CHAPTER 33

75.2K 2.4K 161
                                    


CHAPTER 33

I'm fully aware na kanina pa ako tinititigan ni Gabe. Hindi talaga niya inaalis ang mga tingin niya sa akin kahit na kanina ko pa siya hindi kinikibo. I know this isn't right. I'm being unfair kasi hindi ko sinasabi sa kanya kung bakit naiinis ako at kung bakit hindi ko kinakain yung dala niya kahit gutom na ulit ako. It's just that, naiinis akong may babaeng pumunta at hinahanap siya. At higit sa lahat maganda talaga dapat ang naghahanap? He's successful kaya nga hindi na ako magtataka kung babae pa talaga ang maghahabol sa kanya.

"Hindi ka talaga kakain?" Tanong nito sa akin pero hindi ako kumibo na dahilan naman kung bakit siya bumuntong hininga. "Kung may nagawa ako, I'm sorry. Kung ayaw mo nitong pagkain bibili akong iba. Just please talk to me, Angel." Nilakasan ko pa ang volume ng TV at hindi ko pa rin siya kinibo. Iritable ako at ayaw ko lang na mas masungitan ko pa siya. "Pagod ka ba?" He asked me again. Yes, again! Pero wala na naman siyang nakuhang sagot sa akin. He sighed again.

"Okay, hindi na ako mangungulit. Sleep well, okay?" Hinalikan pa ako nito sa noo ko bago siya umalis nang tuluyan. Siguro ay hindi na niya naabutan yung babae kanina.

Bakit kasi ngayon pa umuwi si Gelene? Dapat nag-stay pa siya dito. Yung magaling kong kapatid naman ay hindi na nagagawi dito. Marahil masyado na siyang busy kay Robin. Huwag lang sana niya 'yon mabuntis kung hindi talagang ako pa puputol ng dapat putulin!

Tumingin ako sa pinto na pinaglabasan ni Gabe, nagbabakasakaling bumalik pa siya pero hindi! Walang Gabe na bumalik! Ilang minuto ko pa ngang tinignan ang pintuan!

"God I hate it! Bakit ba ako naiinis?" Naiinis kong isinubo yung carbonarang binili ni Gabe para sa akin dahil una, gutom na ako at pangalawa, sayang naman kung hahayaan kong mapanis yung pagkain dahil lang naiinis ako. Kanina pa nga ako nilalandi ng pagkain na 'to, e. Kanina pa nagpapapansin sa ilong ko ang masarap niyang amoy! Kung wala lang si Gabe kanina baka kanina ko pa nilamutak ito.

Susubo pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa ng pintong iyon ang gulat na gulat na si Gabe dahil punong-puno pa ang bibig ko.

"Uhh, naiwan ko yung cellphone ko." Sabi nito kaya tumango ako at pinilit nguyain ang carbonara sa bibig ko.

Lumapit ito sa pwesto ko at kinuha ang cellphone niyang nakakalat doon.

"Angel?" This time ay tumingin na ako sa kanya. Ano pa nga bang gagawin ko? Nahuli na niya akong kumakain tapos punong-puno pa ang bibig. Aish! Bakit ba tuwing wala akong poise ay lumilitaw siya? Nakakawala ng pagkababae ang mga timing niya, e! "Galit ka pa rin?" He heaved a sigh nang mahalata niyang hindi ako sasagot. "You want me to leave?" Umiling ako dahilan kung bakit sumilay na ang mga ngiti niya. "You're not angry then?" Pansin ko na parang hindi nawawalan ng pag-asa ang boses nito. "Ayokong matapos ang gabi na galit ka sa akin." Sabi pa niya kaya ngumiti na lang din ako.

"Sorry, wala lang talaga ako sa mood kanina and vented my anger on you." I lied. Sa totoo lang ay naiinis ako sa kanya. What if may iba siyang babae? He's not mine afterall.

Ininom ko yung tubig na ngayon ay hindi na malamig dahil kanina pa rin ito nakalagay sa harap ko kasama ng lumamig nang carbonara.

"What's bothering you?" He asked me saka umupo sa tabi ko at inayos ang buhok ko.

"Nothing." I lied again. Gusto kong tanungin kung sino yung babae but a part of me is telling that I shouldn't ask that, and I shouldn't meddle with his business. That girl is definitely his business.

"C'mon, you can tell me. I'm always here to listen." Umiling lang ako.

"It's nothing, really. Uhmm, yung binasa ko kasing book hindi kasi sila nagkatuluyan." A lie. Goodness! Why am I like this? Am I jealous?

"Nagbabasa ka ng libro? Akala ko binibigyan ka lang ng tita mong mahilig magbasa pero hindi mo binabasa?"

"S-sometimes lang naman. Like ngayon, wala akong ginagawa lately kaya nagbabasa ako."

"Bakit pakiramdam ko, hindi ka nagsasabi ng totoo?"

"Pakiramdam mo lang 'yan." Sabi ko saka ulit ako sumubo sa carbonara. "You see, may mga bagay na dapat hinahayaan na lang. Kasi mas mabuting huwag na lang sabihin at ipaalam sa iba. Kasi they're not worth it. Manood na lang tayo ng basketball. May game si Oliver ngayon."

"Oliver," Matamlay niyang bigkas sa pangalan ni Oliver. "Buti pa siya alam mo ang schedule niya kahit di mo sabihin." Alam ko rin naman 'yung iyo kahit hindi mo sabihin. "Tinatanong ni Yvette kung anong gusto mong pasalubong?"

"No kahit huwag na. I'm good. I can have whatever I want naman." Why do I have to rub it to him pa? Gees! Miru! Stop your game and be a mature woman for once!

I heared him sighed again.

"Sorry, nalimutan kong mayaman ka nga pala." Sabi nito saka biglang tumayo. "Goodnight, Miru." Miru. Why aren't you calling me Angel?

Pinanood ko siyang lumabas ng unit ko and this time, alam kong napuno na siya sa akin. Marahil ay pagod na siya sa trabaho niya pero heto ako, minamalditahan pa siya.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon at nagdikit ng sticky note sa pinto niya. Sana kapag lumabas siya mamaya ay mabasa niya.

'I'm sorry, Engineer. Dinner later? Please, say yes! Text me, okay?'

Buong araw akong hindi lumabas sa unit ko at buong araw ko lang din hinahawakan ang cellphone ko. Hinihintay ko ang text ni Gabe sa akin. Pero alas kwatro na ay wala pa rin akong natanggap na text galing sa kanya. Siguro ay sobrang busy niya.

Alas sinco nang lumabas ako sa unit ko para sana bumili ng meryenda nang mapahinto ako sa tapat ng unit ni Gabe. Nandoon pa rin ang sticky note na iniwan ko kaninang umaga. Nalungkot ako bigla dahil hindi niya iyon napansin.

Siguro nagmamadali siyang umalis. That's why this time, I texted him.

Me: Dinner later? :)

Bumalik ako sa unit ko after kong bumili ng junkfood. I'm staring at my cellphone like an idiot just because i'm waiting for his reply.

Kada umiilaw ito ay napapatingin ako. Spam text lang naman ang natatanggap ko at mga text galing sa network.

Me: Gabe, I'm sorry kagabi. :(

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin talaga. I'm getting worried!

Lumabas ako sa unit ko at kinatok ko ang pinto niya, tinawag ko pa siya pero walang sumasagot. Great, where are you?

Me: Gabriel san ka? Pls reply. :|

5 minutes later....

Me: Where ka na? >:(

Fine! Last na! Hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko saka ko siya tinawagan. It's ringing naman kaya bakit hindi niya ako nirereplyan?

Sa panglimang ring ay doon niya sinagot ang tawag.

"Hey Gabe! I'm trying to reach you kanina pa. Nasaan ka ba? You're getting me worried."

"Angel?" Pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo ko. Hindi boses ni Gabe ito. "Angel, right?" Tanong pa niya kaya mas lalo akong na-estatwa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig kasi kanina ko pa siya hinahanap pero isang babae pa talaga ang sumagot ng cellphone niya? "I'll tell him na lang na tumawag ka. And oh, dinner is impossible." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang niyang tinapos ang tawag.

Fck? What was that? Bakit babae ang sumagot? Ilang minuto rin akong hindi makagetover sa nangyari at nang matauhan na ako ay muli akong nagcompose ng text.

Me: Fine. No dinner. ENJOY YOUR NIGHT!

Ilang beses akong huminga nang malalim dahil sa paninikip ng dibdib ko. Calm down, Miru. Calm down. Hindi mo siya boyfriend kaya huwag kang magalit. PERO TANGINA NAMAN KASI! KAKALBUHIN KO TALAGA YUNG BABAE KAPAG NAKITA KO! Bwisit!

******

A/N: Seryoso muna tayo. Hayayay! Sino ba kasi 'yang babae? jeske. Ako sasapak niyan para kay Miru! >:(

VOTE AND COMMENT! :)


Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon