RASTRO FEELS

By pluviopilya

762K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Somebody's Me (8)

5.1K 160 28
By pluviopilya

Punung puno ng tawanan ang Rooftop sa may malapit sa room ni Rhian. Nasa rooftop ng bahay nina Rhian ang tatlo. Naglalaro. Kanina pa sila tawanan ng tawanan dahil puro lang sila harutan. Ilang araw na ding dito nagsstay si Cassie at Glaiza. Nung nakaraang mga araw kasi, may taping si Glaiza so kay Rhian naiiwan si Cassie. At kapag may appointment naman si Rhian, si Glaiza ang naiiwan dito sa bahay nina Rhian kasama din si Cassie.

Friday ngayon. Sa sunday na ang PEP interview ni Rhian... Nakapagdecide naman na siya, kaya di na niya muna masyadong iniisip.








"Aray!"

"Ouch!"




Napahawak si Rhian at Glaiza sa mga ulo nila.


Natawa naman si Baby Cassie. "Ahahahaha. Untog po kayo dalawa? Ahahaha."

Medyo natawa din sina Rhian at Glaiza sa pagtawa ni Cassie... Nakahawak pa rin sila sa mga ulo nila dahil sa sakit.

"Bigla bigla kang sumusulpot Love, Sorry." Nilapitan ni Glaiza si Rhian at kahit mas nasaktan ata siya, kinissan niya yung ulo ni Rhian kung saan niya ito nauntog. "Sorry Love. Sorry."

Umiling si Rhian. "It's okay.... Masakit pero okay lang. Mahal na mahal pa rin kita." Sinundot ni Rhian ang ilong ng Girlfriend niya.


Nilingon nila si Cassie at parang di na ito makahinga sa katatawa.


"Hala si Baby oh... Gusto mo nasasaktan si Mommy Yoyon tsaka Mommy Cha no?" Natatawa din si Glaiza habang hinihimas himas pa rin ang ulo niya sa sakit ng pagkakauntog nila ni Rhian.

Umiling si Cassie. "Di po. Katawa lang pag-untog niyo po dalawa Mommy Cha. Ahihihihihi."


Natawa si Rhian at nilapitan ang Baby nila at kiniliti ito. "Tinatawanan mo kami ha? Tinatawanan mo kame eeeeehhhh..." Parang nanggigil si Rhian at kiniliti pa lalo si Cassie.

Lalo lang natawa si Cassie dahil bet na bet niya talaga yung mga harutang ganito.

Napangiti naman si Glaiza at nakisali sa harutan nung dalawa. Binackhug niya si Rhian at kiniliti din ito so napastop si Rhian sa pagkiliti kay Cassie dahil siya naman yung natatawa.


"Baby, tumakbo ka na dali. Para di ka na mahabol ni Mommy Yoyon." Natatawa pa si Glaiza habang hinaharot si Rhian.

Mabilis na tumakbo si Cassie sa kabilang side ng rooftop. Natawa si Rhian at biglang niyakap si Glaiza.


Kinissan niya pa ito sa pisngi tapos hinabol na si Cassie.


Medyo natawa nanaman si Glaiza. Naisahan ako dun ah. Alam ang kahinaan ko.



"Waaaaaaaaahhhhh" Sigaw ni Cassie nang makalapit na si Rhian sa kanya tapos humagikgik ng pagkacute cute. Natawa si Rhian sa kakyutan ni Cassie.


Malaki ang pagkakangiti ni Glaiza habang pinagmamasdan ang dalawa...

Hay... Ang sarap nilang titigan. Yung masaya lang sila. Parang baby talaga namin. Sana ganito nalang kami lagi. Sana di na to matapos.....












Riiingggg... Riiiingggg....





Medyo nabigla si Glaiza nang mag-ring ang phone na nasa bulsa niya.



Napakunot ang noo niya bago sinagot ang caller.


"Ate Cris?"

"Cha, nasan kayo ni Cassie? Nandito kami sa bahay natin ngayon. Kasama ko yung lola ni Cassie..."








Hindi alam ni Glaiza kung bakit bigla siyang kinabahan dun.









Bigla niyang tiningnan ang nagtatawanan pa ring sina Rhian at Cassie.



Napalunok siya. "L-Lola ni Cassie? Bakit daw? Bakit nandiyan sa bahay?"

"Yun na nga... Pwede bang umuwi muna kayo dito para makapag-usap ng ayos? Kailangang kailangang pag-usapan to, Cha."


Tumango si Glaiza, "Okay.. Okay pupunta na kami."


Siya na ang nag-end ng call.


Hindi nawala ang kaba niya...

Anong meron? Bakit? She thought.

Huminga siya ng malalim at nilapitan ang dalawang babaeng mahal na mahal niyang naghaharutan pa rin..

Niyakap niya si Rhian at Baby Cassie. Kinissan niya ang mga ito sa noo. "Break time muna tayo okay? Magbihis muna at uuwi muna tayo sa bahay."


Napakunot ang noo ni Rhian. "Sa bahay niyo? Uuwi na kayo?"

"Uuwi tayo. Kasama ka syempre Love."

"Bakit? Hinahanap na ba kayo ni Nanay C?"

Medyo kinurot ni Glaiza ang ilong ni Rhian. "Mamaya natin pag-usapan Love okay? Paliguan muna natin tong bata batuta na to. Hmmmm!!" Kunware pang pinanggigilan ni Glaiza si Cassie kaya humagikgik nanaman yung cute na bata.

Tumango nalang si Rhian. "Okay.. Baby, Halika dali." Inopen ni Rhian ang mga braso niya dahil kakargahin niya si Cassie.

Umiling si Cassie. "Wag na po ako kargahin."

Napakunot nanaman ang noo ni Rhian. "Ha? Bakit?"

"Malaki na po ako e." Cassie said.

Medyo natawa pa si Rhian at Glaiza. Si Glaiza na ang kumarga kay Cassie. "Kahit malaki kana, kakargahin ka pa rin namin. Diba Mommy Yoyon?"

Nagthumbs up naman si Rhian.

"Kisshhh mo nga kame Mommy Yoyon?" Nagpout si Glaiza na parang nagpapacute at ganun din ang ginawa ni Cassie.

Natawa si Rhian. Kinissan niya si Cassie tapos si Glaiza ng mabilis lang. "Tinuturuan mo pa ng damubs yang si Baby Cassie Lovelove. Hahaha."


Natawa nalang din si Glaiza at pumasok na sila sa loob para paliguan si Baby Cassie.


//







"Buti naman dumating na kayo." Sinalubong sila ni Ate Cris pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ng mga Galura.

Nakita nilang may babae na nakaupo sa may living room at nakikipagkwentuhan kay Nanay Cristy.

Eto ba yung Lola ni Cassie? Glaiza thought.


"Rhian, Glaiza, maupo muna kayo." Offer ni Ate Cris sa dalawa.

Pumasok na sina Rhian at Glaiza sa loob. Pero papasok na din sana si Cassie nang medyo nagtaka sila nang parang magtago ito sa may binti ni Rhian.


"Hey Baby, Come on. What happened?" Rhian asked.

Umiling si Baby Cassie at parang may kinatatakutan kaya nagtatago sa may likuran ni Rhian.


"Hey baby...."







"Apo ko. Halika dali." Tumayo yung babae at akmang lalapit kay Cassie pero nagsalita si Rhian.


"Wait, what? Lola po kayo ni Cassie?!"


Tumango yung 'Lola' ni Cassie. "Ako nga. Matagal ko ng di nakakasama yang apo ko... Saakin ibinilin ng Mama niya yan. Nasa Germany na ngayon ang Mama niyan."


Napakunot ang noo ni Glaiza. "Nasa Germany? Akala ko nasa Olongapo?"

"Ayun na nga Cha, umuwi na pala ng Germany yung Mama ni Cassie... Baka daw di na bumalik kaya sa Lola ata si Cassie pinapaalaga."


Napakunot na din ang noo ni Rhian. "Wait, it means, kukunin niyo na si Cassie?"



Tumango ulit yung Lola ni Cassie. "Kukunin ko na siya. Tumatagal na kasi't di ko na siya naaasikaso." Lalapitan sana ulit ng Lola ni Cassie si Cassie pero lalong nagtago si Cassie sa may bandang likuran nga ni Rhian.





"Cassie, Lola mo yan oh." Turo ni Ate Cris sa Lola ni Cassie pero umiiling lang yung bata na parang ayaw niya.



Nilapitan ni Glaiza si Cassie at kinarga ito. Niyakap naman ni Cassie si Glaiza at tinago niya ang mukha niya sa leeg ni Glaiza na parang may ayaw siyang makita.


Nagtaka naman si Glaiza. "Baby, anong nangyayari? Bakit?"

Naramdaman ni Glaiza ang pag-iling ni Cassie sa bandang leeg niya.



Tiningnan ni Rhian yung Lola ni Cassie dahil parang may iba siyang kutob...




"Pasensya na kayo ha? Kailangan ko na talagang kunin yang bata." Nilapitan na nung Lola ni Cassie si Cassie at tinanggal ito sa pagkakakarga ni Glaiza.

Medyo nasakal pa si Glaiza dahil parang ayaw bumitaw ni Cassie sa kanya...


"Ayaw ko. Ayaw ko.." Cassie said and bigla itong umiyak.


"Pasensya na talaga sa abala. Mauuna na kami..." Kinarga nung Lola ni Cassie si Cassie kahit iyak pa ito ng iyak.

Doon na nagtaka si Rhian. "Wait, saan niyo siya dadalhin? Bakit agad agad?"

Nilingon nung Lola ni Cassie si Rhian. "Uuwi na kami sa bahay namin. Sa akin kasi siya ibinilin ng Mama niya at sinabing kuhain ko na daw sa inyo. Pag nasa amin siya, mas maaalagaan siya ng ayos."


Napakunot lalo ang noo ni Rhian. "What?! Mas maaalagaan ng ayos? Excuse me po, pero inaalagaan namin siya ng ayos dito. Maayos siya sa side namin ni Glaiza."

"Hindi na kasi nakakatuwa neng na sa inyo siya mamumulat. Baka iba ang maging pananaw niya pag lumaki siya."


Parang nagpantig naman ang tenga ni Rhian doon. "What the hell?! Sorry po ah pero ano pong gusto niyong iparating?!"

Medyo tumataas na ang boses ni Rhian. Nagtatalo sila sa may living room kasabay ng patuloy na pag-iyak ni Cassie.


Nilapitan ni Glaiza si Rhian para pigilan ito. Alam niyang umiinit na ang dugo nito...


"Hindi ko siya hahayaang mamulat sa mundo niyo... May mga balita akong naririnig tungkol sa inyong dalawa ni Glaiza at wag niyong idamay sa mundo niyo ang apo ko. Magmahalan kayo ng babae, sige. Pero di ko hahayaang pati apo ko madamay diyan sa kagustuhan niyo!"


"Who the hell are you para sabihin yan?! Hindi mo po kami kilala! Magsalita sana kayo ng ganyan, kung pinapaiyak namin yan si Cassie. O kung may mga galos siya o sugat o kung sinasaktan namin siya! Masaya siya sa amin. At wala kayong pakeelam kung ganito kami. Wala din ho kayong pakeelam kung magkarelasyon nga kami ni Glaiza. Hindi niyo kami kilala kaya wag niyo kaming husgahan na parang kilalang kilala niyo kami!"


Lalong umiyak si Cassie dahil sa tension na biglang bumalot sa living room. Naiinis na si Rhian. Damang dama na yun ni Ate Cris at Nanay Cristy kaya wala sa kanila ang makapagsalita para pigilan si Rhian. Di rin magawang pigilan ni Glaiza si Rhian dahil naiinis na rin siya. At alam niyang kapag gumatong pa siya, kawawa pa lalo yung Lola ni Cassie.


"Wala akong pakeelam sa inyo. Basta ilalayo ko ang apo ko sa inyo. Ilalayo ko siya!" Umalis na ang Lola ni Cassie.


Lalong umiyak si Cassie. "Ayaw koooo. Ayaaaaaaaawwwww. Mama koooo. Ayaw koooo."


Sinundan pa nina Rhian at Glaiza sina Cassie.

"Sabihin niyo sakin kung san niyo siya dadalhin!" Rhian shouted.


"Bat ko gagawin yun? Ayaw kong makasama niya pa ulit kayo." Sumakay na ng sasakyan yung Lola ni Cassie...


"Ipapahanap ko kayo... Hindi niyo to pwedeng gawin ng basta basta! Ipapahanap ko kayo!!!" Sigaw pa ni Rhian pero tuluyan ng umalis yung Lola ni Cassie. Kasama si Cassie.




Doon biglang lumabas ang luha ni Rhian... "Ipapahanap ko kayo... Hindi niyo siya pwedeng ilayo basta basta... Hindi pwede..." Umiyak si Rhian at halos maupo sa sahig pero nandun si Glaiza para alalayan siya.


"Love...." Itinayo ng ayos ni Glaiza si Rhian at niyakap ito..

"Hindi pwede.... Hindi nila pwedeng ilayo si Baby Cassie ng basta basta... Hindi pwede..." Lalong umiyak si Rhian.



Tinapik ni Glaiza ang likod ng Girlfriend niya dahil sobra siyang naaapektuhan.... Gusto rin niyang maiyak dahil umiiyak ito. Gusto rin niyang umiyak dahil sa sitwasyon. Eto na ang kinatatakutan nila. Eto na nga.... Inilayo na si Baby Cassie sa kanila. Si Baby Cassie na sobra ng napapamahal sa kanila. Eto na..


//






"Love, kanina kapa tumatawag ng pulis... Stop mo muna yan." Umupo si Glaiza sa tabing upuan ni Rhian.

Nasa bar sila na business ni Jason at Rhian. Sarado yung bar pero dito naisipan ni Rhian pumunta dahil may mga drinks dito at gusto niyang maginom..

"Love... Kanina kapa nagpapanic.. Kalma ka muna."

Tiningnan ni Rhian si Glaiza. "Kalma?! How?! Paano ako kakalma kung alam kong wala na yung bata satin?! Wala yung batang napamahal sating dalawa?! Paano ako kakalma Glaiza?" Nagsstart nanamang maglaglagan ang luha ni Rhian. "Ipapahanap ko yung Lola niya... Hindi ito pwede... Hindi ako papayag.."


Glaiza exhaled, "Love, wala kasi tayong laban e. Lola ni Cassie yung kalaban natin dito. Totoong Lola. Eh tayo? Ano ba niya tayo? Mommy-Mommyhan niya lang tayo.. Wala tayong karapatan sa kanya."


"So susuko ka na?! Hindi mo siya ipaglalaban?! Hanggang dito nalang yun Glaiza? Tapos na agad?! Pagkatapos ng lahat ng moments na kasama natin yung bata, sasabihin mong wala tayong karapatan na ipinaparating mo na wag na tayong lumaban, ganun ba?!"

Napalunok si Glaiza... "Ang akin lang Love, wala talaga tayong karapatan. Kapag nagdemanda ka, baka mapasama pa tayo kasi di naman tayo kadugo nung bata. Panalo pa rin yung Lola niya."

"Glaiza tell me, hindi ka ba nasasaktan sa sitwasyong to ha?! Si Cassie ang nawala satin. Wala akong pakeelam kung hindi niya tayo kadugo o kung ano pa man! I don't care! Gusto ko lang bumalik siya! Satin na siya e. Iniwan na siya nung Mom niya so bakit kinukuha ulit siya?! Hindi ako papayag ng basta nalang Glaiza. Lalaban ako.. Ipaglalaban ko tong case na to, and I'll do everything para bumalik si Cassie satin. Kung di mo ko tutulugan, at sumusuko kana agad, fine. It's okay. Ako nalang mag-isang lalaban para sa bata." Umiiyak pa rin si Rhian at tumayo na siya para sana lumabas na ng bar pero hinawakan ni Glaiza ang kamay niya bago pa siya makapaglakad.


Hinawakan ni Glaiza ang kamay niya at tumayo din ito. Mabilis siyang nilapitan ni Glaiza....



....And kissed her.




·


·


·

Tumutulo yung luha niya habang kiss siya ni Glaiza.


·


·


·


"Sasamahan kita. Sasamahan kita Love." Glaiza said after the kiss. Hinawakan pa nito ang pisngi ni Rhian. "Sorry. Ayokong mag-away tayo. Ayokong pag-awayan natin to. Kailangan natin ang isa't isa sa sitwasyon na to kaya ayokong mag-away tayo okay?" Nakatingin lang si Glaiza sa umiiyak na mata ni Rhian. Pinunasan niya ang luha nito gamit yung thumb niya. "Lalaban tayo para kay Cassie. Of course lalaban tayong dalawa. Sorry. Wag na tayong mag-away... Magtulungan tayong dalawa. Kukunin ulit natin si Cassie okay? Babalik ulit siya satin.. Wag kana umiyak. Mabilis lang to Love, babalik din agad si Cassie... Wag ka ng umiyak." Kinissan pa ni Glaiza si Rhian sa noo at niyakap ito.


Lalo lang naman naiyak si Rhian kaya di na siya makapagsalita...


I believe na hindi ito dito nagtatapos... Hindi pwede... Hindi ako papayag na agad agad matapos lang ang lahat. Hindi pwede. Ayoko.....


Baby, gagawa kami ng paraan para bumalik ka. Trust me, gagawin namin ang lahat...




//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.


.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: Hindi pa dito nagtatapos Baby, maniwala ka lang. Huhuhu.

Napamahal na tapos iiwan :(


Ge. Huhuhu

Continue Reading

You'll Also Like

687K 7.9K 69
• This is pure fan fiction • This story was published to spread love • This story was made just to entertain myself • This story was made by my delus...
85.5K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
157K 6.5K 40
Cute Story for Rastro Fans first time to write pasensya po. ahihi
314K 4.9K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...