RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Air (6)

4.7K 160 43
By pluviopilya

Ringgg... Ringgg...


Kanina pa pabalik balik si Rhian sa paglalakad habang hawak hawak ang phone niya.

Ringgg... Ringgg...


Please naman G, sagutin mo naman...


Ringgg... Ringgg...


Ringgg... Ringgg--

"Shit."

Binaba na ni Rhian ang phone. Naupo siya sa kama niya at napa-face palm. Naiinis na siya... Naaawa siya sa sarili niya. Kanina pa niya pinipilit tawagan si Glaiza pero kanina pa rin puro 'Rings' lang ang naririnig niya. Suko na siya. Ayaw na niyang mag-try na kausapin ito kasi ang obvious naman na ayaw nitong makausap siya.


No. I need to talk to her.... Gusto ko lang malaman kung nasan siya. Gusto ko lang malaman para mapuntahan ko siya at makausap. Gusto ko siyang kausapin ngayon... Gusto ko siyang ipaglaban. Pero parang ayaw niya.... Siya yung umaayaw lalo na bumalik ako sa mundo niya.

Bigla niyang naramdaman ang luhang bumagsak mula sa mga mata niya...

Nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan ng ganito...


Kinuha niya ulit yung phone niya. Kailangan niya ng kausap.


Nag-scroll siya sa contacts at nakita ang pangalan ni Jason.


Matagal niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa phone niya na parang nagdadalawang isip kung tatawagan ba niya ito o hindi...

Umiling siya. Mahiya ka naman Rhirhi. Sa kanya ka pa ba hihingi ng tulong e hiniwalayan mo nga siya dahil kay Glaiza. Tama na. Not him.


Tiningnan niya yung recent calls niya at nakita niya ang pangalan ni Bianca.

Pipindutin na sana niya yung 'Call' pero di niya ginawa nang bigla siyang may maisip. Baka busy yang bestfriend mo ngayon. Sawa na rin yan kakaintindi ng kadramahan mo. Wag mo munang bulabugin ang buhay niya...


Naibaba nanaman niya ang phone niya at nagstart nanamang maiyak.

Kawawa ka Rhian. Nakakaawa ka.


Habang umiiyak, bigla siyang may naisip na tao na alam niyang matutulungan siya...

Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto niya.


Humakbang siya sa hagdan pababa ng living room ng bahay...

·


·


·


Hindi pa siya totally nakakababa ng hagdan e nakita na niya ang Mommy Clara niya na nasa kitchen at busy ata sa pagluluto.

Humakbang ulit siya... Mga 2-3 steps nalang ata before siya tuluyang makababa, hindi na niya napigilan ang luha niyang sunud-sunod na bumagsak mula sa mga mata niya.


"Mom..." Nanginginig na sabi niya.

Mommy Clara looked at her. Halatang nagulat ito nang makitang umiiyak siya. Mabilis na itinigil ni Mommy Clara ang ginagawa at nilapitan si Rhian.


"Sweetheart, Yoyon, why are you crying?"

Rhian looked at her Mom. Hindi niya alam ang sasabihin so tuluyan na siyang humakbang pababa ng hagdan at mabilis na niyakap ang Mommy niya.


"I love her Mom. I love her pero parang ayaw ng mundo sa aming dalawa." Rhian said at tuluyang umiyak sa balikat ni Mommy Clara habang nakayakap siya dito.


Mommy Clara hugged her back. Hindi ito makapaniwala sa narinig from Rhian.


"You love... her? What do you mean Honey?"

Medyo nag-pause sandali si Rhian dahil parang di siya makakahinga kung magsasalita siya habang umiiyak ng sobra.


"Mom... I love Glaiza." She confessed.


Katulad ng inaasahan niya, nagulat si Mommy Clara. Pero nung malaon, habang yakap pa rin siya nito, parang unti unti na nitong naiintindihan kahit wala pa siyang sinasabing reasons.


"You love Glaiza?"

Rhian nodded. "I love her and I don't know what to do... Nahihirapan ako sa sitwasyon namin Mom. Ayaw ng side niya sa aming dalawa... Ayaw nila sa amin, sa akin and sobrang sakit nito for me. Wala akong magawa para ipaglaban si Glaiza. Wala akong magawa kasi parang gusto na rin ni Glaiza yung sitwasyong gusto sa kanya ng side niya. I don't know what to do Mom. Help me... Nahihirapan na ko. Nahihirapan na ko pero masyado kong mahal si Glaiza para mag-give up nalang. Gusto kong bumalik kami sa dati. Help me Mom... Ayoko ng ganito..." She cried. A lot.


Mommy Clara exhaled habang yakap yakap pa rin si Rhian. Hinahagod niya ang likod nito para kumalma naman kahit papaano.


"I noticed. And palagi kitang tinatanong about this pero lagi mo namang sinasabing 'okay lang ang lahat'. Ito ba ang 'okay lang' anak? Hindi ito okay... Hindi ito okay dahil hindi ka okay dahil dito. And me, as your Mom, makita kang ganito umiyak because of the person you really love, masakit din sakin... Sino ba namang Nanay ang gustong nahihirapan ang anak nila?"


"Ayokong magsalita ng masama Mom, but what if nahihirapan na si Glaiza sa situation na gusto ng family niya para sa kanya?" Bumitaw si Rhian sa pagkakayakap kay Mommy Clara para makausap niya ito ng ayos. "Ayokong mag-assume Mom but everytime na magkasama kami ni Glaiza, alam naman naming may iba. Na may something pero wala sa amin ang gustong magsalita about this or umamin ng totoo. Like, hindi naman kami nagsasabihan or nagpapalitan ng 'I love you's' pero feel naman naming may iba na eh... What if natatakot lang siya na aminin yung totoo niyang nararamdaman for me? What if iniisip niya na baka pag umamin siya, itaboy siya ng family niya or ng management na humahawak sa kanya or ng mga tao sa paligid niya? What if natatakot siyang umamin Mom? What if gusto niya din pala ako and gusto na niyang sabihin sakin pero marami lang nakaharang sa amin? I have a feeling na possible yun Mom. Paano kung ganun nga? Paano na? What should I do?"


Hinawakan ni Mommy Clara ang mga kamay ni Rhian para pakalmahin ito. Halata niyang nagpapanic si Rhian kakaisip.


"Honey, Yoyon, Mahirap magsalita. Okay? Kahit yang nararamdaman mong yan or yang kutob mong yan yung nangyayari nga for example, wala ka namang magagawa. Side nila yun. Pag umeksena ka sa kanila, sasabihin pa nila wag kang mangengeelam kasi side naman nila yon. Loveteam ka lang ni Glaiza. Wala kang karapatang pagbawalan si Glaiza sa kung anong gustong ipagawa ng family man niya o ng kung sino man sa paligid niya sa kanya. Do you get my point anak? Mahihirapan ka lang. Possible mas masaktan ka pa... Baka makakuha ka ng sagot na hindi mo inaasahan..."


Hinawakan ni Mommy Clara ang pisngi ni Rhian dahil hindi pa rin tumigil sa pagpatak ang mga luha nito.


"Ayaw kitang nasasaktan. Okay? Ayokong masaktan ka ng kung sinu sino kaya nga kinakausap ko ng masinsinan yung mga lalaking lumalapit sayo dahil gusto kong makasiguradong magiging safe ka sa kanila e..." Napalunok si Mommy Clara. "But now, you're here in a situation na hindi ko inaasahan. I mean, honey, mahirap ito. Ikaw na yung lalaban this time para sa taong totoo mong mahal pero nasanay naman ako na ikaw yung ipinaglalaban." Medyo natawa pa ng konti si Mommy Clara. "Pero seryoso anak, kung ano man ang gusto mo, kung ano man ang tunay na nagpapatibok ng puso mo, nandito lang ako sa tabi mo at susuportahan kita... Always sweetie. Always..." Lalong naiyak si Rhian sa narinig niya from her Mom. Medyo nangingilid na rin ang luha ni Mommy Clara. "PERO, sa nakikita ko namang sitwasyong ito anak, nakikita kong mahihirapan ka dito sa gusto mong gawin. Mahirap kalabanin yung mga taong gusto mong kalabanin. Gusto mo man ngang ipaglaban yang nararamdaman mo kay Glaiza at si Glaiza mismo pero willing ka bang tulungan ni Glaiza? Sabihin nating natatakot nga siya sa side niya kaya siya sumusunod sa kagustuhan ng mga ito, at dumating ka at umamin ka sa kanyang mahal mo na siya at handa mo siyang ipaglaban... Isipin mong mabuti Rhirhi, sasamahan ka ba niya? Sasama ba siya sayo? Syempre iisipin niya, pamilya niya pa rin yung tatalikuran niya kapag ikaw yung pinili niya. Naiintindihan mo ba ko ha? Anak?"


Rhian nodded habang umiiyak pa rin.


"Kung kunware ngang gusto man din ni Glaiza na lumaban kayong dalawa at ipaglaban niyo yang tunay niyong nararamdaman, mas matatakot pa rin siya dahil... Yun nga, importante din sa kanya yung mga tao sa paligid niyang naguutos sa kanya ng mga dapat niyang gawin. Hindi yun madaling bitawan. Posible ding yun ang iniisip niya. Na kahit gustuhin man niyang lumaban, at ipaglaban yung sarili niya, wala na rin siyang magagawa... Kagustuhan ito ng mga taong importante sa kanya kaya siguro hindi niya rin makuhang sumuway sa mga ito... Matatalo ka Anak. Sa tingin ko, mas masasaktan ka lang at ayokong mangyari yun." Niyakap ulit ni Mommy Clara si Rhian at hinagod ang ulo nito...


Lalong umiyak si Rhian. "Wala akong pakeelam Mom kung mas masaktan ako. Wala na kong pakeelam sa sakit na mararamdaman ko after kong subukang ipaglaban si Glaiza. Gusto ko siyang ipaglaban Mom. Gusto kong lumaban. Gusto kong ipamukha sa mga taong ayaw samin na mahal ko siya. At totoo ako. Gusto kong ipamukha sa kanila na gusto namin ni Glaiza yung isa't isa. Lalaban ako Mom. Susubukan ko... Susubukan ko pa rin kasi I have a feeling na possible ding tulungan ako ni Glaiza. Nararamdaman ko yun Mommy. She'll help me. Nararamdaman kong ayaw na din niya sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. And baka hinihintay nalang niya ko para makatakas siya. So darating ako for her Mom. Lalaban ako. Ipaglalaban ko siya. I will take the risks kahit mas masaktan pa ko...."

Parang desidido si Rhian sa desisyon niya...

At ikinabigla naman ni Mommy Clara ang determinasyon ni Rhian. Ramdam na ramdam niyang pursigido si Rhian sa laban na to. Ayaw man niya as her Mom, katulad ng sinabi niya, lagi lang siyang nasa tabi nito at susuporta so, papayag na rin siya. Ito ang kagustuhan ni Rhian... Susuportahan niya ito.


"Kung sigurado ka na diyan sa kagustuhan at desisyon mo, okay... Okay Rhirhi." Tinapik ni Mommy Clara ang likod ni Rhian. "Nandito si Mommy Clara palagi okay? Nandito lang ako to support you no matter what."


Unti unting tumango si Rhian dahil sobra siyang natutuwa sa suportang ibinibigay ng Mommy niya.

"I love you Mom... Sorry kung lalaban ako for Glaiza. Mahal ko kasi talaga siya and hindi ko na kaya to. Mas nahihirapan ako sa situation so dapat gumawa na ko ng move. And siguro Mom, pag si Glaiza na mismo ang nagsabing tigilan ko na siya, tsaka lang ako titigil. Pag sa bibig na ni Glaiza nanggaling, at mas lalo siyang gumawa ng move para mas magkalayo kami, aayaw na ko. Hahayaan ko nalang siya... Pero hanggat kaya ko pa at di niya pa ko sinasabihang hayaan na siya, lalaban pa rin ako. Ipaglalaban ko pa rin siya."

Tumango si Mommy Clara at ipinagpatuloy lang ang pag-tap sa likod ni Rhian...

Rhian exhaled habang yakap yakap pa rin ang Mommy niya.


Handa na kong ilayo si Glaiza sa mundong kinatatayuan niya ngayon. Ilalayo ko siya at handa na kong lumaban para sa kanya...


//







"Oh."

Napalingon bigla si Glaiza nang makitang inaabot ng isa sa nagmamanage sa kanya yung phone niya.

Napakunot ang noo ni Glaiza dahil sa pagtataka.

Kinuha niya yung phone niya at sobrang nagpanic siya nang makitang may 13 missed calls si Rhian tapos may mga messages din ito na sobrang dami.

'G, nasan ka? Please reply.'


'G, I wanna talk to you right now. Please naman magreply ka =('


'Sabihin mo lang kung nasan ka ngayon para ako na yung pumunta diyan. Please G, I'm begging you. Gusto kitang makausap.'


'Answer my calls please Glaiza =( I really really want to talk to you RIGHT NOW. Please G, Maawa ka na =( Sagutin mo na yung tawag ko para makapagusap na tayo.'


'Glaiza naman =( Nagmamakaawa na ko. Kailangang kailangan at gustung gusto na kitang makausap ngayon. Sabihin mo lang kung nasan ka. Please Glaiza ano bang gusto mong gawin ko =( Please =('


Halos matunaw ang puso ni Glaiza sa mga messages na yun ni Rhian. Marami pa itong messages na nagmamakaawa nga, makausap lang siya.

Hindi niya alam ang gagawin. Dapat niya ba itong replyan? Dapat niya ba itong tawagan ngayon?


"Pagbigyan mo na ang gusto niyan."

Nagulat si Glaiza so napatingin siya kay Z, isa nga sa nagmamanage sa kanya.

Napalunok siya. "Ka-Kakausapin ko na siya?"


"Kausapin mo. Makipagkita ka...." Z said.

Napalunok nanaman si Glaiza dahil di siya makapaniwala. Pinapayagan na siya na makipagkita kay Rhian. Alam niyang mahigpit ang mga ito pagdating sa usaping ganito.

"Seryoso ba to?" She asked para makasigurado.

Tiningnan siya ni Z. "Makipagkita ka at sabihin mong tigilan ka na niya."

Unti unting bumagsak ang aura ni Glaiza... Biglang nagkaroon ng kirot ang puso niya.

"Makipagkita ka na para tumigil na at sabihin mong boyfriend mo na si Benjamin Alves. Yun naman ang gusto niya eh, ang makita ka niya kaya pagbigyan mo siya. Kausapin mo siya at sabihin mong tigilan ka na."

"Hindi ko gagawin yun." Umiling iling si Glaiza. "Hindi ko yun mamagagawa."

"Kung hindi mo gagawin, kami ang gagawa." Nakakalokong ngumiti si Z kay Glaiza na parang may binabalak ito.

Halos umusok ang tenga ni Glaiza sa inis. Alam niyang napagusapan na to ng management na humahawak sa kanya at ng mga tao sa paligid niyang may ayaw. Alam niyang planado nato.


"Ayaw mong masira ang pangalan ni Rhian diba? Kaya, tingin ko mas mabuting ikaw yung kumausap at magsabi. Dahil kung kami ang kakausap sa kanya, baka masira yung pangalan niya. Baka machismis pa namin siya."


Napalunok si Glaiza. Sobra na to....


"Ano? Magisip ka GDC. Kausapin mo na siya para magkita na rin kayo--"

"Tama na." Glaiza said. Naglook away siya dahil naiinis na siya pero di niya makuhang sumagot ng pabalang dahil si Nanay Cristy nanaman ang magagalit sa kanya. "Oo na. Kakausapin ko na siya. Maguusap na kami ngayon."


"Okay. Replyan mo siya ngayon kung san kayo pwedeng magusap." Iniwan na siya ni Z para makapagdesisyon siya.


Mahigpit na hinawakan ni Glaiza ang phone niya dahil sa inis.


"Ahhhhrrgggg!!"

Parang gusto niyang sumabog ngayon dahil sa nararamdaman niya.


Bakit kailangan mong magpaalipin sa kanila Glaiza? Bakit kailangan mo silang sundin?

Gagawin mo ba?


Sasabihin mo ba kay Rhian na tigilan ka na?

Magagawa mo ba yun kay Rhian ha Glaiza?

Pinalo niya ang ulo niya.

Hindi ko kaya... Hindi ko alam ang gagawin. Anong gagawin ko.....




//


.

.

.

.

.

.


.


.


.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


.

.

.

.

.

.

AN: *nag-walk out ang author dahil sa inis*

Lol jk. *Kaway*

Comment :):

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 97 8
May isang babaeng di matanggap ang kanyang pagkatao sapagkat pag gising nya nalang ng isang umaga ay mabibigla nalang sya kasi mahal nya na pala ang...
228K 4.4K 16
That mind bugging moment when you and the person you hated the most travel twenty years forward in time to find out you two end up marrying each othe...
170K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
158K 6.7K 53
Rhian Denise "Yoyon" Howell And Glaiza "Cha" Galura Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo? Ipaglalaban mo ba ito kung sa pakiramdam mo ay...