Chapter 42

422K 12.4K 2.3K
                                    


Chapter 42


Erin's Journal


Oo, tandang tanda ko pa ang nangyari. Nung panahon na 'yun, dalawang taong importante sa akin ang nawala sa buhay ko.

Yung isa, kinuha sa akin.

Yung isa naman, tuluyan ko nang tinanggal sa buhay ko.

End of March yun. Summer vacation. Summer na kaya hindi namin expected lahat na babagyo sa panahon na yun.

Nasa Bulacan ako kasama sina mama, ate at ang tatay kong walang kwenta. Nandoon din ang asawa niyang bruha at ang kambal niyang anak na wala namang paki sa amin.

Birthday ni Mr. Monasterio. Nakakatanga talaga ang plano niya eh. Pagsasamahin niya ang pamilya niya at pamilya ng kabit niya sa celebration? Sinong gago ang gagawa nun 'di ba?

Well sabi niya, yung asawa niya ang may gusto. Gusto na raw makipag ayos. Sus. Tanga talaga. Naniwala talaga siya na gusto ng demonyitang yun ang makipag-ayos sa amin?! Kaya naman talaga kami pinapunta doon para ipahiya kami eh.

Ayokong sumama pero nagalit sa akin si mama. Nag away kami. Birthday rin kasi ni Timi ng panahon nay un. Hindi naman ako pwedeng mawala sa birthday ng best friend ko 'di ba? Naka ready na rin ang regalo ko sa kanya. Alam kong simple at mumurahin pero pinaghirapan ko ang scrapbook na ibibigay ko sa kanya.

Kaso wala akong nagawa. Isinama ako sa Bulacan. Sabi ko kay Timi, hahabol na lang ako sa birthday niya. Alam ko na nagtatampo siya sa akin. Wala naman kasi siyang ibang ka-schoolmate na kinumbida kundi ako lang eh. Kasi ako ang best friend niya. Tapos wala pa ako.

I assure her na hahabol ako. Na darating ako no matter what.

Kaso kahit panahon hindi ako pinagbigyan. Ang lakas ng ulan nun. Hindi ako makaalis.

Tinawagan ko si Timi and I tried to explain it to her. But she's crying. She won't listen to me. Sabi niya nangako ako. Tinatanong niya bakit ako napunta sa Bulacan in the first place? Na ang tagal na namin inantay ang araw na 'to pero biglang hindi ako makakapunta.

Sabi niya wag na akong pumunta. Pero hindi ako mapakali eh. Umiiyak ang best friend ko sa mismong araw ng birthday niya dahil sa akin.

Ayoko. Ayokong saktan ang mga taong importante sa akin. Oonti na nga lang sila tapos sasaktan ko pa sila? Ayoko nun.

Nagpumilit pa rin akong umalis. Sabi ko mag b-bus na lang ako. Nagalit sa akin si mama pati si Mr. Monasterio. Sabi naman ng bruha niyang asawa, bahala ako sa buhay ko.

Ayaw nila akong payagan lahat kaya ang ginawa ko, habang busy sila sa party, tumakas ako. Pero bago pa ako makalabas, bigla akong hinatak ni Ice.

Wala na siyang bakal sa likod ngayon. Gumaling na siya. At confident siyang nakatingin sa akin.

Sabi niya ihahatid na niya ako. Marunong siya magmaneho eh. Umayaw ako. Hindi pwede. Hindi kami papayagan. Afterall, underage pa siya at wala pang lisensya. Sabi niya, hindi naman kami magpapaalam eh. Tatakas kami. Mas safe kung sa kotse kesa sa bus. Lalo na ang lakas ng ulan at gabi na.

Alam kong hindi siya concern sa akin. May hidden agenda siya eh. May crush kasi siya sa best friend ko.

Pero kailangan ko nga ng maghahatid sa akin dahil sa totoo lang, natatakot ako mag-isa. Kaya pumayag ako sa gusto niya.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon