CHAPTER 3

132K 3.5K 295
                                    


Isang araw pa at mock defense na nga namin kaya naman kailangan ko na talagang magseryoso. Pero paano naman ako makakapag-aral ng matino kung ang punyeta kong kapitbahay ay nagpaparty na naman! Sobrang lakas ng music! Feeling ko ay magigiba na ang unit ko sa lakas ng sound system niya sa kabila!

Ako lang ba talaga ang naiingayan o wala lang talagang pakialam ang nasa isa pang unit na katabi lang din niya?

Kalma lang Miru. Kalma ka lang. Dati rin naman ay nagpaparty ka kaya siguro pinaparusahan ka ngayon dahil ganito rin kaingay ang unit mo tuwing nandito ang mga magulo mong kaklase at barkada.

Muli ko na lang itinuon ang buong konsentrasyon ko sa ginagawa ko. Kailangan ko pa itong pag-aralan at hanapin ang iba pang butas sa thesis paper ko. Hindi ako matalino kaya naman kailangan kong paghirapan ang lahat ng ginagawa ko. Gusto kong maging accountant, ginusto ko ito kaya heto ako at nakikipagpuyatan na naman sa mga papel.

Pero sana talaga ay may kaunting konsiderasyon man lang sa kapitbahay ang unit na katabi ko!

Bwisit talaga!

Dahil hindi na talaga ako makapagconcentrate ay tumayo na ako nang tuluyan at lumabas sa unit ko. Kung sino talaga ang nagpapaparty na 'to ay talagang makakatikm na siya sa akin!

Malakas kong kinatok ang pinto pero tingin ko ay hindi nila ako narinig. Ilang beses pa akong kumatok at talaga namang inilabas ko ang lahat ng inis ko sa pagkakatok sa pinto nila! Sana talaga ay masira ko ito nang makabawi man lang!

Unti-unti ay humihina na ang tugtog pero laking gulat ko nang iba ang narinig ko. May umungol. Siguradong may umungol na babae! Fck! Ilang minuto pa akong natulala bago nagsink-in ang narinig ko. Sa katangahan ko naman ay kumatok pa muli ako.

Are they doing something? Sht! Nakaabala ba ako? Paker talaga! Dahan-dahan akong tumalikod para bumalik sa unit ko nang biglang bumukas ang pinto ng unit na kinatok ko. Sht talaga. Nakakahiya.

"Bakit?" Napalunok ako ng laway ko. Not once but thrice! Pakingtape talaga. Kahit ayaw kong harapin siya ay ginawa ko pa rin. Tumambad sa akin ang pawisan niyang katawan at napansin ko rin na nakaboxer shorts lang siya. Badtrip! Sabi na nga ba't may ginagawa sila. Ang laki mong sagabal Miru!

Sinuklay pa nito ang buhok niya gamit ang mga daliri niya bago sumandal sa pinto.

"Siguraduhin mong importante ang sasabihin mo dahil inabala mo ang ginagawa ko." Muli akong napalunok ng laway.

"Gabe? Sinong nandyan?" Pasigaw na tanong ng babae mula sa loob. Parang noong nakaraan lang ay Carol ang tawag niya sa akin tapos ngayon ay mukhang nagkabalikan na sila.

"Bata lang." Napanganga ako dahil sa sagot niyang iyon sa babae. Pero agad naman niyang itinikom ang bibig ko. Yes! Siya talaga ang nagsara ng bibig ko.

"Ano na?" Nakangisi nitong tanong.

"Ano... Ano kasi kung pwede pakihina lang yung music. Nag-aaral kasi ako." Wala akong sinabing nakakatawa pero tumawa siya. May saltik na yata siya.

"Pero kapag ginawa ko 'yun baka iba ang marinig mo." Muli itong ngumisi at para bang natutuwa siya sa mga sinasabi niya sa akin. "Teka nga." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya umatras ako. Amoy babae nga siya. "Ah! Ikaw yung bata na hindi marunong tumawid."

"Hindi na ako bata." Ito kaagad ang naisagot ko sa kanya. "And please hindi ako nakikipaglokohan. Kailangan kong mag-aral at para sabihin ko sa 'yo ay wala pa akong tulog ng ilang araw dahil sa ingay ng unit mo. Pagod na rin ako dahil sa OJT ko kaya sana naman may konting respeto ka sa kapitbahay mo." Padabog akong pumasok sa unit ko nang masabi ko iyon sa kanya. Punyeta siyang tunay!

Sana pala ay hindi na siya binalikan ni Carol kung araw-araw nilang gagawin 'yang ginagawa nila! Nyeta sila. Mga sabik! Sana reglahin muna ng isang buong taon 'yung Carol para hindi muna nila magawa 'yang ginagawa talaga nila.

***

Maayos naman na natapos ang mock defense namin. Medyo dinurog nga lang ako ng professors na nagpanel kanina pero ayon sa kanila ay konting plantsa at linis na lang at siguradong hindi naman magiging major revision ang aking thesis paper.

"Kumusta?" Bungad ni Erol sa akin pagkalabas ko sa hell room na tinatawag ngayon. Nginitian ko siya na dahilan naman kaya ginulo nilang tatlo ang buhok ko bago ako binati.

"Naks naman ang galing!"

"Kayo ba? Kumusta?"

"Ako yata pinakawalang kwenta dito sa grupo, e. Kung totoong defense daw yung kanina talagang bagsak 'yung akin. Buti na lang may time pa. Itong dalawang kupal huwag mo ng tanungin." Inakbayan na ako ni kevin at saka inilayo sa dalawa naming kaibigan katulad ng nakasanayan niya tuwing siya ang pinakamababa sa grupo. Hindi ko naman masisisi 'yung dalawa dahil sadyang matalino naman kasi sila. Kami lang naman ni Kevin ang trying hard sa kursong napili namin.

"Papasok ka na ba niyan sa OJT mo?" Tanong ni Erol nang mahabol niya kami.

"Oo. Ewan ko lang 'tong kumag kong katabi kung papasok."

"Pakisabi naman na may LBM ako. Masyadong kinabahan sa mock defense kamo."

"Edi kung defense talaga 'yan baka patay ka na." – Jonathan.

"Bahagian niyo nga ako ng konting pag-asa sa buhay." Pabiro pang sabi ni Kevin kaya tinadyakan siya ni Jonathan. Masyado silang magulong kasama pero nakakawala naman sila ng pagod.

Lumabas kami ng Campus at doon ay humingi na ako ng sigarlyo kay Erol. Kailangan kong magtanggal ng stress dahil akala ko talaga kanina ay lalamunin na ako ng profs ko.

"Kapag nahuli ka ng magulang mo huwag mo kaming idadamay." Paalala ni Kevin. "Dapat kasi hindi ka naninigarilyo. Kababae mong tao." Kinuha nito ang sigarilyo ko para makisindi at ibinalik sa akin.

"Kapag nahuli ako ni mama sisisihin ko si Erol at kapag si papa naman ang nakahuli sa akin sisisihin ko naman si Jonathan. Ayos na ba 'yun?"

"Bakit kami na naman?" Chorus pa nung dalawa. "Nananahimik ako, e." Ani ni Jonathan. "Hindi kita tinuruan manigarilyo. Si Kevin lang dapat ang sinisisi mo. Itapon mo na nga 'yan."

"Akin na nga 'yan." Akmang kukunin ni Jonathan ang sigarilyo nang may ibang kumuha nito. "Anak ng pusa naman! Problema mo?" Lahat kami ay napatingin sa kumuha ng sigarilyo ko.

"Bawal sa bata ang manigarilyo. Masama sa baga 'to." Great! Ang kapitbahay kong walang kwenta ay nandito.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko pero tinawanan lang niya ako bago ilagay ang sigarilyo ko sa sarili niyang bibig. Mas lalo yata akong nastress!

"Siya yung tumawag sayong Carol, tama?" Bulong ni Jonathan.

"Hindi kita sinusundan. May project kami dito. Kita mo 'yan?" Turo niya sa itinatayong condominium na malapit lang dito sa kinatatayuan namin. "Engineer ako at isa ako sa nagtatrabaho para project na 'yan." Ngumisi siya at saka tuluyan na ngang umalis kasama ng isa pa niyang alipores.

"STALKER KA PA RIN! HUWAG KAYO MAG-INGAY NG BABAE MO MAMAYANG GABI!" Sigaw ko saka ako tumakbo papasok sa jeep na malapit nang umalis.


****

Nagbago na isip ko. Mag a-update ako pag trip ko na lang. hahaha

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon