CHAPTER 45

84.9K 2.7K 427
                                    


CHAPTER 45

Kanina pa ako nakatingin sa calling card na binigay sa akin ni Engineer Bautista. Kanina ko pa pinag-iisipan ang sasabihin ko kung sakaling tatawagan ko siya.

Sa Valdez Group of Companies pa rin pala siya nagt-trabaho. Masyado siyang loyal, sila ni Engineer Baustita. Pero kung sabagay, malaking kumpanya naman iyon at dahil doon ay malalaki ang nahahawakan nilang projects.

Humiga ako sa kama at tinitigan ko ang kisame. Laking gulat ko nga nang biglang may gagamba na inihagis sa mukha ko!

"Sht ka talaga Ravince! Tumatanda kang paurong!" naiinis kong bulyaw dito samantalang siya ay halos mamatay na sa kakatawa.

"Pareho kayo ni Robin na takot sa gagamba na laruan."

"I-break ka sana ni Robin!"

"Hoy, below the belt 'yan! Ano pala 'yan?" Umupo ako nang maayos at tinignan ang tinititigan niya. Yung calling card. "Teka! Gabriel Vaughn? Teka nga, nagkita kayo?" Aagawin sana niya ang calling card na hawak ko pero inilayo ko na ito sa kanya. "Nakipagkita ka sa gagong 'yun? Diba may anak na yun? Sinampal ka pa nga ng tatay niya! Gago ba siya? Manggugulo ba siya ulit?"

"O.A ka," Nakasimangot kong sabi rito.

"OA? Ako? Umalis ka nga sa unit mo noon kasi nasasaktan ka na. Tapos nakikipagkita ka na ulit sa kanya? Pasapak muna ng isa bago mo kitain ulit!"

"Hindi ko siya nakita, okay?" Tumayo na ako at inilagay sa wallet ko ang calling card ni Gabe. I'm still undecided kung dapat ko na ba siyang tawagan. Hindi kaya magmumukha akong aggressive? Pero ako ang nang-iwan, hindi kaya may iba na siya?

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko.

Ang sabi ni Engineer Bautista ay single pa rin naman daw si Gabe. Hinintay kaya niya ako? O baka may nililigawan na siya ulit? Paano kung malandi na siya ulit? Ugh! Miru! Kung anu-ano na naman ang iniisip mo!

Halos sabunutan ko na ang sarili ko nang mapansin kong nakatingin sa akin si Ravince.

"Bakit ba kasi may weird akong kapatid? Kung kailan humaba ang buhok saka naman naging weirdo." Sabi nito saka tuluyang lumabas sa kwarto ko. Kainis talaga 'yung taong yun! Bakit ko ba siya kapatid?

Nag-online ako. Binasa ko ang comments sa bagong DP ko. Kaninang umaga kasi ay nagpalit ako ng profile picture at nalimutan kong palitan ng 'only me' ang makakakita nito.

'Gosh Miru! Ang haba na talaga ng hair mo!' kumento ng dati kong kaklase noong college.

'Naks ang ganda naman talaga ;))' Para akong kinilabutan sa comment ni Ian, isa rin sa mga kaklase ko noon.

Pare-pareho lang naman sila ng comment. Ang ilan nga rito ay sinabing dapat dati pa ay niligawan na nila ako. Pero mabuti na lang at nagrereply doon sina Kevin, Jonathan at Erol. Silang tatlo ay parang siraulong tinatakot ang mga lalaking nagcomment sa profile pic ko. Daig pa talaga nila sina Jace at Ravince.

Nang matapos kong basahin ang comments ay hinanap ko kaagad ang profile ni Gabe. In-unfriend ko siya noon. Pero mukhang hindi naman siya nagpapalit ng dp niya. Iyon pa rin. Kung ano ang dp niya 3 years ago, ganun pa rin.

Hindi na yata siya nag-open ng account. Kung sabagay, dati pa man ay hindi naman siya masyadong nag-oopen. Parang gumawa lang yata siya ng account para masabi lang na may account, e. Taong bundok. Wala ba siyang wifi? 3G?

Hindi pa ako tapos mag-stalk sa profile ni Gabe nang tumawag si Oliver sa akin.

"Oli!" Bati ko sa kanya. "Sup?" Muli akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon