CHAPTER 12

108K 2.9K 225
                                    


"Miru."

"Gelene, bakit ka nandito? Gabi na." Kalalabas ko lang sa unit ni Gabe nang datnan ko si Gelene sa harap ng unit ko. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, siguro nag-aalalang walang dadatnan.

"Akala ko wala ka. Nakapatay kasi 'yung ilaw." See? I'm always right. "Anong ginagawa mo sa kabila?"

Binuksan ko ang pinto sa unit ko at pinapasok ko siya. Nang umupo siya sa sofa ay kumuha na muna ako ng maiinom niya. Alam ko naman na nag-effort na naman siyang pumunta rito.

"May problema ka ba? May nangyari ba?" Kahit papaano naman ay nag-aaalala ako sa sa kanya. Maaring umiiwas nga ako pero kaibigan ko pa rin siya. I miss her so much. At hindi naman ito pupunta dito kung wala talaga siyang pakay.

"Miru." Umupo ako sa kabilang dulo. "Alam ko naman kung bakit ka umiiwas pero mas pinili kong manahimik at hindi pa rin ipaalam sa'yo noon. Alam kong mali, alam kong makasarili ako pero kasi mahal ko na siya noon" Hindi na ako nagtaka nang tumulo ang luha sa mata niya. "Miru, mahal ko si Derek pero hindi ko masabi sa'yo kasi natatakot ako." Matagal kaming nilamon ng katahimikan bago ko tuluyang binasag ito.

"Naging makasarili rin naman ako at hindi ko inintindi yung nararamdaman niyo. Sinabi ko kay Derek na huwag ka niyang ligawan."

"Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta nagkaaminan lang kami bigla. Miru, hindi naman namin sinasadya." Halos humagulgol na siya ngayon pero sa totoo lang ay labas naman na talaga ako sa relasyon nila. Kung masaya sila ay dapat maging masaya na lang ako para sa kanila dahil sa totoo lang ay wala naman akong karapatan para magalit.

"Gelene, hindi ko alam kung mahal ko pa siya o iniisip ko na lang na mahal ko siya. Magkaiba 'yon at naguguluhan pa rin ako." Tumingin sa akin si Gelene. "Ang totoo niyan, umiwas ako kasi pagod na akong maikumpara sa'yo. I'm sorry." Ilang beses akong lumunok ng sarili kong laway. "Pakiramdam ko kasi hindi ako magiging si Miru kung lagi kitang kasama. Nai-insecure ako kasi sobrang talino mo tapos maganda ka pa plus talented pa. Ako wala lang, best friend mo lang na laging nasa likod mo. Kahit nga ngayon, ganun pa rin. Naikumpara pa rin ako sa mga naging kaibigan kong babae sa Cress U. Kung hindi naman, lagi akong ginagamit. Para bang wala lang ako sa kanila." Nilaro ko ang mga daliri ko dahil ngayon ko lang nasabi ang mga bagay na ito sa kanya. Siguro kasalanan ko rin kung bakit ako ganito. Kasi wala akong confidence sa sarili.

"Miru, no. Bakit mo ba iniisip 'yan? You know what? I hate the fact that my best friend goes to a different school and she doesn't have a lot of people to hang out with and it makes me want to drop kick everybody there for not realizing that she is better than all of them. Miru, you're cool, great, good-looking, gorgeous, smart and..."

"Gelene, sa totoo lang ayaw pa talaga kitang makita pero nakakainis ka. Now, you're even thinking about drop kicking everybody." Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. "I'm sorry kung ang childish ko. I'm sorry kung minahal ko si Derek. I'm sorry dahil ang immature ko sobra."

"I'm sorry din. I'm sorry Miru. Hindi ko alam na umabot na sa ganito. Lagi lang akong nag-aassume na okay ka kasi alam kong malakas ka. I'm sorry." Niyakap ko siya hanggang sa kumalma siya. Niyakap ko siya hanggang sa maramdaman kong wala na ang mabigat kong nararamdaman. Niyakap ko siya kasi sobrang namimiss ko na siya.

"ehem." Naghiwalay lang kami ni Gelene dahil sa tumikhim. Si Ravince at nasa likuran nito si Gabe. "Gelene, nandito ka pala. Ayos na kayo ng ate ko? Gusto mo bang kumain?" Alok nito na para bang wala lang sa kanya kung nagkatampuhan kami ni Gelene ng ilang pesteng taon!

"Bakit pati ikaw Gabe ay nandito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" Tumayo ako at lumapit ako sa kanya. "Tapos ka na bang kumain? Hindi ba binaliktad ni Ravince ang apartment mo?"

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon