My Accidental Fiancee

By im_Amystery

79.2K 1.4K 119

***WATTY'S 2018 SHORTLISTED*** [DE GUZMAN SERIES #3] (Story of Lia's and Eldrick's son from My Best Friend/Bo... More

Author's Note
C01: He's Awake • Tan-Tan
C02: Her Best friend • Tan-Tan
C03: She's Awake • Tan-Tan
C04: She Can't Remember • Tan-Tan
C05: Hospital Talk • Tan-Tan
C06: Hospital Talk • Ren
C07: She's Going • Ren
C08: She's Going • Tan-Tan
C09: Strangers' Starting Point • Tan-Tan
C10: She's Scared of the Dark • Tan-Tan
C11: She's So Clumsy and Slow • Tan-Tan
C12: Ms. And Mr. Popular • Ren
C13: The Promised Date • Tan-Tan
C14: Falling • Tan-Tan
C15: Last Day of Vacation • Tan-Tan
C16: Back to Manila • Tan-Tan
C17: Back to Manila • Ren
C18: Back to School • Tan-Tan
C20: He Remembers • Tan-Tan
C21: Wanting Her • Tan-Tan
C22: Her Last Night • Ren
C23: Her Last Night • Tan-Tan
C24: Her Past Came Back • Tan-Tan
C25: Her Past Came Back • Ren
C26: Welcome Party Riot • Tan-Tan
C27: The Last Request • Tan-Tan
C28: The Last Request • Ren
C29: Farewell, My Accidental Fiancée • Tan-Tan
C30: Farewell, My Accidental Fiancé • Ren
C31: The Finale • Tan-Tan
Epilogue • Tan-Tan
My Accidental Fiancée Songs
Bonus Chapter - Giving Away The Bride

C19: Friends' Revelation • Tan-Tan

1.9K 42 5
By im_Amystery

"MA, aalis na ako!" paalam ko pagkakuha ko sa may counter ng susi ng kotse ko.

"Mag-iingat ka anak, ha! Ikamusta mo na lang din ako kayla Mark at Dylan."

"Opo!"

Magkikita kami ngayon ng mga kaibigan ko sa dating university na pinapasukan ko. Sila Mark at Dylan pa lamang ang nakikita ni Mama sa mga kaibigan ko. May dalawa pa kaming kabarkada — sina Ron at Leo.

"Ingat ka, Tan-Tan." Hinalikan ko sa noo si Ren na nakatayo ngayon sa pintuan ng bahay.

"I will. Huwag mong kalimutang inumin ang gamot mo mamaya. Huwag ka rin masyadong magpapakapagod," habilin ko sa kanya.

Kung hindi lamang nilalagnat si Ren ngayon ay dapat isasama ko siya. Ayon kay Dr. Suarez ay dala lamang iyon ng pagod at dahil na rin sa maselang pagbubuntis niya. Pero wala naman daw kaming dapat ipag-alala. Malusog ang sanggol sa sinapupunan ni Ren. Sadyang madali lamang mapagod si Ren.

"Magpahinga ka maghapon. Kumain ka ng mga prutas na binili ko kanina at kumain ka sa oras." Tumango lang sa'kin si Ren.

"Boyfriend ka ba ni Ren o nanay? Grabe ka makahabilin!"

Napasimangot ako kay Ru-Ru. Kahit kailan talaga, panira ng diskarte!

"Selos ka lang!"

Natawa sa'min si Ren at inawat na kaming dalawa.

"Don't worry. Susundin ko lahat ng sinabi mo. Pasensya na, hindi ako makakasama sa'yo."

Bakit ba sa araw-araw na lang, sa malambing na tinig lang ni Ren, nawawala na ang pagka-badtrip ko?

"Ayos lang. Basta 'yung mga hinabilin ko, ha? Aalis na ako!"

I kissed her again. But this time, I took her sweet lips.

It was just a moment but it's enough to make both of our hearts thump with bliss.

"Uuwi ako agad kaya huwag kang mag-alala. I love you."

I stepped on the gas and started driving my car away.


SA PABORITO naming café kami magkikita ng mga kabarkada ko. Mabuti na lamang at nailista ko noon sa planner ko sa bahay ang mga contact number nila. Ito ang ginamit ko upang ma-contact silang lahat — maliban sa isa.

"Tan-Tan! Dito!"

Nadatnan kong nakaupo na ang tatlo sa mga kaibigan ko sa isang mesang malapit sa bintana ng café.

"Uy, tol! Kamusta kayo?" bati ko sa kanila.

"Heto, buhay pa rin," sabi ni Ron, ang bunso ng grupo.

"Ikaw ang kamusta? Balita namin naaksidente ka raw?" tanong sa'kin ni Mark, ang pinakaseryoso sa'ming lima.

"Oo nga, eh. Three months na rin ang nakalilipas nang mangyari iyon."

Isang waitress ang lumapit sa mesa namin. Mabilis naming ibinigay ang order naming light snacks at kape.

"Tol, dahil buhay ka pa, patunay lang 'yan na isa ka ring masamang damo!" pang-aasar ng malokong si Dylan.

"Sira! Huwag mo akong itulad sa'yo! Ilang babae na ba ang pinaiyak mo?"

"Ouch naman, tol! Hindi ko naman kasalanang ipinanganak akong gwapo," tugon niya sabay himas ng baba niya at may pataas-taas pa ng kilay.

Binatukan ko siya at nagtawanan ang dalawa pa naming kasama.

"Pero tol, seryoso, na-miss ka namin. Ang tagal mo ring hindi nagpakita sa'min."

Napangiti ako sa sinabi ni Mark. Kahit maloko ang mga ito, sila ang itinuturing kong pangalawang pamilya. They've been there for me for all these years. Samahang pinagtibay na ng panahon.

"Oo nga! Kahit isang tawag, hindi man lang niya naisipan!" pagtatampo ni Ron.

Bata ng isang taon sa'min si Ron pero pare-parehong magtatapos na kami ng kolehiyo. Maaga lang siyang nag-umpisa mag-aral.

"Tama na nga 'yan! Nandito na ako. Magkaiyakan pa tayo rito. Mapagkamalan pa tayong mga bakla!" pag-aawat ko sa kadramahan nila.

"Ang mabuti pa, maglaro ulit tayo ng volleyball tulad ng dati! Doon na natin i-interogate si Tan-Tan," sabi ni Dylan. "Marami kang utang na kwento sa'min, tol!"

Sumang-ayon ang lahat at hinila na nila ako palabas ng café.


DUMAAN kami sa department store malapit sa café bago kami nagpunta sa sports complex na lagi naming pinupuntahan noon. Pagdating namin sa court ay agad na nag-warm-up ang lahat. Nagbunutan kaming apat para malaman kung sinu-sino ang magkakagrupo.

"So, kamusta naman ang may fiancée?" pang-uusisa sa'kin ni Mark pagkatapos niyang mag-toss.

"Alam niyong may fiancée ako?"

"Oo naman. Nasabi sa'min ni Tito Eldrick na magkasama kayo sa Batangas noong bakasyon. Hindi niya lang naikwento 'yung buong detalye ng nangyari sa'yo."

I spiked the ball but was blocked by Dylan.

"Ah. So, hindi niyo pa talaga kilala ang girlfriend ko?"

"Syempre kilala namin!" sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"Talaga? Paano niyo naman siya nakilala?"

I spiked the ball again and it went through.

"Nagka-amnesia ka nga, pare. Kami kaya ang nagset-up sa inyong dalawa," pagpapaalala ni Dylan.

"Actually, si Leo talaga ang nakakakilala roon sa girlfriend mo. Tinulungan lang namin siya," sabi ni Mark.

Ron picked up the ball at the corner of the court.

"Speaking of Leo, nasaan nga pala ang lalaking iyon? Bakit hindi ko siya ma-contact sa cellphone niya? Nagbago na ba siya ng number?" tanong ko habang nakikipag-rally.

"Pati pala iyon ay hindi mo matandaan," komento ni Ron

"Ang alin?"

"Pare, nasa Amerika na si Leo. Doon niya tatapusin ang pag-aaral niya," sabi ni Dylan.

"Ah, ganoon ba?" I spiked the ball again and was received by Ron.

"Mabalik tayo sa love life mo. Kamusta naman ang fiancée mo?"

"Okay naman siya. May kaunting sinat lang siya ngayon kaya hindi ko siya naisama. Maselan din kasi ang pagbubuntis niya."

Hindi na-receive ni Mark ang bola. Napahinto silang tatlo sa paglalaro at napatitig sa'kin.

"Talaga? Buntis na siya? Wow, tol! Congrats!"

Inakbayan ako ni Mark at nakipagkamay.

"Hindi ko akalain na ganoon ka pala kabilis, 'tol!" sabay tapik sa balikat ko ni Dylan.

"Oo nga! Parang six months ago lang nang nagtatanong pa siya kung paano niya pasasagutin si Riz. Pagkatapos, nabuntis na niya pala!" ani Mark.

Naguluhan ako bigla sa naging takbo ng usapan.

"Teka! Teka! Sinong Riz?"

"Oh, nandito pala ang fiancée mo eh!" sabi ni Ron.

Si Ren? Paano naman siya mapupunta rito eh may sakit 'yon? At saka hindi naman niya alam ang lugar na ito.

"Hi, Tan-Tan. Long time no see."

Paglingon ko sa likod ko, isang babaeng hindi ko na naman maalala ang nagpakita sa akin.

"Ah. Hi." Pilit kong inaalala kung sino siya pero hindi ko talaga matandaan.

"Bakit parang ang lamig naman yata ng pakikitungo niyo sa isa't isa? Naku, huwag na kayong mahiyang maging lovey-dovey sa harapan namin!" panunukso ni Dylan.

"Dylan, ano kasi-... Hindi siya ang fian-..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na nilang dumugin 'yung babae.

"Riz, balita ko buntis ka na raw? Kayo ha. hindi niyo man lang sinasabi sa'min," panimula ni Dylan.

"Ako? Buntis? Hindi ah!"

"Eh, iyon ang sabi ni Tan-Tan," naguguluhang sagot ni Ron. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko.

"Teka! Wala akong sinabing siya 'yung buntis. Ang sabi ko, fiancée ko ang buntis!"

"Sandali lang. You mean, hindi si Riz ang fiancée mo? Bakit at paano nangyari 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ni Mark.

"Hindi. Reverie Metherlance ang name ng fiancée ko. At isa pa, hindi ko siya kilala," sabi ko sabay turo sa babae.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng lahat — lalo na sa mukha ng babaeng nagngangalang Riz.

"Tan-Tan, ano bang nangyayari sa'yo? Ako ito, si Riz! Girlfriend mo ako," sabi ng babae habang hawak-hawak ang dalawang pisngi ko.

Tinanggal ko ang dalawang kamay niya sa mukha ko at humakbang paatras.

"Sorry, miss. Pero hindi talaga kita kilala."

"Totoo ang sinasabi ni Riz, tol! Siya ang girlfriend mo." singit ni Dylan.

Tila pinaglalaruan na naman ako ng tadhana. Ang gulo na naman! Sino na naman itong babaeng nasa harapan ko? Kung siya talaga ang girlfriend ko, sino si Ren sa buhay ko?

"Tan-Tan, ako si Riz. Girlfriend mo ako. Honey, what's happening to you?"

Hahawakan sana niya ang pisngi ko ngunit napigilan ko siya agad.

"Sorry, hindi ako ang boyfriend mo. Guys, aalis na ako. Sa susunod na lang ulit." Mabilis na tumakbo ako papunta sa bench at kinuha ang bag ko. Walang lingun-lingon akong dumiretso papunta sa labasan ng gym.

"Sandali lang, Tan-Tan!" Narinig kong sigaw nilang lahat pero hindi ako tumigil sa pagtakbo paalis.

Ano ba talagang nangyayari? Bakit ganito nanaman ang eksena ko? Bakit may nagsasabi nanamang girlfriend ko siya?

Naguguluhang nagmaneho ako pauwi. Ayokong isiping totoo ang mga sinabi ng babaeng iyon na siya ang girlfriend ko. Subalit alam ko ring hindi naman magsisinungaling sa'kin ang mga kabarkada ko.

Napahampas ako sa manubela sa sobrang inis.

Hindi! Imposibleng siya ang girlfriend ko! Malabong mangyari 'yon! Imposibleng siya 'yung dapat na aayain kong magpakasal!

Huminto ako sa isang parking lot. Ayaw ko munang umuwi. Kailangan ko munang mapag-isa. Kailangan ko munang kalmahin ang sarili ko. Ayaw kong madatnan ako ni Ren sa ganitong estado.

Iniwan ko ang sasakyan ko at naglakad-lakad muna.

Bakit ba kailangang mangyari sa'kin ito? Bakit kami pa ni Ren ang napaglalaruan ng tadhana? Kailan ba titigil 'to?

Habang parang baliw akong naglalakad, napahinto ako sa Eternal Garden, isang flower shop.

Red roses. Paborito rin kaya ito ng babaeng tinatawag na Riz? Sa kanya ko ba talaga dapat ibibigay 'yung bouquet na iyon? Bakit hindi man lang niya ako pinuntahan noong nasa ospital pa ako?

Napatingin ako sa bouquet na naka-display sa harapan ng shop. Isa itong bouquet ng red roses na binalot sa light pink flower wrapping na may color old rose na ribbon.

Agad na sumagi sa isipan ko si Ren. Sigurado akong magugustuhan niya ang ganoong klase ng bouquet.

"Miss, isang bouquet nga na katulad noong nasa display niyo."

"Yes, sir."

There's only one thing I know. Si Ren ang girlfriend ko. Siya lang.

"Ito na po ang order niyo, sir. Thank you, come again."

Dali-dali akong bumalik sa sasakyan ko. Wala akong ibang gusto kung hindi ang makita lamang siya. I feel like suffocating. Kailangan ko nang makita si Ren. Siya lang ang magpapagaan ng loob ko.


WALA pang dalawampung minuto ay nakarating na ako sa bahay.

"Nandito na po ako," sigaw ko mula sa pintuan.

"Oh, Tan-tan! Bakit ang aga mo yatang umuwi?" sabi ni Mama na kagagaling lamang sa kusina.

"Nasaan po si Ren?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya. Natutulog. Kumain ka na ba?"

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Mama. Agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Ren. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko napigilang haplusin ang maamo niyang mukha.

"Ren, ikaw naman talaga ang girlfriend ko, 'di ba?"

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Ren.

"Tan-Tan? Kanina ka pa ba nakauwi? Anong oras na ba?" pupungay-pungay na sabi niya.

Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang kanyang buhok.

"Sige lang. Matulog ka lang. Maaga lang akong nakauwi."

"Bakit? Hindi ba may bonding kayo ng mga kabarkada mo?"

Hindi ako nakasagot. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Humiga ako at tumabi kay Ren. Ikinulong ko sa aking mga bisig ang katawan niya.

"Tan-Tan, may problema ba?" tanong niya habang yakap-yakap ko siya.

Hindi ko maintindihan pero nagsisilbing parang gamot ko si Ren. 'Yung tinig niya, 'yung yakap niya, 'yung halik niya, lahat ng tungkol sa kanya, nagpapakalma sa'kin. Lahat ng ginagawa ni Ren, nagpapasaya sa'kin. Mula nang mawalan ako ng alaala, sa tuwing yakap-yakap ko siya, pakiramdam ko'y nawawala lahat ng problemang kinakaharap ko. Ang mga bagay na gumugulo sa'king isipan ay parang bulang naglalaho sa paningin ko. Nothing matters in this world of ours.

"Wala akong problema. Gusto ko lang yakapin ka," pagsisinungaling ko sa kanya. Ayaw ko siyang mag-alala lalo na't maaring makasama ito sa pagbubuntis niya.

Wala siyang sinabi. She just hugged me back and I hugged her tighter. Tahimik lang kaming magkayakap sa loob ng limang minuto.

"Oo nga pala. May binili ako para sa'yo." Tumayo ako at inabot ang bouquet sa kanya.

"Wow, favorite ko! Thanks!" She gave me a peck on the cheeks.

I smiled as I gaze upon her blissful demeanor.

That Riz will never be my girl. Because the only girl for me is already right in front of me.

Continue Reading

You'll Also Like

365K 7.9K 28
Highest rank #2 in short story. lyr father wants to marry her to his bestfriend son and shes not agree with it.. she get drunk on a bar and give her...
81.1K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
35K 648 26
How long does it take to be like by someone? Buong buhay ni Margarita Lopez ginugol niya sa pag-aaral.Ginagawa niya lahat para maipagmalaki siya n...
248K 3.6K 54
Mia always has those strong and defensive way to interact with boys except from his brother. Being defensive leaded her to encounter the school's he...