CHAPTER 10

117K 3K 306
                                    


"Hi, neighbor." Nakangiti niyang bati sa'kin. Sakto kasing pareho kaming lumabas sa mga unit namin. "Magtatapon ka rin ng basura?"

"Obviously." Sagot ko naman. Magulo pa ang buhok nito at naka T-shirt at shorts lang siya. Marahil katulad ko ay kagigising lang din niya.

"Gusto ko mang kunin 'yang dala mo pero may bitbit na ako sa parehong kamay." Sabi nito sabay taas ng dalawang garbage bag.

"Kaya ko naman." Halos papel lang naman ang laman ng sa'kin unlike sa kanya na parang buong bahay na yata niya ay itatapon na niya.

Ilang araw ko siyang hindi nakita dahil medyo late ako umuuwi. Minsan nakailaw naman ang unit niya pero hindi naman niya ako kinakatok para kumain. At kung sakaling kumatok naman siya ay tatanggi lang din ako dahil bago ako umuwi ay tinitiyak ng mga kaibigan ko na nakakain kami ng hapunan. Ayaw yata nilang may lalaki na pumapasok sa unit ko kahit pa sabihin ko na wala namang malisya ang ginagawa naming iyon.

"Busy ka yata nitong nakaraan." Pababa na kami sa hagdan nang tanungin niya iyon. May ilan na tenants din dito na binabati kami kapag nakakasalubong namin.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dalawang gabi akong kumatok sa unit mo pero wala ka pa. Yung kagabi naman, natyempuhan ko na umuwi ka kaya lang nagpatay ka kaagad ng ilaw."

"Ahh. 'Yung mga kaibigan ko kasi, gusto nila laging sa library tapusin ang mga dapat tapusin. Tapos kumakain na rin kami sa labas. At yung food container mo, ibabalik ko na lang mamaya."

"Okay lang, kahit kelan mo gustong ibalik."

"Nasayang ba 'yung mga pagkain?"

"Hindi naman, kinakain ko na lang ng umaga yung mga natira."

Inilagay na namin sa labas ang garbage bag. Doon kasi pinipickup nung truck ang mga basura namin.

"Una na ako, hah? May pasok pa ako mamaya, e." Nauna na akong umakyat dahil maliligo pa ako at paplantsahin ko pa ang aking uniform.

Nang paalis na ako ay tumigil muna ako sa tapat ng unit niya. Isinulat ako ng numero ko at sinabing i-text niya ako para malaman ko ang numero din niya. Para naman masabihan ko siya kung masasabayan ko siyang kumain o hindi. Nasasayangan kasi ako sa pagkain. Idinikit ko ang sticky note sa pinto niya bago ako tuluyang pumasok.

***

"Miru, aalis muna ako. Ipapagawa ko sana sa'yo 'to." Binigyan ako ni Ms. Carol ng files, sorting lang naman pero meron pa kasi doon." Turo niya sa sulok. "Medyo marami, pero kung hindi mo matapos, ayos lang."

"Okay po." Umalis na siya kaagad kaya umupo na muna ako sa station niya.

"Boyfriend yata niya 'yung tumawag?" Alam kong mali pero pinapakinggan ko pa rin ang usapan nila. She's Carol! Ex ni Gabe! Hindi ko kayang hindi pakinggan.

"Sira, hindi! Friend daw, e."

"Sus! Kung friend 'yun hindi ganun magmamadali. Narinig ko pangalan ng lalaki 'yung sinabi niya kanina." Magmamadali rin naman siguro ako kung may friend ako na kailangan ang tulong ko?

Sinosort ko nalang ang mga papel according to date. Masyado naman siyang makalat magtrabaho. Hindi ba siya marunong mag-organize? Grabe! Mas malinis pa sina Jonathan sa kanya, e.

"Emergency raw. Hayaan mo na nga. Magtrabaho ka na lang."

Lunch break na noong magkausap kami ni Kevin. Pareho nga kami ng company na pinag o-ojthan pero hindi naman kami nakakapag-usap dahil sa mga ginagawa. Utos dito, utos dyan kasi halos lahat sa amin.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon