Code Chasers

By yoshiro_hoshi

84.4K 6.5K 1.9K

Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauha... More

...On our distant past...
Vol. 1 Code One : " In the beginning, there was light "
Vol. 1 Code Two: "Now and Then, Here and There..."
Vol. 1 Code Three: "Strings Attached..."
Vol. 1 Code Four: " Beyond our Boundaries..."
Vol. 1 Code Five: "These Thoughts..."
Code Chasers: Side Story 1: "Love Conquers All..."
Vol. 1 Code Six: "Twin Misfortunes"
Vol. 1 Code Seven: "....Until we Meet" - Part One
Vol. 1 Code Eight: "Until we Meet (Part II)"
Vol. 1 Code Nine: "...It will lead us back together..."
Vol. 1 Code Ten: "He who Hides and Seeks"
Code Chasers: Side Story 2: "Acting Out a Dream"
Code Chasers: Character Profile :D
***Author's Note***
Vol. 2 Code Eleven: "First Steps..."
Vol. 2 Code Twelve: "Silver Pages..."
Vol. 2 Code Thirteen: "Cross Roads"
Vol. 2 Code Fourteen: "After Word"
Vol. 2 Code Fifteen: "On Edge"
Code Chasers Side Story 3: "Lost Article"
Vol. 2 Code Sixteen: "Falls Out"
Vol. 2 Code Seventeen: "Great Escape"
Vol. 2 Code Nineteen: "Fends Off"
Vol. 2 Code Twenty: "Lost and Found"
Code Chasers Character Profile
***Facts about the Author***
***Author's Note***
Vol. 3 Code Twenty One: "God within our Words"
Vol. 3 Code Twenty Two: "Drag into the Deep"
Vol. 3 Code Twenty Three: "Run After Lost Voices"
Vol. 3 Code Twenty Four: "Trapped between Two Boulders"
Vol. 3 Code Twenty Five: "Until we fulfill our Pledge"
Vol. 3 Code Twenty Six: "To Snatch the Whole Nine Yards"
Vol. 3 Code Twenty Seven: "The Scars on our Distant Past"
Vol. 3 Code Twenty Eight: "The Scars on our Distant Past" (Part II)
Vol. 3 Code Twenty Nine: "When a Pure Heart Emerges from the Darkness"
Vol. 3 Code Thirty: "An After Image"
Author's Note
Vol. 4 Code Thirty One: "His Confession of Pain"
Vol. 4 Code Thirty Two: "Missing Link"
Vol. 4 Code Thirty Three: "A Place in the Sun"
Vol. 4 Code Thirty Four: "At Daggers Drawn (Part I)"
Vol. 4 Code Thirty Five: "At Daggers Drawn (Part II)"
Vol. 4 Code Thirty Six: "A thing of the Past"
Vol. 4 Code Thirty Seven: "Of Life...and Death"
Vol. 4 Code Thirty Eight: "Devil's Advocate"
Vol. 4 Code Thirty Nine: "Salt of the Earth"
Vol. 4 Code Forty: "Gospel Truth"
Author's Note
Vol. 5 Code Forty One: "Bear One's Cross"
Vol. 5 Code Forty Two: "A Voice in the Wilderness"
Vol. 5 Code Forty Three: "Balancing Act"
Vol. 5 Code Forty Four: "Make or Break"
Vol. 5 Code Forty Five: "By Fair Means or Foul"
Vol. 5 Code Forty Six: "With One's Last Breath"
Vol. 5 Code Forty Seven: "Against One's Will"
Vol. 5 Code Forty Eight: "Taking the Stage"
Vol. 5 Code Forty Nine: "Nightmare Before Dawn"
Vol. 5 Code Fifty: "Encore"
Author's Note
Vol. 6 Code Fifty One: "Bolt from the Blue"
Vol. 6 Code Fifty Two: "Faraway Dream"
Vol. 6 Code Fifty Three: "The Idle of Regrets"
Vol. 6 Code Fifty Four: "End of the Line"
Vol. 6 Code Fifty Five: "Cross Paths"
Vol. 6 Code Fifty Six: "Faint-Heart"
Vol. 6 Code Fifty Seven: "Tug at the Heartstrings"
Vol. 6 Code Fifty Eight: "The Point of No Return"
Vol. 6 Code Fifty Nine: " To Bare One's Soul"
Vol. 6 Code Sixty: "He Who Forgives..."
Author's Note
Vol. 7 Code Sixty One: "Perfect Storm"
Vol. 7 Code Sixty Two: "Dead in the Water"
Vol. 7 Code Sixty Three: "A Cease from the Struggle"
Vol. 7 Code Sixty Four: "A Silent Prayer"
Vol. 7 Code Sixty Five: "Slashes to Ashes, Dust at Dusk"
Vol. 7 Code Sixty Six: "To Go Off the Deep End"
Vol. 7 Code Sixty Seven:"In which the Past is Hidden and then Found"
Vol. 7 Code Sixty Eight: "Bad Omens"
Vol. 7 Code Sixty Nine: "The Root of His Evil"
Vol. 7 Code Seventy: A Fate Worst Than Death"
Author's Note
Vol. 8 Code Seventy One: "The Child of the Prophecy"
Vol. 8 Code Seventy Two: "To the End of Days"
Vol. 8 Code Seventy Three: "The Man of Constant Sorrow"
Vol. 8 Code Seventy Four: "A Gentlemen's Agreement"

Vol. 2 Code Eighteen: "Looking Back"

786 89 9
By yoshiro_hoshi

Code Eighteen: Looking Back

*****

Tandang-tanda ko pa...

"Anong sabi mo? Mag-aaral ka sa Akademiya ng Crimson?"

...tandang-tanda ko pa ang naging reaksyon ng matalik kong kaibigan na si Heimdall noong sinabi ko sa kaniya na gusto kong maging Cardinal Soldier ng Holy Army.

"Seryoso ako! Gusto kong maging Cardinal Soldier! Ang astig kaya nila?! May mga pakpak sila at lumilipad--gaya ng mga anghel!"

Kababata ko si Heimdall--at masasabi ko na hindi lang kababata ang turingan namin sa isa't-isa kundi tunay na magkapatid. Kilalang-kilala na namin ang bawat isa; alam ko ang mga gusto at ayaw nya at ganoon din naman siya sa akin.

Oo...kilala ko sya. Sya yung tipo ng tao na ayaw ng gulo at ang gusto lang ay ang umupo sa isang sulok, magbasa ng mga aklat, mamasyal kung may oras at makinig sa mga kwento ko kung saan labis siyang natatawa. Pero noong araw na iyon...habang nagpapalitan kami ng mga pangarap naming maging balang-araw, bigla ko ngang naisip ang ideyang iyon...

"Tayo? Mag-aaral ng sabay sa Crimson?"

"Oo Heimdall! Hindi ba't magandang ideya yon?! Mas magagamit pa natin ng mabuti ang mga kapangyarihan natin--makakatulong pa tayo sa mga tao, diba?"

"Pero paano ang mga magulang mo? Hindi ba't may plano na sila para sa kinabukasan mo?"

"Maiintindihan naman nina Mama at Papa na gusto ko talagang mag-sundalo, isa pa...papayag sila ng mabilis kung makakasama kita doon--diba?"

May pangarap rin si Heimdall para sa sarili nya--pero isinantabi nya iyon para pagbigyan ang hiling ko sa kaniya na pumasok kasama ko sa pagsusundalo.Sabay kaming nagsanay at lumaban sa mga ghouls--hanggang sa dumating na nga ang oras na nasuklian nang lahat ang aming paghihirap at parehong napansin ng mga nakatataas ang aming mga potensyal...

"Binabati kita Randall, Ikaw na ngayon ang Punong Kardinal ng buong Guild of Cardinals ng Holy Army. At hindi lang yon, ikaw pa ang pinakabata sa lahat ng mga naging Punong Kardinal..."

"Ako lang ba ang dapat batiin? Pumapangalawa ka na sa akin ngayon Heimdall? Baka nga sa susunod, ikaw na ang bagong Chief Cardinal ng Guild"

"Hahaha! Hindi mangyayari yon!"

Naramdaman ko ang pagtapik ni Heimdall sa mga balikat ko, na para bang tiwala sya na makakaya ko na kumilos kahit wala sya sa tabi ko. Pero ang totoo...kaylangan ko sya, kaylangan ko si Heimdall na laging nasa tabi ko.

----Susuportahan kita sa lahat ng bagay na gagawin mo, Randall. Asahan mong ako ng magiging pinakamahusay mong kanang-kamay. Sa iyo lang ang katapatan ko, para sa ating pagkakaibigan...----

...Pero dumating ang oras na wala akong ibang pagpipilian--kinalailangan ko na magpasya alang-alang sa kapakanan ng mga tao sa Providence.

"Kaylangan kong magpadala ng mga mahuhusay na sundalo sa hanay natin para pigilan ang paglaki ng punit sa Hell's Rip sa Death Valley dahil kung hindi--patuloy na lalabas ang mga Ghouls mula roon at maaring sirain nila ng tuluyan ang boundary..."

"...Kung ganoon...ipadala mo rin ako."

Nagprisinta si Heimdall na sumama sa magiging digmaan sa Death Valley kahit alam nya na delikado ang sitwasyon. Ang totoo...ayaw ko syang ipadala sa Death Valley kahit pa isa sya sa pinakamahusay na sundalo sa aming hanay, pero wala akong ibang pwedeng pagkatiwalaan sa trabahong iyon kundi siya lang. Kaya sa bandang huli, ipinadala ko sya sa digmaan kasama ng iba pang mga sundalo para labanan ang mga Ghouls at isara ang butas na nilikha ng mga halimaw. Pinili kong isugal ang pinakamatalik kong kaibigan sa digmaan--bagay na habang buhay kong pinagsisisihan...

"A--anong...sabi mo?!"

"Naubos po ang silang lahat--wala pong...natira sa mga sundalo natin."

Matapos kong marinig ang ulat na iyon, agad kong nasabi sa sarili ko na sana nananaginip lang ako, na hindi totoo ang natanggap kong balita--na sana hindi kasama sa mga nasawi ang matalik kong kaibigan na si Heimdall. Pero habang lumilipas ang mga araw...paubos na rin ng pag-asa ko na buhay pa siya. Hanggang sa...

"C-Chief Cardinal Randall--S-si Cardinal Heimdall po!---"

...Para bang dininig ng langit ang panalangin ko--Biglang nagpakita si Heimdall tatlong araw matapos ang trahedya sa Death Valley. Sya lang ang kaisa-isang nakaligtas, dahilan para bansagan siyang "Bayani ng Death Valley". Pero kahit nagbalik si Heimdall, masasabi ko na hindi sya ang kababatang kilala ko--napakalaki ng pinagbago nya. Hindi ko na makita yung ningning sa mga mata nya, ni hindi ko na nagagawang maririnig ang malakas niyang pagtawa sa tuwing magpapatawa ako. Naisip ko na baka galit sya sa akin--na baka sinisisi nya ako sa mga nangyari. Gusto kong sabihin sa kaniya na "Patawad" pero agad-agad na nawawala ang lakas ng loob ko para magsalita.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon; yung inakala ko na dahilan ng pagbabago ng ugali at pakikitungo nya sa akin--hindi pala iyon ang dahilan, bagkus, mas malala pa iyon kaysa sa aking inaasahan....

*****

"Gusto kong magsabi ka ng totoo sa akin ngayon---Anong bang bagay ang hindi mo pa sinasabi sa akin hu! O baka naman mas magandang itanong ay kung ikaw ba talaga ang matalik kong kaibigan na si Heimdall?!"

Hindi manlamang nagpakita ng anumang pagbabago sa mukha ni Heimdall, ni hindi manlang ito nagpakita ng pagkagulat. Pumagitna sa pagitan nila ang malamig na hampas ng hangin kasabay ng pagbuka ng mga labi ni Heimdall at...

"Hindi..."

Sa sagot na iyon tuluyang hindi nakaimik si Randall habang nagingibabaw ang pagkalito sa kaniyang isipan.

Anong...ibig nyang sabihin sa sagot niyang "hindi"?

"Oras na siguro para malaman mo ang buong katotohanan..."

"Anong katotohanan?! Anong inasabi mo!"

Nanatili paring kalmado si Heimdall habang sinasabi ang mga salitang ito:

"Hindi ako si Heimdall..."

Hindi agad na nagrehistro sa isip ni Randall ang mga sinabi ng kaniyang kausap. Hanggang sa unti-unti na nga na nanuot ang katotohanang kaniyang narinig...

H--hindi sya...si Heimdall?

"Alam kong mahirap paniwalaan...pero ito yung totoo..." dagdag pang sabi ni Heimdall sa kaniyang kausap. Subalit....

"Hahaha!" biglang humalakhak si Randall; ngunit ang pagtawa niya ay hindi tawa ng galak kundi tawa ng pagkadismaya "....Ang...ang buong akala ko, kaya ka nagbago ng ugali at pakikitungo sa akin ay dahil sa naging epekto sa iyo ng nangyaring trahedya sa Death Valley--na sinisisi mo ako sa pagpapadala ko sa iyo sa impyernong lugar na iyon tapos....tapos...heto--sasabihin mong...hindi ikaw si Heimdall?! Nag...bibiro kalang--tama? Sabihin mong...nagbibiro ka lang!"

"Hindi ako nagbibiro, at nagsasabi ako ng totoo sa iyo. Hindi ako si Heimdall..." Kitang-kita sa mga mata ni Heimdall na nagsasabi siya ng totoo, bagay na hindi magawang matanggap at mapaniwalaan ni Randall kaya napilitan siyang itutok kay Heimdall ang kaniyang hawak na baril at ambang ipuputok.

"Kung ipinipilit mong hindi ikaw si Heimdall---kung ganoon SINO KA?!"

"Ako si Grau."

Grau?

Sigurado si Randall na narinig na niya sa kung saan ang pangalan na iyon. Ngunit dahil sa matinding emosyon na nangingibabaw sa kaniya kaya hindi niya magawang maalala ito ng mabuti.

Hindi...hindi...hindi pwedeng ibang tao  ang kaharap ko! At...kung iginigiit nyang hindi sya si Heimdall, kung ganoon----

Hindi na nag-alinlangan pa si Randall at kinalabit ang gatilyo ng kaniyang pilak na baril. Pero imbis na bala, isang mala-bolang kidlat ang lumabas mula sa baril. Mabuti nalamang at nakaiwas agad si Heimdall bago siya natumbok ng kidkat, ngunit nag-iwan naman ng daplis sa kaniyang balikat.

"May limang minuto ka para magpaliwanag-- Kung hindi nga ikaw si Heimdall, bakit nasa iyo ang mukha nya!!! Anong ginawa mo sa kaibigan ko hu?!" sinabi ito ni Randall na punung-puno ng galit at kalituhan habang nakatutok parin kay Heimdall ang kaniyang baril.

"Huwag mong iputok yan kung gusto mong hindi masaktan ang katawan ni Heimdall..."

Nang marinig ito ni Randall ay mas lalu lamang siyang nabalot ng kalituhan...

K--katawan ni...Heimdall?

Bahagyang ibinaba ni Randall ang kaniyang kamay kung saan hawak niya ang baril at agad na nagtanong.

"Anong...ibig mong sabihin sa sinabi mo, hu!"

"Ginagamit ko lang ang katawan ni Heimdall--naninirahan ako sa loob nya at ako ang nangingibabaw sa katawang ito ngayon. Pero buhay sya...nananatili parin ang kaluluwa at diwa nya sa loob ng katawang ito, kaya sa oras na ipinutok mo iyan at napatay mo ako--mamamatay rin siya..."

Lalung hindi mapaniwalaan ni Randall ang kaniyang mga narinig na paliwanag...

"P--paano...nangyari 'yon...paano nangyari 'yang mga sinasabi mo?!"

At doon na sinimulan ni Heimdall ang kaniyang paliwanag;

"Nagsimula ang lahat...sa Death Valley..."

*****

[ Sa nakaraang dalawang taon; Digmaan sa "Death Valley"]

"S-sino ka?"

Bahagyang nakasilay ang nakahandusay na si Heimdall sa mukha ng lalakeng lumapit sa kaniya.  Katatapos pa lamang nang  mga oras na iyon ng digmaan sa pagitan nilang mga ipinadalang sundalo ng Agrivan at ng mga Ghouls mula sa Hell's Rip na nagtangkang umalpas mula sa boundary. Laking gulat nalamang ni Heimdall nang makita ang mukha at katawan ng lalake--naaagnas na ang itsura nito na talagang nakapangingilabot.

"A-Anong!"

Bigla nalamang siyang hinawakan ng naaagnas na lalake sa leeg at nilapitan siya nito nang sobrang lapit na halos magdikit na ang kanilang mga mukha.

"M-Ma-maawa...ka..." Ani ng sugatang si Heimdall na sindak na sindak parin sa kaniyang nakikita.

"Huwag kang matakot..." Ani ng lalake sa sugatang sundalo "Wala kang ibang gagawin kundi ibigay sa akin ang katawan mo...at ipinapangako ko sa iyo na mabubuhay ka ng normal...gaya ng dati."

(see also Code Ten: He who Hides and seek)

*****

"....Iyon ang buong pangyayari. Iniligtas ko ang buhay ni Heimdall kapalit ng paninirahan ko sa katawan nya. Alam kong mahirap paniwalaan...pero ito ang katotohanan."

Hindi makapaniwala si Randall sa kwentong kaniyang napakinggan, at walang ibang salitang umalingawngaw sa kaniyang isip kundi ang mga katagang ito:

Kasalanan ko iyon...

Tuluyan niyang naibaba ang kaniyang kamay habang mahigpit at may gigil paring hawak ang kaniyang baril.

Kasalanan ko iyon...

Sandaling natigil ang kanilang usapan ngunit patuloy sa paghampas ang malamig na hangin kasabay ng ingay na likha ng mga nagbabanggaang mga sanga mula sa mga punong nakapaligid sa kanila. Maya-maya pa, tumulo mula sa mga mata ng nakayukong si Randall ang luha habang sinasabi niya ito:

"Kasalanan ko ito...hindi mangyayari iyan kay Heimdall kung hindi ko sya pinayagan na sumama..."

Nauunawaan naman ng nagpakilala ngang si Grau ang nararamdaman ni Randall. Kaya naman agad niyang nilapitan si Randall at sinubukan itong hawakan sa mga balikat, subalit...

---pak!

Mabilis na umigwas ang kamay ni Randall at tinapik papalayo ang mga kamay ni Grau.

"Huwag mo akong hawakan!" matalim ang mga titig ni Randall kay Grau--punung-puno ito ng matinding galit na hindi magawang maipaliwanag. "...At kaylan mo naman balak gamitin ang katawan ng kaibigan ko?! Ba't hindi ka pa maghanap ng ibang katawan at umalis ka na kay Heimdall!"

Pero tumanggi si Grau sa nais ni Randall.

"Hindi pwede--hindi pa ngayon..."

Dahil sa sagot na iyon kaya lalu lamang tumindi ang yamot na nararamdaman ni Randall at agad na sinunggaban si Grau kahit alam niyang katawan parin iyon ni Heimdall na kaniyang kababata. Walang pag-aalinlangan niya itong idinikdik sa mamasa-masang lupa at tinutukan ng baril sa noo si Grau na may matinding diin at panggigigil.

"BAKIT! Bakit hindi pa ngayon?! Wala kang anumang karapatan na angkinin ang katawan na hindi naman sa iyo!"

"Alam ko." kalmadong tugon ni Grau na hindi manlamang makikitaan ni katiting na takot sa kaniyang mukha. "...pero hindi ko pa pwedeng ibalik sa kaniya ang katawang ito hangga't nariyan ang banta ng Propesiya..."

Bahagyang natigilan si Randall.

Propesiya?

"Ang Decipher..." ang sabi ni Heimdall "...Hangga't nananatiling buhay ang Decipher, magpapatuloy ang banta ng pagkawasak ng buong sangkatauhan, at kaylangan ko iyon na pigilan..."

Ang Decipher?

Unti-unti nang nang nagiging malinaw ang takbo ng isip ni Randall.Sa pagkakataong iyon, ang bukod-tangi sumagi sa isip niya ay ang misteryosong lalake sa aklatan ng High Grid  na nagkwento sa kaniya  tungkol sa Decipher:

["Kung ganoon pala ang pwedeng mangyari dahil sa tinatawag nilang Decipher, bakit hindi pa ito napigilan noon? A-ang ibig kong sabihin, wala bang kahit na sino ang pwedeng pumigil sa Decipher o sa Propesiya?"

"Merong isa..." sagot ng lalake "...pero hindi nya ginawa."

"S-sino? At bakit hindi nya kamo ginawa?"

Biglang itinuro ng lalake ang estatwa ng anghel na tagapag-ingat na nasa kanan at...

"Ba't di mo sya tanungin?"

**see Code Fourteen: Afterword** ]

Naalalang bigla ni Randall ang estatwang itinuro ng lalake sa kaniya noong mga sandaling iyon. Ang estatwa ng anghel sa kanan na isa sa maalamat na tagapag-ingat ng Covenant Code at siya rin ang sinasabi ng ilan sa mga tala ng kasaysayan na nagkulong sa Traydor sa isinumpang pader.

Grau...GRAU?!---

At doon na napagtanto ni Randall ang lahat...

"I---ikaw ang anghel na si Grau; isa sa tatlong maalamat na tagapag-ingat ng...Covenant Code?!"

"Ako nga."

*****

"Sya nga."

Inilapag ng mga sundalo ang natagpuang bangkay malapit sa tarangkahan ng Death Valley. Isa sa mga sundalo na huling nakakita sa bangkay ang nagkumpirma na iyon nga ang taong huling pumasok sa tarangkahan bago nangyari ang pagpaslang sa mga itinalagang Agrivan Search Team at sa mga bantay.

"Kapkapan nyo, tignan nyo kung nasa kaniya ang kahon..." atas ng Deputy Pillar ng Mainland Agrivan na syang nakatoka sa nangyaring insidente. Sumunod naman ang mga sundalo at binulatlat ang bangkay, ngunit wala silang nakitang kahon na kanilang pakay.

"Wala po sa kaniya."

"Imposible..."

Lumayo muna pansamantala ang Deputy Pillar at pinuntahan ang kanilang Chief Cardinal Bliss na kararating lamang mula pa sa Aspen.

"Nasa kalagitnaan pa kami ng Retraining at nakahinto kami sa Aspen District dahil sa masamang panahon--tapos,makatatanggap pa ako ng ganitong ulat? Alam na ba ito ng Grand Elder?" ito agad ang naging bungad ni Chief Cardinal Bliss na dali-daling bumaba mula sa karwahe.

"Hindi pa po ito naipapaalam sa Grand Elder." sagot naman ng Deputy Pillar. Agad na pinuntahan ni Bliss ang Hell's Rip--at ang bumungad sa kaniya ay ang mga hele-helerang nakatalukbong na mga bangkay ng mga bantay at mga miyembro ng Search Team.

"Anong eksaktong nangyari sa kanila?"

"Hindi po ako sigurado, Chief Cardinal Bliss--pero yung sundalong hinihinalang gumawa nito ay natagpuan ring patay malapit lang dito. Nasa kaniya pa ang lason na pumatay sa kanila." at iniabot nito kay Bliss ang isang maliit na bote na pinaglagyan ng pulbos ng Withered Grass, isa sa pinaka-nakamamatay na lason na kapag humalo sa hangin ay nagagawang patayin ang sinuman sa pamamagitan ng pagkatuyot.

Hindi umimik ang Punong Haligi. Maya-maya pa ay ipinag-utos na niyang ipaalam ang nangyari sa Grand Elder ng Agrivan.

"Ipaalam nyo na ito sa Grand Elder. Siguruhin nyo rin na maaalis agad ang mga bangkay sa lugar na ito."

"Opo."

Umalis na si Bliss sa lugar at muling sumakay sa karwahe nito.

"Saan po tayo? Chief Pillar Bliss?"

"Sa Forbidden Land tayo."

"F-Forbidden land...ba ka'nyo?" tanong ng ng lalake sa Punong Haligi na para bang nag-aalinlangan dahil narin sa ipinagbabawal ang pagpunta sa lugar na iyon.

"Paandarin mo nalang ang karwaheng ito at ihatid mo na ako--ngayon na." nang makita ng lalake ang matalas na titig ng Punong Haligi ay agad nalang ito na sumunod.

"Hyaah!"

At tuluyan na ngang umalis sa lugar na iyon ang karwaheng lulan ang Punong Haligi na si Bliss.

Samantala....

"P--paanong nangyaring...ikaw ang anghel na si Grau?! Malinaw ang nakasaad sa kasaysayan na namatay kayo matapos ang digmaan?!"

"Hindi lahat ng nakasaad sa mga kasulatan ay tama." sagot naman ni Grau sa kaniya. "Totoo na nawala ako bigla pagkatapos ng digmaan, pero hindi ako namatay--bagkus, nawalan ako ng katawan; dahilan para akalain miski ng Langit at ng mga Anghel na patay na talaga ako. Sa loob ng dalawang libong taon nagpapalit-palit ako ng katawan habang patuloy na hinahanap ang Decipher na syang may kagagawan nito sa akin, at hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nahahanap para pagbayaran ang lahat ng mga ginawa nya."

Sa kabila ng mga paliwanag ni Grau, lalu lamang naguluhan ang Kardinal na si Randall at lalung idinikdik ang kaniyang baril sa noo ni Grau.

"Lilinawin ko lang sa iyo--GRAU! O kung sino ka man na anghel, demonyo o multo...wala akong pakealam kung ang Decipher pa ang rason mo...si Heimdall ang pinag-uusapan natin dito at gusto ko IBALIK MO SYA! NGAYON NA!"

Pero nanindigan parin si Grau at sinabing...

"Kapag ginawa ko iyon wala ng ibang pwedeng pumigil sa mangyayaring pagkawasak!"

"Kasalanan mo iyon dahil hindi mo pinatay ang Decipher noong una palang!"

Bahagyang natigilan si Grau at makikita sa kaniyang mukha ang bahagyang pagkagulat-P-paano nya nalaman yon?

"Mukhang nagulat ka yata? Totoo ang sinabi mo, hindi lahat ng bagay sa nakaraan ay nakatala sa kasaysayan gaya ng ginawa mo! Kung mayroon mang dapat sisihin, IKAW iyon dahil hindi mo ginampanan ng maayos ang sinumpaan mo!!!"

Hindi sumagot si Grau. Nakatitig lamang siya sa mga galit na mata ni Randall. Dahil doon kaya lalu lamang nagalit si Randall at nais na niyang pasabugin ang ulo ng kaniyang kausap--subalit napipigilan pa niya ang kaniyang sarili alang-alang kay Heimdall.

"Aaahhhh!" ibinaling ni Randall ang baril sa kalangitan at saka niya kinalabit ang gatilyo. Naroon ang matinding panggigigil habang patuloy siya sa pagpapaputok. Nang siya'y makuntento, saka lamang niya hinayaan si Grau. Umalis siya sa pagkakadagan kay Grau at...

"Wala kang kwenta."

Bumangon si Grau mula sa kaniyang paglalalugmok sa lupa, saka niya sinabing...

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol dyan pero tama ka...kasalanan ko kung bakit buhay pa hanggang ngayon ang Decipher at huli na para paslangin pa sya--pero makakahanap at makakahanap parin ako ng paraan para itama ang lahat upang hindi na maulit muli ang mga nangyari noon. At magagawa ko lang iyon kung magtitiwala ka sa akin, Randall."

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan para pagkatiwalaan kita!"

"...Malalagay sa panganib ang katawang ito ni Heimdall kung hindi mo ako pagkakatiwalaan. At kakailanganin ko ang kooperasyon mo para hindi na tayo umabot pa sa puntong iyon."

Lumapit si Grau kay Randall at hinawakan ito ng mahigpit sa dalawang niyang balikat.

"Isa lang ang paraan para magawa kong maayos ang lahat--iyon ay kung walang makakaalam na sinuman na narito ako. Hindi mo pwedeng sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa akin, ni hindi mo pwedeng banggitin sa kanila kung ano ang mga pinag-usapan natin. Sa madaling salita, wala kang sinuman na pagkakatiwalaan sa loob o labas man ng Agrivan. At kung sakali man na magtanong sila kung nasaan ako, sabihin mo lang na ipinadala mo ako sa isang misyon."

Ngunit hindi agad umoo si Randall sa gusto ni Grau at...

"At bakit ko kaylangang gawin iyon?! Bakit?! Wala ka na bang balak na bumalik sa Agrivan?!"

"Wala." walang pag-aalinlangan na sagot ni Grau "...Kung hindi mo pa napapansin, nasa gitna na tayo mismo ng papasikab na digmaan. Gagawa at gagawa ng paraan ang Deserter mabawi lang niya ang Decipher para makuha ang kapangyarihan ng Covenant Code, at hindi rin papahuli ang Hukbo ng Langit para maunahan ang mga isinumpa na makuha ang Decipher. At kung malalaman nila na buhay ako at nasa akin ang pakay nila, tiyak na magkakagulo--at hindi ko na magagawang maibalik pa sa iyo si Heimdall."

"Bakit kaylangan mong itago ang Decipher maging sa mga katulad mong anghel?! Kakampi mo sila, hindi ba?!"

Pero agad mong makikita sa mukha ni Grau ang mabilis na pagpait ng mukha nito at sinabing...

"Marami ka pa talagang dapat malaman--kulang ang isang araw para maipaliwanag ko sa iyo lahat. Makinig ka Randall, hindi isang gamit ang Decipher na pwede kong ipagkatiwala sa kung sinu-sino. Taglay nya ang kapangyarihang wawasak sa anumang bagay: may buhay man o wala. Pwede syang gamitin ng sinuman at abusuhin ang kapangyarihang iyon..."

Muling umihip ang mahalumigmig na hangin sa kanilang pagitan. Pareho nilang ramdam ang mabigat na sitwasyon na nakapatong sa kani-kanilang mga balikat. Hanggang sa...

"Alang-alang kay Heimdall..."

Ang bumasag sa katahimikan ay ang Kardinal na si Randall na sa wakas, matapos ang ilang minuto ng pananahimik at taimtimang pag-iisip ay nakapagpasya na ng kaniyang gagawin.

"...Pagkakatiwalaan kita---Iilihim ko ang anumang nalaman ko ngayon. Pero hindi ibig sabihin nito ay pwede narin kitang kilalaning kakampi. Isa lang ang gusto kong...ipangako mo sa akin."

Sandaling huminto si Randall sa pagsasalita, pagkatapos ay...

"...Mangako ka na sa oras na matapos ang lahat ng ito--ibabalik mo sa akin si Heimdall ng buo at ligtas..."

Sa wakas, nabunutan rin ng malaking tinik sa lalamunan si Grau nang matanggap ang pagpayag ni Randall. Kaya naman bilang ganti...

"Nangangako ako. Ibabalik ko sya sa iyo ng ligtas...at buo."

Sa pagkakataong iyon ay inialok na ni Grau ang kaniyang kamay kay Randall. Iniabot rin naman ni Randall ang kaniyang kamay bilang tugon at tanda ng kanilang naging kasunduan; kahit sa totoo lang ay taliwas ito sa kalooban ni Randall.

Magtitiwala ako sa anghel na ito, makasama ko lang ulit ang kababata ko... alang-alang kay Heimdall.

*****

"Hoo! Hoo!"

Huminto narin sa wakas ang karwahe sa tapat ng napakalaking pintuang bakal na tarangkahan ng Forbidden Land kung saan naroon ang Isinumpang Pader.

"Narito na po tayo, Chief Pillar Bliss..."

Ngumiti lang ang Punong Haligi sa lalakeng naghatid sa kaniya sa lugar at...

"Maraming salamat."

Bigla nalamang tumagos ang isang kamay mula sa likuran papunta sa unahan ng lalake; kung saan nagawa pang kunin ng kamay na iyon ang puso nito. Dahil doon kaya tumalsik ang dugo papunta sa mukha ng Punong Haligi, ngunit imbis na matakot--pinunasan lamang niya ito saka dinilaan.

"Hm....iba parin talaga ang lasa ng sariwang dugo--malinamnam..."

Bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan ng lalake at lumantad sa harapan niya ang lalake na nakauniporme na gaya ng sa mga bantay sa tarangkahan ng Death Valley--Ito rin ang lalake na natagpuang patay malapit tarangkahan at pinaghihinalaang lumason at pumatay sa mga bantay at Search Team sa Death Valley.

"Magaling. Nagawa mo ng mabuti ang iniutos ko sa iyo."

Bigla nalamang nagbago ng anyo ang lalake at naging isang anino na ang pigura ay kahalintulad ng kay Bliss. Iniabot ng anino kay Bliss ang isang kahon, pagkatapos ay mabilis itong natunaw at gumapang papunta sa paanan ng Punong Haligi at naging anino na nito.

"Mahusay....sa wakas."

Bigla nalamang may mararamdamang mahinang pagyanig ang Punong Haligi, at nagmumula ang pagyanig sa loob ng isinumpang lugar. Pero imbis na matakot, guguhit pa sa kaniyang mga labi ang nakapangingilabot na ngiti at sinabi nyang...

"Papunta na kami sa inyo...aming Panginoon..."

END OF CHAPTER EIGHTEEN

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...