahat ng will ko na manatiling poker face. Napangiti na lang ulit ako sa kanya.

Bakit ba mga simpleng expressions niya lang eh nagagawa na niya akong pasiyahin?

"Past midnight na rin kasi kaya sarado na sila," sabi ko. "Gutom ka na ba? Gusto mo mag drive thru na lang tayo?"

Umiling siya pero nakasimangot pa rin siya.

Napangiti ulit ako.

Pwede ko na bang i-assume na kaya naiinis siya ng ganyan ay dahil sa gusto niya akong makasama kumain sa labas ngayon? Alam kong ang taas ng pangarap ko ngayon. Pero okay lang.

Sobrang saya ko naman talaga.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong ni Timi

Napatingin ako bigla sa kanya. Diretso lang ang mukha niya sa kalsada. Poker face lang siya.

Samantalang ako... I'm grinning like an idiot here.

"Wala. Free day ko tomorrow. Pwedeng bukas na lang tayo mag dinner if you like. Kung gusto mo kahit breakfast and lunch din. My treat!" pangunguna ko na sa kanya. Mamaya magbago pa ang isip niya kaya ako na ang nagyaya.

Nakita kong napangiti rin ng malawak si Timi.

"Not that."

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko.

Eh? Hindi raw yun? Eh ano? May iba ba siyang gustong puntahan o gawin? Nagbago na ba isip niya?

Ayaw na ba niya lumabas kasama ako?

Bakit ba kasi sarado mga restaurant ngayon!

"W-what do you mean?" tanong ko.

Please wag mong sabihing nagbago ang isip mo. Please sana lumabas pa rin tayo bukas. Please please.

Kung hindi gagawa talaga ako ng paraan ngayong gabi!

Please.

"Tinatanong ko kung may gagawin ka bukas kasi baka mapuyat ka ngayon gabi."

Nanlaki mata ko dahil sa sinabi niya.

"M-mapuyat?"

"Oo. Mapuyat," seryoso pa rin niyang sabi.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon