CHAPTER 19

91.8K 3.1K 381
                                    

CHAPTER 19

Nahihiya ako. Nahihiya ako dahil tinotoo ni Gabe ang pagdadala ng ice cream para sa kapatid ko. Like what the fck, right? Never pang ginawa nina Kevin ang pagdadala ng ice cream para sa mga kapatid ko! Never din silang nakatagal sa pakikipag-usap kay Jace dahil hindi nila alam ang sinasagot nila sa kanya. And thank God dahil wala sina mommy at daddy ngayon. Umalis na kasi sila kaninang matapos kumain ng lunch.

Hindi ko naman kasi inaasahan na makikipaglaro pa si Gabe sa kapatid ko... well sa ps4.

"Kuya Gabe, tingin mo pwede ako sumama sa apartment mo? Hindi kasi ako pinapapunta ni ate sa apartment niya. Lagi lang ako sa condo kasi binabawalan ako ni ate. Ang dumi nga kaya sa condo. Hindi naglilinis si Ravince." Tama pa ba ang naririnig ko? Tinawag niyang kuya si Gabe?

"Kung pumayag ang mga magulang niyo, pwede naman."

"Gabe!" Sita ko.

"What?"

"Alas sais na. Hindi pa ba tayo aalis?"

"Dito na kayo kumain." Sabi pa ni Jace. "Dapat makilala mo sina mommy. Mababait naman sila hindi ka nila kakainin."

"Nakilala na niya si mommy. And hell! Hindi ko siya ipakikilala kay daddy. Not now... May emergency meeting si dad at si mommy naman kausap pa client niya."

"Huwag muna tayong umalis." Sabi ni Gabe at hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon sinabi. "Siguro naman pauwi na rin ang mommy niyo."

"Teka! I-pause muna natin. Naiihi na ako." Nagmamadaling tumayo si Jace at nagpunta ng C.R

"Hindi magandang naiiwan ang kapatid mo sa bahay niyo kasama ang mga katulong niyo lang. Kahit papaano ay underage pa rin 'yan. Nagsabi ka ba sa mga magulang mong aalis ka?" Umiling ako. "Kaya dapat lang na hindi mo muna iwanan ang kapatid mo. Siguro naman hindi nag-schedule ng meeting ang mommy niyo ng ganitong oras dahil alam niyang nandito ka." Tama siya. Ang alam ko ay hindi pa iniiwan ni mommy si Jace mag-isa. Well, unless kung mas maagang nakauwi si Jace galing sa school. Si dad naman bihira naman yun nagkakaroon ng late na meeting din.

Ang tagal kong hindi nakauwi sa bahay. Ang tagal kong walang inaalalang kapatid. Nakalimutan ko tuloy na magkaiba nga pala sina Jace at Ravince. Ibang-iba silang dalawa.

"Pero may gagawin ka pa. Pwede ka ng maunang bumalik kung gusto mo."

"It can wait." Lihim akong napangiti dahil sa sinabing iyon ni Gabe. The thing is, kaya niyang ipagpaliban ang gagawin niya para lang masamahan kami ng kapatid ko gayong pwede naman na siyang maunang umalis.

"Yung ribs mo, masakit pa?"

"Sakto lang. Hindi naman ako masyadong naggagagalaw." Natahimik ito pagkatapos ay ipinatong ang joystick sa table. "Bakit hindi halata sa'yong mayaman ka? Bakit ang simple mo? Ilan yong kotse niyo sa labas, tapos may tatlo kayong katulong tapos ikaw tinitipid mo ang sarili mo, ginugutom mo 'yang sarili mo." Nagkamot na lang ako dahil sa sinabi niyang iyon.

"Ang mahal kaya nung apartment to think na hindi naman yon rent-to-own. Sayang yung pera kung pwede naman ipambili na lang yung rental ng ibang bagay. Saka, mas mabuting mas simple lang kasi hindi nila ako kakaibiganin dahil lang sa pera. May mga ganun kasi minsan. Nanggagamit lang."

Tumabi ito sa akin sa sofa na dahilan kung bakit ako napayuko at dahan-dahang hinawi ang buhok na tumatakip na sa mukha ko.

"Uhm... parang ang tagal na ni Jace, ano? Puntahan ko lang siya."

"Sasama na ako."

Nauuna akong naglalakad paakyat sa kwarto ni Kellan Jace. This is really awkward. Feeling ko ay nakatingin siya sa akin habang naglalakad. O kaya sadyang ang feeling ko lang ngayon?

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon