Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 984K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 21: The Invitation

578K 23.3K 5.6K
By april_avery

Chapter 21: The Invitation

Nanatiling nakatitig ang mga tao sa akin. Lahat sila ay tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Pinagmamasdan nila ako. May mga sinasabi sila pero hindi ko maintindihan.

Tinitigan ko si Zander. Pareho kaming nababasa na ng ulan. Bahagya niya akong inilayo mula sa kanya. I stepped back. Nanatili siyang nakatitig sa akin. His eyes betraying his expression.

“Hindi ka ba nasaktan?”

Natigilan ako sa tanong niya. Rain water trickled down his face pero hindi niya ito alintana. Umiling ako. “I-I’m fine.”

Narinig ko ang ingay ng pagdating ng ilang pang tao. Nakisiksik sa mga tao sina Sebastian para lumapit. Ang iba sa mga orders ay nagulat nang makita si Zander. Some of them bowed momentarily.

Sebastian stared at me. Bahagya siyang hinihingal. Mukhang galing sila sa loob ng kakahuyan. Pag aalala ang bumakas sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit. Bahagya siyang nabow, a form of formality.

“Bring her home, Sebastian.”

Naramdaman ko na hinawakan ako ni Sebastian. Zander stepped back this time. Pinagmasdan niya ang paligid, tila ina-assess ito. Bago siya muling humarap kay Sebastian at akin.

“I will handle this.”

Wala akong nagawa kundi sumama kay Sebastian. Inalalayan niya ako hangang makarating sa loob ng aking sasakyan. Pagpasok ko, doon ko naramdaman kung gaano ako nanginginig at giniginaw dahil sa pagkabasa ko sa ulan at dahil sa mga nangyayari.

Pinaandar ni Sebastian ang sasakyan. Nanatili akong walang imik. My cold lips were quivering. Nag focus si Sebastian sa pagmamaneho paalis ng parking lot. Nang makalabas na kami sa campus, bigla niyang hininto ang sasakyan at napamura ng mahina.

“Hindi dapat ito nangyari.”

Nahampas niya ang manibela. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Tinitigan ko siya. Huminga siya ng malalim.

“Hindi dapat nila malaman. Not this early.” sinabi niya.

Nagtaka ako. “Sebastian-”

Humarap siya sa akin. Napakurap siya nang makita ang nangangambang expression ko.

“Wala ‘to.”

Nagpatuloy siyang muli sa pagmamaneho. Bakas parin ang frustration sa mukha ni Sebastian. Nanatili ang tingin niya sa daan. Napansin ko ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa manibela.

We’re both trenched and cold. Pero maliban doon may kakaibang tension sa paligid. Hindi niya ito masabi sa akin. Pakiramdam ko malaking gulo ang nangyari kanina.

“D-Did I do something wrong?” tanong ko nang paakyat na kami sa burol.

Napansin niya ang nanginginig kong boses. Huminto siya sa gilid ng daan. May inabot sa likod ng sasakyan. Kinuha niya doon ang pulang jacket ko saka inabot sa akin. Sinuot ko ito. Pero dahil masikip sa loob ng sasakyan ay kinailangan niya akong tulungan.

“You didn’t do anything wrong.” sinabi niya habang inaayos ang kwelyo ng jacket ko.

Akmang haharap na siya muli sa manibela nang hilain ko ang laylayan ng kanyang damit. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak siya. They were trembling lightly.

“I'm scared.”

Doon siya tuluyang napalingon sa akin.

“I'm scared of what will happen after this. Zander and I-”

Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin. Nothing make sense to me anymore. Maliban sa bagay na yon. Maliban sa nararamdaman kong connection namin ni Zander.

Humarap ako kay Sebastian. “You’re the only person constant in this changing and confusing situation, Sebastian.” I said. “Kakampi kita, hindi ba? You're the only ally I know. Please don’t let me down.”

For a moment tinitigan niya lamang ako. Maya maya pa napapikit ako nang hawakan niya ang ulo ko at guluhin ang aking buhok habang ang isang kamay ay nasa manibela. Ngumiti siya sa unang pagkakataon mula noong nangyari ang kaguluhan.

“Kakampi mo ako. I’ll be your ally until my last breath.”

—-

Loraine Van Zanth

Bumaba ako sa sala nang makita ang pagpasok ni Sebastian at Laura sa mansion. Both are soaked wet from the rain. Nakabalot kay Laura ang isang pulang jacket. Bahagya siyang namumutla habang panay ang haplos sa kanyang braso halatang nilalamig na.

Hinintay ko siyang magpaalam bago lumapit sa kinaroroonan nila ni Sebastian. Nasalubong niya ako sa pag akyat sa hagdan. Bahagya siyang yumuko saka bumati bago muling nagpaalam na magpapahinga na sa kwarto. Pinagmasdan ko siya hangang sa mawala siya sa paningin ko.

“This news will spread like wild fire in Van Zanth.” sinabi ko habang nakatingin sa staircase. Nanatili si Sebastian sa tapat ng nakabukas na pintuan. Hindi ito umimik. Subalit alam ko na pareho lang kami ng pinag aalala.

Ano mang oras mula ngayon ay malalaman ng buong bayan ang nangyaring gulo sa paaralan. What happened was not a normal car accident. Zander hasn’t officially recognized Laura yet. But it was enough for everyone to know that our alpha has a mate.

“It’s too early for them to know.” I said.

An alpha is never liable to protect a human or anyone out of his race without an agreement or connection. Pero dahil hindi inaasahang ang nangyari nawala ang restrain ni Zander sa sarili at niligtas niya si Laura. At nasaksihan ito ng mga taga bayan.

Sa ngayon hindi ko na alam kung ano ang iniisip ng aking kapatid. Few days ago he was certain that she wanted Laura out of Van Zanth. Plano niyang kalimutan ang koneksyon nila ni Laura para sa ikabubuti ng bayan. Pero ngayon ay hindi ko na sigurado kung ito parin ang decision niya.

“Siguradong gagawa sila ng paraan para masiguradong hindi babawiin ni Zander ang kanyang decision.”

Natigilan ako sa sinabi ni Sebastian. Tama siya. Ano mang oras makakarating na sa mga seniors at advisers ng bayan ang insidente. Ito ang pinaka iniiwasan naming mangyari.

Dahil ngayon ay hindi na namin hawak ang sitwasyon. It had gotten way out of our hand. At alam kong ano man ang decision ng aking kapatid ay magkakaroon ito ng malaking epekto sa bayan at kay Laura.

—-

Hindi nga ako nagkamali.

Dahil dalawang araw lamang matapos ang insidente ay nagkaroon kami ng hindi inaasahang bisita. Naghihintay siya sa sala noong bumaba ako mula sa second floor. Hindi ko maiwasang matigilan noong makita siya. Bahagya akong nagbow bilang pagalang nang makarating ako sa harap niya.

“Lady Brenda.”

Siya ang asawa ng dating beta ng bayan na si Senior Roberto Marseille at ina ni Venise. Si Lady Brenda Marseille. Wala siyang ibang kasama pero alam kong nagbabantay sa labas ang mga guards na kasama niya. Formal ang suot niyang bistida. The former beta including his wife is considered as one of the advisers in this town. I wonder if this is an official visit.

“Magandang umaga.” bati ko.

She raised her hand and motioned for me to sit. Pag upo ko, lumabas si Senior Helga mula sa kusina. May dala siyang mga inumin para sa amin. Mukhang alam na niya agad na meron kaming importanteng bisita. Habang nilalapag niya ito sa mesa sa pagitan namin hindi ko maiwasan na mangamba. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nagkaroon ng official visit sa mansion simula noong naging alpha si Zander. Kadalasan nagkakaroon lamang nito kapag may malaking problema sa bayan.

Bumalik si Senior Helga sa kusina. Tahimik na sumimsim si Lady Brenda sa kanyang tsaa. Kinuha ko ang tasa na nakalaan para sa akin. Subalit hindi ko ito magawang inumin. Kalmado ang umaga. Elegante at mahinahon ang taong kaharap ko. Ngunit may masama akong pakiramdam sa pagbisita na ito.

“We heard what happened.” sinabi nito dahilan upang pabiwiin ko ang akmang pagsimsim sa tsaa. Humarap siya sa akin at binaba ang hawak na tasa sa saucer nito. “Zander’s mate is an Arden.”

Hindi ako nakasagot. Doon palang alam ko na kung ano ang magiging takbo ng usapang ito.

“Yes, Lady Brenda.” sagot ko.

“Why did you let this happen?” she asked. “Why did you expose something like this without consulting us?”

Tuluyan kong naibaba ang tasa na hawak ko sa mesa. “Lady Brenda, I don’t think this issue concern—“

She cut me off. “You know this will be a big problem.” she said.

Sanay na ako na hindi niya ako pinapatapos kapag magkausap kami. In her eyes, I’m still an illegitimate daughter of the former alpha. At sa mata niya at ng iba pang nakatatanda sa bayan, hindi maaaring maging alpha ang tulad ni Zander na isang halfblood.

“Hindi na siguro malinaw sayo o sa bagong generasyon ng mga hybrid sa bayan ngayon ang nangyari ilang taon na ang nakakalipas, pero sa mga matagal ng naninirahan sa bayan ay malinaw parin ang lahat. And I don’t think we can accept that girl in this town.”

“But she’s my brother’s mate.”

“Aren’t your brother’s supposed to be the one who should despise her?” tanong nito bago muling sumimsim ng tsaa. “O maging siya ba kinalimutan na ang ginawa ng pamilyang yon sa bayan?”

Naging kalmado ako sa gitna ng lahat ng narinig. I won’t stoop to the level of the Loraine she expected to see from me. Sanay na ako sa mga ganitong usapan mula noong nawala ang mga magulang namin.

“Laura is the alpha’s mate. And no matter how we see it, we can’t control the bond or both of them.”

“Did Zander already accept her?

Humigpit ang hawak ko sa tasang nasa palad ko. “Not yet.”

Lady Brenda stared at me as if saying ‘see?’. “You are not Cassandra’s child but you took a lot from her. Both having a soft side for humans. Mabuti nalang namana ng kapatid mo ang disiplina at pagiging strikto ng inyong ama. What would Van Zanth be without those traits known to your family?”

Muli akong tumahimik.

“I should have believed my daughter Venise when she told me this absurd thing is happening in this mansion.” Humarap siya sa akin. “The alpha needs to make a decision soon. Bago pa lumaki ang gulo.”

“The advisers of the town gave Zander until the end of the month to have a decision. And whatever his decision is, will be known by the town in the upcoming All Hallow’s Eve.”

All Hallow’s Eve. “But Lady Brenda—“

“Zander needs to decide. The seniors needs to confirm from Zander himself if he’s going to accept that woman or not. The elders will respect the alpha’s decision nonetheless. But I do hope it is for the good of the people. The All Hallow’s Eve celebration will be held on the mansion this year so I hope the alpha will be ready by that time.”

Tuluyan niyang binaba ang tasang hawak. Nagpunas ito ng kanyang labi. Doon na tinatapos ang usapan.

“When your parents died my husband and I promised to look after you.” sinabi niya. “You are like my kids. That is why I know this is for the better. Zander must decide in front of the people of Van Zanth. And make sure this woman will be there.”

Hinatid ko si Lady Brenda hangang sa pintuan ng mansion. Nang tuluyang makaalis ang kanilang sasakyan, bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

Once a year there’s a specific day when our skills and ability as a hybrid are more prominent. At yon ang All Hollow’s Eve. Nagaganap ito tuwing ika huling araw ng ikasampong buwan ng taon. It resembles as a new year’s celebration in our race. A celebration of being a hybrid.

Every hybrid town like Van Zanth celebrates this occasion. And Van Zanth’s way of celebrating it is through a Ball. The All Hallow’s Eve Ball. At dito nila napili na magdecision si Zander. Sa harapan ng mga mamamayan ng Van Zanth. At ang okasyong ito ay limang araw mula ngayon.

—-

Noong gabing yon tahimik akong pumasok sa kwarto ni Laura. Payapa na siyang natutulog sa kanyang kama. Marahan ang kanyang paghinga. Hindi tulad kanina na halos nahihirapan siyang makatulog.

Patuloy ang kanyang pag alis sa darating na Linggo. Hindi parin siya pinipigilan ni Zander. The Ball is going to be the last night of Laura in Van Zanth. Matapos nito, kapag hindi nagbago ang sitwasyon o decision ni Zander, she has no choice but to leave Van Zanth.

Bumuntong hininga ako at humarap sa labas ng bintana. Napansin ko ang pag galaw sa bandang itaas nito, sa third floor. Sumilip ako at nakita ang aking kapatid sa terrace ng kanyang kwarto. Nakaharap siya sa madilim na bayan sa ibaba. Seryoso ang kanyang mukha at walang ano mang makikitang expression dito.

Sa mga oras na ito alam ni Zander kung ano ang mangyayari sa All Hallow’s Eve. Pero ano nga ba ang iniisip mo, Zander? Ano ang gagawin mo?

—-

Laura Katherine Arden

Naging tahimik ang mansion sa mga sumunod na araw matapos ang nangyari sa paaralan. But I began to notice it was not a calm silence. Habang lumilipas ang mga araw ay nararamdaman ko ang tension sa paligid. Tahimik ang hapagkainan tuwing kakain kami. Hindi nag uusap si Miss Loraine at Zander. And I often caught Miss Loraine staring at me.

Tatlong araw nalang bago ako umalis. Habang lumilipas ang araw mas nagiging anxious ang atmosphere sa buong mansion. Minsan nakita kong nag uusap si Miss Loraine at Aunt Helga. They seemed to be talking in hushed uneasy voices. Miss Loraine seemed to be waiting for something.

Nasa kwarto ako at nag aayos ng mga natitirang gamit nang ipatawag ako ni Miss Loraine. Bumaba agad ako sa sala. Nakita ko siyang naghihintay doon. She smiled when she saw me approaching. But it was a half-smile. Tila ba may malalim siyang iniisip.

Pinaupo niya ako sa sofa. Hindi ko mapigilan na magtaka kung bakit niya ako pinatawag. Isa nanaman ba itong masamang balita? Is there something worse than what I heard last time?

Umupo siya sa katapat kong silya. “You’re going to leave in three days?”

Tumango ako. “Yes.”

“I’m sorry Zander has to resort into this.”

Hindi niya kailangan humingi ng tawad. Sa totoo lang naging maayos ang kanyang pakikitungo sa akin. She’s one of the most rational and kind hybrid I know. Almost human like. Sandaling katahimikan ang namayani. It was mid-afternoon and the mansion is silent.

“There’s a celebration in Van Zanth this upcoming Saturday.” Bumalik ang aking attention kay Miss Loraine dahil sa kanyang sinabi. “It’s the annual All Hallow’s Eve celebration.”

All Hallow’s Eve?

“There’s a traditional Ball that will be held in the Marseille’s mansion as part of the celebration. I want you to be there.”

Tumahimik ako. Familiar sa akin ang okasyon na kanyang binangit. Minsan ko ng nabasa ang tungkol dito. Miss Loraine wants me to attend a traditional Ball held specifically for their race.

“I’m sorry. I don’t think people want me there. It’s an event for your race.”

Sandaling natigilan si Miss Loraine. Napansin ko na nag hesitate siya bago muling nagsalita.

“As a member of the ruler family of Van Zanth, I can invite anyone in the party.” she said. “And I’m inviting you.”

Gusto kong tumangi. That kind of event is no place for me. Gusto kong umalis ng maayos sa bayan. Gusto kong umiwas sa kahit anong gulo hangat maari. Pero noong oras na yon alam kong wala akong magagawa.

“This is my last request, Laura. You need to be there.”

***

Continue Reading

You'll Also Like

108K 3.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
848K 20.5K 49
It was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika an...
159K 2.8K 101
🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need t...