RASTRO FEELS

Por pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... Más

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Somebody's Me (2)

6.3K 216 57
Por pluviopilya

"Yes Mom. I'm with Glaiza naman, di ako umaalis dito. Don't worry about me.... Si Glaiza?" Rhian looked at Glaiza. "Yes. She's okay na but she wants me to stay with her muna."

Napa-smile si Glaiza habang pinagmamasdan ang Girlfriend niya habang kausap ang Mommy nito sa phone.

"Kausapin si Glaiza? Sure. Wait." Inabot ni Rhian ang phone kay Glaiza. "Mom wants to talk to you. Parang mas worried pa siya sa kalagayan mo kesa sakin e ako yung di umuuwi ng bahay namin."

Medyo natawa si Glaiza at kinuha yung phone at kinausap ang Mommy ni Rhian.

"Hello po Mommy C?" Glaiza said.

"Oh Hija, kamusta ka na?" Mommy Clara asked her over the phone.

"Ah, okay naman na po ako. Nandito po kasi si Rhian na nag-aalaga sakin kaya um-okay na po ako..." Glaiza smiled.

"Mabuti naman kung ganun... Eh si Rhian ba? Hindi ba siya umaalis diyan sa bahay niyo?"

Tiningnan ni Glaiza si Rhian saglit. "Hindi po. Hindi niya po ako iniiwan. Tsaka, umalis din po kasi sina Tatay At Nanay at kami lang pong dalawa ang nasa bahay ngayon, kahapon pa. Pinuntahan kasi nina Nanay yung Ate ko kaya baka sa isang araw pa po sila makauwi. Kapag umokay okay na po lalo ako, ako nalang po maghahatid kay Rhian pauwi diyan."

"Oh sige Hija, okay lang naman sakin kung kailangan mo pa ng kasama. Chinecheck ko lang kalagayan ng babaeng yun dahil I know na gala yun. So I'm glad na di pala siya umaalis diyan sa tabi mo."

"Ay opo. Hindi ko naman po talaga siya paaalisin dito." Medyo natawa si Glaiza. "Basta po Mommy C, wag po kayong mag-alala. Maayos po si Rhian dito. Aalagaan ko din po siya maigi."

Medyo natawa din si Mommy Clara sa kabilang linya. "Oh siya sige, wag kayong masyadong malikot diyan dalawa ha. Just text or call if papunta na kayo dito para makapaghanda ako."

Tumango si Glaiza. "Okay po Mommy C. Salamat po. Bye."

She ended the call.


Tinaas ni Rhian ang eyebrows niya. "Anong sinabi ni Mom sayo?"

"Mahalin daw kita lalo. At wag daw kitang iiwan at papabayaan at ganun ka din daw sakin. Magmahalan lang daw tayong dalawa at payag na daw siyang akin ka nalang for keeps."

Napakunot bigla ang noo ni Rhian at natawa siya. "Seryoso nga?"

Natawa din si Glaiza at kinurot ng beri light ang ilong ni Rhian. "De, sabi ni Mommy C galaera ka daw kase kaya baka nag-aalala siya. So sinabi ko na di kita hahayaang umalis. Ikukulong na kita dito sa bahay, pati sa puso ko."

Napailing si Rhian habang natatawa tawa. "Ang breezy ng mga lines mo ha."

"Nagmamana lang ako sayo." Glaiza laughed.

"But wait, bakit naman pati yung pagsosolo nating dalawa dito sa bahay, sinabi mo pa kay Mommy? Baka iba nanaman isipin nun."

Napakunot bigla ang noo ni Glaiza. "Iisipin? Bakit? Tulad ng ano?"

Tiningnan ni Rhian si Glaiza sa mga mata at sinundot niya ang ilong nito. "Alam mo na yun."

"What? Hindi ko alam. Promise Love. Di ko gets."

Napalunok si Rhian pero nakatingin pa rin siya kay Glaiza. "Since.... Dalawa LANG tayo dito sa bahay, uh, ano bang possible nating gawin? Diba......"

Napakunot lalo ang noo ni Glaiza pero nahawi din ito nang unti-unti niyang magets yung ibig sabihin ni Rhian.

"Omg. Seryoso?! Iisipin yun ni Mommy C?!" Unti-unting napalaki ang ngiti ni Glaiza at para siyang matatawa.

Rhian nodded. "Ewan ko nga rin kung bat ganun si Mommy...."

Nilapitan ng medyo natatawang Glaiza si Rhian at hinawi ang buhok nito. "Baka naman kasi sinasabi mo."

"Uy no! Hindi ah...." Naglook away nanaman si Rhian. "Well, uhm, ano, one time kasi she asked me if we're doing kissing or.. kung nagkiss na daw ba tayo something like that so I said Yes. Then ayun, inintriga na ko..."

Natawa na lalo si Glaiza. "So sa tingin ko, payag si Mommy C na magkaroon tayo ng 3 babies."

Mabilis na tiningnan ulit ni Rhian si Glaiza. "Wait, napagusapan na natin to. Diba 33 babies ang goal natin?!"

"Seryoso ka ba diyan Love? Baka di natin kayanin."

"Anong di kakayanin? Magtatrabaho tayo ng mabuti para sa kanila. And yes, I'm serious. Gusto ko mga 33 babies.... And wait, akala ko payag ka? Sabi mo pa nga mga 98 babies basta sakin. Basta satin... Tapos ngayon babawiin mo. Ayaw mo siguro magkaroon ng maraming babies sakin no?" Tumayo si Rhian mula sa kama at pumunta sa may balcony ng kwarto ni Glaiza na kunwareng nagtampo.

Napailing si Glaiza habang napapangiti sa inaakto ng Girlfriend niya.

Napaka-cute talaga... Nagtatampo siya kasi akala niya ayaw kong magkaroon ng 33 babies sa kanya.. Sobrang cute. She thought.

Tumayo na din siya sa kama at pinuntahan si Rhian sa may balcony. Binack-hug niya ito. Pinatong niya ang baba niya sa balikat nito at niyakap niya ang tiyan nito.


"Napakatampuhin mo nitong mga nakaraang araw... Naglilihi ka na siguro." Medyo natawa si Glaiza nung sinabi niya yun. "Pero, seryoso Love, ano ka ba. Payag na payag akong magkaroon ng maraming maraming maraming maraming babies sayo... Sa totoo nga lang, marami na tayong anak e, yung mga Rastro Rebels natin diba? Mga anak natin yun. Binuo natin silang lahat."

Napalunok lang si Rhian habang nakatingin sa view from the balcony. Lalo namang niyakap ni Glaiza si Rhian.

"Wag ka na magtampo Labidabs, I love you. Sayo ko lang nakikita future ko. Yung napipicture ko yung sarili ko kasama ka tapos may akay akay tayong babies. May karga ako tapos may karga ka din. Yung maiinis ka sakin kasi di agad ako makakapagtimpla ng milk para sa baby nating umiiyak. Yung mga ganun... Tapos papatulugin natin sila, kakantahan natin sila. O kaya pag pagod kana sa maghapong gawain, kayong lahat ang kakantahan ko."


Dun na di napigilan ni Rhian ang mapangiti. Sobrang sweet ni Glaiza, imposibleng di ka mapa-smile sa mga salita niya..

She exhaled. Then humarap siya kay Glaiza para matingnan ito ng mabuti sa mga mata.

"Seryoso ka diyan?" She asked.

Glaiza smiled at her. "Oo. Seryoso ako. Naiisip ko nga kapag nagkaroon tayo ng 33 babies na sabay sabay, agad agad, baka di natin kayanin. Kaya nga dapat, unti unti muna. Baka magpanic tayo kasi may umiiyak dito, may umiiyak doon, may gumagapang dito, may gumagapang doon, may nagpapaluan ng bote ng gatas dito, may nagpapaluan doon... Baka di natin kayanin kaya dapat hinay hinay muna tayo. Yun naman ang ibig kong sabihin. Kung gusto talaga natin ng 33 babies, wag tayong magmadali. Kasi baka di natin sila maasikaso ng sabay sabay. Nakakaawa pa."

Lalong napangiti si Rhian. Sinundot nanaman niya ang ilong ni Glaiza. At siya ang lumapit para kissan ito ng mabilis lang. "I love you. Ibang klase ka talaga. Kung napapamahal ka sakin, mas napapamahal ako sayo lalo..."

Glaiza smiled na halatang kinikilig. Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso niya.

"Racer ka talaga no?" Glaiza asked.

Napakunot saglit ang noo ni Rhian na parang nagtaka. "Bakit?"

"Pinapabilis mo lagi ang tibok ng puso ko."

Si Rhian naman ang nagbigay ng sweet smile. "Ako lang ba ang nakakaganyan sayo?"

"Anong nakakaganyan?" Glaiza asked na medyo natatawa dahil parang may ibang nagregister sa utak niya.

"Nakakaganyan. Nakakapagpabilis ng puso mo. Ano bang iniisip mo bat natatawa ka?" Medyo natawa na rin si Rhian.

Umiling si Glaiza habang natatawa pa rin. "Wala wala. Hahahaha."

"Oy ikaw ah! Ayaw mo ng 33 babies pero ganyan ka magisip. Hay nako Glaiza De Castro." Rhian laughed.

"Ikaw kasi e. Hahaha. Nahahawa ako sayo ng mga pagiisip mo." Natawa lalo si Glaiza.

"Hey! Anong ako?! Parehas lang tayo! Kaya feeling ko talaga hindi lang 33 babies magagawa natin e." Natawa din lalo si Rhian.

"Hoy Rhian Ramos! Hahahahahaha."


Napuno ng tawa ang balcony dahil sa dalawa.


//



"Flour?"

"Check."

"Sugar?"

"Check."

"Eggs?"

"Check."

"Milk?"

"Check."

"Baking pow--"

"Teka teka Love..." Hinawakan ni Glaiza ang braso ni Rhian so napa-stop ito sa pagsasalita. "Okay na lahat. Check na lahat ng ingredients so pwede na tayong mag-start mag-bake." She smiled.

Napabuntong hininga si Rhian at nag-smile din. "Okay. Let's start."


Since dalawa nga lang sila sa bahay ng mga Galura ngayon, naisipan nilang mag-bake para di sila maboring. Nag-crave din kasi si Rhian bigla sa cake so sinuggest ni Glaiza na gumawa nalang sila ng 'Home made cake' since may mga ingredients at recipes din naman dito sa kanila.


Inihanda na ni Rhian yung mga plates and bowls na gagamitin para sa baking na to.

"Lovelove, ikaw ang magbasa sakin ng nga gagawin ko since may copy ka ng steps kung paano gumawa." Rhian said.

Tumango nalang si Glaiza at nilapitan si Rhian. Nasa kanya nga ang papel na may copy ng steps kung paanong gagawin.

"Okay game. Kiss muna before ka magstart para goodluck." Ngumuso si Glaiza na para nanamang nagpapacute.

Natawa si Rhian at mabilis ding kinissan ang girlfriend niya. Kinikilig naman si Glaiza.


"Okay game. Una, ilagay yung harina sa bowl, tapos yung eggs." Sinimulan ng basahin ni Glaiza yung nakalagay sa papel.

Ginawa naman agad ni Rhian. Nilagay niya yung harina sa may malalim na lagayan. Napasmile siya at kumuha siya ng konti tapos pinahid sa mukha ni Glaiza.

Nagulat naman si Glaiza sa ginawa ng Girlfriend niya.

"Teka. Love naman eh! Nagsstart ka palang ang dumi dumi mo na maggawa." Pinunasan ni Glaiza ang inilagay na harina ni Rhian sa mukha niya.

Natawa naman si Rhian. "Parang face powder lang. Hahahaha."

"Hindi mo pa nga nalalagay yung eggs oh." Glaiza said na medyo natatawa tawa din.

Kinuha ni Rhian yung isang itlog at kunware pang pinukpok sa ulo ni Glaiza.

"Oy. Di matigas ulo ko ha." Glaiza said.

Natawa si Rhian. "Oo nga eh. Ramdam ko nga. Ang lambot ng ulo mo, parang bumbunan ng baby. Nakakatakot inuntog. Kaya swerte ka talaga sakin pag mag-aaway tayo, di kita iuuntog e." Natatawang sabi ni Rhian habang naglalagay ng eggs sa may harinang nilagay niya sa bowl.

"Hala. May balak kang iuntog ako pag mag-aaway tayo? Ang sakit naman nun Love." Nag-sad face si Glaiza na parang lungkot lungkot.

Tiningnan naman siya ni Rhian. "Uy that's not my point. Tsaka nagjojoke lang ako. Masyado kitang mahal na mahal para saktan ka. Physically. And syempre pati emotionally." Sinundot ni Rhian ang ilong ni Glaiza kaya nagkaroon si Glaiza ng harina sa ilong.

"Love naman eh! Namumunas ka lang eh." Tinanggal ni Glaiza ang harinang inilagay ni Rhian sa ilong niya.

Natawa naman si Rhian. "Oh game. Next step na."

"Ilagay daw 1 cup na sugar. Tapos 1/2 cup butter then 2 teaspoons vanilla."

Tumango si Rhian at ginawa yung sinabing steps ni Glaiza.

"Nakalagay pala dito, bago daw ilagay ang vanilla, ikikiss muna ulit yung nagbabasa ng steps." Glaiza said so biglang napa-stop si Rhian.

She looked at Glaiza. "Kasama talaga yon?" Mabilis din naman niyang inilapit ang labi niya sa labi nito para kissan ulit ito ng mabilis.

"Nakalagay dito e. Hehe Okay na. Sasarap na yang ginagawa mo for sure Love." Ngiting wagi naman si Glaiza dahil sa kiss ni Rhian.

Napangiti si Rhian at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Next step?"

"1 3/4 teaspoons baking powder. Tapos 1/2 cup milk. Tapos haluin na."

Ginawa naman ni Rhian.


"Bago daw pala haluin, kikissan ulit yung--"


Di na natapos ni Glaiza ang sasabihin niya dahil nakissan na ulit siya ni Rhian.

"Ayan na. Nakissan na. Kasama sa steps yun diba? Yung kikissan yung nagbabasa ng steps?" Natawa si Rhian.

Napakilig smile nanaman si Glaiza at binack hug ang naghahalong Girlfriend niya.

"I love you." Kinissan ni Glaiza si Rhian sa pisngi.

Natawa si Rhian at nagbigay din ng kilig smile.


//


After 20-30 minutes...






"Yes. Maglalagay na ng icing. This is my favorite part." Rhian said nung kumuha na siya ng icing para ilagay sa may cake na ginawa niya.

"Ako din Love pa-try. Ako maglalagay sa isang cake. Ikaw sa isa. Pagandahan tayo ng design." Parang nanghamon naman na sabi ni Glaiza.

"Oh sure. Teka lang..." Tumalikod si Rhian kay Glaiza. "Bawal tingnan. Surprise."

"Sige sige." Tumalikod din si Glaiza kunware pero nililingon lingon at sinisilip silip naman niya ang ginagawa ng Girlfriend niya. Seryosong seryoso ito sa paggagawa.

Medyo napangiti si Glaiza. Napakacute niya talaga... Ang seryoso oh. Pursigidong pursigido..

Dahil nga habang tumatagal at parang seryosong seryoso na si Rhian sa ginagawa nito, kumuha si Glaiza ng icing gamit ang daliri niya at ipinahid sa pisngi ni Rhian.

"Seryosong bata." Glaiza said after niyang pahidan ng icing si Rhian sa pisngi at natawa siya.

Nabigla naman si Rhian sa ginawa ni Glaiza. "Oh my God Lovelove. Malagkit to." She said pero natatawa tawa din siya.

"Ang cute mo naman e. Okay lang yan." Nilagyan nanaman ni Glaiza si Rhian ng icing sa kabilang pisngi nito.

"Ugh. Lovelove... Seryoso, malagkit." Rhian said.

Ngumiti lang lalo si Glaiza at nilagyan nanaman si Rhian ng icing sa noo.

"Lovelove, please stop muna."

But Again, Glaiza just smiled and pinahiran ulit ng icing si Rhian and this time sa ilong na.

Nawala yung tawa ni Rhian at kunwareng nag-sad face na parang bata. "Glaiza naman ehhhhhhhhhhhhh......."


Medyo natawa si Glaiza sa kakyutan ni Rhian at ibinaba niya yung icing na hawak niya.


Hinawakan niya ang balikat ni Rhian at unti-unti niya itong hinalikan sa pisngi kung saan siya naglagay ng icing.






Nabigla si Rhian... Bigla siyang kinutuban.



Yung pagkiss ni Glaiza sa pisngi niya para kuhain yung icing na ipinahid nito gamit ang bibig.... Very sensual.


Umiling siya. No. No Rhian... Omg.


Nag-smile lalo si Glaiza nang makita ang reaksyon ng mukha ni Rhian sa ginawa niya.




Sa kabilang pisngi naman niya kinissan si Rhian at katulad lang ng ginawa niya kanina, tinanggal niya yung icing sa pisngi ni Rhian gamit yung pagkiss niya.



Napalunok si Rhian... Iba yung mga moves ni Glaiza. Kinukutuban talaga siya. Mabilis ang tibok ng puso niya at parang nagsstart na siyang hingalin sa di malamang dahilan.


Nag-stop sandali si Glaiza para tiningnan ang mga mata ni Rhian saglit at unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa noo ni Rhian na may icing.

Again, parang katulad lang din ng ginawa niya sa magkabilang pisngi, yung pagkiss niya ang way para makuha yung icing na ipinahid niya sa noo ni Rhian.


Wala ng icing ang magkabilang pisngi ni Rhian. Pati noo niya. Sa ilong nalang.



Lagi naman na siyang kinikissan ni Glaiza pero bakit parang iba ang dala ng moments ngayon? Ng pagkiss nito sa kanya?


Napalunok si Glaiza... Unti-unti niyang kinissan ang tip ng ilong ni Rhian kung saan niya nilagyan ng icing. Medyo matagal niya itong kinissan dahil medyo marami yung icing na napalagay niya kanina.

Napapikit naman si Rhian habang kiss ni Glaiza ang ilong niya...

After nun, Medyo kumalat yung icing sa labi ni Glaiza.




Napatingin si Rhian sa mga mata ni Glaiza. Tapos sa labi nito na may bahid nga ng icing.



Tatanggalin sana ni Glaiza ang icing sa labi niya pero pinigilan ni Rhian ang kamay niya....


·



·


·



·


·

Tapos si Rhian ang lumapit para kissan siya sa labi. Para ito naman ang magtanggal ng icing sa labi niya....



·


·


·


·


·


"Feeling ko di tayo matatapos dito sa paggawa ng cake." Rhian said after the kiss. Medyo pabulong yun dahil malapit ang mga mukha nila ni Glaiza sa isa't isa.

"Pwede bang maglagay ulit ako ng icing sa labi ko?" Glaiza asked.

Napangiti si Rhian at kinissan ulit ng mabilis si Glaiza. "Damubs mo. Gumawa na tayo." Humiwalay at medyo lumayo na si Rhian para ipagpatuloy yung nahintuan niya.

"Anong gagawin natin?"


"Cake. Ayan ka nanaman sa pagiisip mo ng kung ano, naku lovelove ha." Medyo natawa nanaman si Rhian.


Lumapit si Glaiza sa Girlfriend niya at binackhug nanaman ito.


"I love you." Bulong niya kay Rhian sa tenga nito.

Medyo nakiliti naman si Rhian. "Stop teasing me." Rhian said.

"Bakit? Nati-tease ka?" Bulong nanaman ni Glaiza.

"Ikaw kasi ehhh... Naku Glaiza Galura please, wag muna. Naggagawa pa ko nitong cake.."

Medyo natawa si Glaiza at lalo lang niyakap si Rhian. "Sige, maggawa ka lang muna diyan habang pinapanuod kita."

"No, maggawa ka na din muna ng sayo." Rhian said.

Umiling si Glaiza. "Mamaya na. Pagkatapos mo na maggawa para pag ako na ang gumagawa, ako naman ang tititigan mo."


Napa-stop si Rhian sa ginagawa niya at napa-smile.

Kinuha niya ang braso ni Glaiza na nakayakap sa may bandang tiyan niya at ipinayakap lang lalo ito sa kanya.

"Sige. Yakapin mo muna ko para mas mainspired ako habang ginagawa ko to."



At ayun, lumabas nanaman ang dimple ni Glaiza dahil sa kilig.



//

.

.

.

.

.

.




.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: NANG DAHIL SA ICING. BOW. I tried. Sorry huhu *takip ng mukha dahil sa hiya*

HAHAHAHAHAHA. HELLO GUYS! Sana nagustuhan niyo to. Salamat talaga sa pagbabasa and feedbacks. Magiingat palagi. Salamat sa matyagang paghihintay. Labyuuuu.

Comment. :P

Seguir leyendo

También te gustarán

2.1K 102 10
As Long As I Am With You "You know that there are times We fight and say goodbye, But there's one thing that you should know, I'll never give up on u...
117K 2.2K 32
Paglipas ba ng panahon kasabay nun na matatabunan lahat ng sakit.. galit at pagmamahal? or mas titindi lang lahat ng yan? Pano kung ikaw naman ang ma...
82.5K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
217K 2.1K 36
Ito ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip...