One Seat Apart (GirlxGirl)

Par Icieyou

353K 14K 1.3K

Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko s... Plus

Chapter One
Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter Thirty Two
Chapter ThirtyThree
Chapter Thirtyfour
Fin

Chapter TwentyFour

9.4K 364 45
Par Icieyou

Rara

Nagising ako sa ingay ng phone ko, at dahil narin sa sobrang antok ko ay hindi na ako nag effort imulat ang mga mata ko. Kinapa kapa ko lang yung kabilang bahagi ng kama para hanapin yung phone ko

Saglit, bakit parang may mali?

Napamulat ako nang maalala kong dito natulog si Cielo kagabi pero bakit wala siya?

"Cielo?" Tumayo ako sa pagkakahiga at hinanap siya sa loob ng cr miski sa balkonahe pero wala siya, nananaginip lang ba ako na nandito siya kagabi?

Pabalik na ako sa kama nung maalala kong hinahanap ko pala cellphone ko, nakita ko ito sa ilalim ng mga unan. Pag tingin ko si Isay ang kanina pang dahilan kung bakit maingay ang cellphone ko.

"Hello" matamlay kong sagot habang inuunat ang mga binti ko

"Girl! Punta ka dito sa bahay mamaya may sasabihin daw sayo si Mama"

Nawala ang antok ko sa sinabi ni Isay, "Tungkol daw saan?"

"Hindi ko alam basta ang sabi pumunta ka daw at na mi-miss kana niya" bahagya naman akong napangiti

"Sige Isay liligo lang ako at pakisabi kay Ninang na mi-miss ko narin siya"

"Sige see you!" tumango ako na para bang nakikita niya ako sabay patay ng tawag

Pinatong ko sa study table ko yung cellphone nang mahagip ng mata ko ang isang sunflower. Napakaganda nito at dilaw na dilaw ang kulay ng mga talulop, sa gitna nito may sticky note na nakadikit

'Good morning Rara - C '

Bigla nalang sumilay ang ngiti sa labi ko sa hindi malamang dahilan, akala ko ay na nanaginip lang ako na kasama ko siya buong magdamag ngunit totoo pala na nasa tabi ko siya kagabi. Hinawakan ko ang malambot na talulop nito, parang kinikiliti ang dulo ng mga daliri ko.

"Good morning, Cielo" bulong ko sa hangin na tila ba naririnig niya ako.

Napagpasyahan ko na kumilos para maaga akong makapunta kila Isay, habang naliligo pakanta kanta pa ako dahil ang ganda ng umaga ko.

"I just want to know you better, know you better, know you better now-- woo!!! I love you Araneta!!!!" sigaw ko dahil ako lang naman ang makakarinig sa panget kong boses

Natatawa tawa pa akong lumabas ng banyo dahil sa mga pinag gagagawa ko sa loob. Nandito ako sa tapat ng salamin habang nagpapatuyo, tanging twalya lang ang takip sa katawan ko

Naalala ko bigla nung unang beses akong maligo kasabay siya. Napakaganda ni Cielo may damit man o wala... Napasapo ako sa noo ko, ano ba itong pumapasok sa isipan ko? Kailan pa ako naging manyak? Rara! Hindi ka manyak lalong hindi ka naaakit sa katawan ng isang babae!

Pero habang pinupunasan ko yung buhok ko kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko, isa na dito ay yung nasa resort kami. Tulog siya habang ako gising na gising ang diwa at ang tangi ko lang ginagawa ay ang titigan siya. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa maganda niyang mukha kasunod ay dahan dahan kong hinawakan yung pilik mata niyang mahaba.. talukap niyang napaka lambot na sa likod nito ay isang matang nakakatunaw kung tumingin

Nadako ang mata doon sa iniwan niyang sunflower, naalala ko yung mata niya sa bulaklak na ito. Ang gitna ng mata niyang tila ka hinihigop at punong puno ng sikreto.

Naputol ako sa pag iisip ng tumunog ulit yung phone ko, pa tingin ko si Isay ang tumatawag

"San kana?"

"On the way na ako Isay. Sige na see you"

"Yang on the way mo al---" pinatay ko agad yung tawag at nagmadali na akong kumilos dahil alam niya yung on the way ko ay katatapos palang maligo.

Pag labas ko ng dorm hindi ko inaasahang may nag hihintay na matipunong lalaki sa harap ng kotse niya

"Uh hi!" Bati niya sa akin, bakit ganon? kakaiba ata ang nararamdaman ko?

"H-Hello July napadalaw ka? Kanina ka pa ba diyan?" pag uusisa ko dahil wala naman ako naalalang magkikita kami

"Hindi naman medyo lang.. ah nga pala, free ka ba ngayong araw?" sabay kamot sa batok niya na halatang nahihiya

"Ah-- kasi may kailangan akong puntahang importante kaya July kaya pasensya na" ako naman ang nakaramdam ng hiya sa pagtanggi sakaniya

"Ay! Ganun ba sorry sana pala nag text muna ako well... ihahatid nalang kita sa pupuntahan mo para naman di ka mapagod" sabay ngiti niya ng malapad sa akin. Gusto kong tumanggi pero mukhang mas nakakahiya kung tatanggihan ko pa ulit siya.

"Okay lang ba? Sa may Alabang lang ako"

"Alright! Alabang it is" ngiting ngiting sabi nito, pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse. Pagsakay ko walang bago, lalaking lalaking amoy at itsura. Sumakay na rin siya sabay paandar ng sasakyan.

"So, kamusta naman ang internship mo?" tanong niya habang palipat lipat ng tingin sa akin at sa daan

"Okay naman masaya, minsan malungkot?"

"Oh? Bakit malungkot?"

"May part na apektado rin kami sa mga case ng tao... ayun"

"Ahh--"

Biglang tumahimik ang paligid, tila ba namatay ang sigla ng hangin kaya minabuti niyang buksan yung radyo

Cause' when I'm with him I am thinking of you, thinking of you what you would do if you were the one who was spending the night. Oh, I wish that I was looking into your eyes

Seriously? Bakit ganyan yung tugtog? At bakit iisang tao ang nag pop up sa utak ko? Ano ba itong nangyayari sa akin?

"Rara kamusta ka naman nitong mga nakaraang araw?" Tumingin ako sakanya habang nag mamaneho parin siya, pero hindi niya ako binigyan ng tingin.

"Rara?" sa pagkakataon iyon ay tumingin na siya sakin sabay ngiti niya

Bakit ganon? Parang walang epekto sakin yung ngiti niya? Eh dati naman dimple palang kilig na kilig na ako

"O-Okay lang ako, gaya nga ng sabi ko, masaya naman at minsan malungkot" Ngumiti siya na halos mawala na yung mga mata niya.

"Hinde, ang tinatanong ko yung buhay mo... yung nararamdaman mo" Itinuon niya ulit ang atensyon niya sa pag mamaneho

"Ah---- hindi ko alam July hindi ko sigurado"

"Hmm... may nagugustuhan kana ba?" Hindi ko napigil ang paglaki ng mga mata ko sa tanong niya

"S-Seryoso ba yan? Bakit mo naman natanong?"

"Wala naman kasi nangliligaw ako sayo at baka may nagugustuhan ka naman na iba?" Napatingin nalang ako sa side mirror at tinignan ang repleksyon ko dito. Mayroon na nga ba Rara? May iba nga ba akong nagugustuhan?

"Ang seryoso mo Rara. Wag kang mag alala dahil nagtatanong lang ako pero kung di mo naman kayang sabihin it's okay, pero liligawan parin kita"

Hindi na ako nakapag salita dahil parang gumulo lalo yung utak ko, hindi ko alam... ang weird nung pakiramdam na ganito nandito siya pero may hinahanap ako, may tumatakbo sa isipan ko at alam kong hindi si July iyon.

"Dito nalang july" Sabay turo kung saan ang bahay ni Ninang. Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng gate.

"Nice house, dyan kaba nakatira?" pag uusisa niya noong binaba niya ang bintana ng sasakyan

"Hindi sa Ninang ko yan, sa Mama ni Isay" sabay ngiti ko sakaniya

"Uy Girl! Nandyan kana pala at di mo naman sinabing may kasama ka" Si Isay na dilat na dilat ang mata dahil nandito si July

"Hi Isay!" kaway nito sa babaeng titig na titig sakaniya. Bakit hindi nalang si Isa yang ligawan niya? Tiyak wala pang isang minuto ay sasagutin siya nito

"Lika muna July pasok kana muna sa loob, iwanan natin si Rara diyan" inirapan ko siya sa kalokohang pinagsasasabi niya

"Walangya ka talaga! Hindi kita ipagluluto!" singhal ko

"Joke lang girl kaw naman" pag lalabi naman niya sa akin. Basta pagkain tumataob talaga ang babaeng ito

"July, salamat sa paghatid" bumaba na ako ng kotse at kumaway sakaniya

"Bye Rara, Isay"

"Bye ingat ka, salamat ulit" Nginitian niya ako na halos wala na siyang mata. Pag kaalis ni July pumasok na kami sa loob ng gate

Nag lalakad na kami papasok sa loob ng bahay, nadaanan naming ang malawak na garden ni Ninang dahil hilig niya ang pag aalaga ng halaman at bulaklak

"Girl panalo yung ngiti ni July ah? Lakas maka chinito! Wala na siyang mata dahil sa pagngiti niya" napanghinga nalang ako nang malalim, panalo na yung ngiti niya pero parang wala ng epekto sa akin.

"Miss ko na si Ninang" pag iiba ko ng topic dahil ayoko na muna pag usapan si July

"Ako hindi mo na miss?"

"Hinde!"

Tumakbo ako bigla papasok dahil siguradong sasapukin ako ni Isay. Pag dating ko sa salas nakita ko si Ninang sa sofa na nagbabasa, pagtingin ko sa centre table ay nakahilera ang maraming papeles

"Hi Ninang!" Agad akong lumapit sakanya at bumeso mahigpit na yakap naman ang sinukli niya sakin

"Kamusta kana Hija? Ang payat mo naman ata? Inuubusan kaba ng pag kain ni Isay?" Tumango ako sabay tawa ng malakas

"Hoy Rara! hindi kita inuubusan ng pagkain!" tila may usok na lalabas sa butas ng ilong niya

"Joke lang naman! Okay lang ako Ninang, masaya ako na nagkita ulit tayo" ngumiti siya sa akin sabay pisil ng pisngi ko na palagi niyang ginagawa. Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng pagkain

"Sige na maupo kana dyan at kumain" Umupo ako sa sofa, opposite side kung saan naka pwesto si Ninang kanina

"Rara anak, anong plano mo sa birthday mo? Malapit na iyon" Sigaw ni Ninang mula sa kusina

"Ninang wala naman akong gusto, makasama ko lang kayo ni Isay okay na ako" sagot ko habang prenteng nakaupo sa sofa. Totoo naman dahil sila ang pinaka importanteng tao sa buhay ko... maliban pa sa taong gusto kong isipin.

"Kilig ako don Rara! " Binelatan ko lang si Isay at gumanti din naman siya ng pang aasar.

"Nga pala kamusta kagabi?" bigla niyang pag uusisa na kinatigil ko sa pang aasar.

Ano ng aba ang nangyari kagabi? Napakagat ako sa labi nung maalala yung nangyari nakakainis!

"At may pakagat kagat labi ka pa ha?" nakangising sabi niya

"Baliw!" sabay hampas ko ng unan sakanya.

Hindi kaya nakakahalata na si Isay? Saglit, anong mahahalata niya eh magkaibigan lang kami ni Cielo wala namang iba doon?

Magkaibigan nga ba kami?

Dumating si Ninang ng may dalang carbonara at garlic bread sa gilid. Ang sarap gumawa ni Ninang ng ganito kaya hindi na ako nakapigil kunin ang hinanda niya

"Nga pala Rara may darating pa akong isang bisita" natigilan naman ako bahagya sa sinabi ni Ninang

"Bisita po?" Tanong ko habang kagat kagat yung tinidor

"Oo, baka maya maya ay nandyan na siya. Busy kasi siya kaya baka mahuli siya ng konti, kumain lang kayo dyan at pupunta muna ako sa kwarto, may hahanapin lang akong mga papel"

Tumango lang ako habang sumusubo ng carbonara na luto ni Ninang. Sabay kagat sa tinapay

"Isay kilala mo ba yung dadating?" tanong ko habang ngumunguya

"Hindi eh, baka amiga ni Mama? Baka may session sila ng majong" lumukot naman ang noo ko sa naisip na kalokohan ni Isay

"Sira! Kumain kana nga lang"

Naiwan ako dito sa salas na patuloy na kumakain dahil si Isay ay kumukuha na naman ng pagkain sa kusina

Pinatong ko sa gilid ng centre table yung plato na kinainan ko, pansin ko na ang daming magkakapatong na papel dito sa table. Hindi ko naman binabasa ang mga ito dahil kay Ninang ito bawal mangielam ng gamit ng iba pero bakit may pangalan ko yung isang papel?

"Ay kabayo!"

Nagulat ako sa lakas ng tunog ng sasakyan na nagbobomba kala mo may karera na gagawin ano mang oras! Sino ang siraulong gagawa ng ganyang ingay?!

Biglang may kumatok sa gate kaya no choice akong tumayo at lumabas. Pag bukas ko ng gate hindi ako makapaniwala sa taong nasa harap ko

"Cielo?!"

"Hey Honey" Sabay halik nito sa pisngi ko, what the hell?!

"Bakit nandito ka?!"

"Uh? Meeting I guess?"

"Ha?" naguguluhan kong tanong, anong meeting?

"Oh, Miss Lopez nandyan kana pala, please come in" si Ninang habang nakatayo sa pintuan ng bahay. Naguguluhan ako! Bakit siya kilala ni Ninang?

"Isara mo yang bibig mo Miss Emprey baka may langaw na pumasok dyan" Sabay kindat sa akin at tuloy siyang nag lakad papasok

Napasunod nalang ako papasok sa bahay at hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Masyado na bang maliit ang mundo para maging magkakilala silang dalawa?

Pagpasok ni Cielo, pati si Isay ay nagulat na nandito ang magandang babae na ito. Kitang kita yung reaksyon niya sabay napatingin nalang siya sakin at ako naman ay napa iling nalang dahil di ko rin alam kung anong nangyayari

"Miss Lopez, buti naman nakarating ka" Si Ninang nung makita niya si Cielo. Gusto ko magtanong pero mukhang importante pag uusapan nila

"Cielo nalang po and of course Tita, mas importante ang pag uusapan natin kesa sa ibang meetings ko" nanglaki ang mata ko sa tinawag ni Cielo kay Ninang

Tita?! ako naman ang napatingin kay Isay at siya naman ang nag bigay ng reaksyong hindi alam kung ano ang nangyayari

"Ah- Ma? Sa kwarto na muna kami ni Rara para makapag usap--"

"Hindi anak, dyan lang kayo ni Rara"

Tumango nalang si Isay, hindi niya rin alam tungkol saan ang pag uusapan, isa pa bakit hindi niya kami pinapaalis ni Isay? Naupo nalang ako katapat silang dalawa, samantalang si Isay sa ay nasa may haligi ng pintuan habang nakatayo

"Here Cielo, ito lahat ng papeles at yung last will"

Last will? Inabot ni tita yung mga papel na nasa lamesa kay Cielo

"Rara anak tignan mo ito, since mag bi-birthday kana" Kinuha ko yung papel na inabot sakin ni Tita

"Ano ito Ninang?" Tumingin ako kay Cielo ngunit ngumiti lang siya sakin kaya binalik ko ang tingin ko kay Ninang. Huminga siya ng malalim bago muling magsalita

"B-Bago mamatay ang magulang mo, hinabilin ka nila sa akin Rara. Kasama dito ang paglipat ng lahat ng ari-arian ng mga magulang mo sayo. At makukuha mo ito pagtungtong ng ika dalawangpu't isang kaarawan mo. Kasama na dito ang lahat ng parte ng magulang mo sa kumpanya ng mga Lopez"

Nanglaki yung mga mata ko sa sinabi ni Ninang, pabalik balik ang tingin ko sakaniya at sa papel na hawak ko. Hindi ko lubos maisip ang kalinawan sa lahat ng sinasabi ni Ninang.

"Ninang anong sinasabi niyo? At bakit mga Lopez? Kila Cielo iyon diba? Paanong magkakaroon sila Papa ng parte sa kumpanya nila Cielo? Ang gulo Ninag hindi ko--- maintindihan"

Halong kaba, tanong na di ko alam saan kukunin ang sagot at nanglalamig na mga kamay ang tangi kong nararamdaman at naiisip. Wala akong idea kung ano ba itong sinasabi nila sa akin at paano nangyari ang lahat ng ito

Tumingin lang si Ninang kay Cielo at tumango ito, agad naman na may kinuha si Cielo sa suitcase niya na isang album

"A-Ano ito?" takang taka ako dahil inabot ito sa akin

"Tinago ko yan Rara para kung dumating man ang araw na ito ay malaman mo ang katotohanan" si Ninang na seryosong nakatingin sa akin

"Open it" utos niya kaya ginawa ko naman

Nanginginig na binuksan ko yung album at hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nakikita ko ngayon.. mga picture ni Papa at Mama ito nung mga binata't dalaga pa sila. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa halo halong emosyon ng saya at pagkalungkot. Hinaplos ko ang litrato, hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Hindi manlang ako binigyan ng panahon upang makasama sila ng matagal.

Inilipat ko nang dahan dahan sa susunod na pahina ang hawak kong album, napangiti ako ng mapait nang makita yung family picture namin...

"Paano niyo nakuha ang mga ito Cielo? Ninang?" Tanging ngiti lang ang binigay nila sakin

"Look at the next page" utos ni Cielo

Inilipat ko sa sumunod na pahina, nakita ko sa larawan sina Ninang buhat ang isang bata na sa palagay ko ay si Isay, nandito rin sila Mama at Papa buhat nila ako at katabi nila...

"Oh my God!" napahawak ako sa bibig ko sa gulat

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! K-Katabi nila Papa sa picture ang Daddy ni Cielo! Hindi ako pwede magkamali dahil nakita ko na sa larawan ang Daddy niya doon sa loob ng kwarto niya!

"Ninang? B-Bakit mag kakasama kayo dito?" takang taka akong nakatingin lang sakaniya.

"Rara, ang magulang mo, ako at ang tatay ni Cielo ay magkakaibigan mula pa noong estudyante kami, hanggang sa magkapamilya ay magkakasama kami. Ang tatay mo at ang tatay ni Cielo ay matalik na magkaibigan. Ngayon, naiintindihan mo na ba kung bakit ka may parte sa kumpanya ng mga Lopez?"

Hindi nag sisink in sakin ang lahat ng nalalaman ko ngayon. May script ba silang binabasa dito? Nasa isang pelikula ba kami? Dahil imposible ang lahat ng nalalaman ko... hindi kailanman sumagi sa isipan ko ang posibilidad na ito

"And I'm here to give you this document, giving you my consent to re-open the Emprey shares to my company. And you will be the heir of Emprey"

Patuloy ako sa pagtitig ko sa picture dahil hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, pinaglalaruan na naman ako ng tadhana. Dahan dahan kong sinara ang album at niyakap ito

"Rara? Ayos kalang ba?" tumingin ako kay Cielo sabat tango

"Hindi lang ako makapaniwala sa mga narinig ko, sa mga nalaman ko" ngumiti siya bahagya na nagbigay ng saglit na kapanatagan sa loob ko

"Rara, Ikaw ang hahawak at magmamana ng lahat ng ari-arian ng magulang mo, ang ibig sabihin nito ay magpapatakbo ka ng kumpanya" Napapikit nalang ako sa sinabi ni Ninang, hindi ko kaya ang ganitong responsibilidad

"Hindi ko ata kayang hawakan yung ganito Ninang, hindi ako handa sa ganitong kalaking responsibilidad"

"Yan ang dahilan kung bakit ko pinapunta dito si Cielo, para tulungan ka at maging isa sa mga guardian mo" napamulat ako bigla sa sinabi ni Ninang

"What?! Guardian?" Gaano na ba siya katanda upang maging guardian ng tulad ko?

"Sige na iiwan ko muna kayong dalawa diyan para makapag usap kayo, Isay nak tara muna sa garden" Umalis sila at kami lang dalawa ni Cielo ang naiwan dito.

"C-Cielo?"

"Hmm?"

"Ilang taon kana ba talaga?" ngumiti naman siya sabay iling sa akin, seryoso ako sa tinatanong ko

"Well, open the album then turn to the next page where you stop"

Agad kong binuksan yung album at hinanap yung kasunod na page ng picture ng mga magulang namin. Nakita ko sa picture ang batang Cielo at Cindy nakalagay dito na ika sampu na kaarawan nila na nakasabit sa pader.

Kung 1yr old ako sa picture na ito at 10yrs old si Cielo at Cindy-- at malapit na ako mag 21...

"What?! 30?!" hindi halata sa itsura niya dahil sobrang bata ng itsura ni Cielo at magmumukha pa akong ate niya sa totoo lang

"And now you know"

"Wait! Kung bestfriend ng Dad mo ang Papa ko, ibigsabihin kayo yung pinuntahan--"

"Yes, birthday namin ni Cindy ang pinuntahan niyo that time nung maaksidente ang sasakyan niyo"

Napatulala nalang ako, hindi ko kinakaya ang lahat ng nalalaman ko tila ba isang panaginip ang lahat ng ito

"And I'm sorry about that" umiling ako bilang di pagsang ayon sa paghingi niya ng tawad

"Cielo wala kayong kasalanan doon, talagang nakatadhana ang lahat ng nangyayari noon at ngayon. Pero bakit ngayon mo lang sinabi sakin to? Ang tagal narin natin mag kakilala pero bakit ngayon lang?"

Nung nakita niya ako sa garden? Ano yun? Kilala niya ako agad? Kaya ba tinulungan niya ako? At hinayaang makapasok sa mansion nila?

"Kaya ba tinulungan mo ako nung nadapa at magka sprain ako?"

"Silly! I remember that, at galit na galit ka pa nga sakin" bigla nalang siyang tumawa nang marahan

"Aba! Bakit mo ko tintawanan?! Nakakainis ka! Seryoso, ano nga?" pagmamaktol ko dahil hindi niya sineseryoso ang sinasabi ko

"No, actually wala akong maalalang Emprey noon, naging familiar lang sakin ulit nung naiwan mo yung wallet mo sakin then I saw your family picture, from that moment I knew we're connected"

"Pero bakit di mo sinabi saakin agad?"

"Cause there's always a right time Rara, hindi lahat pwede sabihin kung kailan gusto. And now it's the right time para malaman mo lahat"

May right time din ba ang sagot kung itatanong ko sayong, mahal mo ba ako?

"So, hows your morning?" Tanong niya habang inaayos yung mga papel sa centre table

Hindi ko maikakailang napangiti ako sa tanong niya dahil naalala ko yung bulaklak na iniwan niya

"Okay naman masaya naman, by the way, thank you nga pala doon sa flower"

"You're welcome" nangumiti siya sa akin kaya nanginig naman ang tuhod ko

Tumayo siya at nilagay sa case yung mga papel. Teka lang—

"A-alis kana ba?" tanong ko habang iniiwasan siyang tignan

"Do you want me to?"

"No! I-I mean baka may pag uusapan pa kayo ni Ninang or what" napakagat alang ako sa labi ko di ko napigil yung bibig ko

"Inutusan ako ni Tita to buy you a house or condo malapit sa akin"

"Ha?! Teka lang, bakit? Okay naman ako tsaka mas gusto ko sila kasama"

"Rara anak--" Napalingon ako sa likod kay Ninang, kanina pa ba siya nandyan?

"Inutos ko kay Cielo yon para narin sa future mo, sa magiging pamilya mo someday"

"But Ninang--"

"Or if you want hija, you can stay with Cielo" What?! Ako? Doon titira kasama siya?

"Ninang seryoso ba kayo dyan?"

"Why Hija? Kami ni Cielo ang guardian mo at alam mo mababantayan ka ni Cielo kahit pa wala ako sa tabi mo" Seryoso nga siya dahil hindi ngumingiti si Ninang, ganito siya kapag seryoso

"Tita pinapaayos ko na yung office ni Rara at pwede na siyang pumasok any time"

"Teka! Teka! Ako? Mag o-office?" nakaturo ako sa sarili ko

Tumango lang siya sakin, teka! hindi ko forte yun! Baka malugi pa yung kumpanya nila dahil sakin!

"Teka lang! Hindi ako marunong mag patakbo ng kumpanya!" papalit palit ang tingin ko kay Ninang at Cielo

"Don't worry I'll guide you, di kita pababayaan" napalunok ako sa sinabi ni Cielo, bakit tila dalawa ang ibig niyang iparating sa sinabi niya?

"See hija? Hindi ka pababayaan ni Cielo" napatingin ako kay Ninang sabay pisil niya sa kamay ko, alam ko na wala na akong magagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nila.

Niyakap ako ni Ninang nang mahigpit "They will be proud of what you are right now, Rara" napangiti naman ako sa binulong ni Inang sa akin. Para kila Mama at Papa ang gagawin kong ito.

........

Umalis na si Cielo pagtapos namin magkasundo, si Ninang naman nasa kusina nag luluto at ako? Nandito ako sa likod bahay kung nasaan yung swimming pool tinitignan ang repleksyon ko sa tubig habang nakalublob ang mga paa ko. Biglang tumabi sakin si Isay

"Lalim ng iniisip girl ah!"

"Sira!"

"Bigtime kana talaga"

"Hindi ah ako parin yung Rara na pinalaki ng Mama mo at ikaw parin yung kapatid ko. Pero hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nalaman ko at nangyayari"

"Ang sweet naman! Pero alam mo? Kaya mo yan! Matapang ka at alam mo ginagawa mo Rara kaya palagi mo dapat akong pinagluluto" medyo lumukot ang mukha ko sa sinabi niya

"Baliw ka talaga! Wala naman koneksyon yung huli mong sinabi sa una mong sinabi! Teka bakit nandito ka? Bakit wala ka sa kusina?"

"Eh busog nako eh, mamaya ulit"

"Takaw mo talaga! mahihiya yung ref sayo kasi mas marami pang laman yung tiyan mo kesa dito"

"Sarap kaya kumain! Teka maiba tayo--" Ano nanaman kaya sasabihin nito?

"Rara seryoso ito ah? At sa atin lang ito promise mamatay ka man"

"Siraulo ka! Mag pa-promise ka nalang ako pa itataya mo! Bwisit ka!"

"De! Biro lang, ano kasi kanina habang tinitignan ko kayo ni Cielo.. walang halong biro may spark sainyo" Literal na nanlaki yung mata ko sa sinabi niya

Spark? Sa amin?

"Rara umamin ka, may tinatago kaba sakin?"

Sa pag kakataong to dinapuan na ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano isasagot ko

"P-Panong tinatago?"

"Malalaki na tayo alam mo ang sinasabi ko Rara" napalunok ako, tila naiipit ang dila ko ngaon

"Ha? W-Wala talaga ako alam--"

"The way na tignan mo siya, pati pag kausap mo sa kaniya, miski ang patago mong tingin sakanya, nahuli ko kanina. Rara to be honest, hindi ka ganun ka July... nagnining ning yung mga mata mo kapag si Cielo ang kausap mo. Yung totoo?"

Nararamdaman ko yung malamig na pawis sa mga palad ko. Hindi ako sigurado sa mga isasagot ko

"H-Hindi ko alam Isay-- I mean hindi ko alam talaga."

"Kapag mag kasama kayo, kinakabahan kaba?"

Kinakabahan?

"Palagi" pagsagot ko ng katotohanan

"Masaya ka?"

Masaya?

"Oo? Teka nga muna! The buzz ba ito?"

"Eh! Sagutin mo nalang mga tanong ko next question! Ano naiisip mo pag tinititigan mo siya?"

Bakit ba ganito? Walang play safe na sagot!

"Maganda siya"

"Yun lang?"

"Oo"

"Sigurado ka?" Nanglalaki na butas ng ilong niya dahil di siya kuntento sa sagot ko

"Hmm--- maldita siya, bwisit siya, malakas siya mang asar, nakakainis ulit siya.. wala siyang modo.. pero--"

"Pero?"

"Pero-- may part na mabait siya, sweet-- "

Bakit lumabas yan sa bibig ko?

"Paano kung isang araw mawala siya-- tingin mo ganun parin takbo ng buhay mo?"

Sa pag kakataong yun, para akong binuhusan ng malamig na tubig.. paano nga ba kung wala siya?

Hindi ko ata alam paano

"H-Hindi ko alam.. hindi"

Ngumiti lang siya sakin teka! Teka!

"Rara alam mo? You should check your--" Sabay turo sa tapat ng dibdib ko

"Ha? Bakit naman?"

"Malalaman mo.... sa tamang panahon"

"Lola nidora ikaw ba yan?"

"Tse! Tara sa kusina kain na tayo Rarabels"

Natawa nalang ako sa tawag niya, baliw talaga tong kinakapatid ko. Nauna siya sakin umalis. Tumayo ako at sa huling pag kakataon tinignan ko yung sarili kong repleksyon sa tubig

Napahawak nalang ako sa dibdib ko

Ano nga bang mundo ko kung wala siya?

-------

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

297K 1.3K 6
Deene Garcia makulit, maingay, playgirl at nakukuha ang lahat ng gusto. But what she didn't expect is when she comes across with Violet Reyes ang kab...
25.5K 1.3K 29
If the silent heart voiced out, what happens? P.S: This is a girl to girl love story. This story confuses me. Lol.
Chimed Par jazlykdat

Roman d'amour

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.2M 56.3K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...