My Accidental Fiancee

De im_Amystery

79.2K 1.4K 119

***WATTY'S 2018 SHORTLISTED*** [DE GUZMAN SERIES #3] (Story of Lia's and Eldrick's son from My Best Friend/Bo... Mais

Author's Note
C01: He's Awake • Tan-Tan
C02: Her Best friend • Tan-Tan
C03: She's Awake • Tan-Tan
C04: She Can't Remember • Tan-Tan
C05: Hospital Talk • Tan-Tan
C06: Hospital Talk • Ren
C07: She's Going • Ren
C08: She's Going • Tan-Tan
C09: Strangers' Starting Point • Tan-Tan
C10: She's Scared of the Dark • Tan-Tan
C11: She's So Clumsy and Slow • Tan-Tan
C12: Ms. And Mr. Popular • Ren
C13: The Promised Date • Tan-Tan
C14: Falling • Tan-Tan
C15: Last Day of Vacation • Tan-Tan
C16: Back to Manila • Tan-Tan
C17: Back to Manila • Ren
C18: Back to School • Tan-Tan
C19: Friends' Revelation • Tan-Tan
C20: He Remembers • Tan-Tan
C21: Wanting Her • Tan-Tan
C22: Her Last Night • Ren
C23: Her Last Night • Tan-Tan
C24: Her Past Came Back • Tan-Tan
C25: Her Past Came Back • Ren
C26: Welcome Party Riot • Tan-Tan
C27: The Last Request • Tan-Tan
C28: The Last Request • Ren
C29: Farewell, My Accidental Fiancée • Tan-Tan
C30: Farewell, My Accidental Fiancé • Ren
Epilogue • Tan-Tan
My Accidental Fiancée Songs
Bonus Chapter - Giving Away The Bride

C31: The Finale • Tan-Tan

2.9K 61 19
De im_Amystery

NAG-ROADTRIP lang kami ni Ren. Kahit na nagprisinta akong makipagpalit sa kanyang magmaneho ay pinilit niya pa ring siya ang magmaneho. Mas ramdam daw kasi niya na totoo ang mga nangyayari ngayon at hindi ito parte lamang ng panaginip niya dahil sa siya ang kumokontrol ng manebela.

"I love you ulit, Ren," sabi ko na hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na ba iyon sinabi sa kanya sa araw na ito.

"I love you, too Tan-Tan. Mula ngayon, hindi na tayo magkakahiwalay," aniya na may ngiti sa mga mata.

"Oo, hindi na talaga," paninigurado ko.


Subalit — sadyang malupit sa'min ang tadhana.


Naging mabilis ang mga pangyayari at ang huling bagay na nagawa ko ay ang sambitin ang pangalan niya.

"Ren!"



HUH? Nasaan ako? Bakit ang daming doktor?

Nagising akong napalilibutan ng ilaw. Inilibot ko ang paningin ko sa aking sarili at nakitang duguan at puno ng sugat ang katawan ko.

Nakaramdam ako nang matinding kaba nang maalala ko ang nangyari sa amin — isang truck ang bumangga sa amin.

Agad na hinanap ng paningin ko si Ren. Napatingin ako sa kabilang kama at nakita kong nakahiga roon ang duguang si Ren.

"R-Ren..." nanghihinang tawag ko sa kanya at pilit inaabot ang kanyang kamay.

"T-Tan-Tan..." Kahit nahihirapang kumilos ay pilit pa ring inaabot ni Ren ang kamay ko.

Mabagal ang naging pagsara ng espasyo sa pagitan naming dalawa.

"R-Ren... K-Kaunti n-na lang."

Lumuluhang ipinagdaop namin ang aming mga palad.

"T-Tan-Tan... S-Sorry..."

"Shh... D-Don't say s-sorry." Hinimas ko ang kamay niya gamit ang hinlalaki ko — sinusubukang pakalmahin siya at sabihing magiging ayos lang ang lahat.

"I l-love y-you..." mahinang sabi niya.

"I love y-you ,t-too R-Ren."

Naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya. Pinaghiwalay ng mga nars ang mga kamay namin at itinabi sa kanya ang isang aparato.

"Ready the defibrillator!"

"Clear!"

"Increase the voltage!"

"Clear!"


This was my last accident with my accidental fiancée.



TATLONG buwan na ang nakararaan nang mangyari ang aksidente noong araw ng kasal nila Leo at Ren. Fully recovered na ang katawan ko. Sabi ng mga doktor ay milagro ang pagkakabuhay ko sa dami ng nabaling buto sa katawan ko at sa side ko pa bumangga ang truck. Nahirapan nga raw akong kunin ng rescue team ng mga oras na iyon.

Pero kahit na nabuhay man ako ngayon, para rin akong patay na buhay.

Physically buhay ako pero 'yung puso ko — hindi ko alam kung makakayanan ko na wala si Ren.

Wala na si Ren sa buhay ko. Hindi ko na siya magawang hawakan, yakapin at halikan. Iniwan na ako ni Ren.

She's in a place I can never reach — a place which is near, yet so far. It's a world where I don't exist.

Because Ren has forgotten everything about me.

Pareho kaming nakaligtas sa aksidente. Pareho kaming na-revive ng mga doktor. Pero nagka-amnesia siya ulit at ang alaala niya lamang mula noong high school siya ang naaalala niya. Meaning, hindi niya ako naaalala o kahit sino mang kakilala ko.

Sa tuwing lumalapit ako kay Ren, bigla-bigla na lamang siyang tumatakbo palayo sa'kin. May isang pagakakataon nga ring binato niya pa ako ng tinapay na hawak niya nang lumapit ako sa kanya para kausapin. Pagkatapos niya akong batuhin ay tumakbo rin siya nang matulin palayo sa akin. Talagang hindi na niya ako naaalala at ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon na ipaalala sa kanya 'yung mga pinagsamahan namin.

"Kuya, you're spacing out again," puna sa'kin ni Ru-Ru.

"Ru-Ru, naaalala mo ba 'yung tanong mo sa'kin noong nasa ospital tayo? 'Yung unang beses kaming naaksidente ni Ren?" tanong ko.

"Alin doon? Marami akong tinanong noon sa'yo," aniya.

"Iyong kung ano 'yung mararamdaman ko kapag nakalimutan ako ng taong mahal ko?" sagot ko.

"Ah. Oo, naaalala ko 'yon. Bakit mo naman biglang natanong?"

"Alam ko na kasi ang sagot. Ang sakit pala talaga, 'no? Alam mo 'yung malapit lang sa'yo 'yung mahal mo pero parang ang layo niya? 'Yung abot-kamay mo lang siya pero hindi mo siya mahawakan?" nakayukong sabi ko habang inaalala ang mga pinagdaanan namin ni Ren.

Tinabihan ako ng kakambal ko at tinapik-tapik sa likuran. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

Ewan ko ba, pero si Ren lang talaga ang nagpapaiyak sa'kin. Hindi naman ako iyakin pero pagdating sa kanya, ang dali niyang patuluin ang luha ko. Ang dali niyang pakabahin ang dibdib ko. Pero ang dali lang din niyang patibukin ang puso ko.

"Sa tingin mo, Ru-Ru. Maaalala pa kaya ako ni Ren? Kung hindi man niya ako maalala, darating kaya ang araw na babalikan niya akong muli?"

Hinawakan ni Ru-Ru ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya.

"Malakas ang pakiramdam ko na magkakabalikan ulit kayo. Ang dami niyo na kayang napagdaanan! At saka nakakailang aksidente na kayo, buhay pa rin kayo! Kaya naniniwala akong kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli — dahil itinadhana kayo sa isa't isa."

"Sana nga."

"Naku, Kuya! Tama na nga 'yang pagmumukmok mo! Halika, ililibre kita sa favorite café niyo. Doon na rin tayo mag-dinner," sabi ni Ru-Ru at inakbayan ako.

"Pero kailangan ko pang magluto para kayla Mama."

"Hindi na kailangan! Isasama natin sila!"


NANIBAGO ako bigla pagdating namin sa favorite café ng barkada. Binago kasi nila ang ayos nito at may stage na na pwedeng pagkantahan o pagtugtugan. May pina-reserve na rin palang table sila Ru-Ru. Nakita ko na rin kasi si Lu-Lu sa loob ng café.

Pero teka, bakit nandito ang buong barkada? Dumating din kasi sila Mark, Dylan, Ron, Riz at ang bagong kasal na si Leo. Oo, kinasal si Leo last week at ang napangasawa niya ay si Naomi.

"Bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila.

"Long time no see, tol! Grabe ka naman! Parang ayaw mo kaming nandito ah!" sabi ni Dylan.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nagtataka lang ako at kumpleto tayo ngayon," sagot ko.

"Ah... Kasi... Ano kasi... Ayon! May magpe-perform kasi ngayon. Nabalitaan naming magaling daw 'yung kakanta kaya pumunta kaming lahat," sabi ni Ron.

"Iyon lang?"

"Oo! Umupo ka na nga lang diyan, Tan-Tan! Magsisimula na 'yung performance," sagot ni Riz.

Now playing For Everything by Julie Anne San Jose.

Tumayo sa gitna ng stage ang isang babaeng naka-pink dress.

Teka. Kilala ko 'yung kakanta ah! — Si Ren!

For every simple thing you gave me

For the special times we spent

For every smile you painted on my face

For understanding my limitations

For putting up with my frustrations

For always being there every step of the way

For sharing my little moments,

When I'm happy and I'm not

You never lost a single minute to spare

There are times a day could really turn out so bad

And there's nothing I can do to get it back

You take it away with all your lovin'

You take it away with just one touch

Whatever reason I may have to worry,

You take away from me.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ren at pakiramdam ko'y ako ang tinititigan niya.

You never failed to say "I love you".

When I needed it the most

Just hearing these words make me feel so good

You don't forget to tell me "good night".

And kiss me when the morning comes

Hold me tight when something is wrong

There are times a day could really turn out so bad

And there's nothing I can do to get it back

You take it away with all your lovin'

You take it away with just one touch

Whatever reason I may have to worry,

You take away from me.

Huminto sa pagkanta si Ren pero tuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta.

"Noong unang beses tayong nagkita, sa restaurant iyon na pinagkitaan namin ni Leo bago siya umalis papuntang Amerika. Iyak ako nang iyak no'n kaya nilapitan mo ako. Sinabi ko sa'yong hiniwalayan ako ng boyfriend ko at ang sabi mo sa'kin ituro ko sa'yo para masapak mo."

Pakiramdam ko'y biglang tumigil ang mundo ko nang magsimulang magkwento si Ren.

"Lahat ng ginawa at binigay mo sa'kin, maliit man iyon o malaki, ay sobrang nagpasaya sa akin. Lagi mo akong pinapangiti. Kahit na sobrang lampa ako, hindi mo ako iniwan — hindi ka nagsawang kasama ako. Everytime na depressed ako, natatakot o nalulungkot, lagi kang nandyan. Lagi kang nasa tabi ko para alalayan ako, ingatan ako at huwag hayaang madapa. Kahit nga noong hindi pa tayo masyadong magkakilala, tinulungan mo ako."

"Noong gabing naaksidente tayo noong una, dapat dadalhin mo ako sa ospital dahil biglang sumakit ang tiyan ko. Ipinahawak mo pa nga sa'kin ang rosary mo kasi sabi mo, nakagagaling iyon ng kahit anong sakit. Lagi kang nandyan para sa'kin."

"Hindi ka rin nagmimintis sa pagsasabi sa'king mahal mo ako, sa paghahatid mo sa'kin sa kwarto, sa pagsasabi mo ng 'good night' at 'sweet dreams', at pati na ang paggu-'good night' kiss mo. Hinding-hindi mo 'yun nakalilimutan." Naghiyawan ang mga tao sa café.

"Alam mo lahat ng nasa loob ko kahit na hindi ko ito sabihin. Kabisado mo ang mga pabotiro ko. Alam mo agad kung malungkot ako o may problema. You always hug me and make me feel at ease. Kahit na gaano pa kapangit o ka-frustrating ang araw ko, gumagaan agad ang pakiramdam ko sa simpleng yakap mo lang, sa pakikinig lang ng boses mo at sa bawat pagpaparamdam mo sa'kin kung gaano mo ako kamahal. I know that everything will be fine as long as I'm with you."

Pinunasan ni Ren ang luhang naglandas sa kanyang pisngi at nakangiting tinitigan ako.

"I love you, Tan-Tan. Sorry kung ngayon lang bumalik ang alaala ko."

Wala na akong pinalampas pang pagkakataon. Tumakbo ako papunta kay Ren at niyakap siya at hinalikan.

"Ren, mahal na mahal na mahal kita. Thank you for remembering me. Ako rin. Lahat ng sinabi mo, ganoon din ikaw para sa'kin at ganoon din ang nararamdaman ko para sa'yo. You're my everything."

I kissed her once more bago ako lumuhod sa harapan niya. Kinuha ko 'yung isang bagay na matagal ko ng gustong ibigay sa kanya.

"Alam mo, lagi itong nasa bulsa ko. Kahit na hindi mo pa ako naaalala noon, umaasa akong darating ang araw na ito na babalik lahat ng alaala mo tungkol sa'kin." Binuksan ko ang maliit na box at sinambit na ang pinakaaabangang tanong ng lahat.

"Ms. Reverie Metherlance — will you marry me?"

Lumuluhang tumangu-tango sa'kin si Ren. "Yes, Mr. Christian Rodriguez De Guzman. I will definitely marry you!"

Isinuot ko sa kanyang daliri ang engagement ring na matagal ko nang nabili mula pa noong kababalik lamang namin ng Batangas. Niyakap ko siya nang mahigpit at pinaulanan ng halik sa kanyang mukha.

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng café. At syempre, may kasama pang hiyaw at sipol ang sa mga kabarkada namin at mula sa pamilya ko.

This is my dream — our dream, that became our reality.

Kahit ilang beses man kaming napag-trip-an ng tadhana, kami pa rin ang naging para sa isa't isa.

No more worries. No more problems. And no more accidents.

Just me and Ren — my accidentalfiancée.    

Continue lendo

Você também vai gostar

35K 648 26
How long does it take to be like by someone? Buong buhay ni Margarita Lopez ginugol niya sa pag-aaral.Ginagawa niya lahat para maipagmalaki siya n...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
61.5K 917 42
Lalayo ako kasi alam kong iyon ang tama kahit pa sa paraan na luluha ako makita lang kitang masaya, masaya na din ako.
August and Apple De Reynald

Ficção Adolescente

1.1M 25.5K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...