RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Strings (8)

6.4K 229 94
By pluviopilya

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang tinitingnan ang sarili niya sa salamin.

Naka simple white cocktail dress siya. With black na ribbon sa hip. It's cute and bagay na bagay talaga sa kanya..

Paggising niya kaninang umaga, inabot agad ito ni Luis at sinabing suotin niya para sa lakad nila ngayon.

She sighed. Saan ba kami pupunta at parang ang casual naman nito? Pwede naman akong mag-jeans nalang.


"Babe-- I mean, Rhian.. Let's go." Luis smiled pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto ng kwarto.

Napakunot ang noo ni Rhian. Naka-shirt suit si Luis... Tatanungin niya sana kung bakit ang casual din ng suot nito pero niyaya na siya nito lumabas. Nagkibit balikat nalang siya. Baka sa party kami pupunta today.


Sumakay na sila ng kotse. Nakita ni Rhian ang extra pang suit sa backseat ng kotse kaya napatanong na siya.

"Luis.. Saan ba tayo pupunta? Bakit parang ang casual natin ngayon?"

Luis looked at her for a second. "Yang suit na nasa likod, pamalit ko mamaya if ever. Tsaka, wag kana magtanong. Okay?" He smiled.

Napailing si Rhian. "I'm sorry for demanding pero.. pwede bang sabihin mo nalang? To be honest, kinakabahan kasi ako."

"Uhm, Actually, yung totoo, di ko rin sure kung matutuwa ka sa gagawin ko. Pero, eto lang talaga nakikita kong way para matapos na tong problema nating lahat. Problema natin." Seryoso si Luis nung sinabi yun. So lalo lang kinabahan si Rhian.

"Luis..."

"Shhhhh.." He looked at Rhian. "Chill, Just sit back, and Relax.." He smiled.

Wala nalang nagawa si Rhian kundi manahimik. At maghintay nalang ng mangyayari..


//






"Bakit ba pinagsuot niyo ko ng ganito?!" Galit na tanong ni Glaiza sa dalawang taong nakaharap sa kanya ngayon.

"Hey! Bagay kaya sayo!" Bianca said and smiled.

"Tama siya pre. Bagay sayo. Tsaka pwede ba? Wag kang KJ." Umirap naman si Chynna.

"Sino ba namang hindi magiging KJ dito ha?! Ano bang klase to? White dress? Ano ako white lady?!" Umirap din si Glaiza na parang naiinis na rin.

"Alam mo, kahapon kapa ganyan simula nung pumunta tayo dito." Umupo si Chynna sa kama. "Nandito tayo para magenjoy okay? Sayang naman yung bayad kung di mo ieenjoy."

"Hindi ko naman to ginusto." Glaiza looked at Chynna. "Pinilit niyo lang ako na pumunta dito. Kaya please, umuwi nalang tayo ng Pilipinas kasi wala ring mangyayari kung nandito tayo sa Amsterdam. Hindi ito nakakatulong sakin. Nasstress lang ako lalo." Napahawak si Glaiza sa noo niya.

"Wala ka na ngang ginastos dito, nasstress ka pa din?" Bianca sighed. "You know what, magiging worth it din yung pagsstay mo dito okay? Kaya tumayo kana diyan at umalis na tayo."

Masamang tiningnan ni Glaiza si Bianca. "Palibhasa bagay sa inyo yang mga suot niyo."

Pagkasabi niya nun, nagulat siya dahil bigla siyang tinulak ni Chynna.

"Aray ko naman!! Hindi nakakatuwa ah!" Galit na sigaw ni Glaiza.

"Nang-aasar ka ba tsong? Bagay? Itong gupit na to? Nakapanlalaking gupit tapos nakadress, bagay? Ulul." Umirap si Chynna.

"Bakit, may sinabi ba kong magdress ka?! Ginusto mo naman yan ah!" Umirap din si Glaiza na parang asar na asar na.

Napabuntong hininga si Bianca. "Glaiza, tigilan mo na nga yang bitter attitude mo."

Napatingin si Glaiza saglit kay Bianca. "So ipapasok mo nanaman sa usapan yung bestfriend mo? Tama na Bianca please, tigilan na natin siya. Ayoko na."

"Ilang beses ko na bang narinig sayo yang Ayaw mo na?" Tiningnan ni Chynna si Glaiza. "Kung naipamamalit lang sa pera yang pagsasabi mo na 'Ayoko na' baka mayaman na ko.." Umiling siya. "Lagi mong sinasabing ayaw mo na, pero ang totoo, walang oras na di ka nananalangin na sana bumalik si Rhian sayo."

Napalunok si Glaiza. Naglook away siya... Alam niyang tama si Chynna. Walang oras o minuto na di siya nanalangin na sana isang araw, magbago ang lahat, bumalik ang lahat sa dati... Na sana isang araw, makasalubong niya si Rhian at sasabihin nitong magsimula ulit sila. Inaamin niya yun, hanggang ngayon umaasa pa rin siyang babalikan siya ni Rhian.. Kahit alam naman niyang imposible na nga.

"Hay nako tsong." Tinap ni Chynna ang likod ni Glaiza. "Tumayo kana. Halika na. Malay mo, may magandang mangyari pala ngayon." Tumayo na si Chynna at hinila si Glaiza.

Umiling si Glaiza. "Umuwi na tayo ng Pilipinas para may magandang mangyari."

Napailing si Bianca at tinulungan si Chynna sa paghihila kay Glaiza. "Come on. Tumayo kanaaaaa. Pag walang magandang nangyari ngayon, uuwi na tayo as soon as possible."

Biglang tumayo si Glaiza. "So hihintayin ko pang matapos tong araw na to bago tayo umuwi ng Pinas?"

"Basta halika na." Hinila na ni Chynna si Glaiza at hindi na ito hinayaang magsalita pa.



//





"Here we go." Binuksan ni Luis ang pinto ng kotse para makalabas ng ayos si Rhian. Inalalayan niya pa itong bumaba at inabutan ito ng isang bouquet ng flowers.

Napakunot ang noo ni Rhian nung bumaba siya ng kotse at nung kinuha yung mga bulaklak. "P-Para saan to? At nasaan ba tayo?" Lumingon siya sa paligid at nakita ang napakalaking mala-kastilyo na nasa harap nila ngayon.

"Wow...." Yun lang ang salitang lumabas sa bibig niya dahil sa sobrang amazed.

"Vondelkerk. Isa sa pinakamagagandang simbahan dito sa Amsterdam." Luis said.

Napatingin naman bigla si Rhian sa kanya nang marinig na simbahan pala ito. Bigla nanaman siyang kinutuban..

"Then bakit tayo nandito?" Takang taka na tanong niya tapos tiningnan yung outfit nila ni Luis. Parang mas lalo na siyang nakakakutob ng something... "Luis.. Luis, ano ba to? Bakit tayo naka-casual? Please tell me. I'm so nervous right now. Just please..."

Medyo natawa si Luis. "Alam mo Rhian, Let's go. Pumasok na tayo sa loob."

"No!" Umiling si Rhian. "Hindi. Ayoko." Napalunok siya. "Ayoko Luis. Sinabi ko naman sayong ayoko na. Please, wag naman sa ganitong paraan." Medyo parang biglang nagpanic si Rhian. Halo halo ng situation ang naiisip niya.

Natawa lalo si Luis. "Hey.. Ano bang sinasabi mo?"

"Ayoko--"

"Rhian." Hinawakan ni Luis ang braso ni Rhian para pakalmahin ito. "Nandito na tayo. Wala na tong atrasan. Sa ayaw at sa gusto mo, itutuloy natin to."

Umiling si Rhian pero hindi niya alam kung bakit wala na rin siyang magawa. Gusto niyang umatras. Hindi ito magandang ideya. Ayaw niya... Ayaw niya kay Luis.


Nung nasa tapat na sila ng pintuan ng simbahan, kinakabahan siya. Hindi niya alam ang gagawin..

"Nakasarado Luis. Parang walang tao. Wag na natin tong ituloy please..." Parang nagmamakaawa na si Rhian dahil ayaw niya talaga. Iba talaga yung kutob niya.

Luis smiled. "Magbubukas yan after a minute or two." He sighed, "May kukunin lang ako sa kotse. Babalik din ako agad."

Hindi na nagantay pa si Luis na sumagot si Rhian at iniwan na ito basta.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Rhian habang nakatingin sa nakasarado at napakalaking pintuan ng simbahan...

Gusto niyang tumalikod at tumakbo sa kung saan para hindi ito matuloy. Gusto niyang magalit kay Luis... Wala ito sa usapan. Ito ba yung plano ni Luis na magugustuhan daw niya?

Napailing siya. Ayoko nito. Kahit kelan hindi ko pinangarap na siya ang makakasama ko sa ganitong eksena ng buhay ko....

Napatingin siya sa bulaklak na hawak niya. Ayoko. Ayoko Luis...


"Rhian..."

Bumalik din agad si Luis at hinawakan ang kamay niya..

Pagkahawak na pagkahawak ni Luis ng kamay niya, unti-unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan....


//




"Wala ngang katao tao oh! Parang walang misa. Nakapag-pray na naman ako. Umuwi nalang tayo." Parang wala sa mood na sabi ni Glaiza kina Chynna at Bianca.

"Hoy. Wag ka ngang bastos. Nasa simbahan ka." Sita naman ni Chynna kay Glaiza.

Napailing nalang si Glaiza dahil sa inis. "Seryoso naman kasing wala ako sa mood. Please, bumalik na tayo sa hotel..."

"Shhh, can you please sit down and stop talking?" Bianca said at tinuro ang upuan kay Glaiza.

Umirap naman si Glaiza at umupo sa tinurong upuan ni Bianca.

"Good" Bianca said at tumingin nanaman sa pintuan ng simbahan na parang may inaabangang pumasok.

"Seryoso, medyo matagal to ha." Chynna said at tiningnan din ang tinitingnan ni Bianca..



Nagulat sila nang may dalawang medyo nasa mid-20s ang pumunta sa may pintuan ng simbahan at parang may hinila para unti unting magbukas ang pinto...



"Ayan na....." Chynna said.

"This is it." Bianca said too.

Napakunot naman ang noo ni Glaiza sa reaksyon ng dalawa kaya di niya napigilan ang sarili niyang mapatayo at tingnan din ang tinitingnan nina Chynna...

Biglang may nagpatunog ng bell sa harapan ng simbahan...

May pari na nagaabang sa dalawa. May dalawang binatilyong nakaputi din sa gilid ng Pari at may hawak na bell din at pinatutunog ito.


Hindi maaninag ni Glaiza ang dalawang taong pumapasok sa loob ng simbahan dahil sa liwanag.


Pero nang maisara na ang pinto, biglang bumilis ang tibok ng puso niya....

·


·


·



·


·

Hawak ni Luis ang kanang kamay ni Rhian habang nakangiti. Si Rhian, may hawak na bulaklak sa kaliwang kamay. Hindi madefine ang reaksyon nito pero nandun yung 'gulat' dahil nakita nito sina Bianca sa simbahan.. Gustung gusto nitong tanungin lahat. Pakiramdam ni Rhian nananaginip lang siya...

·


·


·


Nakatingin lang si Glaiza habang naglalakad yung dalawa sa gitna ng simbahan...

Si Rhian... Naka-white dress din siya.. Sobrang bagay sa kanya yung suot niya.. Bakit siya nandito? Ano to? Bakit hawak ni Luis yung kamay niya?


"Pinapunta niyo ba ko dito para ipakita na ikakasal sila?" Biglang lumabas sa bibig niya kaya bigla ding napatingin sina Chynna at Bianca sa kanya pero walang sumagot ng tanong niya.

Gusto niyang maiyak. Gusto niyang mag-walk out pero pakiramdam niya, napako siya sa kinatatayuan niya. Wala siyang naging choice kundi panuorin nalang ang babaeng mahal niya hawak ang kamay ng isang lalaking sinisigurado niyang napakaswerte sa mga oras na to...


·


·


·


·



·


·



·

Nakailang lunok na si Rhian.. Mahigpit ang pagkakahawak ni Luis sa kamay niya.

Gusto niyang bumitaw. Gusto niyang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay nito pero hindi niya kaya.. Nanlalambot siya..

Pinipilit niyang alisin ang atensyon sa tatlong nasa medyo unahan pa ng simbahan.

Impossible. Paano nangyaring nandito din sila?

Sampu lang silang nasa loob ng simbahan n

gayon.

Kasama y

ung Pari, yung dalawang lalaking nagbukas ng pintuan at yung dalawang lalaking nagpapatunog ng bell...


Napalunok nanaman siya, sinabi ko na nung una palang, This isn't good....


·


·



·



·


·


·


Gustong sumabog ni Glaiza nang ilang hakbang nalang e malapit na sina Rhian sa kinatatayuan nilang tatlo.

Gustung gusto niya talagang tumakbo ngayon.. Magpakalayo. Masakit ito sa mga mata niya.

Dinala ba nila ko dito para ipakita to? Gusto ba talaga nila akong patayin?


Nakatingin siya kay Rhian..

Napakaganda niya...

Yun lang ang unang bagay na masasabi niya. Napakaganda ni Rhian. Wala naman itong make-up, very natural. Pero sobrang ganda pa din. Ang ganda ganda niya. Very angelic.. Para nga siyang white rose.. Nakakatakot dumihan...

·


·


·


·


·

Nung nasa tapat na nila Glaiza sina Rhian at Luis.. Bigla itong huminto.

Nagkatinginan silang dalawa ni Rhian. Wasak na wasak na ang puso ni Glaiza... Wasak na wasak na ang puso niya sa nakikita niya. Bakit huminto pa sina Luis sa harap niya?


·


·


·


·


·

"Glaiza..." Luis smiled at Glaiza.


Nagtaka si Glaiza nang kunin ni Luis ang kamay niya...

·


·


·

Pati si Rhian hindi makapaniwala nang bitawan ni Luis ang kanang kamay niya at ipatong ito sa kamay ni Glaiza...


·


·


·

Napalunok si Rhian habang nakatingin sa nakangiting si Luis. "W-What... What is this?"






"It's Glaiza and Rhian's. Not Luis and Rhian's."


Napakunot ang noo ni Rhian.. Hindi niya maintindihan.. Parang wala siyang maintindihan..

Tiningnan niya ang kamay niyang hawak na ngayon ng nanginginig na kamay ni Glaiza..

Nagkatinginan sila ni Glaiza. Halata din dito ang sobrang naguguluhan sa mga nangyayari.

·


·



·

Hinawakan ni Luis ang kamay nina Rhian at Glaiza. "Kayo talagang dalawa eh..." He smiled at them.

Nagulat sina Glaiza at Rhian dahil bigla ding hinawakan ni Chynna ang mga kamay nila. "Mga tsong. Sige na. Harapin niyo na si Father." Ngumiti din ito sa kanila na halatang tuwang tuwa.

Hinawakan din ni Bianca ang kamay nila. "Blessings to you guys. Dalawa na ang besties ko ngayon." She smiled too.


Nakailang lunok sina Rhian at Glaiza dahil gulung-gulo talaga sila sa mga nagaganap ngayon..

Binitawan na ng tatlo ang kamay nina Rhian at Glaiza.

"Sige na mga tsong. Wag niyo ng pag-antayin si Father." Tinulak ng slight ni Chynna si Glaiza para magstart na itong maglakad.

Napalunok si Glaiza at napatingin kay Rhian.

·


·


·


"A-ano to?" She asked her.

Umiling si Rhian na parang naguguluhan din. "I have no idea... Naguguluhan din ako."

Huminga ng malalim si Glaiza. "Nanginginig ako.."

Rhian sighed too. "Me too."

Napalunok si Glaiza at kahit nanginginig, hinawakan niya pa rin ng mahigpit ang kamay ni Rhian...

"Gusto mo ba to? I mean, ito. Itong nangyayari..." Tanong niya kay Rhian.

Hindi siya makapaniwala nang ngumiti si Rhian sa kanya. "Marami tayong dapat pag-usapan. Pero pwede bang pag-usapan natin yun after nito?"

Napakunot ang noo niya.. "Ibig sabihin--"

"Glaiza, hindi ko rin alam kung bakit nangyayari to. I feel like I'm dreaming. It's very unbelievable. But look, marami tayong di pa napaguusapan pero diba you suggested na magsimula ulit tayo? Hindi ko maintindihan tong nangyayari pero ito na yung sagot ko. Simulan na natin yung suggestion mo." Rhian smiled at her one more time to assure her.

Napalunok nanaman si Glaiza. Hindi talaga siya makapaniwala. Hindi niya alam ang sasabihin pero sobrang saya niya.. Hindi niya maipaliwanag yung nararamdaman niya ngayon.



"Mga pre, wag niyo ng paghintayin si Father oy. Maglakad na kayo..."



Napatingin sila sa nakangiting sina Chynna, Luis at Bianca..

Sabay pa silang napabuntong hininga at tiningnan ang isa't isa.

"Game.."

Nag-start na silang maglakad sa aisle papunta sa Altar.


·


·

·


·



·



Pinatunog pa lalo ng dalawang binatilyo ang bell na hawak nila. Ito ang tunog sa loob ng simbahan ngayon..

Tinaas ng Pari ang kamay niya na parang binabasbasan sina Rhian at Glaiza..

"Dear children of God, you have come to this church so that the Lord may seal your love in the presence of the priest and this community. Christ blesses this love. He has already consecrated you in baptism; now, by a special sacrament, he strengthens you to fulfil the duties of your married life.

You are about to celebrate this sacrament. Have you come here of your own free will and choice and without compulsion to marry each other?" Tiningnan ng Pari ang dalawa.

Nagkatinginan naman sina Rhian at Glaiza at parang nangangapa ng sasabihin nila.

"Yes." Glaiza said.

"We have." Sagot naman ni Rhian.

"Will you love and honour each other in marriage all the days of your life?"

Glaiza smiled at Rhian.. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. "Yes. Yes. Of course."

Napangiti din si Rhian. "We will."

Tiningna nila ang Pari na sinisimulan na silang dasalan.

Mahigpit ang pagkakahawak nila sa kamay ng isa't isa. Ramdam na ramdam nila ang panginginig ng mga kamay nila sa mga oras nato..

·

·


·

"Buti naman pumayag kang ipakasal siya kay Glaiza." Biglang sabi ni Chynna at tinap ang balikat ni Luis.

Luis smiled habang nakatingin kina Glaiza at Rhian ngayon. "Naglolokohan lang naman kaming dalawa ni Rhian. Hindi ko siya kayang lokohin pa."

"Pero nagawa mo na nga siyang lokohin." Nakisali naman si Bianca.

"Pero di ko na pinagpatuloy. Ang totoo? Kung hindi niyo pa ko kinonfront, baka hanggang ngayon, naglolokohan pa rin kami ni Rhian. Hindi naman talaga niya ko mahal e. Halata namang pinipilit niya lang yung sarili niya na mahalin ako. Well, gusto ko naman talaga siya. Pero iba rin yung mahal ko e. Kaya pakiramdam ko niloloko lang talaga namin yung isa't isa."

Napailing nalang si Chynna. "Pero salamat sa ticket tsong ha. First time ko dito."

Nginitian ni Luis si Chynna. "Wala yun. Gusto ko rin kasing mapasaya si Rhian kaya ko ginawa to. Sumali ako sa gusto niyo. Sila naman talaga yung nagmamahalan e. At kung hindi tayo kikilos, parehas lang silang masasaktan at walang mangyayaring kapalit yung mga sakit nila. Mabuti na rin tong inagad agad natin. And ang swerte kasi legal dito yung same sex marriage. Actually kinontrata ko lang yang Priest kaya medyo nagmamadali na kasi may appointment pa ata." Medyo natawa nanaman si Luis.

"Wow. I thought you're too bad. Not that bad pala." Bianca smiled.

Napailing nalang si Luis. "Teka, Chynna yung singsing iabot mo na sa dalawa."

Napalingon naman si Chynna kay Luis. "Ako? Ako magbibigay ng singsing?"

Ngumiti si Luis at ibinigay na agad kay Chynna ang singsing ng dalawa.

"Dali na. Parang nagmamadali na yung pari e." Tinulak naman ng very light ni Luis si Chynna.

"Teka.. So ako yung Ring bearer?" Medyo naguguluhan pa din na tanong ni Chynna.

"Go na Chyns. Wala naman tayong choice. Tayo tayo lang ang nandito." Natawa naman si Bianca.

"Porkit maliit ako, ako talaga ginawang Ring bearer. Ang hard niyo sakin ah!"

Natawa naman sila.

Lumapit na din si Chynna kina Rhian at Glaiza. "Oh singsing niyo mga tsong. Ayiieee. Malapit na kayong mag-merge." Natatawa tawa pa ito bago umalis at bumalik sa pwesto niya kanina.

Napailing nalang sina Glaiza at Rhian habang natatawa tawa din kay Chynna.

·


·


·

"May the Lord bless these rings, which will be the sign of your love and fidelity." Sinimulan naman ng itaas ng Pari ang singsing at iniabot din kina Glaiza at Rhian.

Lumapit naman ang dalawang nagbebell kina Glaiza at Rhian at may iniabot itong papel. Yun yung sasabihin nila habang sinusuot ang singsing sa isa't isa.

Napalunok si Glaiza.. Sinenyasan siya ni Rhian na siya na ang mauna. "I, Glaiza De Castro, take you.." She looked at Rhian. "Rhian Ramos, as my wife, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death us do part." Ngumiti siya. Medyo nanginginig yung boses niya sa sobrang kaba habang sinasabi ang mga yun.

Totoo na ba to? Totoo na ba talaga to? She thought.


This time, si Rhian naman yung bumuntong hininga at halatang kinakabahan. "I, Rhian Ramos Howell, take you, Glaiza De Castro Galura as my WIFE, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death us part.."

Gustong maiyak ni Rhian.. After all, after all my mistakes, our mistakes, eto kami. Totoo ba to? Please naman, kung panaginip, sana habang buhay nalang akong tulog...

"What God joins together must not separate. May the Lord confirm the consent that you have given, and enrich you with His blessings." The Priest said.

Nagpalakpakan sina Chynna, Luis at Bianca.

"By the power vested in me, I now pronounce you wife and wife." Ngumiti yung Pari sa kanilang dalawa. "Bride, You may now kiss your bride." Tinuro nung Pari si Rhian kay Glaiza.

Nagkatinginan si Rhian at Glaiza.

Eto na yung kiss. Eto na ba yung kiss? Glaiza asked herself.

Nakatingin lang silang dalawa sa isa't isa na parang naiilang kung sinong unang magmumove. Parehas silang kinakabahan pa din hanggang ngayon..

"I love you Rhian." Glaiza said habang nakatingin kay Rhian.

Nag-smile si Rhian at mabilis na inilapit ang mukha niya kay Glaiza.

Rhian kissed her. Si Rhian ang kumiss.

Their first kiss as a newly married couple.

"I love you. I miss you. And thank you." Rhian said after the kiss.

·

·


·

"I present to you the newly married couple, Glaiza and Rhian." Tinaas ng Pari ang kamay niya at parang nagbigay ng blessings.

Nagpalakpakan nanaman sina Luis. Hindi na nga napigilan ni Chynna at napatili na siya.

"Yesssss!!!!! Yahooo!!!"

Natawa sila sa reaction ni Chynna.

"Congratulations." The Priest smiled at them at nagpaalam na.

Nagkatinginan nanaman si Rhian at Glaiza. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib nilang dalawa.

Biglang niyakap ni Glaiza si Rhian at di niya napigilan ang sarili niya.


Napaluha siya... Napaluha siya sa sobrang saya.


"Gusto kong sumabog sa sobrang saya Rhi.. Hindi ko... Hindi ko alam ang sasabihin. Sobrang saya ko..." Umiyak si Glaiza habang nakayakap sa Asawa niya.

Rhian smiled. Naiiyak din siya. Hindi niya to ineexpect. I can't contain my happiness.. This is too much..

"I love you so much. I love you, my wife." Bumitaw si Rhian sa pagkakayakap at kinissan pa ng mabilis ang umiiyak na si Glaiza. "Shhhh.. Parehas tayong masaya. Wag ka ng umiyak."

"Hindi ko lang mapigilan. Sobrang saya ko.."

Pinunasan ni Rhian ang luha ni Glaiza gamit ang thumb niya at kinissan ito sa ilong ng mabilis. "Masaya din ako.. Masaya ako Glaiza. Sobra."

Napangiti si Glaiza at kikissan sana si Rhian sa labi e biglang nagsalita si Chynna.


"Hep hep hep! Nandito pa kami mga tsong. Wag muna." Natatawa itong lumapit sa kanila at niyakap silang dalawa. "Nice naman! Hello sayo Mrs. De Castro." Nginitian niya si Rhian. "At hello sayo Mrs. Ramos." Nginitian naman niya si Glaiza. "Teka, ano ba talagang apelyido niyo ngayon?" She joked.

Natawa si Rhian. "Gagamitin ko yung surname ni Glaiza." She looked at Glaiza and smiled.

"Hello besties!!" Lumapit din si Bianca sa kanila. "Oh my God. May asawa kana bestie." Bineso niya si Rhian. "Namiss kitang bruha ka."

Natawa si Rhian at niyakap ang bestfriend niya. "I missed you too."

"Taas kasi ng pride e!" Pinalo pa ng slight ni Bianca si Rhian at bigla niyang tiningnan si Glaiza. "Hey. Usapang matino. Alagaan mo tong bestfriend ko ha? Pinagkakatiwalaan kita." Bineso niya si Glaiza. "Seriously, Congrats. Lagi mong bibigyan ng TimTams to si Rhian ha? Wag bibiguin at wag ka ng magpakilalang 'L'!!" She joked at tinap ang balikat ni Glaiza para i-congrats.

Napangiti naman si Glaiza dahil sobra talaga siyang natutuwa. "Thank you so much Guys. Sobrang thank you. Utang namin to sa inyo." She looked at Luis. "Especially sayo Luis thank you. Hindi ko to inaasahan. Sobrang thank you."

Luis smiled. "Hindi ko rin to inaasahan e.." Natawa siya ng konti. "Pero wala yun. Anything for the love birds."

"Chynna and Biancs, thank you. Sobra sobrang thank you." Glaiza smiled.

"Wala yun. Kayo pa ba?" Lumapit si Chynna sa dalawa. "At dahil nga pala bagong kasal kayo, pwede bang bago ang honeymoon, magpainom naman muna kayo? Paparty." Tinaas taas niya ang kilay niya para papayagin ang dalawa.

"Ay. Gusto ko yan. Sigesige." Bianca agreed.

Natawa sina Rhian at Glaiza. "Sige. Sagot ko na. Maginuman tayo ngayong gabi." Glaiza looked at Rhian.

Nagsmile naman si Rhian. "We will drink anything we want. Magparty tayo."

Napa-Yes! nanaman si Chynna sa sobrang tuwa..

Hinawakan naman ni Glaiza ang kamay ng Asawa niya at nginitian ito.


Isang word lang talaga ang nagdedescribe ng nararamdaman nila ngayon. Happiness.


Actually No. Three words pala. Too much Happiness...


//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.




AN: OH MY GOD AIZBSIWBZIBWIZBZ!!! WNWJSBDWIXNXO!!

ITO ANG PINAKAMAHABANG CHAPTER KO SO FAAAAAAAAAAR. OMG I CAN'T EVEN NAISNWIZJIW ❤❤❤❤❤❤❤❤

PUSO PUSO PUSO ❤

SANA DI KO KAYO NADISAPPOINT HUHUHU OMG THEY'RE OFFICIALLY MARRIED!!!!! ❤❤❤

ACTUALLY DAPAT HAHATIIN KO PA TO SA DALAWANG CHAPS KASI MAHABA NGA PERO NAISIP KONG BAKA MABITIN KAYO KAYA TINULUY TULOY KO NA.

ANDDDDDDDD! IDK KUNG MAGDADAGDAG PA KO NG "BONUS CHAPTER" OR NAH.

PERO BAGO YUN, GUSTO KONG MALAMAN ANG FEEDBACKS NIYO SA CHAPTER NATO. WAAAAAH MARAMING SALAMAT! Labyu!!

MAGCOMMENT KAYO!! ❤

--
Pero ang totoong Author's note neto : Sana nabawi ko kahit papaano yung sakit na naramdaman niyo sa episode tonight. Pasensya na. Wala na talaga ako sa mood. Sana nagustuhan niyo. Ingat kayo!

Continue Reading

You'll Also Like

498K 7.2K 78
True love? Happy ending? Meron ba nyan? Sa mga tambalang Gonzaquis,Bara,Fatunay at Alyden? Let's find out as you read this story.
181K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
98.5K 1.5K 63
Friends Lovers Complications Determinations SUCCESS
322K 5.7K 105
Where memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. ...