Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 19: Destined

628K 26.2K 7.1K
By april_avery

Chapter 19: Destined

Loraine Van Zanth

Pumasok ako sa kwarto ni Zander. Nakita niya siyang nakatayo sa terrace at pinagmamasdan ang bayan sa ibaba. Napansin ko ang mga palad nitong mahigpit na nakahawak sa railing ng terrace. Malalim ang kanyang pahinga. Zander looks frustrated.

Ilang araw na siyang ganyan. Kilala ko ang kapatid ko bilang kalmado at alam ang gagawin sa halos lahat ng bagay. Pero sa mga oras na ito ay tila hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Zander seemed lost. And despite the situation, sa unang pagkakataon ay hindi isang alpha ang nakikita ko sa aking harapan kundi ang aking nakababatang kapatid.

Mula noong dumating si Venise ay tila mas lalo itong naguluhan. Zander tried to convince himself that Laura is nothing to him. He even tried distracting himself by focusing on Venise. But every now and then, I found him staring at Laura. Zander knows when Laura is in pain. At ang mga nangyari noong nadito si Venise ay nagkaroon ng epekto sa bond na namamagitan sa dalawa.

The bond connecting them is like a tangible object. Maaari itong masira kapag hindi iningatan. Ang masamang pakiramdam ni Laura sa nakalipas na araw ay dahil pakiramdam niya tinatanggi siya ni Zander bilang mate. She felt possessiveness, jealousy, and pain. The same way Zander feels those emotions tuwing may ibang lalakeng kasama si Laura.

The only difference is that Laura doesn’t know any of this. Ang alam niya lang ay nasasaktan siya. Ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit. Kapag nagpatuloy ito, those negative emotions can cause the bond to falter. Para itong goma na hinihila palayo hangang sa tuluyan itong masira.

Bumuntong hininga ako bago lumapit kay Zander.

“I heard from Sebastian that Laura got hurt yesterday.”

Lumingon ito at nagtiiim bagang. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ng aking kapatid. Hindi nito gustong pagusapan si Laura. Linibot ko ang paningin sa magulo niyang kwarto.

Zander was always been a neat freak. Ayaw nito ng magulong paligid. He wants silence. He wants solitude so he can concentrate on his duty of being an alpha. Oftentimes, Zander was too focused on being an alpha he would lose sight of being Zander.

Tuwing kaharap ko siya, ang nakikita ko ay ang aming pinuno at hindi ang aking kapatid. Kaya naman nakakapanibago ang makita siyang ganito. Here he was being frustrated, being wasted, like a normal guy his age. It’s astonishing how Laura can transform a great alpha into a regular guy.

“Zander, how far can you resist? Hangang saan mo ipaparamdam sa kanya na wala kang pakialam?”

Hindi siya sumagot. Nanatili ang tingin niya sa ibaba ng bayan. This is typical of you, Zander.

“When you learned that Laura cried because she thought you and Venise kissed, hihintay mo siyang tumahan at makatulog bago ka umalis sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Yesterday you ordered Sebastian to watch over her noong magisa siyang pumunta sa bayan.”

Tinitigan ko siya. “Why can’t you just tell her the truth? Tell her you and Venise didn’t actually kissed. Tell her who she is to you. Do you want your mate to hate you that much?”

“She’s an Arden. That should be enough reason for both of us to hate each other.” sagot niya.

“But she’s also your mate.” sinabi ko. “Naguguluhan na siya, Zander. Nahihirapan siyang maintindihan ang nararamdaman niya. You were either cruel to her or saving her. Manghihina siya sa ginagawa mo. Hindi siya katulad natin. The strength of the bond can drain her.”

Muli ay hindi ito sumagot. Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung maguluhan siya ng ganito. All his life he was thought to put Van Zanth first before his personal interest. Hindi madali ang maaring mangyari. But I don’t want my brother to let go of what’s destined for him because of his position as an alpha.

“You have two choices Zander.” I said. “Forget she’s an Arden and accept her as your mate. Or forget she’s your mate and treat her as your worst enemy. There’s no in between.”

Pinagmasdan ko siya sa huling pagkakataon bago tumalikod at umalis sa kanyang kwarto.

You’ll either accept her and let everyone know she’s yours, or reject her and let her leave Van Zanth. You need to make up your mind soon, Zander. Things are getting more complicated.

—-

Laura Katherine Arden

Pinagmasdan ko ang mga tao habang naglalakad ako papunta sa school building. Everyone is either in excited chatter or in whispered conversation. Some faces brooding, some in awe. Narinig niya ang familiar na pangalan sa isa sa mga usapan nadaanan niya.

Venise.

It was the first Monday after the long weekend. Sa maliit na bayan katulad ng Van Zanth, madaling kumalat ang balita. At sa tulad ni Venise na galing sa isang importanteng pamilya hindi na ako magtataka kung pag usapan siya. Minsan lamang siya bumisita sa bayan. At karamihan sa mga tao ay nagtataka sa bigla niyang pagdalaw.

“I heard she visited the alpha.”

Narinig ko ang bulungan ng mga taong nasa hallway. Hindi pa nagsisimula ang karamihan sa mga klase kaya puno pa ng estudyante sa labas. Tahimik akong nakipagsiksikan para makadaan.

“Siya lang ang malayang nakakalapit kay alpha ng ganoon.”

“There’s other one.”

Bahagya akong natigilan nang mapansin na lumingon ang isa sa kanila sa akin. “The human girl.”

Umiwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. Gusto kong bilisan ang paglalakad dahil kasunod ko lamang sila. I heard the distinct sound of a silent laugh from one of them.

“She’s just a helper in the mansion.”

Nang makarating ako sa seminar room, dumerecho ako sa aking silya. Muling napatingin ang iba sa akin noong pumasok ako. May ilan na tila hindi parin sanay nakikita ako kahit halos anim na buwan na ako sa lugar na ito.

Habang naghihintay ng klase, nagbukas ako ng dalang libro. Half of the reason is to read, the other half to drown out their noise. Pero hindi ko parin maiwasan na marinig ang kanilang usapan.

Mula sa kanilang usapan napagtanto ko ang isang bagay. Kinaiingitan ng marami si Venise dahil sa pagiging malapit niya kay Zander at pamilya nito. Maging kina Sebastian at mga orders. Many girls wish to be just like her. Madami ang gustong mapalapit sa kanya at maging kaibigan siya. Venise seemed to be popular noong sa Van Zanth pa siya nag aaral. I forced my thoughts to go back to the open book in front of me.

“They look good together. I wonder kung may gusto sila sa isa’t isa.”

Bigla akong natigilan dahil sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa librong nasa kamay ko.

“They wouldn’t care as much if they are not, right?”

Pumasok sa isip ko ang eksenang nakita ko sa balkonahe ilang araw na ang nakakalipas. Their silhouettes, the conversation, the kiss. My fingers tremble at the thought. Binitawan ko ang libro bago ko pa ito mahulog. Bahagya akong pumikit at huminga ng malalim para kumalma. Subalit sa pagpikit ko, ang mukha ni Zander habang hinahalikan ako ang pumasok sa isip ko.

Gusto kong magalit sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman. I let Zander kissed me, after he kissed Venise in front of me. Ganoon na ba ako kababa para hayaan na paglaruan niya ako ng ganito? Binuksan ko ang mga mata ko at sinandal ang aking ulo sa mesa.

Why does it feel so right when we’re together and feels so wrong when we’re apart? Why does it have to be this confusing? Nagseselos ako pero wala akong karapatan. Pero sa tuwing magkasama kami ni Zander pakiramdam ko may karapatan akong ipagdamot siya. Habang ramdam ko ang mainit niyang labi sa aking balat at kapwa kaming kinakapos sa hininga, pakiramdam ko sa amin lamang ang isa’t isa. Marahan kong inuntog ang noo ko sa mesa.

Stupid, stupid, Laura. What’s inside the mansion was all but a dream. Wake up. What’s in front of you is the reality.

I drifted through my morning class. Focusing on the discussion but sometimes being shallowed by my thoughts. I’ve never been this confuse. Ngayon ko napagtanto na tama si Aunt Helga. Mas magiging maayos ang pananatili ko sa mansion kung hindi ko siya nakilala. If I stayed as a normal helper in the mansion. Can I still go back? Namimiss ko na ang dating ako bago ko siya nakilala. Walang gulo. Walang pagkalito. At kontento na ako lang.

Lumabas ako sa building noong lunch. Sa likod na bahagi ng campus malayo sa usapan ng mga kapwa ko estudyante, may mataas na bahagi na tila mallit na burol malapit sa kakahuyang pinalilibutan ang school. Doon ako pumunta. Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Mula sa kinauupuan ko tanaw ko ang pagpasok at paglabas ng mga estudyante mula sa school building.

Malapit na pala ang semester break. Lumalamig na ang hangin at mas matagal ang gabi. Ang mga normal na suot ng mga estudyante noong tag ulan ay unti unting napapalitan ng makakapal na damit. Madalas ay mahangin tuwing hapon. Ang mga estudyanteng tulad ko na dating sa loob lamang ng school building nagpapalipas ng oras ngayon makikita silang nakaupo sa mga damuhan sa campus.

Dalawang lingo nalang ay matatapos na ang unang semester. Two weeks from now is our final exams. Kaya karamihan sa mga estudyante ay nagiging busy na sa paghahabol ng requirements at paghahanda sa nalalapit na exams. Napayakap ako sa tuhod ko habang nakaupo sa damuhan. Parang kailan lang noong hesitant pa akong tumapak sa downtown. Parang kailan lang noong curious pa ako sa lahat ng mga nangyayari dito.

Pero madami na ang nagbago. But all those calm and peaceful days seemed so far away now.

“Hey.”

Natigilan ako at lumingon. Nakita ko si Sebastian na papalapit sa kinaroroonan ko. Mukhang nangaling siya sa kakahuyan. Nag stretch siya ng braso bago umupo sa damuhan sa tabi ko.

Hindi na ako nagtataka kung bigla nalang sumusulpot si Sebastian kung saan. Back then I find it weird, but knowing Sebastian, he’s unpredictable kaya hindi na ako nabibigla kapag nandyan. Actually I find it comforting.

“Mag isa ka lang?”

Tumango ako. He should be used to it by now.

“Kamusta na ang balikat mo?”

Napalingon ako sa kanya mula sa pagnataw sa ibaba. Ngayon ko napansin ang bahagyang nagaalala niyang mga mata na pilit tinatago ng formal na koryosidad sa kanyang mukha. Iniisip niya parin ba ang nangyari sa Vindershach?

“Okay na ang balikat ko.” sagot ko. Napahawak ako dito. “Nakapagtataka ka dahil nawala na nang tuluyan ang sakit.”

Natigilan siya sa sinabi ko. Pinagmasdan niya ako. Like I said something that pricked his interest or maybe he thinks I’m lying to ease his mind. Pero totoo na hindi ko na nararamdaman ngayon ang sakit. Mula noong— Napakurap ako nang maalala ang bagay na yon.

“Does it hurt?”

Ang boses niya. Low, gently. Noong hinalikan niya ang pasa ko, noong napadaing ako dahil sa pagdampi ng labi niya sa namamaga kong balat, yon ang huling beses na naalala kong sumasakit ito. After that, hindi ko muli pang naramdaman ang sobrang pagsakit nito.

Natahimik ako. Kaya ba ako pinuntahan ni Zander noong gabing yon? Umiling ako. Hindi. Nagkataon lang siguro. Paanong mangyayari yon? Imposible na dahil sa nangyari ang nawala ang physical na sakit na naramdaman ko.

“Do you know something about mates?”

Bumalik ako sa kasalukuyan noong muli kong marinig ang boses ni Sebastian. Napansin ko na naging seryoso ang boses niya. Hindi tulad ng mga unang tanong kanina. I don’t even know why he keeps asking me these random questions all of a sudden.

“Mate?” ulit ko sa estrangherong salita.

Sumandal si Sebastian sa puno kung saan kami sumisilong. He placed his hands on the back of his head. It was a carefree position. But he was as if thinking something deeply. At isang bagay din ang napansin ko. His eyes seemed clouded, as talking something he doesn’t want to.

“We, hybrids, have mates.” sinabi niya. “They are considered as our partners, our destined other half.”

I let his statement sink in.

“Hindi lahat ay meron nito o natatagpuan ang bagay na ito.” Sebastian said. “Some even think of it as a legend. Dahil rare lamang magtagpo ang dalawang taong tinadhana. Pero kapag nagtagpo sila, mararamdaman nila ito. The attraction or the bond.”

Nagsisimula ng maging mahangin sa lugar kung nasaan kami.

“Kadalasan ramdam ng isang tao ang nangyayari sa kanyang mate. A mate can feel a part of their other half’s emotions or physical pain. They will have a strong desire to connect with their mate. Like two pieces of magnetic puzzle being drawn together. At kapag magkasama sila, napapagod, o nagkakasakit, sa isa’t isa sila kumukuha ng lakas. They fuel each other.”

Nanatili si Sebastian sa position nito. “That’s what the legend says.”

I rested my palms on the grass and stared at the campus below. Tahimik ako bago nagsalita.

“It’s a magnificent story, don’t you think?” I said to him. “To meet the person you are destined for.”

Hindi nagsalita si Sebastian. Lumingon ako sa kanya. Bahagya akong nagtaka nang makita ang pag aalala sa kanyang mga mata.

“Some bonds are destructive.” sinabi niya. “Kapag napunta ito sa maling tao o sitwasyon, maaari itong makasira. There are people who are destined to be together, but are better apart.”

Natahimik ako sa sinabi niya.

“Pero kung yon ang maaaring mangyari, hindi ba ang tao ang mali at hindi ang tadhana?” tanong ko. “You are part of something for a reason. Maybe two people are destined for a reason.”

Lumingon si Sebastian sa akin.

“My Mom and Dad, their families hated each other. Aunt Helga is cold to me because she sees my Dad in me. Noong bata ako halos walang tumagap sa akin sa magkabilang pamilya dahil ako ang bunga ng bawal na pagsasama ng mga magulang ko. But my parents fought for what they have.”

Bahagya akong tumingala sa maulap na langit.

“Pero wala na ang magulang mo, hindi ba?”

Lumingon ako kay Sebastian at ngumiti. “Bata palang ako noong namatay sila. Pero sinabi ni Aunt Wilhelmina na bago nila ako iwan, hangang sa huli ay pinaglaban nila ang meron sila.”

“Isn’t that what life is all about?” sinabi ko. “You fight for something you believe in. Because no matter how long or short life is, what counts are the moments you regretted nothing.”

Bahagya akong pumikit habang nakaharap sa langit.

“My parents live a short life, they left me. Pero hindi ko sila sinisisi. Their moments together were a lifetime.”

Bigla kong binuksan ang aking mga mata nang muling nagsita si Sebastian.

“What if the same happens to you?”

Napalingon ako sa kanya.

“What if you die fighting for that kind of love?”

Natahimik ak bago ngumiti. A distant smile. “My Dad loves my Mom so much he risked everything for her.”

Pinagmasdan ko ang campus sa ibaba at mga taong dumadaan dito.

“That kind of love is rare. I don’t think it will be able to find me.”

***

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
4.2M 22.8K 7
[The Walkers Trilogy #2] [Sequel to 'The Perverted Vampire] Savannah Kier Walker will never be normal. From the very start, she knew that she's diffe...
195K 6K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
78.7K 4.2K 20
The land series; Land of Birds THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad) She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus...