CHAPTER 25

97.9K 2.8K 543
                                    

SPG GG

Nag-iinit ang katawan ko dahil sa ginagawa ni Gabe. Ang mga kamay niyang humahaplos sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano at kung bakit kami ganito ngayon.

Nagdadarang ang pakiramdam ko at para akong mapapaso. I need him. Now.


dejoke lang.

Dahil mabait ako may update ulit ako! Last na talaga ngayong week na to. di na ako mag-update sa sabado! :)



HETO NA TALAGA ANG UPDATE! ENJOY!


CHAPTER 25

Nagising ako nang maramamdaman kong may dumampi sa gilid ng aking labi. Hindi ko pa iminumulat ang mga mata ko pero laking gulat ko nang marinig ko ang mahinang tawa ng isang lalaki. Agad akong napamulat ng mga mata at tinitigan siya.

Si Gabe na may hawak pang tissue at nakatingin sa akin. Nasa iisang kama lang kami. Shit! Naglandi ba ako? I mean... Oh my God!

"Chill, I asked you to sleep here." Napatakip ako ng bibig ko dahil napansin ko ang hawak niyang tissue. "Heto ba? Tumutulo kasi laway mo kaya pinunasan ko." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya! Agad akong tumayo at tumakbo sa CR!

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko kinaya! Nakakahiya! Bakit ngayon pa ako naging tulo laway?! Lord naman! Kagabi ko nga lang narealize na gusto ko siya, na crush ko na siya tapos... Aish talaga namang nakakawala ng pagkababae! Bakit sa harap pa niya? Bakit ngayong kasama ko pa siya? Hindi ko kinaya!

Humarap ako sa sink at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ang pangit ko, ang gulo ng buhok ko, may muta pa ako tapos tumulo pa laway ko habang natutulog ako! Bakit kasi ako nakatulog sa kwarto niya? Bakit kasi hindi na lang ako umalis noong nagsha-shower siya? Bakit kasi pumikit pa ako? Bakit ako nakatulog at hindi man lang nakita kung topless ba siyang lumabas sa CR? Wait, what?

Agad akong naghilamos at ginamit ang spare na toothbrush na nandito. Hindi ko alam kung saan ko ngayong huhugutin ang lakas para magpakita sa kanya. Wala na akong maipakita pa. Kita na niya yung napakapangit kong mukha. Nakakatakot pa naman ako tuwing umaga.

Dahan-dahan akong lumabas sa CR. Napansin ko naman agad si Gabe na nakadapa sa kama at mukhang tulog na ulit siya. Napangiti ako dahil ang peaceful niyang tignan. Lumapit pa ako sa kanya at dahan-dahang sumampa sa kama para titigan pa siyang mabuti.

Bakit ba ngayon ko lang talaga napansin na ang gwapo niya?

"Quit staring, Miru." Nagulat ako nang bigla niya ako hinila pahiga at niyakap. "Let's stay like this for awhile."

"G-Gabe kasi---" Mas lalo akong nabigla nang hapitin niya ang beywang ko at mas lalong inilapit sa kanya. Darn! Ang aga-aga ang bilis ng takbo ng puso ko! Nakarating na yata sa Edsa at nagwawala na! "Uhm, Gabe. Mabaho kasi ako. Hindi ako nakapagshower kagabi." Pero sht! Imbes na lumayo siya ay naramdaman ko ang tungki ng ilong niya sa leeg ko! Dang it! Dang it!

"Hindi naman. Ang bango mo nga, e." Nakikiliti ako. Nakikiliti ako dahil ramdam na ramdam ko ang bawat hinga niya sa leeg ko. Tinatayuan ako ng balahibo dahil sa ginagawa niya. Naiihi na ako sa kaba.

"Kasi Gabe baka nag-aalala na si Gelene."

"Hindi 'yon mag-aalala."

"Gabe naman." Mas lalo akong nahiya sa kanya dahil hindi ko napigilan ang piglang pagkalam ng sikmura ko. Sht naman talaga! Nagpapa-cute pa ako, e! Este nagpapakababae ako ngayon tapos panay nakakahiya ang nangyayari sa akin!

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon