Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 33: Pustahan

753 15 5
By AyhenPey

Chapter 33

2 weeks ng nakakalipas ang New Year at dalawang araw na lang Birthday ko na. Hehhee tatanda na naman ako. Ano kayang magandang gawin? Ah! Magpapabible study na lang ako sa amin kasama yung mga kachurchmates ko pati iinbitahin ko din syempre sila Hannah..

Mawawala pa ba si Best Friend?

Bigla akong napatingin sa gilid ko, seryoso na naman siya. May activity kasi kami ngayon sa Math about sa mga Triangle. Hindi ko na naman ma identify ang Adjacent at Opposite dito, nakakalito. Ang alam ko lang Hypotenuse, gusto ko sanang magpaturo sa katabi ko pero susungitan na naman ako niyan. Kasi di ko na siya tinigilan kakatawag na Best Friend.

Bakit ba kasi ayaw niya akong maging Best Friend? Hmm.

"Bakit?"nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Ewan ko sa sarili ko bigla naman akong tumingin sa likuran. At sa dami dami ng pwede kong tignan doon pa nagawi ang mata ko sa kinaasaran ko.

Nakatingin din siya sa akin. Bigla ko naman siyang inirapan.

"Oh, what was that?" napatingin naman ako kay Kenn.

"Ano yun?"tanong ko

"Inirapan mo siya? (chuckles)" aba natawa pa ang loko.

"Turuan mo na lang ako!" kaysa sa mag reklamo pa siya bigla ko na lang pinatong yung notebook ko sa desk niya kaya naman yung notebook niya natabunan na nung akin. Narinig ko na lang siyang nag sigh. Pero tinuruan din naman ako.

"Tignan mo itong Theta na ito. Kung saan nakatapat itong theta na ito iyon yung Opposite / a. Tapos itong nakaslant ito ang Hypotenuse / c at syempre ito naman ang Adjacent / b."

"Ahh, gets ko na! Itong bilog lang pala ang titignan ko"

"Hindi bilog ang tawag dyan, theta!"

"Yes, sir!" sabay salute sa kanya, tuwang tuwa ako kasi alam ko na. Kaya iyon sinagutan ko na yung limang sasagutan. Tch, tapos kailangan pa palang isolve. Ayy, paano ba itong Pythagorean Theorem?

"Okay, class passed you papers!" Hala, nag panic ako. Kasi hindi pa ako tapos. Patay! Itlog na naman ba ang score ko nito? Feeling ko maiiyak na ako nung time na inaabot ko sa harapan ko yung papel ko.

Nagulat na lang ako ng kinuha ni Kenn yung papel ko at pinaltan niya ito. Tinignan ko lang siya at kumindat siya sa akin. Bigla naman kinuha nung classmate ko na nasa harapan yung papel na pinaltan ni Kenn.

"Oh--" sisigaw sana ako pero nag salita naman itong katabi ko.

"Don't worry. Fully answered yung pinasa mo." tapos yung papel ko na kinuha niya kina crumpled lang niya sabay bato sa likuran.

At bago pa mag sink in sa utak ko yung sinabi niya.

Niyugyog ko na yung balikat niya.

"BAKIT MO GINAWA IYON?! DI TAMA IYON!" sigaw ko, bigla kong naaalala na sa room pala kami. Kaya naman napatingin sa akin ang mga classmate ko pati ang teacher namin. Nag ehem naman siya at lumabas na. Whew, akala ko tapos na pero pagkalabas ni Sir.

Nag - Ayieeeeh lahat ng classmate ko.

"Si Kenn na pala ngayon, paano na si Zac?" tanong ni Jerome. Napa face palm na lang ako sabay bitaw sa balikat ni Kenn. Nakakahiya naman itong ginawa ko. Iyan tuloy kung ano ano na naman iniisip sa akin ng mga kaklase ko.

"HOY ZAC, anong masasabi mo?" di ko alam kung sino ang nagtanong noon kasi nakatungo na lang ako dito sa desk ko sa sobrang hiya. Please, wag mong sasagutin yung tanong.

"Uhm, I'll win her back"

Teka, ano daw?

"-kaya yung isang tao dyan, wag ka munang mag saya." teka, sino ba kinakausap nung lalaking iyon? Hayys, bakit ko ba iniisip iyon? Syempre yung mga katabi niya sadya lang talagang malakas ang boses niya. Hmmp, makatulog na nga lang. Umubob na lang ako sa desk ko at pinikit ang aking mga mata.

Pero naguguluhan pa din ako sa sinabi niya eh. Ako ba tinutukoy niya? Tch. Hindi na ako magpapaniwala sa'yo.

- - -

"Gising na, lunch na" naramdaman kong may kumakalbit sa balikat ko. Tiningala ko yung ulo ko at tumingin sa paligid. Lunch na nga, wala na sa room yung mga classmate ko kami na lang ni Kenn natitira dito.

"Sige" inayos ko muna ang sarili ko. Nag suklay, chineck ko kung may laway ba ako sa bibig at kung may muta ako. Thank you Lord, wala naman. Kasi gagalitin din ako nitong masungit na katabi ko. Tinignan ko siya, "-bakit nandito ka pa?"

Bigla na lang niya akong inirapan sabay walked out. Hala?

Nakita ko na may buhat siya na gitara.

"Kenn!" sigaw ko. Napahinto naman siya sa paglalakad sabay tingin sa akin na may poker face. "-di ba free time naman mamaya after lunch? Samahan mo ako sa club namin mamaya.. Sing-a-long tayo. Heheh"

Routine na kasi namin iyon tuwing Saturday. Tutal marunong naman siyang mag gitara, nagpapatugtog ako sa kanya ng mga HIllsong tapos kakantahin ko. Hindi naman ako nahihiyang kumanta ng mga Hillsong sa kanya, kasi okay lang naman daw. Pati komportable naman ako kay Kenn.

Pero hindi ako sinagot ni sungit. Dumerecho na lang siya sa paglalakad.

"Basta, hihintayin kita doon.." sabi ko, kinuha ko na yung Lunch box ko at pumunta sa Botanical Garden. Sa Canteen kasi kumakain si Kenn kasama yung tropa niya. Pagdating ko sa Garden nandoon na si Travis at Bethina.

Kung noon kami lang ni Travis ang kumakain dito. Syempre, nung naging gf na niya si Bethina kasama na namin siya. The more the merrier nga di ba?

"Nandito ka na din sa wakas!" - Bethina

"Hehehe, ang tagal ko ba? Sorry, nakatulog kasi ako"

"Serah na antukin talaga.. Hala, lamunan na!" ayun kumain na yung dalawa. Share sila sa food nila.. How sweet! Kinuha ko na din yung akin at syempre bago kumain nag pray muna ako. Then kainan na!

"Kuha kayo.." alok ko sa kanila nung ulam ko. Madami kasi eh, sinabi ko kasi sa Mama ko na damihan niya dahil lagi ko namang kasabay si Travis at Bethina. Masarap kaya na kumain na madaming ulam na pagpipilian, hehehe.

Kumuha naman si Bethina nung ulam ko na Adobo.

"Ikaw! Ang takaw mo talaga!" suway ni Travis kay Bethina.

"Favorite ko naman kasi iyon eh.."

"Mamili ka, ako o yung Adobo?" kakain na ulit sana ako pero nagulat naman ako sa tanong ni Travis. Hahaha, gusto kong matawa nung makita ko ang mukha ni Bethina. Naguguluhan na naaasar..

"Tinatanong pa ba yan? Eh di Adobo!" nag pout naman si Travis.

"Joke lang! Kaw naman kasi tanghaling tapat ang sarap ng kain natin. Papipiliin mo ako!"

Doon na ako natawa, HAHAHA. Tinignan naman nila ako ng masama.

"Serah, may napapansin ako." sabi ni Bethina. Tinignan ko siya ng 'ANO' look. "-parang hindi na kayo nag papansinan ni Zac ah. At ano yung kanina na scene sa room with Kenn huh?"

Kinabahan na naman ako. Ito ba yung biglaang hot seat agad? Ibubuka ko na sana yung bibig ko para sabihin yung reason ng maalala ko, kaibigan din sila ni Zac. Ayaw ko naman magsalita about doon sa nalaman ko. Mahirap na..

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" napatingin ako kay Bethina. Sa totoo lang gusto ko talagang sabihin yung sama ng loob ko kay Zac pero natatakot ako. Should I say it or not? Kaibigan ko din naman si Bethina, ayaw ko naman siyang gawin clueless sa akin.. Kung anong nangyayari sa akin pero..

"Bethina," tawag ko sa kanya. Tinignan naman niya ako including Travis. Lord, kayo na po bahala sa akin. Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob. Sana wala namang negative effect ito sa pagkakaibigan namin.

"Kung malaman mo na nililigawan ka lang sa pustahan, anong gagawin mo?" nagkatinginan yung dalawa. Sabay tingin ulit sa akin.

"Aba, babalian ko ng buto ang lalaking gagawa sa akin noon!" sagot ni Bethina. Tumingin naman ako kay Travis at parang nagegets na ata niya yung tanong ko. Seryoso lang kasi siya.

"Si Zac ba tinutukoy mo?" tanong ni Travis sa akin ng seryoso sabay ihip ng hangin. Napuwing naman si Bethina.

Nag nod naman ako sabay tungo. Di ko ma explain kasi ang expression ni Travis eh. Parang ang dating niya sa akin, inaakusahan ko si Zac.

"Nahuli na din siya.." sabi ni Travis napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa malayo. "-sorry Serah, kung di ko sinabi sayo. Sinabi ko na noon pa man kay Zac na itigil na niya iyon pero ayaw niya. Gustong gusto niya talaga yung Lamborghini na inooffer sa kanya. Yun nga lang ikaw ang kapalit. Pasensya na talaga kung naglihim ako sa'yo. Ayoko naman saktan ka.."

This time namumuo na naman ang mga luha ko. Alam pala ni Travis pero hindi ko naman masisisi kung itatago niya sa akin iyon. Bakit ba kasi ang clueless ko sa mga ganitong bagay? Nagulat naman ako ng sumigaw si Bethina.

"Ganyan ba talaga kayo?!" halos sapakin na ni Bethina si Travis sa sobrang galit. Nakatayo na siya habang si Travis naman ay nakaupo at nakatungo. "nasaan yang Zac na yan? Kapal naman ng mukha nyang gawin sayo yan!"

Teka, yung noon na inaway ako ni Bethina? Sinabi lang ba niya iyon para iwasan ko si Zac? At hindi rin naman niya talaga alam ang pakay ni Zac? Ibig sabihin ngayon lang din niya nalaman. How bad I am? Naisip ko din kasi noon, na may nalalaman si Bethina kaya niya nasabi sa akin iyon. Inakusahan ko din siya pero mali pala ako. Si Travis pala ang may alam.

"Bethina, wag na." sabi ko sa kanya. Katulad ng sinabi ko noon, ayaw ko na may mag dedefend sa akin. Baka isipin ni Zac naghahanap ako ng kakampi.

"Walang mangyayari kung tutunganga lang tayo dito at hindi aayusin ang mga bagay na nakakasakit sayo! Akala mo ba hindi ko alam? Ginagamit mo lang si Kenn para hindi isipin si Zac. Sumasama ka lang sa kanya para makalimutan si Zac. At kinakaibigan mo siya ngayon para yung nararamdaman mo kay Zac at malipat sa kanya! Di ba ta---"

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na naubos yung pagkain ko.

"Bethina, tumigil ka nga!" tinakpan ni Travis ang bibig ni Bethina. Pero nagpupumiglas si Bethina. Ngayon ko lang din narealize ang mga sinabi ni Bethina. Siguro nga tama siya.. Ginagamit ko si Kenn. Kaya nga siguro pinipilit ko siyang maging Best friend para maging close kami. Sumulpot lang naman si Kenn sa buhay ko nung may something's fishy na kay Zac eh.

"Tama ka nga, Bethina" binitawan na ni Travis si Bethina.

"See? Pero hindi ako galit sa'yo.. Wala naman akong magagawa kung ganyan ka. Ganyan din ako noon, kay Zac ako.. GALIT NA GALIT!" at bago pa ako makapag react tumakbo na si Bethina.

"Bethina!!" sigaw ni Travis. Inayos nya muna yung pagkain nila.

"Habulin ko muna ha?" sabay alis. Kaya ko na lang ang naiwan dito. Pinunasan ko na din yung luha ko.

Iiwasan ko na din ba si Kenn? Pakiramdam ko ang sama ko sa kanya. Ginagamit ko lang siya. Siguro mamaya sasabihin ko na lang sa kanya ito. Inubos ko na muna yung pagkain ko bago pumunta sa Club room namin.

Wala naman sila Hannah eh.. Pagdating ko doon nakita ko na si Kenn sa loob tinitipa yung gitara.

"Nandito ka na pala.." nakangiti niyang sabi sa akin. Ang bipolar din nito kahit kailan. Kanina iniwanan lang ako tapos tignan mo ngayon siya ang nauna dito. "-bakit ganyan ang muka mo? Anyare?"

"Tumugtog ka na."

Sumunod naman siya sa akin, narinig ko na lang na iniistrum niya yung Heart of Worship. Pumikit na lang ako. Si Lord muna ngayon ang iisipin ko. Siya ang kailangan ko ngayon.

When the music fades

All is stripped away

And I simply come

Longing just to bring

Something that's of worth

That will bless your heart

I'll bring you more than a song

For a song in itself

Is not what you have required

You search much deeper within

Through the way things appear

You're looking into my heart

Kahit papaano nawawala na yung sama ng loob ko sa mga nalaman at narealize ko. Ang galing talaga ni Lord! Kapag kasi ifefeel mo siya, makakapag relax ka. Yung mga worries mo papaltan niya. God is Good nga naman all the time heheh.

I'm coming back to the heart of worship

And it's all about you

It's all about you, Jesus

I'm sorry Lord for the things I've made it

When it's all about you

It's all about you, Jesus

Napatulo ang mga luha ko doon sa part na sinabi kong I'm sorry Lord. Ang dami ko kasing atraso sa kanya kaya ako nagkakaganito. Dapat kasi sa bawat pagsubok/problema na dumadating. Sa kanya ko muna sasabihin bago sa iba. Iyan tuloy...

Hindi na ako kumanta pa, pero si Kenn tumutugtog pa din. Finifeel ko na lang yung music nung kanta.

Maya-maya natapos na din siya.

"Labas muna ako." binaba niya yung gitara niya sa table at lumabas sa room.

5 minutes,

10

15

20

30 minutes.. Wala pa din siya!

Nagulat na lang ako ng mag bell. Sumilip ako sa pintuan may bintana kasi yung pintuan namin. Nag uuwian na yung mga tao. Sinubukan kong buksan yung pintuan pero hindi ko mabuksan! Nilolock kasi iyon sa labas. Eh paano ako makakalabas nito? Iba ang building ng mga club rooms at ang worst pa nasa pinaka dulo itong room na ito. Paano kung walang tao naman na pumunta dito?

Di na ako makakalabas! Waaaah!

Pinaghahampas ko yung pintuan baka sakaling may mag bukas. Nasaan na ba kasi si Kenn?

"Tulong!" sigaw ako ng sigaw pero nakakapagod din. Walang nakakarinig sa akin.

Bumalik na lang ako sa upuan. Alam kong babalik si Kenn baka may ginagawa lang kaya hindi pa din bumabalik. Pero bakit ang aga ata ng uwian namin? 1:30 pa lang oh. Ah baka naman may seminar ang mga Teacher kaya pinauwi na lang kami ng maaga. May pag-asa pa ako! Makakalabas pa ako.

Tinungo ko na lang ang ulo ko sa desk. Babalik din yang si Kenn, matutulog muna ako.

Zac's Standpoint

Ang galing ko talaga! Akalain mo yun ang bilis kong nasagutan itong limang equation sa Math? HAHAH iba talaga kapag inspired ni Se-- Mara! Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila nakatungo. Ibig sabihin ako pa lang ang tapos hahhaa. Napatingin naman ako sa kanila..

Nagulat na lang ako nung tumingin siya sa akin pero iniwas din naman niya agad hanggang sa nag-usap na sila nung mokong na iyon. Tch. Bakit ba ako naaasar? Abay New Year na New Year nakipag hamunan ng suntukan sa akin. Pasalamat siya at dumating si Mara nung time na iyon. Kung hindi tutuluyan ko talaga siya.

Sabihin ba naman sa akin,

"Lalayuan mo na si Serah ha?!" dahil sa inis ko, pinag susuntok ko. Sino siya para utusan ako?

Maya maya pa nagulat ang buong klase ng sumigaw si Serah. Natatawa nga ako kasi ngayon lang siya naging madaldal. Noon parang alien yan, hindi nag sasalita kung hindi kakausapin. Pero erase that! Naaasar ako! Kasi niyuyugyog niya si Kenn! Bakit ba ako naaasar? Eh kasi naman kunyari pa itong lalaking ito na ayaw nya sa ginagawa ni Serah sa kanya pero gustong gusto naman!

Pero badtrip naman oh! Biglang lumipad sa ere yung pangalan ko dahil sa tanong ni Jerome.

"Si Kenn na pala ngayon, paano na si Zac?"

Gusto ko sanang marinig ang sagot niya pero hindi naman siya sumagot. Kaya naman sa akin lumipat ang tanong. Psssh..Parang The Buzz lang..

"HOY ZAC, anong masasabi mo?"

"Uhm, I'll win her back" sabay tingin sa kumag na payatot na iyon. "-kaya yung isang tao dyan, wag ka munang mag saya."

This time I mean it.

- - -

Ang saya ng buhay ko ngayon ang sarap kasi ng Lunch ko-- Jollibee. Kasama ko kapatid ko ngayon nagpunta ako sa room nila. Hayaan nyo na ako. Welcome naman ako sa room ng mga Grade 7 libre daw papicture tapos mamaya kakantahan ko daw sila. Naks naman!

Habang nakikipag sayahan ako sa mga Grade 7 nagulat na lang ako nang nagpakita si Bethina sa pintuan. Hala? At ang sama ng tingin niya sa akin. Nag excuse muna ako sa mga kaibigan ni Dria at pinuntahan si Bethina.

"Oh bakit?"tanong ko. Pero wala pa atang 2 seconds sinampal na niya ako. What was that for? Problema nito? Teka, nasaan ba si Travis? Nakawala itong alaga niya sa kulungan oh.

"-para yan sa panloloko mo kay Serah!" tapos umalis na din siya. Ano daw? Teka, alam na din niya? Sinabi ba ni Travis? Ayy takte! Tumakbo na lang ako, para hanapin ang mga kumag.

At iyon nakita ko sila papunta sa Building ng mga Clubs. Mabuti na lang di pa sila nakakaakyat. Tinawag ko na agad si Travis.

"Travis!" nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanila. Kasama na niya si Alex at Gian.

"Sinabi mo ba kay Bethina yung tungkol sa pustahan?"

"Hindi, si Serah mismo nagsabi sa amin na alam na niya." nag face palm naman si Alex at Gian.

"Paano na yan?" -Gian

"Wala na, sabi ko ayaw ko na sa pustahan. Alam na din naman nya pati bago niya malaman iyon sinabi na niya sa akin na wag ko na daw siyang ligawan. Kasi napansin na niya din na gusto ko si Mara." nag face palm naman si Alex at Travis. Kumag talaga!

"Tara ikape na lang yan at ipang DOTA!" suggest ni Alex. Nag agree naman kaming apat kaya iyon pumunta kami sa likuran nung Building ng mga club at nag over de bakod kami.

Dumaan muna kami doon sa Cafe. Bumili lang kami ng Frappe pampalamig kasi mamaya kapag nag DOTA na, magkakainitan na. After noon nag punta na kaming Computer Shop. Mabuti na lang kaibigan na namin yung may-ari nito dahil panigurado di kami papapasukin nito. Lalo na ngayon Class hour at ang masama pa naka uniform pa kami.

Napailing nalang yung nag aayos doon.

"Kuya, open hour po!" sigaw naming apat. HAHA. Kasi hindi naman namin alam kung hanggang anong oras itong pag D-DOTA namin kaya open hour na lang.

Nung nakaupo na kami, nagtingin na lang kaming apat.

"GG na!"

"Mandaraya ka! Zac!"

"PUSH na yan!"

"Mga hangal! Balik!"

"Mga weak kayo!" sigaw ko sa kanilang tatlo. Hahaha wala pa din makakatalo sa akin noh?

Bale mga 3 hours na din kami nag cocomputer? Natapos na yung laro, wala naman kaming pustahan. Laro lang, yun lang.

"Alis na tayo?" tanong ko sa kanilang tatlo. Pero umiling sila sabay sabay. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan ang mga ginagawa ng loko. Ayun nakikipag skype sa ibang babae! Mga kumag talaga! Pag nalaman ni Bethina ang kabaliwan ng boyfriend niya. Ay ewan na lang.

Nag bayad na ako sa counter ng 50 pesos. Dapat 60 pero dahil kinindatan ko ayun pumayag. Hindi alam nung tatlo na umalis na ako. Naglakad lakad na lang ako sa street na ito hanggang sa nakapasok ako sa isang Shop na pangbabae ang mga tinda.

Mabuti na lang walang tao. Baka isipan nila, bading ako.

Habang tumitingin ako ng mga gamit doon, napukaw ang tingin ko doon sa keychain. Si Serah na naman ang naisip ko. Pansin ko kasi ang boring ng bag niya. Ang plain ng color walang mga nakasabit na kung ano ano. Di tulad sa ibang babae na halos maging sampayan na ang bag. Binili ko yung key chain na color gold na hugis Star. Naalala ko malapit na pala ang Birthday nila. 2 days na lang..

Sana maibigay ko ito kahit pasikreto lang.

Bumalik ako sa school nung harangin ako ng guard.

"Sir,wala na pong tao sa loob. Uwian na kanina pa"

"Ang aga ata?" tanong ko

"May seminar po kasi sila Madame"

"Ahh, sandali po. Kukunin ko lang yung gamit ko naiwan ko sa loob"

"Nag cutting ka ba?!" sigaw niya sa akin. Patay! Palusot.com muna tayo

"Hindi po. Yung notebook ko po naiwan ko sa desk. Eh may assignment po kami doon ngayon. Kukunin ko lang po. Sandali lang.." pagmamakaawa ko sa kanya. Sa totoo lang kung wala sa bag yung phone ko eh hahayaan ko na lang doon yun. Eh wala, nandoon eh. Pumayag naman siya kaya iyon lumakad na ako papunta sa 3rd Building.

Pero hindi pa ako nakakarating sa 3rd Building na may narinig akong kalampag. Hala..

Naglakad ako ng mabilis kasi natatakot ako. May multo na ba kaagad ng ganitong oras? Tinignan ko yung wristwatch ko at 5:15 p.m pa lang naman. Mas lalo akong napalundag sa takot at gulat ng may narinig ako na umiiyak. Sabay sigaw ng

"Tulong!!" tapos may kumakalampag na naman. Tumingin ako kung saan ako nakatapat. At nakatapat lang naman ako sa 2nd Building. Dito ang mga rooms ng club.

Kinabahan na talaga ako. May naririnig kasi akong usap usapan na may nagpapakita daw dito. Parang gusto ko ng umuwi, doon na lang muna sa room yung cellphone ko. Nakakatakot kasi... Pero lintek na paa ito! Naglakad ako paakyat sa 2nd floor ng 2nd Building. Palakas ng palakas yung tunog ng kalampog at yung hikbi. Potcha! Nababading ba ako?

Hanggang sa nakatapat na ako sa room ng Journalism. Nakalock na pala itong pintuan.. Bigla akong napalundag ng may kumalabog sa loob nito.

Bigla ko na lang hinigit yung lock at binuksan ito. Pagkabukas ko noon, siya agad ang nakita ko. Basang basa sa pawis at puro luha ang mukha. Gulo-gulo na din ang buhok nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Iyak pa din siya ng iyak.

Pta sino ang naglock sa kanya?

Hinagod hagod ko yung likuran niya. Hindi pa din kasi tumitigil sa paghihikbi. Ilang oras na ba siyang nakakakulong dito?

Sana pala kanina pa ako bumalik dito at sana nung narinig ko agad yung kalampag. Tumakbo na agad ako dito. Mabuti na lang hindi na ako nag dalawang isip kung pupunta ba ako dito. Baka kung umalis pa ako, abutin sya ng hanggang umaga dito.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya. Pero nakayakap pa din ako sa kanya. Siya lang ang hindi.

Tinulak naman niya ako sabay labas ng pintuan. Isasarado na niya sana yung pintuan ng marealize ko na ang lock noon ay sa labas.

"Teka" sabi ko mabuti na lang naunahan ko siyang itulak yung pintuan. Dahil panigurado ikukulong niya ako dito.

Tinignan lang niya ako ng masama. Natakot ako sa mga tingin niya dahil ang sama na ng tingin niya namumula pa ang mata niya. At di lang iyon gulo gulo pa ang buhok. Lalapit na sana ako sa kanya para ayusin iyong buhok nya ng tumakbo siya.

Kainis! Habulin mo! Pagkakataon mo na ito!

Iyon hinabol ko siya.. Pupunta lang pala siya sa room namin. Pumasok na din ako sa loob at kinuha yung gamit ko. Pero hindi ko pa nabubuhat yung bag ko tumakbo na naman siya kaya iyon hinabol ko.

Nagulat yung guard nung palabas na kami. Haharangin sana niya si Serah ng sumigaw ito

"Padaan po!" kaya iyon nakalabas na siya at ako naman ang hinarang.

"Guard, palabasin mo na ako"

"Hindi ako bulag. Anong ginawa mo doon sa babae? Bakit umiiyak iyon?"

"EH kasi... Yung babae nasagasaan!" sabay turo sa wala naman. Nung tumingin siya tumakbo na ako papunta sa paradahan. Alam kong doon ang punta noon. Pero nakita ko na lang yung jeep umalis na... Haysss..

Kinapa ko na lang sa bulsa ko yung keychain.

Maibibigay din kita. Tiwala lang.

Umuwi muna ako sa bahay at kumain. Nung mga bandang 7 p.m na naglakad ako papunta sa kanila. Nagtago muna ako sa may puno kasi nakita kong lumabas ang Mama, Papa at Kuya niya.

"Mag-iingat ka ha? Ilock mo itong gate. Uuwi din kami bukas." sabi nung Mama sabay kiss kay Serah. Tamang-tama ito!

Nung nakalayo na sila. Ako naman ang tumapat sa gate nila.

"Tao po!"

"Tao po!"

"Tao po!" 15 seconds na akong nag iintay kung bubuksan niya yung pintuan pero hindi. No choice.. Nag over de bakod ako. Nung nasa tapat na ako ng pintuan nila, kinatok ko iyon.

"Tao po!" ulit.

Lintek, wala man lang akong dalang peace offering! Tatalikod na sana ako ng binuksan niya yung pintuan. Nung nakita niya ako bigla niya itong sinarado.

"Serah!"

"Umuwi ka na!"

"Kausapin mo ako!" pagmamakaawa ko. Gusto ko siyang kausapin, mag eexplain ako, mag sosorry ako. Madami akong aaminin.. Ayaw ko lang talaga na magkaganito kami.

"Wala tayong pag-uusapan!" sigaw niya

"Parang awa mo na"

"Uwi!"

"Hindi ako aalis dito hangga't di mo ako kinakausap!" sigaw ko

"Bahala ka sa buhay mo!"

Serah's Standpoint

Hindi ako makapaniwala na sa dami dami ng magbubukas nung pintuan ay siya pa! Gusto kong magwawala nung panahon na iyon pero bigla niya akong niyakap. Nakakahiya pa ang itsura ko noon. Pero kahit papaano napatigil ko din ang pag iyak ko. Akala ko kasi hindi na ako makakalabas at aabutin ako ng umaga doon. Magiging bantay pa man din ako sa bahay kasi aalis sila Mama ngayong gabi.

Pagkauwi ko sa bahay. Kinuwento ko kay Mama yung nangyari syempre sinabi ko na si Zac yung nagbukas. Pero sabi ko nakatakas din naman ako, ang sabi na lang niya mag ingat na lang daw ako sa susunod para di na ako malock ulit.

Akala ko si Kenn babalik.

Iniwan nga niya talaga ako..

Nung nakaalis na sila Mama nanuod na lang ako ng T.V. Sabi sa akin ni Mama wag na daw akong magbukas pa ng pintuan kapag nakaalis na sila. Kaya kahit may tumatawag sa labas hindi ko na lang pinapansin. Mahirap na, marami ng masamang tao ngayon.

Pero nagulat na lang ako nung sa mismong pintuan na namin kumakatakot. Hindi ko na nagawang silipin pa kasi naiinis na ako;

Pero nung nakita ko kung sino iyon, sinarado ko agad yung pintuan. Nung nakita ko siya, bigla na lang akong kinabahan. Ewan ko ba.. Hanggang sa sinabi niya hindi daw siya aalis hangga't di ko siya kinakausap.

"Bahala ka sa buhay mo.."

Bumalik na lang ulit ako sa panunuod. Aalis din naman yan kapag nainip na yan. Ang ganda ng pinapanuod ko.. Pero nakakaiyak ang love story nila. Nag break sila kasi gusto na ng space nung babae. Hanggang sa narealize niya sa huli na nagsisisi siya at gusto niyang makipag balikan sa guy. Pero huli na ang lahat meron ng iba si guy. Ouch!

Pero syempre nagparaya din naman yung girlfriend nung guy. Kasi mahal pa din naman nung guy yung ex niya. Kaya iyon nagkabalikan na ulit sila.

Halos 2 hours akong nanunuod ng One More Chance.

Ewan ko ba bigla kong naalala yung lalaking iyon pero alam ko naman na nakaalis na iyon. Pero tignan din natin. Binuksan ko yung pintuan at nagulat ako ng nakita ko siyang nakaupo sa harapan nung pintuan. Mukhang inaantok na siya.

"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko

"Inaantay ka." tapos tumingin siya sa akin ng seryoso pero yung tingin niya nagmamakaawa na. Para tuloy nanlalambot na din ang puso ko. Naaawa na ba ako sa lalaking ito? Pagkatapos ng lahat lahat? Nang biglang umihip ng malakas ang hangin. Kahit ako nalamigan. Tumingin ako sa kanya at kita kong nilalamig na nga siya.

"Pumasok ka nga muna" sabi ko. Pumasok naman siya at umupo sa sofa.

"Oh anong pag-uusapan natin?" tanong ko

"UH--Ahmm - Kas--"

"Ano? Puro ganyan lang ba maririnig ko sayo?" hindi ko alam kung saan nag mula yung mga sinabi ko. Kasi naaasar nga ako sa taong ito, pero nakakaawa lang talaga ang itsura niya.

"Sorry Serah" mabilis niyang sinabi. Tinignan ko lang siya, naghahanap ako ng sign kung niloloko na naman niya ba ako pero hindi seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Yun lang ba? Sige uwi ka na" binuksan ko na ulit yung pintuan. Lumakad na din naman siya pero nagulat ako sa ginawa niya. Tinulak lang niya yung pintuan tapos hinarang niya yung dalawang braso niya sa gilid ko. Bali nakorner na na naman ako.

"Ano ba?" sigaw ko sa kanya.

"Sorry.." tinanggal na niya yung braso niya sa gilid ko at napatakip na lang ako sa bibig ko nung lumuhod siya sa harapan ko.

"Sorry kung niligawan lang kita dahil sa pustahan. Sorry kung niloko lang kita. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo. Pero sana bumalik pa din yung dating pakiktungo mo sa akin. Ayaw ko kasi na may nagagalit sa akin. Sorry Serah.." tiningala nya yung ulo niya at nakita kong may luha sa mata niya.

Is this a joke? Drama na naman ba ito?

"Tigilan mo ako ng kadramahan mo!" iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Nanlalambot na naman kasi ang tuhod ko lalo na nung makita ko yung luha sa mata niya.

"Hindi ako nagbibiro, hindi ako nag dadrama. I'm begging you to forgive me."

"Oh tapos?"

"Sasabihin ko na sa'yo kung bakit kapag Siya na ang pinag-uusapan, iniiba ko ang topic"

Napatingin ako sa kanya at seryosong seryoso ang mukha niya pero umiiyak pa din siya habang nakaluhod. Hala..

"Tumayo ka nga muna" tumayo na siya. Teka, si Lord ba ang tinutukoy niya?

"Siya ba ang tinutukoy mo?" pinoint ko yung daliri ko pataas. At nag nod siya!

Huwaaaaaaah! Is this a black mail? Pero mukha namang hindi, ang tagal ko ng iniintay ito! Yung malaman ang side niya. Pero sige papakinggan ko, papatawarin ko siya pero hindi na ganoon tulad ng dati.

"Sige I forgive you" nag lighten up kaagad yung mukha niya lalapit sana siya sa akin pero tinulak ko yung mukha niya.

"Ep! Ikwento mo muna sa akin." tapos ngumiti ako sa kanya.

"Fine" tapos kinamot niya yung ulo niya "-di naman kita matitiis eh"

Tumingin siya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya ng napaka sweet. At last! Sasabihin na din niya! Nawala na din yung galit ko sa kanya pero syempre di pa din nawawala yung worries ko na baka ulitin nya.

"Wag mo akong ngitian ng ganyan. Baka mahulog na talaga ako ng tuluyan." sabi niya

"Huh?"tanong ko. Kasi naman nag iisip ako dito bigla siyang magsasalita.

"Wala ang sabi ko ikwekwento ko na"

Umupo na kami doon sa sofa. Tapos nag breath in at breath out muna siya.

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
7.9K 326 46
She is a bitch. Maldita. Matalino. Maganda. Mayaman. She has everything in other words. She's a bitch with a class. Then she met him AGAIN. Her old b...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...