Soul Librettos

By bluepncil

31.2K 2.5K 756

Fermatta doesn't like music from the very start. Kahit na simula pa lang bata siya ay ang pagtugtog na ng pia... More

Soul Librettos
♬ 1
♬ 2
♬ 3
♬ 4
♬ 5
♬ 6
♬ 7
♬ 8
♬ 9
♬ 10
♬ 11
♬ 12
♬ 13
♬ 14
♬ 15
♬ 16
♬ 17
♬ 18
♬ 20
♬ 21
♬ 22
♬ 23
♬ 24
♬ 25
♬ 26
♬ 27
♬ 28
♬ 29
♬ 30
♬ 31
♬ 32
♬ 33
♬ 34
♬ 35
♬ 36
♬ 37
♬ 38
♬ 39
♬ 40
♬ 41
♬ 42
♬ 43
♬ 44
♬ 45
♬ 46
♬ 47
♬ 48
♬ 49
♬ 50
End
Soundtracks

♬ 19

558 55 12
By bluepncil

Nineteen

Fucking in love with you

"Do you know the effect of what you did awhile ago?" nakukunsuming sabi ni Aldon habang nakalagay sa noo niya ang kanyang kamay at nakakunot ang noo niya.

I inwardly groaned dahil sa harapan ko pa talaga siya tumigil. Tumingin siya sa akin gamit 'yung matalim niyang mata and God knows how I wanted to roll my eyes on him, maya-maya ay kay Clef siya tumingin.

"Hindi naman kasalanan ni Clef 'yun. Blaire said awful things to Fermatta and ... "

"Pero hindi pa rin tamang sapakin si Blaire sa harapan ng mga estudyante ng Cecilian" pagsabat ni Aldon kay Hilton. Napayuko na lamang si Hilton sa sinabi ni Aldon, "We're the role model here. The students are looking at us pero ginawa niyo pa rin 'yung hindi dapat. From the very start you all knew that we're all celebrity. Mabuti nalang at hindi na nakarating pa ito sa faculty pero sigurado akong paguusapan pa rin 'to ng mga estudyante" pailing-iling na sabi ni Aldon.

I bit my lips and looked at Clef na nasa harapan ko lang at nakaupo sa sahig. Nakapatong ang kamay niya sa isa niyang tuhod habang nakayuko siya. Walang imik. Pagkatapos kasi nang nangyari kanina sa canteen ay kinaladkad na nila ako dito sa loob ng practice room ng music department. Si Ivory ay dinala na rin nila sa clinic para magamot kung ano mang nangyari sa paa niya. Simula ng pumasok sila ni Hilton kanina ay hindi pa siya umiimik, ni hindi niya rin ako tinitignan o kahit na sino sa loob ng kwarto. He actually look piss.

I felt bad dahil kasalanan ko kung bakit namromroblema si Aldon pero gusto ko ring tanungin si Clef kung bakit niya iyon ginawa. I can manage myself, I can defend myself from everyone. I never ask for help and I don't need any protection from anyone around me, nakita niya naman kanina sa sinapak ko pa si Blaire pero bakit niya pa ginantihan si Blaire? I even thought that he's not thinking that time. It's the craziest thing he did simula ng magkakilala kami. He's crazy! Gusto kong maasar dahil sa ginawa niya pero there's something that telling to me I shouldn't.

Naabala ang pagiisip ko ng bumukas ang pintuan ng practice room at iniluwa nuon si Dwaine at Chriselle.

"Kamusta?" tanong ni Aldon kay Dwaine.

"They are all quite. Mukhang walang magsusumbong sa faculty kung anong nangyari. I just don't know if someone captured and video the whole scene kung mayroon man 'yun ang hindi na natin mapipigilan" aniya.

I heard him tsk-ed before mumbling, "Kapag nalaman 'to ni Inesia siguradong patay na tayo"

Umiling-iling si Aldon sa sinabi ni Dwaine. Yeah right, kapag nalaman ito ni Inesia o ni Mr. Bracelli o ni Ms. Aw sigurado akong malalagot talaga kami. Not like I'm scared of what they are capable to do with me, dahil kung patatalsikin nila ako sa Cecilian ay nakangiti pa akong lalabas pero hindi ganuon ang sitwasyon dahil damay ang buong creole sa buong issue. Creole of note, the most popular band in the Philippines. Ugh.

"I can make the dance department silent" napadako ang tingin namin kay Chriselle ng sinabi niya iyon.

"You know. I am Lance's bestfriend. I have this kind of power na sinusunod ng mga nasa dance department"

Oh! The connection! Shit.

Tumango lang sila Aldon sa kanya. Narinig ko ang pasasalamat ni Dwaine sa kanya pero mas inabala ko ang sarili ko sa pagbuntong-hininga at tsaka pumasok sa isip ko si Lance. Agad akong napatunghay kila Chriselle.

"Where's Lance?" bigla kong tanong sa kanya. Naramdaman ko ang pagtingin nilang lahat sa akin ng tinanong ko iyon.

Ngumiwi si Chriselle, "He's with Blaire right now. I don't know where did they go basta ang nakita ko ay kinakaladkad ni Lance si Blaire papunta sa parking lot. I think lalabas sila ng Cecilian" aniya na parang nagaalala siya.

Tumayo agad ako sa pagkakaupo ko sa upuan at binitbit ang bag ko sa aking balikat, maglalakad na sana ako pero hinarangan ako ni Aldon, "Where do you think you're going?" tanong niya.

"I'm going to find Lance" anas ko sa kanya.

"You're not going anywhere, Fermatta. Bumalik nalang kayo ni Chriselle sa dorm niyo"

"But ... " hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko ng hawakan ni Chriselle ang balikat ko. She's shaking her head as if disapproving me from what I'm going to do.

"He's mad Ferm. Really mad. I didn't saw him mad like that before. I think it's not right to talk to him right now. Let him cool down bago mo siya kausapin" aniya.

Kahit na ayaw ko ay tumango nalang rin ako sa kanya at sumalampak sa inuupuan ko kanina. I'm just worried dahil alam kong magaaway ang magkapatid na iyon ng dahil sa akin pero ano bang magagawa ko?

Nang marinig namin ang malakas na bell hudyat na tapos na ang lunch break ay lumabas na kami sa practice room bago pa kami madatnan ng ibang mga papasok duon. Chriselle clinged her arms to me bago niya ako hilahin palayo sa creole at pumunta sa dorm namin. Halos wala ng estudyante sa daan dahil sigurado akong nagsisimula na ang mga klase nila at siguradong absent na kaming dalawa sa mga klase namin.

Mabilis kaming nakarating sa dorm. Pagkapasok na pagkapasok ni Chriselle sa kwarto ay tumakbo agad siya sa kama niya at humiga duon. Isinandal ko ang likod ko sa pintuan ng kwarto namin at tumingin sa ceiling ng kwarto.
I saw those glow in the dark stickers scathered, those stars. For a moment I heard complete silence, I cant even hear my breathing and my heartbeat. Siguro hindi na natibok ang puso ko o kaya ay bingi na ako. I let a deep sighed and looked at Chriselle who's looking at me worriedly. Nakaupo na siya sa kama niya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang hita.

"Don't worry too much, Ferm. It's not your fault" aniya.

I looked at her intently weighing if I should spill what's on my mind or not but then I know I can't just keep it.

"You didn't told me about the caste system in your department." I said firmly.

Her expression changed as if she's been caught in the act of doing something and from that moment I know she's guilty. My relationship with Chriselle was not really that deep katulad ng sa amin ni Lance pero I always treat her like my bestfriend because she really is. I maybe cold or harsh towards her sometimes but I'm always thinking about her sake. She's a friend and a sister to me at hindi ko alam kung anong pwede kong gawin kay Blaire kung sakaling mapapahamak si Chriselle dahil sa caste system na ginawa niya sa department nila, knowing what students from dance department are capable of.

"I just dont want you to get worried" aniya.

"Kaya hindi niyo nalang sinabi sa akin ni Lance?"

She shook her head and bit her lips, "I wanted to tell you this, first year palang nuong hindi pa tayo close kay Lance. Before, I was like Ivory, one of the weaklings pero hindi ko pinapahalata sayo dahil ayokong magaalala ka" she said as she played her fingers on her lap, "One day some seniors.. mga kaibigan ni Blaire they locked me inside the studio habang nagprapractice ako ng ballet. I was really scared that time. I was about to call you to ask for help pero dumating si Lance"

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Bahagyang nanginig ang mga labi niya na parang nahihirapan siyang magkwento habang kinukutkot ang daliri niya, "I was crying that time mabuti nalang dumating si Lance. He saved me at simula nuon prinoprotektahan niya na ako sa mga nambubully sa'kin sa deparment namin. I really wanted to tell you everything pero hindi ko magawa" she said bago ako tignan sa mata.

"W-why?" I said in a whisper.

"Lance made me promised that I shouldn't tell everything to you"

Pakiramdam ko ay may kumurot sa puso ko dahil sa sinabing iyon ni Chriselle. Of all people why would Lance do that to me? Why would he hide something like this? Paano niya nagawang magtago sakin gayong halos buong buhay ko ay pinagkatiwala ko sa kanya?

I can't sleep that night. Pakiramdam ko ay sumasakit ang dibdib ko dahil sa mga nalaman ko kay Chriselle. I wanted to talk to Lance para itanong kung bakit niya nasabi kay Chriselle na ilihim sa 'kin ang lahat. Tingin niya ba ay ganun ako kahina para hindi maintindihan lahat? Nasa dorm na ba siya ng mga lalaki o nakauwi na ba dito sa cecilian o duon sa kanila siya dumiretso? What did he do to Blaire? I badly wanted to see him.

Paikot-ikot lang ako sa kama ko gusto kong pumikit at matulog pero hindi ko talaga kaya. I searched for my phone at nang makita ko iyon at tumambad sa akin ang oras. 1:47AM. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtipa agad ako ng mensahe kay Lance.

'Where are you?'

Hinayaan ko lang mulat ang mata ko habang hinihintay ang reply ni Lance sa akin. Halos mawalan na ako ng pagasa pero biglang tumunog ang cellphone ko.

'Boy's dorm. Goodnight Fermatta'

He's in Cecilian already! Agad akong tumayo sa kama ko ng mabasa ko ang text niya. Isinuot ko agad ang itim kong lee jacket at nagpalit ng pantalon. Ni hindi ko na inasikaso ang makalat kong buhok. Tinignan ko muna si Chriselle na payapang natutulog bago ako lumabas ng kwarto at umalis sa dorm ng mga babae.

Inilagay ko lang sa aking ulo ang hood ng damit ko at naglakad na papunta sa dorm ng mga lalaki. Bahala na kung may makakita sa akin pero sigurado naman akong walang makakakita sa aking gumagala ng ganitong oras dahil tulog na halos lahat ng tao sa cecilian ng ganitong oras. Sigurado din akong mabilis akong makakapuslit sa dorm ng mga lalaki, isa pa si Lance ang prefect sa dorm nila kaya mahuli man ako o hindi siguradong hindi naman niya ako isusumbong.

Tahimik at madilim na ang daan papunta sa dorm ng mga lalaki pero hindi ko iyon inalintana. Sanay naman kasi ako sa tahimik at madilim, ni hindi ko nga alam kung natatakot pa ako sa ganuong bagay gayong buong buhay ko ay nakakulong lang ako sa tahimik at madilim na lugar.

Medyo malayo ang dorm ng mga lalaki sa amin kaya matagal bago ako nakarating duon. Nang nanduon na ako ay agad akong nagpunta sa likod kung nasaan ang fire exit. Palaging bukas ang pinto ng fire exit sa building na 'to, palagi kasing may mga tumatakas na estudyante kapag gabi hindi katulad ng sa mga babaeng sobrang higpit ng mga prefect. Minsan na rin kasi akong nakapasok dito nuong kinulit namin ni Chriselle si Lance na dalhin kami sa kwarto niya. 'Yun nga lang saglit lang 'yun dahil tanghaling tapat nuon at maraming pakalat-kalat na estudyante sa dorm nila.

Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko sa hagdanan ng fire exit ng building. Nang makarating ako sa fifth floor ay napabuga ako ng hangin dahil sa taas ng inakyat ko. Bakit kasi napakataas ng floor ng kwarto nun? Halos magunahan sa pagtibok ang puso ko dahil sa sobrang hingal. Dire-diretso akong nagtungo sa pinakaunang kwarto pagkalabas ng fire exit na tiyak akong kwarto niya.

Hindi na ako kumatok pa sa kwarto niya at dire-diretso akong pumasok duon. Tinanggal ko ang hood na nakalagay sa ulo ko at pinagmasdan ko ang kwartong tinutuluyan niya dito sa cecilian.

The wall's painted with white. Ang mga gamit ay kulay black at white rin, it looks so masculine. May dalawang kama na parehas bakante. I searched his bulk inside their room pero wala akong nakitang Lance duon. Lumakad ako sa kama niya pero ni bakas na may humiga duon eh wala akong makita. Kahit ang roommate niyang hindi ko naman kilala ay wala rin dito. Nagsisinungaling ba si Lance nang tinext niya akong nandito siya sa cecilian?

Kumunot agad ang noo ko dahil sa naisip ko. I would freaking hate him kung nagsisinungaling siya sa 'kin. I immediately typed a message to Lance asking where he is and I'm here at his room nang biglang bumukas ang pintong alam kong cr sa kwarto niya.

Is that Lance?

I smelled those masculine scent kahit na hindi pa nalabas sa cr kung sino man ang nanduon. Dumirekta ang tingin ko sa pinto at inintay kung si Lance na ba iyon pero agad kong nabitawan ang cellphone kong hawak ng hindi mukha ni Lance ang bumungad sa 'kin.

His eyes landed to me. His jaw clenched and I saw his teeth greeted. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa titig niyang iyon. Theres still this invisible violet mark right on his cheeks at bahagyang namamaga din ang mata niya as if someone beat him so hard.

"What are you doing here?" he said as his voice roared to the whole room. Lumagabog lalo ang puso ko dahil sa tono ng pananalita niya. He slowly walked through me even if he's only wearing those towel that enveloped the lower part of his body.

I bit the inside of my lips to stop myself from saying rude words. I closed my fist, readying myself to punch him in case he would do something I wouldn't like. Sa 'twing nakikita ko siya ay bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi sa akin ni Ivory at Chriselle. Gusto ko silang iganti kay Blaire. Blaire's one manipulative fucktard and If I would be given a chance to hit him I would do it so badly.

He stopped walking when we're already inches away and again his eyes darted to me.

"Where's Lance, Blaire?" I said hissing at him. I don't care kung magwala siya ngayon sa harapan ko I can protect myself from him. I'm sure with that.

"So you're here because of my brother? Did he finally said those three words?" he said mocking me.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. I pursed my lips and felt the urge to ask him what. What three words is he saying? Anong sinasabi niyang sinabi na sa akin ni Lance?

Nang makita ni Blaire na hindi ko nakuha ang sinabi niya ay bigla siyang humalakhak na parang nababaliw. He looked at me and those playful smile lingered on his lips. I badly wanted to wiped off those smile but I'm still curious on what he is telling me.

"So he's still the coward little boy who is afraid of you"

"Ano bang sinasabi mo Blaire?"

Biglang nagbago ang expression niya ng sinabi ko iyon. He looked at me with spite, his jaw clenched and I can sense that he's mad and anytime he's going to burst in rage.

"Don't act so innocently Fermatta. I know you knew everything. I know you know why Lance is still in Cecilian. He can leave cecilian anytime, he has lots of offer from various producers. He can be a popular dancer or international artist if he pursue it but because she's afraid of you he's stuck in this fucking school! It's because of you!" he shouted.

Lumagabog ang puso ko dahil sa sigaw na iyon ni Blaire sa akin. Pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa mga sinabi niya sa akin. I shook my head, "I'm not the reason Blaire!" I shouted back.

I know I'm not really the reason. Why Lance would do such thing? Why would he suffer his future because of me?

He scoffed at me, "You really think that? Are you dumb or stupid?" aniya na parang nawawalan na siya ng pasensya sa akin, "How sure you are na hindi ikaw ang dahilan?" he asked me as if I he's questioning why I even exist in this world.

Gusto kong sagutin ang tanong niya sa 'kin pero parang nawalan ng buhay ang sarili kong dila. How sure I am? I am not really sure, that's the truth. Knowing Lance's hiding something from me I'm not even sure if he's really telling me the truth all this time.

I looked at Blaire pero hindi nawala ang inis sa mukha niya, "You're the reason Fermatta. Listen very carefully dahil ngayon ko lang 'to sasabihin" he said as he twitched his lips.

He held my chin and made me looked straight in his eyes, "Lance is afraid of you. He's afraid I would harm you kapag umalis na siya sa cecilian. He can't fulfill Lanie's wish na sumikat siya ng dahil sa 'yo! Dahil prinoprotektahan ka niya! Dahil ayaw niyang malayo sayo! Because my brother... is fucking in love with you!"

Kasabay nuon ay ang malakas na pagbukas ng pintuan ng kwarto. Bumungad ang hingal na hingal na itsura ni Lance sa amin. Nanlalaki ang mata ko habang nakaawang ang labi niya at nakatingin sa aming dalawa ni Blaire.

My heart is pounding. It is clenching and I felt something hurting inside me. Parang gusto kong umiyak dahil sa sinabi ni Blaire sa akin. Lance is in love with me. I don't want to believe him pero habang naalala ko ang mga ginagawa ni Lance para sa akin, ang pagaalaga niya sa 'kin, 'yung araw na tinanong ko sa kanya kung paano mainlove, that night he took care of me because I am sick. I know in myself it's more than being just a friend.

I opened my mouth to say something pero hindi ko na iyon nagawa nuong kabigin ni Blaire ang mukha ko gamit ang kamay niyang nakahawak pa rin sa baba ko.

My eyes widen as I saw him leaning closer to me, before I even push him away I already felt his lips on mine. I felt so weak akala ko ay kaya kong protektahan ang sarili ko kay Blaire pero mali pala ako. Maybe Lance was all right, he can't leave me because I am weak pero bakit pakiramdam ko ay mas nasasaktan ako nang dahil kay Lance? I wanted to scream pero pakiramdam ko ay nanghihina ako. My tears fell and I sobbed while Blaire's lips' still on mine. That's the time Blaire pulled away. I saw him tense at kasabay nuon ay ang pagsalampak niya sa lupa dahil sa pagsapak sa kanya ni Lance.

Lance pushed himself to Blaire and continuously punch his face habang nasa ibabaw siya ni Blaire, "Putangina mo!" he repeatedly said to him.

I begun to sobbed and covered my face with my hand. Lance stopped punching Blaire. He walked through me pero napaatras lang ako sa ginawa niyang paglapit sa akin.

Dont go near me. Sigaw mo sa sarili ko.

"Ferm" aniya na parang nagsusumamo siya sa akin but I continously shook my head while biting my lips to stop myself from sobbing, "Ferm let me explain"

I wiped my tears from my face and immediately took my phone from the floor. All I wanted to do is to escape from him, from Blaire. I stared at Lance and he looked so helpless but I am more helpless than he is right now. Agad kong inihakbang ang mga paa ko palabas ng kwarto nila. I heard Lance calling my name pero hindi ko na ginawa pang lumingon at dali-dali akong tumakbo palayo sa kanya.

Pakiramdam ko ay nagsisikip ang dibdib ko dahil sa pagiyak ko. Hindi na ako nagisip pa at kinuha ko ang cellphone ko para magtipa ng mensahe duon. I don't even know where should I go. Ayokong bumalik sa dorm dahil baka magising ko lang si Chriselle duon. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa parking lot ng cecilian. Umupo ako sa sidewalk at isinubsob ko ang mukha ko sa aking tuhod habang nakalagay ang mga braso ko duon.

I can feel the cold breeze pero wala akong pakialam kahit mamatay pa ako sa lamig.

He can't fulfill Lanie's wish na sumikat siya ng dahil sa 'yo

Why would he chose me over Lanie? He loves his sister. She's his treasure. Blaire's just lying, Lance is just my brother. He's just my bestfriend.. how can he..

My brother is fucking in love with you.

Lalo kong siniksik ang sarili ko sa aking tuhod. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatambay duon sa sidewalk ng parking lot. Pakiramdam ko naninigas na ang mga kamay ko dahil sa lamig ng gabi. Tumunghay lang ako ng may tumamang ilaw sa akin. My vision is blurred, I blinked twice before I can even see the car in front of me clearly. Hindi pa man namamatay ang makina ng sasakyan ay may lumabas na sa driver's seat nuon.

I saw those familiar lee jacket he is wearing. I felt my heart swelling, my emotions we're crumpled and just seeing his face makes me wanted to cry hard.

Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at tumakbo palapit sa kanya. His black orbs are shining because of the moon and he looks so worried. I didn't even waste any time and I immediately wrap my arms around his waist.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko at hindi nanaman ako makahinga ng dahil sa kanya pero gusto ko ang ganitong pakiramdam. I felt him stiffened because of that. I don't care what will he think, this is what I needed right now. I texted him because he's the person I know would understand me and would make me feel okay. I wanted to feel his comfort just like what he did to me before. My tears continuously fell as I hugged him tightly. I felt his warm hand caressing my hair while the other hand is resting on my back. I felt so secured and harmed at the same time.

"Ssh, stop crying Fermatta. I am here, I won't leave you" he said with those low soothing voice and dammit my heart just jumped. 

[Sorry po wala pa pong edit 'tong chapter na 'to. Dedicated kay Uncle_lit ang story na 'to. Pasensya na kung natagalan ang pagupdate. Thank you sa mga nagsusupport pa rin ng story ko. Love you guys - B ] 

Continue Reading

You'll Also Like

415K 30.1K 41
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
1K 141 43
⭐First Book In The STAR STRUCK Duology⭐ When you encounter a weird stranger by the side of the road, what would you do? It sounds like a simple quest...
Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.4M 37K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
1.5K 1K 11
Stories of youth and old I wonder where did all those memories go, A compilation of stories of youth and old brought together to be once again be tol...