RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Like I Can (4)

6.2K 164 25
By pluviopilya

Medyo masakit pa ang ulo ni Rhian nang dumating siya sa set. Sobrang dami niyang nainom kagabi sa bar to the point na kailangan na siyang ihatid ni Chynna sa condo niya. Di na niya kayang magdrive.. Akala niya babalik si Glaiza kaya uminom siya habang naghihintay pero hindi na ito bumalik sa bar. Tinext niya ito kanina kung bat hindi na bumalik sa bar last night pero nagreply ito ng 'Sorry'. Nagreply siya ng 'It's okay. Kitakits sa set!' Pero hindi na ito nagreply.

She exhaled. Nagstart na siyang maglakad papunta sa tent kung saan siya aayusan para sa scenes.


Pagpasok niya, nandun na si Glaiza at Chynna. Nagkkwentuhan ang dalawang ito. Napa-smile siya nang makita si Glaiza.


Dahan dahan pa siyang lumapit at biglang sinundot ang ilong ni Glaiza. "Hello lubb." Rhian laughed.


Napatingin naman si Glaiza sa kanya. Wala itong sinasabi. Nakatingin lang talaga sa kanya..


Napatingin din si Chynna sa kanya. "Hala Rhian. Ang clingy nanaman!" Medyo tinulak pa siya ni Chynna.

Tiningnan niya si Chynna ng masama. "Ano ba. Namiss ko lang si Glaiza." Tiningnan naman niya ulit si Glaiza. "Uy lovelove, bakit nga pala hindi kana bumalik kagabi? Naghintay kaya ako.."

Napalunok si Glaiza. Nakatingin lang siya sa mga mata ni Rhian...


"Love, hug mo nalang ako para bati na tayo." Inopen ni Rhian ang mga braso niya na parang nag-aabang ng yakap.

She's smiling. Hinihintay niyang yakapin siya ni Glaiza.



Naglook away si Glaiza. "Magbabasa lang ako ng script sa kabilang tent." Glaiza said at bigla nalang umalis.



Nabigla si Rhian... Actually, pati si Chynna.



"Anyare dun?" Tanong ni Chynna.


Unti unting nawala ang ngiti sa labi ni Rhian kasabay ng pagbaba ng nakabuka niyang braso waiting for Glaiza's hug sana... Para tuloy siyang napahiya.


"I was expecting she'll laugh and she will hug me... But... What's wrong with her?" Napalunok si Rhian. Masyado nga siyang nabigla.


Chynna sighed. "Malay ko. Tumatawa tawa naman siya kanina..."

"Then bakit siya naging ganun? Galit ba siya sakin?" Rhian asked na obviously ay biglang nag-worry.

"Baka meron siya ngayon kaya moody. Hayaan mo na muna. Parang sira din yun minsan e." Nilapitan ni Chynna si Rhian. "Wag kana malungkot oy. Napaghahalataang apekted." Pang-aasar pa nito.


Nagbuntong hininga si Rhian. "Baka nga moody lang siya today. Kausapin ko nalang ulit siya later."


Nag-nod si Chynna. "Di ka talaga makatiis no? Tanong na matino Rhian. May gusto ka ba kay Glaiza?"


Nabigla naman si Rhian so napatingin siya kay Chynna bigla. "What?!"

"Sagutin ng ayos.. Bakit napakasweet mo kay Glaiza?"


Napalunok si Rhian..


Hindi ko alam... Yun lagi yung pumapasok sa isip niya kapag tinatanong niya rin yung sarili niya kung bakit ganito siya kay Glaiza..


"Sweet naman kaya ako!" Yun nalang ang sinabi niya.

"Di ka nadedevelop?"

Napaisip si Rhian. Naglook away siya. "Wag nating pag-usapan yun ngayon.."



Napalaki naman bigla ang mata ni Chynna. "Hala. So, weh?! Seryoso? Nadedevelop kana?!"



Tiningnan ng masama ni Rhian si Chynna tapos naglook away ulit. "Hindi." She exhaled. "Anong nadedevelop? Imposible. Sweet naman ako sa lahat. And sweet din si Glaiza. Wala namang ganung nangyayare....."

Napakunot ang noo ni Chynna. "Ha?! Ibig sabihin.. Itong pagkasweet mo kay Glaiza, wala wala lang? Ang labo mo naman Rhian."

This time, tiningnan na ni Rhian si Chynna. "Yung pagkasweet din naman ni Glaiza, wala wala lang din diba? I mean, biruan lang. And we're like.. Comfortable with each other that's why we're sweet.." She exhaled again, "Besides, hindi kami pwede. Sobrang labo kapag tinotoo kaya wag kang malisyosa Chynna. Sweet naman ako sa lahat."


Lalong napakunot ang noo ni Chynna. "Punyemas ka Rhian." Napakamot siya ng ulo na parang biglang napaisip. "Napakasweet mo kay Glaiza. Paano kung... ahh, kunware umaasa siya na totoo na pala yang pagkasweet mo? Jusko aba. Problema yan oy."


"Ano ka ba! Impossible na umasa siya. Sobrang impossible. Alam naman niya na nagbibiruan lang kami. Alam niyang hindi kami pwede. Besides, sinasakyan naman niya pagkasweet ko e. Soooo uhm, Wala talaga."



Wala talaga.... Impossible... Rhian thought.



Napailing nalang si Chynna. "Jusko Rhian. Ewan ko na nga sayo. Magpaayos kana nga diyan." Bigla nalang umalis si Chynna na parang nawala sa mood kausapin si Rhian.


Naglook away si Rhian at hinawakan ang noo niya saglit...



Sige... Deny pa.... She thought.





//





"Where's Glaiza?" Tanong niya kay Katrina Halili pagkatapos ng scene niya.

"Nakita ko siyang kausap si Chynna kanina e. Ewan ko lang kung nasan ngayon." Katrina said.

"Aw. Okay." Tumingin tingin naman si Rhian sa labas. Nagbabakasakaling nandun si Glaiza.

"Bakit mo nga pala siya hinahanap? Lagi na nga kayong magkasama non ah?" Kat asked.

Tiningnan naman ni Rhian si Katrina. "Ah, wala. Namimiss ko na kasi siya. Parang wala kasi siya sa mood ngayon. Baka kailangan niya lang ng joker like me." Medyo natawa siya.

Napakunot ang noo ni Katrina. "Wala sa mood? Nung kinausap niya ko, okay naman siya."


Unti unti nanamang nawala ang ngiti sa labi ni Rhian. "What? Eh.. Bakit kanina hindi niya ko pinansin?"

"Ha? Baka di ka lang narinig..."

"No. Hindi. Kausap ko siya kanina. Binati ko pa nga. Pero yun. Bigla siyang umalis, di ako pinansin." Rhian said na... Ayan, bigla nanamang napapaisip.

"Ay Girl. Hayaan mo na." Tinapik ni Katrina ang kamay ni Rhian. "Ikaw naman, malay mo may importante lang siyang gagawin kaya di ka niya napansin. Wag ka nga magisip ng kung anu ano!"


Napabuntong hininga si Rhian. Hindi niya maiwasang mapaisip..

Pero hay. Oo nga Rhian. Don't overthink. Baka may reasons siya.







"Oh ayun pala si Glaiza e."


Nabigla siya nang sabihin yun ni Katrina tapos tinuro si Glaiza sa may bandang likuran niya.


Tumayo siya at lalapitan sana ito pero kausap nito si Direk Dom so nagdecide siya na mamaya nalang...


Nakatingin lang siya sa naguusap at parang seryoso yung pinaguusapang bagay. Baka about sa script...


Napalunok siya. Gusto niya talagang makausap si Glaiza.



After mga 5 minutes siguro, nag-okay na si Direk Dom meaning, tapos na sila magusap. Lumakad na si Glaiza papunta sa direksyon niya...


Nung nakalapit na ito, hinawakan niya ang braso nito para makapagusap sila.


"Uhm Glaiza."

Nilingon siya ni Glaiza. "Bakit?"

Tiningnan ni Rhian ang mga mata ni Glaiza. Parang pinapakiramdaman niya kung wala nga ito sa mood o ano.


"Rhian bakit? Scenes ko na kasi yung kukunan." Glaiza said na parang nagmamadali.

Rhian exhaled. "Dinner tayo mamaya. Treat ko na."


Nag look away si Glaiza. "May.. May lakad kami ni Ben mamaya e."

Napakunot ang noo ni Rhian. "Ben?"

"Benjamin. Benjamin Alves." Glaiza said.


"Oh..." Rhian said. "Eh, punta ka nalang sa condo ko love? After niyo magDinner ni Ben. Nuod tayo movie."

Tiningnan ni Glaiza si Rhian. "Ayoko muna kasi lumabas. Pinilit lang ako ni Ben kaya ako sasama sa kanya mamaya."


"Eh kung pilitin din kita? Sige na Love..."


"Rhian." Matigas yung pagsabi ni Glaiza ng pangalan ni Rhian. Tinanggal niya ang kamay ni Rhian na nakahawak sa braso niya. "Ayoko." Naglook away siya. "Magsstart na yung scenes ko. Una na ko." Umalis na si Glaiza.


Naiwan namang tengga si Rhian..



Kelan pa siya umayaw pag movie yung pinaguusapan? Ughhh.. May mali. She thought again.

Tiningnan niya pa si Glaiza habang inaayusan ng mga staff..


Bakit ayaw niya?


"God Rhian. Baka kailangan na niya ng space. Masyado ka kasing clingy." Bulong nalang niya sa sarili niya.



//







"Dinahilan ko lang na si Ben kasama ko." Glaiza said.

Magkausap sila ni Chynna ngayon sa condo niya. Niyaya niya ito dahil kailangan niya ng kausap.

"Eh bakit nga ba kasi? Anong dinadrama mo? Bakit iniiwasan mo si Rhian?"

Napalunok si Glaiza. "Sasabihin ko nalang sayo pag ready na ko."


"Kelan pa tsong? Langya ka naman oh. Wala ka bang tiwala sakin?" Parang biglang nagtampo naman si Chynna.


"Hindi sa ganun Chynna. Kaya lang..." Napalunok nanaman siya. "Malaki kasing issue to.."

"So sabihin mo nga sakin. May sasabihin din ako sayo e." Chynna said.

Tiningnan ni Glaiza si Chynna. "Anong sasabihin mo?"

"Ikaw muna."


Nagbuntong si Glaiza at napaisip sandali kung kailangan na ba niyang sabihin.. Ayaw niya itong iopen kahit kanino pero sa tingin niya mapagkakatiwalaan naman si Chynna. "May.. May Article kasi, nagsasabi na madalas daw kaming nakikita off cam ni Rhian na ang sweet sweet..." Panimula niya..

"Eh talaga namang sweet kayo ah." Chynna said.

"Hindi. Ang malala pa, sinabi si Article, kami daw ni Rhian. Sa totoong buhay."

Nagulat si Chynna. "Ano?! Punyemas. Issue nga yan."


"So nung nalaman yun ng manager ko, pinapalayo niya ko. Pinapaiwas niya ko."

Napakunot ang noo ni Chynna. "Bakit daw?"


"Ayaw ng management e." Nagbuntong hininga si Glaiza. Ayaw niyang magpaapekto pero.. wala e, naaapektuhan talaga siya. "Sabi nung manager ko, kinausap niya yung management. Nakita din daw nila yung Article na nagsasabing kami nga daw ni Rhian. Sabi nung manager ko, hindi yun totoo. Kasi.. Hindi naman talaga diba? Hindi naman kami ni Rhian."


Si Chynna naman ang nagbuntong hininga. "Tsong sa sobrang sweet niyo kasi talagang mapagkakamalan kayo. Diba nga lagi din naming sinasabi ni Sheena na parang may something talaga kayo. Baka yun yung nakita ng mga lecheng mata na umaali-aligid at nasabi sa article na yun. At! Yung TRMDLovewins shoot pa."


"Oo! Nabanggit din yun sa Article Chynna." She exhaled. "Napakabilis. Kasi nung pinakita sakin yung article, araw din ng natapos natin yung Lovewins shoot so ang bilis talaga.. Sinasabi dun, may something nga daw at hindi man lang sila nagdalawang isip ah.. Talagang nilagay nila sa Article na parang sure na sure sila na KAMI ni Rhian."


Napakamot ng ulo si Chynna na parang nasstress siya. "So, balik tayo dun. Anong sinabi ng manager mo sa management?"


Napaisip si Glaiza. "Ayun. Sabi ng manager ko, wala namang katotohanan yung article. So sabi nung management, kung wala daw talaga, patunayan. So eto, sabi ng manager ko, iwasan ko si Rhian. Pag hindi namin scenes, wag ko siyang kausapin. Kasi kapag napatunayan daw nga lalo na sobrang sweet pa rin namin at parang kami nga ni Rhian, baka magkakomplikasyon kasi sa career e. Yung guestings ko hawak ng management pati yung upcoming shows so kailangan ko silang sundin. Wala namang masama kung iiwasan ko si Rhian diba? Yun naman yung nararapat e."


"Sigurado ka?" Tanong ni Chynna so literal na napastop si Glaiza.

Hindi siya nakapagsalita...


"Tsong." Tinapik saglit ni Chynna ang balikat ni Glaiza. "May sasabihin ako, pero sana, wag kang masasaktan ha? Tsaka, payo ko lang. Tigilan mo na yang pag-asa mo kay Rhian."

Napakunot ang noo ni Glaiza at napatingin siya kay Chynna. "Ha? Bakit? Ano?"


"Uhm, tinanong ko kasi si Rhian kanina. Tinanong ko kung nadedevelop na siya..."


"Bakit mo tinanong yun?!" Pag-interrupt ni Glaiza kay Chynna.

"Bakit hindi?!" Halos napasigaw si Chynna. "Ang obvious na! Lalo kanina nung di mo siya pinansin halos manggalaiti na siya kakaisip kung galit ka daw ba. So di ko na napigilan. Tinanong ko na. At ang sagot niya..." napalunok si Chynna. "Sweet lang daw siya. Na imposible daw na umasa ka. Imposible daw. Sweet lang daw siya at wala lang daw yun kasi alam naman niyang nakikisakay ka lang.. Wala wala lang daw ang pagkasweet niya sayo tsong."


Napalunok si Glaiza... Parang nakaramdam siya ng unti-unting pagkadurog ng puso niya..


"W-Wala wala lang?" Nakailang kurap siya. Ayaw niyang maiyak... "I-Ibig sabihin... Lahat pala ng mga sinabi niya wala lang? Lahat ng moves niya sakin, wala wala lang pala sa kanya?"


"Yun din ang naisip ko. Kaya yun, parang nainis nalang ako kanina kaya iniwan ko nalang siya." Chynna said. Nahahalata na niyang parang nangingilid na ang luha ni Glaiza. Alam niyang masasaktan ito kapag sinabi niya pero mabuti na ring sinabi niya..


Napalunok nanaman si Glaiza na parang pinipigilan niya yung pagbagsak ng luha niya. "Lahat lahat pala, wala lang... Umasa ako ha." Medyo nag-half smile si Glaiza. "Naalala ko na sinabi niya pa kay Patty na 'totoo na kaming dalawa' pero natatakot lang gawing official. Hindi pala totoo yun. Wala lang pala sa kanya yun."


Nabigla si Chynna. "Ano?! Sinabi niya ang alin? Kay Patty Tiu?"


Tiningnan ni Glaiza si Chynna. "Tinanong kasi ni Patty kung anong meron daw saming dalawa ni Rhian dahil ang sweet sweet daw namin. Hindi ako nakapagsalita so si Rhian yung sumagot. Ang point niya, totohanan na daw kami. In real life, totoo na. Pero natatakot lang daw gawing official. Sinong hindi aasa don diba?" Ayun na. Tumulo na yung luha ni Glaiza. "Tapos sinabihan niya pa ko na Mahal niya ko. Sa harap ni Patty. So nag-assume talaga ako na seryoso na. Wala wala lang pala yun." Medyo natawa siya. "Lahat pala ng mga ginawa niya sakin, sinabi niya, wala wala lang pala."


Lumapit ng kaunti si Chynna kay Glaiza at tinapik ang likod nito. "Tsong. Sorry. Sorry kung sinabi ko pa. Ayan tuloy..."


Umiling si Glaiza. "No. Okay nga e. Salamat kasi sinabi mo. At least mas may dahilan na ko para iwasan siya." She exhaled. "Sobrang nakatulong to para iwasan ko na nga siya lalo. Tigilan ko na. Masasaktan lang din naman ako. Tutal, hindi naman pala siya seryoso sa mga pinaggagagawa niya. Ginagawa niya lang pala akong tanga. Ako naman si tanga, umaasa. Hay nakooo." Pinunasan niya yung luha niya. "Umasa ako Chynna pero okay lang. Hindi pa naman huli ang lahat para pigilan to. Salamat sayo." Nginitian ni Glaiza si Chynna na halatang pilit lang.


Napailing nalang si Chynna.. Ayaw na niyang sumawsaw pa. Alam niyang masakit ito kay Glaiza...


Pero alam niya ring mali si Rhian. Sa kahit na saang anggulo, kitang kita niyang nakapag-paasa nga lang si Rhian. Parang pinaglaruan lang nito ang feelings ni Glaiza...


Mali talaga...


//






This track hit me like a sTORN. *fail attempt to humor* but seriously, this made my day! How to download? https://t.co/9rvnCfnadq @PattyTiu


Alam ko na. Ikaw ang lolo ko ✌️ #antithesis https://t.co/BdLzd5HrNH @benxalves


Isang oras nalang, 3AM na. Baka po mahamugan bunbunan niyo. #respetolang https://t.co/Z0wGqYBfGL @benxalves



Napabuntong hininga si Rhian nang mabasa yung tweets na yun ni Glaiza. Kanina niya pa tinitingnan yung tweets niya at halos lahat naman may connection kay Glaiza pero wala man lang itong sinagot kahit isa.


Mabuti pa si Patty Tiu at Benjamin Alves, pinapansin...

Hindi na nga ako pinapansin sa personal, pati sa twitter hindi pa rin.


Nagbuntong hininga nanaman siya. Gustung gusto na niyang i-mention si Glaiza pero baka mapahiya lang siya at hindi ito magreply.

Nakakakutob na siya na may iba. Na may mali. Hindi niya alam kung may nagawa siya. Gustung gusto niya itong itext at tawagan pero as usual, natatakot siya na baka hindi ito magreply o hindi sagutin ang tawag niya.


Nagbuntong hininga nanaman siya. Iniisip niya kung anong nangyayare. Okay naman sila kagabi. Basta lang nung hindi na ito bumalik sa bar doon na nagstart. Hindi na siya pinansin ni Glaiza. Pinanghahawakan niya yung sinabi ni Chynna na baka wala lang sa mood si Glaiza e, pati yung sinabi ni Katrina na wag siyang mag-isip pero wala na talaga eh.. Iba na to. Si Patty at Benjamin pinapansin ni Glaiza pero siya hinde?

Binabasa niya din yung tweets ng Rastro Rebels na parang may iba nga daw. Na pati sila biglang napansin na may mali... Na hindi nga daw siya pinapansin ni Glaiza.



Napapikit siya. Hindi niya maiwasang magisip. Gustung gusto na niyang kausapin si Glaiza..



Tiningnan niya ang phone niya.. Hindi na siya makatiis.



Kailangan ko na ba siyang tawagan? She thought.


Napapikit siya. "No Rhian. No. Kausapin mo siya ng personal. Wag sa ganito..." sabi niya sa sarili niya.


Nagbuntong hininga siya. Okay. Matulog kana Rhian... Bukas na bukas pagkadilat ng mga mata mo, at pagkadating mo sa set, kausapin mo siya. Tanungin mo kung anong problema.



Nagbuntong hininga nanaman siya.


Pinagiisip mo ko Glaiza.....




//


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


AN: UHMMMMMMMMMMM

Omg.


GUYS. SORRY SA LATE UD. PASENSYA NA PO DAMI KASING GINAGAWA SA SCHOOL HUHU SORRYYYYYY. SANA MAINTINDIHAN NIYO! :(

COMMENT! ✌

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 97 8
May isang babaeng di matanggap ang kanyang pagkatao sapagkat pag gising nya nalang ng isang umaga ay mabibigla nalang sya kasi mahal nya na pala ang...
17.3K 953 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
215K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
73.1K 3.2K 34
For worse or for better, Would you stay with me forever? "FANFICTION." Ps: please excuse the grammatical error. Date of publication: May 15, 2020.