Hello, Neighbor

By aril_daine

5.1M 145K 19.5K

Nathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015 More

Intro
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
EPILOGUE
SELF PUB (Preorder)

CHAPTER 8

112K 3.2K 373
By aril_daine


Kakatapos lang ng game at parang naririnig ko pa rin sa utak ko ang sigawan kanina sa court. Grabe talaga. Ang intense ng game kanina. At medyo hinihintay lang namin na lumabas ang mga nasa paligid pero ang iba dito ay parang ganun din ang ginagawa.

"Gabe! Sa championship manood ulit tayo, please?"

"Mahilig ka pala talaga sa basketball?" Amused pa rin siya hanggang ngayon. Naaawa na nga ako sa kanya kasi lagi ko siyang hinahampas tuwing nakakashoot si Oliver.

"Hindi lang sa basketball. Mahilig din akong manood ng tennis pati nga golf pinapanood ko."

"Hindi nga?"

"Seryoso ako. Yung daddy ko kasi noong bata ako, laging sports ang pinapanood. Natutunan ko ang rules sa mga sport na pinapanood ko dahil sa dad ko. Anyway, tara na?" Tumayo na kami sa upuan at mauuna na sanang maglakad pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Baka mawala ka. Ang daming lumalabas."

"Right." Bulong ko saka tumingin sa magkahawak naming kamay. "Uhm pero kuya Gabe tingin mo hindi kaya nakakailang? Baka kasi kung may kakilala tayo rito tapos pag-isapan tayo ng kung ano."

"Parang masyado mong iniisip ang iisipin ng iba? Hindi ka ba nai-stress? Miru, hayaan mo sila. Alam mo namang hinawakan ko ang kamay mo para hindi ka mawala saka hinawakan ko lang 'yang kamay mo biglang kuya na ang tawag mo sa'kin. Mas nakakailang 'yun."

"Pwede mo naman hawakan lang yung likod ko katulad ng iba?"

"Woah, hindi lang ako ang lalaking niyaya mong manood ng basketball? Ibang klase ka." Aniya saka nito ginulo ang buhok ko. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa buhok ko para lagi nilang guluhin. Maiksi na nga 'to.

Binitiwan lang niya ang kamay ko nang makarating na kami sa hindi mataong lugar. Halos punuan rin ang mga restaurant sa paligid ngayon dahil sa mga taong nagsilabasan sa arena.

"Mukhang wala tayong kakainan." Nagugutom na ako at dapat ganitong oras ay kumakain na kami. Medyo nasanay na rin kasi akong kumakain tuwing gabi dahil kay Gabe.

"Magluto na lang tayo. Okay lang? May pizza pa naman ako sa apartment saka may ingredients din ako sa ref kaya---"

"Okay. Pero nagluluto ka?"

"Oo naman. Anong akala mo sa'kin?"

"Bili lang nang bili ng pagkain. At pinapakain ang lahat ng matripan mong pakainin." Nginitian na lang niya ako bago ako inakbayan patungo sa parking lot.

Isang oras ang layo ng apartment mula sa arena kaya kahit gutom na gutom na ako ay tiniis ko na lang saka isa pa totoong may pizza siya kaya ang pizza ang una kong kinain pagkapasok pa lang namin sa unit niya.

"Kailan mo iniba ang ayos ng apartment? Huling pasok ko dito ay noong si ate Yvette pa ang nakatira."

"Noong pagkalipat ko. Okay ka lang ba sa pizza? Hindi ka ba busy kasi magluluto pa lang ako? And one more thing, huwag mong tawaging ate ang kapatid ko. It's weird." Umirap lang ako nang sabihin niyang huwag kong tawaging ate si ate Yvette.

"Nagawa ko na ang lahat kanina bago tayo manood. Tutulungan na lang kita magluto." Lumapit ako sa kanya. "Ooh, spaghetti?"

"Parang disappointed ka, ah? Dapat nga maging masaya ka kasi baka ito na ang pinakamasarap na spaghetti na matitikman mo."

"Si Ms. Carol pinagluluto mo rin?"

"Oo pero bihira, lagi kasi siyang nagda-diet saka hindi siya masyadong magana kumain, nasasayang lang ang mga niluluto ko."

"Kaya dapat lang na mas ipinagluluto mo siya noon saka dapat pinilit mo siyang kumain. Ang hina mo naman. Pero mahal mo pa? Kung may chance na magkabalikan kayo, babalikan mo pa? Parang patay na patay ka kasi talaga sa kanya, e."

"Mahal ko pa siguro pero hindi ko na babalikan. May iba na siya at nakita ko mismo 'yun." Nakita ko ang awkward niyang ngiti kaya hindi ko na itinuloy ang dapat na itatanong ko pa sa kanya.

"You guys broke up for a reason. You will find someone who will treat you right and you will realize that you deserve everything your new partner gives you." Sabi ko na lang para madismiss na ang topic. "Tulong gusto mo? Ako na lang maghihiwa niyan." Turo ko sa nakapatong sa counter. "Ang bagal mo, e."

"Maghanap ka na lang ng pagkakaabalahan mo para hindi ka nagrereklamo. May pizza pa." Psh.

Hindi na ako nagreklamo at pinanood ko na lang siyang magluto. Wala rin naman akong maitulong kasi ayaw niya akong utusan. Sa totoo lang, maliban sa daddy ko siya pa lang yata ang lalaking nakita kong magluto. Para siyang ipinanganak para magluto tutal mahilig naman siyang magpakain.

"Balik ako mamaya, ah." Paalam ko sa kanya. Naiinitan na kasi ako at nanlalagkit. Nag-shower na muna ako at nagbihis. Sando at shorts na lang ang isinuot ko tutal kapitbahay ko lang naman siya. Saka ilang beses naman niya akong nakitang nakapambahay.

Pero pagbalik ko sa unit niya ay nagulat na lang ako dahil sa reaksyon niya.

"Holy hell Miru! Bakit ka nakaganyan? Aatakihin ako sa puso dahil sa suot mo."

"Ang rude mo, ah. Wala namang masama sa suot ko." Agad niya akong tinalikuran at nagfocus na lang sa ginagawa. Hindi na lang tuloy ako nagsalita at hinintay na lang siyang matapos magluto. Or maybe I'm not hungry anymore. Nakakainis kasi siya. Akala mo kung sino kung makapintas sa suot ko. Natural magpapambahay ako! Nainis pa ako nung napansin kong nagtakip siya saglit ng ilong. Nagshower naman ako, ah.

Tahimik lang siyang naglagay ng mga plato sa lamesa at pati na rin mga baso. Naglabas rin siya ng soda at tubig, siguro in case ayaw ko ng soda or maybe ayaw niya?

"Kain na." Parang ayaw niya akong pakainin sa tono ng pananalita niya. Parang lahat ng humor niya kanina ay biglang naglaho. Baka naman he's taking it out on me kasi napag-usapan namin ang ex niya?

Binibilisan ko na lang ang kumain para makaalis na lang. Sayang naman kasi kung tatanggihan ko ang grasya. Tinuruan akong ubusin ang pagkain na pinapakain sa'kin kaya dapat lang na ubusin ko 'to.

"Bakit ka nagmamadali?" Sinimangutan ko siya dahil hindi ko siya gets. "Baka mabulunan ka." Seryoso pa rin ang mukha niya ngayon at hindi pa rin niya ako matitigan. Parang ayaw niya akong kasama bigla.

"Kasi baka ayaw mo na ako rito. Kasi baka pagod ka na at gusto mo ng matulog."

"What?"

"Parang disappointed ka pa ngang bumalik ako." Am I sulking?

"Hindi. Bakit mo naman naisip 'yan?" Isinuklay niya ang kamay niya sa buhok niya.

"Then what? Una nagreklamo ka sa damit ko pagkatapos hindi mo na ako kinausap. Masama bang magpambahay? Ang init kaya. Saka nagshower naman ako. Makatakip ka ng ilong dyan." Sabi ko pa saka ko ininom ng straight yung soda.

"I'm sorry. Hindi naman dahil doon." Hindi pa rin niya ako tinitignan ulit. God! This is frustrating! Baka may nagalaw ako rito sa bahay niya na ayaw niyang magalaw.

"Tapos na akong kumain. Thanks sa dinner."

"Magdala ka na ng kakainin mo bukas. Para magpapainit ka na lang. Marami akong naluto." Tatanggi sana ako pero tama siya. At least makakakain na ako ng agahan. Nakakatamad pa naman magluto kapag nagmamadali.

"Okay." Tumayo na ako at kinapalan ko na talaga ako mukha ko na dumiretso sa mga gamit niya. "Nasaan 'yung mga food container mo? Ah huwag na pala, nakita ko na." Tumingkayad ako para abutin ang container. Ngayon ko lang kinainisan ang height ko ng ganito. Pilit ko pa rin itong inaabot nang maramdaman ko ang katawan ni Gabe sa likuran ko. Biglang tumayo ang balahibo ko pati bumilis ng slight ang tibok ng puso ko. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. Parang nakaramdam ako bigla ng hiya kahit hindi naman dapat. Yung tipong gusto kong umalis na pero ayaw naman gumalaw ng paa ko.

"Heto na." Kaagad siyang lumayo sa akin na para akong isang sakit kaya ang naramdaman ko kanina ay parang biglang nawala. Umiling na lang ako at dumiretso na sa natirang spaghetti. Kukunin ko na ang lahat para wala na siyang kainin. Masarap pa naman ang niluto niya.

Nilagpasan ko siya at binuksan ko na ang pinto. "Kapag naibalik ko 'to hindi na ulit ako magpapakita sa'yo. Para ka kasing nandidiri sa'kin." Sht. I'm really sulking!

"Hindi nga ganun." Para talaga siyang nahihirapan sa sasabihin niya. Siguro diring-diri talaga siya sa akin ngayon o kaya naman galit na galit talaga siya sa'kin.

"Okay lang naman. Saka sanay na ako, kaya kung galit ka sabihin mo lang sa akin. Hindi naman ako masasaktan. Marami naman naiinis sa akin, e."

"Fck that Miru! I meant you're hot and I like your smell, I can even smell you from here. Damn it." Agad niyang sinuklay ulit ang buhok niya gamit ang mga mahaba niyang daliri. Ang kulay abo naman niyang mga mata ngayon ay hindi ko na makita dahil umiiwas ito sa mga tingin ko.

"Hah?" I know late reaction pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tanungin kung ano ulit ang sinabi niya.

"I said, good night. Lock it for me."

"A-ang alin?"

"The door."

"Uh, okay." I said biting my lips, not sure kung tama pa ba ang sinasabi ko.

"God Miru, you're killing me. Don't bite your lips." Agad kong itinigil ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay umiinit na ang buong mukha ko. Freaking hell! Bakit ba hindi ako makaalis dito sa kinatatayuan ko? Nahihiya ako dahil baka naririnig niya ang heartbeat ko.

"Uhh, thanks sa dinner. G-Good night. Ibabalik ko na lang 'to kapag hindi na ako busy." Kahit na parang nabibingi ako sa sarili kong boses, alam kong pahina nang pahina ang pagkakasabi ko ng mga iyon. This is so wrong!

"Sure, anytime. And Miru," Tumingin siya sa akin na dahilan ng biglang pagbilis na naman ng puso ko. Great. "Huwag ka na ulit magsuot ng ganyan kapag kasama mo ako. You're killing me."

"O-okay." Isinara ko na ang pinto niya nang makalabas ako. Nagmadali rin akong pumasok sa unit ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga nang maluwag mula nung sinabi niya ang mga iyon. Sina Kevin never naman nagreklamo sa suot ko tuwing nandito sila sa apartment. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Wala naman akong hot na nakikita sa harapan ko.


***

A/N: Sinong gusto ng Dedic? Pipili na lang ako  sa comments HAHA

Masipag na ako mag-update, ah! Sana huwag mabati. haha

Continue Reading

You'll Also Like

16.8M 209K 56
Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pagkamayabang pa. What will happen if one...
2.9M 117K 53
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...
627K 25.1K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...