RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Bring It Back (2)

5.6K 173 43
By pluviopilya

Unti-Unti ng naglaglagan ang luha galing sa mga mata ni Rhian habang nakatingin kay Glaiza...



"Bitiwan mo nga yung kamay ko." Glaiza said pero hindi yun ginawa ni Rhian.


"Ano ba! Hindi ka nakakatuwa Glaiza!" Medyo pumiyok na si Rhian nung sinabi yun. "Hindi to nakakatuwang biro. Tinatakot mo ko Glaiza please, wag ngayon. Wag ganitong biro okay?"



Umiling si Glaiza at hinatak ang kamay niya kay Rhian. "Sino ka ba! Anong Glaiza?! Sinong Glaiza?! Sino ba kayo?!" Tiningnan niya sina Ben at Chynna. "Sino kayo?!"


"Tsong. Kalma... Hindi to nakakatuwang biro." Chynna said.


"ANO BANG BIRO ANG SINASABI NIYO?!" Glaiza shouted na halatang naiinis at naguguluhan na sa nangyayari sa paligid niya. "HINDI KO KAYO KILALA! LAYUAN NIYO KO!"



Umiling si Rhian habang umiiyak pa rin. Sinubukan niya ulit hawakan yung kamay ni Glaiza. "Glaiza...."

Tinabig ni Glaiza ang kamay ni Rhian. "Wag mo kong hawakan please."



Lalong naiyak si Rhian. "L-Lovelove..." Nanginginig na siya kaya nilapitan na siya ni Chynna.


"Rhian, lumabas muna tayo. Kailangan muna nating tumawag ng Doctor." Niyaya na ni Chynna na lumabas si Rhian. "Ben, ikaw muna bahala diyan kay Glaiza." At tuluyan na ngang lumabas sina Chynna.



Naiwan naman si Ben at Glaiza sa kwarto.



"Glaiza...." Ben said.



Tiningnan ni Glaiza si Benjamin at halata talaga sa kanya ang gulung gulo.. Yung tipong clueless. Walang alam sa kahit na ano.....


"Sino ba si Glaiza?! Ako ba si Glaiza?! Bakit niyo ko tinatawag na ganun?! Bakit wala akong maalala?!" Pumikit si Glaiza at hinawakan ang ulo niya na parang inaalala ang lahat pero...... Wala. Wala talaga siyang maalalang kahit ano. "Bakit ako nandito?! Ano bang nangyare?! Naguguluhan ako! Sino kayo?! Sino ka?! Sino sila?! Sino yung babaeng yun?! Bakit wala akong alam sa kahit saan?!" Parang biglang nagpanic si Glaiza kaya hindi napigilan ni Ben na hawakan ang kamay ni Glaiza para pakalmahin ito.


"Shhhh... Glaiza... Kumalma ka lang.." He sighed. "Kalma lang...." Tinap niya pa ang balikat nito para pakalmahin lalo.


"Hindi ko kayang kumalma kung ganito ako!! Hindi ko alam ang nangyayare!!" Kinuha ni Glaiza ang kamay niya sa pagkakahawak ni Ben. "Hindi kita kilala. Hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Wala akong alam sa lahat! Hindi ako kakalma!!"


"Shhhh, Glaiza naman e. Hindi makakatulong yang pagpapanic mo."


"Yung pagtahimik ko ba makakatulong?! Pag tumahimik ba ko at tinigilan ko yung pagtatanong sa sarili ko kung anong nangyayare, makakakuha ba ko ng sagot?! Hindi naman din eh!!!" Biglang napahawak si Glaiza sa ulo niya. "Ahhhhh!!! Araaaaaaaay!!!"



Napakunot naman bigla ang noo ni Ben nang makitang parang nasasaktan si Glaiza habang nakahawak sa ulo nito.


"Glaiza...." Hinawakan niya ang braso ni Glaiza. "Glaiza, anong nangyayare?"


"Araaaay. Ang sakit ng ulo koooooo!!!"


Parang biglang nagpanic din si Ben at lalabas na sana siya para tumawag ng nurse e bigla na ding may pumasok na Doctor.


"Anong nangyayari?" The Doctor asked.


"Sumasakit ho ata yung ulo niya... Hindi niya kami kilala." Ben said.



Umiling ang Doctor. "I'm sorry pero pwedeng iwan mo muna kami? Sasabihin ko nalang yung results sa inyo sa labas after. Kailangan namin siyang icheck pa ulit."



Tumango nalang si Ben at lumabas na ng kwartong yun.





//





"Rhian kanina kapa umiiyak. Magsalita ka naman. Halos hindi kana makahinga...." Chynna said habang hinahagod ang likod ni Rhian para pakalmahin ito.


Umiling si Rhian habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Totoo ba yun? Hindi niya ko maalala..." She said.


Mabilis na umiling si Chynna. "Hindi. Hindi yun totoo. Ginogoyo lang tayo nung Jowa mong yun. Minsan pagsabihan mo nga yun. Sa sobrang pagkahawa ng pagiging joker mo, nagiging makatotohanan yung biro niya." Medyo natawa si Chynna pero halatang halatang gusto niya lang pakalmahin si Rhian. Alam niyang hindi nagbibiro si Glaiza kanina... Nararamdaman niyang seryoso ito kanina na hindi alam kung sino sila. Syempre, pati siya, nawiwindang, nagugulat, pero gusto niyang pakalmahin si Rhian... Ayaw niya itong pagisipin pa ng kung ano.



"Paano kung totoo?" Yumuko si Rhian habang umiiyak dahil hindi niya ata talaga kaya... "Paano kung hindi siya nagbibiro? Natatakot nanaman ako..."


"Wag." Tinapik ng beri light ni Chynna ang balikat ni Rhian. "Wag kang matakot. Ikaw pa ba makalimutan ni Glaiza De Castro? Hoy tsong. Walang minuto na di ka bukambibig nun kaya imposible. Okay? Wag ka ng mag-over think. Let's pray instead."


"Isipin na natin Chyns na paano kung totoo nga. Paano kung seryoso siya na di niya tayo maalala?! Sasabihin ko na ba sa pamilya niya na nasa Pilipinas na kami? Tapos naaksidente siya?" Tiningnan ni Rhian si Chynna waiting for an answer.


"No." Umiling si Chynna. "Hindi mo sasabihin. Hindi NATIN sasabihin. WALANG MAGSASABI RHIAN." Umiling ulit si Chynna. "Hindi natin ipapaalam. Hindi muna. Ikaw ang mapapasama dito."


"Alam ko.... Kaya mas lalo akong natatakot. Paano na? Kaya ba natin tong itago?"


"Oo. Kaya natin. Kakayanin nating itago dahil KAILANGAN natin tong itago. Yung pagkakaaksidente palang ni Glaiza, kailangang wag na natin munang ipaalam e. Kasi issue to sa family niya. Malaking issue to." Chynna exhaled. "Kaya hanggat maaari kailangan nating itago to. Hindi ka pwedeng maipit sa sitwasyon na to. At hanggat kaya ko tutulungan kita para hindi yun mangyari. Magtatago tayo hanggat kaya natin. Itatago natin to. Itatago natin si Glaiza."


"Chyns, natatakot ako...."


"Wag nga Rhian... Wag kang matakot." Niyakap na ni Chynna si Rhian. "Magiging maayos din ang lahat. Mag-pray tayo. Maniwala tayo. Magiging okay din to. Magiging okay din agad si Glaiza..."


"Hindi ko alam ang gagawin ko pag pano kung ganun nga, paano kung lahat ng pinagsamahan namin mawala sa ala ala niya? I don't know... Ayokong mag-over think pero hindi ko mapigilan. I can't! Natatakot talaga ko sa pwedeng mangyare." Rhian said habang iyak pa rin ng iyak.



Tinapik nalang ulit ni Chynna ang likod ng kaibigan dahil nararamdaman niya ang sobrang pag-aalala nito.


"Nakita mo ba yung pagkuha ng kamay niya galing sa pagkakahawak ng kamay ko? Parang pinandidirihan niya ko..." Napalunok si Rhian at umiiyak pa rin siya habang nakayakap kay Chynna. "Yung pagtatanong niya ng 'Sino kaba' parang di niya talaga ko kilala and it hurts. Parang nadurog yung puso ko nung tinabig niya yung kamay ko nung sinubukan ko ulit hawakan yung kamay niya."


Tahimik lang na nakikinig si Chynna dahil alam niyang gusto lang muna ilabas ni Rhian ang saloobin nito.


"Nakikita ko sa mata niya yung lito, yung takot. Bakit ganun? Kung nagbibiro lang siya, makikita ko naman sa mata niyang nagbibiro siya e.... Pero natatakot ako. Natatakot ako na hindi pagbibiro yung nakita ko sa mga mata niya.. Baka totoo Chyns. What if totoo? Ano ng gagawin ko? Ano ng mangyayari sakin?" Lalong naiyak si Rhian... Hindi na niya kaya pa. Nagstart na ulit siyang umiyak.



Binuhos niya sa balikat ni Chynna yung luha niya na parang di na mauubos pa.




//





"We're so sorry to say, May Post-traumatic Amnesia ang pasyente. And it's because of the accident which is nag-cause ng brain injury kaya masasabi namin na hindi niya muna kayo maaalala.."



Napahawak si Rhian sa noo niya at nagbreak down na talaga. Hindi niya na kinaya... Umiyak na siya ng sobra.



Napalunok din si Chynna. Nakailang kurap siya para di tuluyang tumulo ang luha niya. "So uhm, may... uhm, may pag-asa pa po bang maibalik sa dati? Or maalala niya kami? Ano pong pwede naming gawin para makatulong kami na mapabilis yung paggaling niya?"


"Well, Post-traumatic Amnesia is a serious condition. Hindi ito nalulunasan ng medicines, magiging honest ako don." The Doctor sighed. "Yung pasyente kasi may possibility na maging mainitin yung ulo niya, magtatanong yan sa inyo ng maraming maraming beses. May mga pagkakataon din siguro na matutulala siya so, maisusuggest namin MUNA is yung pag-Intindi. Try to understand her sa magiging situation niya. Kasi hindi ito madali e. Hindi niya alam yung name niya, yung name ng mga tao sa paligid niya. Wala siyang kahit na anong alam so darating sa point na may confusion na mangyayare but understand her pag nangyari yun especially pag mainit na yung ulo niya. Intindi lang muna. Yun lang. Magbibigay din naman kami ng ibang gamot kahit papaano pampakalma for her and para sa pain sa mga sugat niya sa katawan and especially doon sa ulo niya."



Tumango si Chynna. "Wala bang mas... makakatulong na gamot Doc para mapabilis? I mean, kelan? Hanggang kelan niya kami hindi maaalala?"


"I'm sorry pero hindi natin yun masasabi. Siguro pag naintindihan na niya ang lahat and kapag nakausap niyo na siya ng ayos at naipaalala sa kanya ang lahat lahat, sobrang makakatulong yun mapabilis yung paggaling niya. Maybe some events before hindi niya na maaalala pa or worst, yung tao, yung tao baka hindi na niya maalala pa."



Breakdown na break down na si Rhian. Hindi na niya alam ang gagawin...


Paano kung ako, paano na ko......



Lalo siyang naiyak. Hindi na niya kaya. Hindi niya kaya to.


"Isusuggest ko rin siguro na kapag magpapakilala kayo sa kanya o sasabihin ang mga bagay na ipapaalam niyo sa kanya, wag niyo siyang biglain. Makakatulong kung magpapakilala kayong kaibigan muna para maisip niya na may karamay siya."



Napatingin si Chynna kay Rhian at naramdaman na niya ang panginginig nito kaya niyakap nalang niya ulit ito.



Hindi niya alam ang sasabihin. Alam niyang mahirap to. Hindi talaga ito madali....





//





"Kanina mo pa pinagmamasdan yang singsing na yan ah? Naalala mo nanaman yung engagement niyo na hindi planado no?" Tinapik ulit ni Chynna ang likod ni Rhian na parang pinapakalma ito.


"Sa tingin mo dapat ko bang sabihin sa kanyang fiancée niya ko?" Tiningnan ni Rhian si Chynna. Halatang kagagaling lang niya ulit sa iyak.


"Bakit hindi?" Chynna asked.

"Sabi ng Doctor, wag daw biglain." Rhian exhaled. "Sigurado akong magugulat siya pag sinabi kong fiancée niya ko? Na.... Girlfriend niya ko."


Unti unting napatango si Chynna. "May point ka. Pero.... Kaya mo ba? Anong sasabihin mo sa kanya?"


"Kaibigan niya ko." Naglook away si Rhian. "Yun muna. Kaibigan." Napalunok siya. "Wala naman akong choice."


Nagbuntong hininga si Chynna. "Maniwala ka sakin. Hindi ito madali pero kaya natin to."


Tumango nalang si Rhian.


·



·



·



"Guys. Pwede na daw pumasok sa loob sabi ni Doc." Lumabas si Benjamin from Glaiza's room dahil naghihintay siya doon ng signal kung kelan pwede ng papasukin sina Chynna.


Mabilis naman na tumayo yung dalawa at pumasok na sa loob ng kwarto ni Glaiza.



·


·


·


"Gising na siya. Talk to her." Nag-smile yung Doctor at lumabas na ito ng kwarto.


Nilapitan naman nina Ben, Chynna at Rhian si Glaiza.



"Glaiza." Gusto nanamang maiyak ni Rhian nang lapitan niya ang Girlfriend niya. Ang fiancée niya. Hinawakan niya ang ulo nito. "Kamusta kana?"


Tiningnan ni Glaiza si Rhian na parang naguguluhan pa din siya. "Sino ka ba? Hindi kita kilala."



Napalunok si Rhian... Eto na naman, yung puso niya nadudurog nanaman....



"Ah, tsong. Este Glaiza, Siya si Rhian. Girlf--"


"Kaibigan mo ko." Pinutol ni Rhian ang sasabihin dapat ni Chynna. "Kaibigan mo ko Glaiza... Ako si Rhian." Tiningnan saglit ni Rhian si Chynna tapos kay Glaiza na ulit.


Nabigla naman si Chynna dahil hindi niya alam na tototohanin pala ni Rhian ang sinasabi nito kanina. Akala niya hindi kaya ni Rhian na magpretend na kaibigan lang ni Glaiza.


Pati si Benjamin nagulat sa sinabi ni Rhian. Nagpakilala itong kaibigan lang ni Glaiza...



Napalunok si Glaiza. "Kaibigan?" Napakunot ang noo nito.

Kahit masakit sa kalooban ni Rhian, tumango nalang siya. "Oo. Oo kaibigan."



Nilingon ni Glaiza sina Chynna at Ben. "Kayo? Sino kayo? Bakit hindi ko kayo kilala?" Tiningnan niya si Ben. Napalunok siya. "Ikaw? Sino ka? Boyfriend ba kita?"



Nagkatinginan si Chynna at Ben sa tanong ni Glaiza.


Natahimik lang naman lalo si Rhian.



"Ah, ako pala si Chynna. Chyns nalang itawag mo sakin since minsan, ganun naman yung tinatawag mo din sakin." Nag-smile ito. "Kaibigan mo ko. Totoo mo kong kaibigan."


Tinuon na ni Glaiza ulit ang atensyon kay Ben. "Eh ikaw? Aminin mo. Boyfriend ba kita?"



Napalunok si Rhian at napayuko.



Hindi naman makapagsalita si Ben.




"Pakiramdam ko kasi, meron akong karelasyon..." Nag-look away si Glaiza. "Pakiramdam ko may hinahanap yung puso ko. Nararamdaman kong meron akong.... minamahal." Tiningnan ulit ni Glaiza si Ben. "At hindi ko alam pero.. parang sayo magaan yung loob ko?"




Lalong napayuko si Rhian... Down na down na siya. Gustung gusto nanaman niyang sumabog dahil sa nararamdaman niya. Gusto niyang isigaw sa mukha ni Glaiza ang 'Hey! I'm here!! Ako yung karelasyon mo! Bakit hindi mo ko makita!!!' But she can't. Hindi niya kaya.



Naramdaman nanaman ni Chynna ang pagiiba ng nararamdaman ni Rhian kaya tinapik niya ang likod nito.




"Uhm, ano, Ako si Ben. Uhmmm, hindi mo ko Boyfriend. Kaibigan mo ko." Ben smiled.


Napakunot ang noo ni Glaiza. "Sigurado ka?"


Tumango si Ben.


"Eh bakit parang close tayo? Pakiramdam ko may connection tayong dalawa na hindi ko maintindihan...." Nakatingin lang si Glaiza kay Benjamin na parang may iniisip siya na sobra sobrang lalim.



"Sa amin ba wala kang connection na nararamdaman?" Sumingit na si Chynna. "Tingnan mo kami Glaiza, wala ka bang nararamdamang iba?" Tanong ni Chynna pero ang totoo, gusto lang niyang iparamdam kay Glaiza ang presence ni Rhian.



Nakatingin si Glaiza kina Chynna at Rhian na parang may pinapakiramdaman siya.


Napatingin din si Rhian kay Glaiza. Nagkatinginan pa silang dalawa....




"Wala..." Glaiza said. "Wala akong maramdamang kahit ano."



·



·




·



Napalunok nanaman si Rhian.



Wala. Wala kayong connections Rhian. Wala siyang nararamdamang kahit ano sa pagitan ninyong dalawa. Hindi ka talaga niya kilala.



·



·




·



"Excuse me po."



Napalingon silang lahat sa nurse na pumasok sa kwarto. "Pwede na daw po palang lumabas ang pasyente mamaya. Magbibigay nalang po kami ng meds para sa mga sugat niya."



Tumango si Chynna. "Okay. Salamat."


"Thank you din po." may inayos pa ang nurse bago lumabas ulit ng kwarto.



"Teka, alam niyo ba kung bakit ako nandito? Kung anong nangyari sakin?" Glaiza asked.


"Mahabang kwento. Pero gusto mo ikwento ko nalang sayo pag nasa bahay na tayo?" Tiningnan ni Rhian ang Girlfriend niya. "Uuwi na tayo mamaya."


Napakunot ang noo ni Glaiza. "Tayo? Bakit? Wala ba kong bahay? Wala ba kong sariling bahay?"


"Nakatira kayo sa iisang bahay." Chynna said. Tiningnan niya si Rhian tapos si Glaiza na ulit. "Pag tumagal tagal, maiintindihan mo rin ang lahat."


Nagbuntong hininga si Glaiza at nag look away. Pinili nalang niyang manahimik.




"Ayusin na natin yung gamit niya. Tapos uuwi na kayo sa bahay niyo." Bulong ni Chynna kay Rhian.


Tiningnan ni Rhian si Glaiza bago si Chynna. "Anong sasabihin ko sa kanya? Na nakatira kami sa iisang bahay sa isang exclusive village tapos magkaibigan lang kami?"


"Ano naman? Diba hindi niya nga alam? Pero don't worry, sooner maiintindihan niya din ang lahat.. Mapapadali din to." Chynna smiled to assure Rhian.


Tumango nalang si Rhian. "I hope so. Sana nga..." She looked at Glaiza.



Sana nga mapadali na. Namimiss ko na yung pagtawag mong Lovelove....

Please sana maging okay kana...


//

.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


AN: KAY BEN MAY CONNECTION TAS KAY RHIAN WALA? Ano to? :(


Anyways, Salamat po ulit. May magbabasa pa kaya after trmd? :(


Well okay. Comment ✌

Continue Reading

You'll Also Like

175K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
28.6K 687 87
everything's good at first, but not them. • saida fanfic • epistolary • plain book cover because i'm not creative. • taglish st...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...