The Ice Princess vs. the Casa...

By Scribblerrific

303K 6.6K 719

[ONGOING] When sixteen year-old Zoey Claire de Guzman transferred to the most prestigious school in the Ph... More

Blurb - The Road to the Start
Foreword - Let the Battle Begin
Introduction - Opening Salvo
Official Soundtracks - Melodies of the Heart ♫
Chapter 1 - Reality Bites
Chapter 2 - Fallacious Choice
Chapter 3 - Lucid Dream
Chapter 4 - Benumbed Heart
Chapter 5 - Turning Point
Chapter 6 - The Revenge
Chapter 7 - Fast and Furious
Chapter 8 - Destiny's Game
Chapter 9 - The Deal
Chapter 10 - The Masquerade Ball
Chapter 11 - If I Fall
Chapter 12 - Would You Catch Me?
Chapter 13 - The Search Has Begun
Chapter 14 - Foolish Hearts
Chapter 15 - Mistaken Identity
Chapter 16 - The Search is Over
Chapter 17 - Facebook Buzz
Chapter 18 - Twist of Fate
Chapter 19 - The Big Revelation
Chapter 20 - Walk of Fame
Chapter 21 - A Sky of Love
Chapter 22 - Does Forever Exists?
Chapter 23 - Frozen Heart
Chapter 24 - The Other Side
Chapter 25 - The Heart Wants What It Wants
Chapter 26 - A Delightful Serendipity
Chapter 27 - Love is In the Paper
Chapter 29 - Locked in Love
Chapter 30 - Take Time to Realize
Chapter 31 - Randomness of Fate
Chapter 32 - Sound of Silence
Chapter 33 - Study Buddy
Chapter 34 - Must Be Love
Special Side Chapters' Section
Side Chapter 1 - All About IAAP
Side Chapter 2 - Mr. and Ms. Style
Author's Note
Wattys 2015 Winner!
Author's Note
The Update 2020

Chapter 28 - Puzzled Mind

1.9K 31 0
By Scribblerrific

Chapter 28 - Puzzled Mind

Official Soundtrack - Loving You Easy by Zac Brown Band 

Hello sa lahat ng mga sumusuporta sa kwentong ito! Please support my story for the People's Choice Award by tweeting on Twitter: [ #MyWattysChoice The Ice Princess vs. the Casanova ] Voting period starts on July 13, 2015 and ends on July 20, 2015. The top 10 stories to get the most tweets will be awarded the People's Choice Award. So, please support my story! Thank you and God bless!


Zoey's POV


Last day of the week at weekend na naman, and the most anticipated IAAP is coming up next! Pero bago kaming mga estudyante na ma-excite, I guess dapat kabahan muna kami sa results ng first periodical exams. 


Kung kinakabahan man sila, doblehen niyo na ang kabang nararamdaman ko. All this time, I've been trying my best to be on top para lang mabigyan ko ang parents ko ng reason para umattend sa graduation ko. 


Tulad nalang 'nung elementary, I strived hard para maging Valedictorian, and fortunately, I achieved it. So my parents cancelled all their business trips and meetings para lang makasali. Dahil kung hindi ko nakuha ang top spot na 'yon, I bet, isa lang sa kanila ang sasali, at pagkatapos, aalis na rin agad.


Physics time na pala namin, at habang dinidistribute ng subject teacher namin from lowest to highest, hindi ko naman maiwasang mag-isip tungkol kay Delightful Serendipity.


Sino nga kaya 'yon at bakit niya kaya ginagawa 'yon? Hmm.


"At last but not the least, the one's who got the highest mark in my test, Zoey Salazar," sabi ni Mrs. Torres na ikinabigla ko naman. "Ay, mali pala, Zoey de Guzman and Drake Salazar," dagdag niya pa sabay ngiti.


Sabay naman kaming tumayo at pumunta sa harap ni Drake.


"Mrs. Torres naman, pinapangunahan mo 'yung future eh," sabi pa ni Drake habang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ng subject teacher namin.


Nang akma ko nang kunin ang testpaper ko, nagkasabay pa kami ni Drake, nahawakan niya pa tuloy kamay ko. 


He smirked, but then I just gave him a cold stare.


Kinuha ko ang testpaper ko pati na rin kamay ko sa pagkakahawak ng kamay niya at agad na bumalik sa upuan ko.


Agad na ring umalis si Mrs. Torres after distributing the testpapers. Pinapahinga niya raw muna kami at magpapahinga rin daw siya. Sumakit raw kasi ulo niya kaka-check ng testpapers eh. Well, obvious naman, eh mukhang litong-lito pa nga siya sa pangalan ko at sa surname ng asungot eh. Tss.


Kinompare at tinignan naman ng iba ang mga sagot nila. May mga nagtataka pa nga kung bakit hindi sila magkaparehas ng marka, eh nagkokopyahan lang naman daw sila. 


Tinignan ko na rin ang testpaper ko para makita kung saan ako nagkamali, pero unang tingin ko pa nga lang sa pangalan, nabigla nalang ako nang makita kong ang testpaper pala ni Drake ang nakuha ko. 


I immediately turned my head towards him.


"Drake, will you give me my testpaper?" I asked.


"Bakit?" he chuckled.


"Obvious ba? Nagkapalit tayo ng papel oh," sabi ko sabay pakita sa kanya ng testpaper na hawak-hawak ko.


"Tss," he chuckled playfully. "Alam mo, palitan mo nalang ang first name ko, sa first name mo, para maging Zoey Claire Salazar ka na, 'di ba?" he smirked.


"That will never happen, tatanda nalang akong dalaga," sagot ko. "Now, give me back my testpaper."


"Ano naman ang problema 'dun? Eh una, pareho naman tayo ng markang nakuha, at pangalawa, Salazar ka na 'di ba?" he laughed playfully.


"Drake naman eh," sabi ko sabay tayo para kunin ang testpaper ko.


Tutal, wala naman ang guro namin, kasi ibinigay nga niya sa amin ang oras para makapag-relax.


"Get it, if you can," sabi niya sabay takbo.


"Drake," I exclaimed at narinig ko namang napatawa lang siya.


"Catch me," he said playfully sabay tingin sa akin.


Tumakbo siya palabas ng classroom pero mabilis ko rin siyang hinabol. Kung saan-saan nalang siya tumakbo pero sinundan ko lang siya. Tss. Nakakainis talaga ang asungot na 'to.


Hindi pa rin kami tumigil sa kakatakbo hanggang sa makalabas kami ng HS Building. Buti nalang at 'nung malapit kami sa soccer field, may naisip akong diskarte. 


"Aray," sabi ko, with feelings.


Agad naman siyang napalingon sa akin habang tumatakbo and finally, napatigil rin siya sa paglalakad. Bakit? Nabangga kasi siya sa puno.


"Ouch," he yelled.


Tinawanan ko naman siya habang siya naman ay napasandal nalang 'dun sa kahoy na hawak-hawak ang kaliwang pisngi niya.


"Aw, kawawa naman," sabi ko ng dahan-dahan habang tumatawa pa rin ng mahina.


Unti-unti ko naman siyang nilapitan habang nakangiti. Napansin ko na sa bawat hakbang ko, pansin ko sa mga mata niya na nakatulala lang siya. Nang malapitan ko na siya, agad kong hinawakan ang pisngi niya.


"Masakit ba?" sabi ko sabay frown ng kaunti na tila concerned ako.


Tumango lang siya habang nakatitig sa mata ko, na tila ba nawawala siya sa isip habang tinitignan ako. Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya at unti-unti namang napapangiti ang labi niya nang hinawakan ko ang pisngi niya.


Go get your testpaper, Zoey!


Agad kong hinablot ang testpaper ko na nasa kanang kamay niya naman.


"Aha," sabi ko and smiled triumphantly. "Got it," dagdag ko pa sabay talon-talon.


Pero napansin kong parang wala pa rin siya sa isip at nakatitig pa rin sa akin na tila ba matutunaw ako.


Itinapon ko ang testpaper niya sa mukha niya at 'dun nagising naman ang asungot sa sarili, but instead na magdamdam, he just gave me a smirk. Tinalikuran ko lang siya at agad na bumalik sa HS Building.


Drake's POV


Sinadya kong magkapalit kami ni Zoey ng testpaper kasi alam kong aagawin at aagawin niyo ito kahit anong mangyari. Eh, kilala ko na 'tong Ice Princess na 'to eh.


Nang mapansin niyang nagkapalit kami, agad niya akong kinausap, pero ako naman, siyempre chance ko na 'to para makuha ang atensyon niya, kaya magpapahabol muna ako bago niya makuha ito. 


Tumakbo ako pababa ng HS Building, hanggang sa nakalabas nalang ako pero habang siya nakabuntot at nakahabol pa rin sa akin. Grabe, ang palaban naman talaga nitong babaeng 'to.


Naisipan kong tumakbo sa soccer field, baka sakaling nandun si Lyndon, at kung makita niya man kami, selos ang aabutin 'nun 'pag nagkataon.


"Aray," rinig kong sigaw ni Zoey kung kaya't napalingon ako.


Nang napalingon ako sa kanya, bigla nalang akong nabangga 'dun sa puno.


"Ouch," sabi ko sabay hawak ng kaliwang pisngi kong nabangga sa kahoy.


Napansin ko siyang tumawa habang ako naman, napasandal nalang 'dun sa kahoy. Maya-maya ay unti-unti niya akong nilapitan. 


At nang nilapitan niya ako, parang nawawala ako sa sarili habang nakatingin lamang sa mga mata niya. Parang nagslow-motion ang paligid at kahit mga pinagsasabi niya, hindi ko rin masyadong maintindihan. 


Para akong isang DLSR camera sa sandaling 'yon na tila ba siya lang ang focus ng lens ko.


Napalunok naman ako nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin, pero nang walang anu-ano'y bigla niya nalang hinablot ang testpaper niya at agad na umatras.


Napatitig nalang ako habang masaya niyang hawak-hawak ang testpaper niya. Napapangiti nalang ako habang nakatitig pa rin sa kanya at nagising nalang nang bigla niyang itinapon sa mukha ko ang testpaper ko.


Agad naman siyang tumalikod at tumakbo pabalik ng HS Building. Pero nakatitig pa rin ako habang naglalakad siya.


Maya-maya ay bigla nalang akong nilapitan ni Tyler.


"Dude, ba't parang baliw kang nakangiti d'yan?" sabi niya sabay halakhak nang makita ako.


"Ah," sabi ko naman nang napagtanto kong 'yon nga, nakangiti lang ako na parang timang. "Ah, wala, naghahabulan kasi kami ni Zoey," paliwanag ko naman.


"Ang lalandi niyo naman, dude," sabi niya sabay tawa. "Naghahabulan pa kayo sa class hours."


"Hindi ah, kinuha ko nalang ang chansa, nagkapalit kasi ang testpapers namin sa Physics, at alam mo naman ang babaeng 'yon, palaban, kaya ayun hinabol niya ako hanggang dito," paliwanag ko naman.


"Ah, sige actually, napadaan lang ako kasi may pinadala 'yung adviser namin sa Main Building. Sige, mauna na ako ha?" sabi niya.


"Sabay na tayo," sabi ko naman at agad na rin kaming naglakad pabalik ng HS Building.


Maya-maya ay napag-isipan kong sulatan si Zoey sa sticky note. Kaya pinauna ko na nga lang si tyler sa pag-akyat. Kinuha ko ang maliit na sticky note at ballpen sa bulsa ko. Nagsimula na akong magsulat at pumuwesto na rin sa harap ng locker ni Zoey.


Zoey,

Kung nagtataka ka talaga kung sino ako, 'wag mong kalimutan sa Theater mamaya. At 'dun may makukuha kang clue.

Truly Yours,

Delightful Serendipity


"Hoy asungot," bigla kong narinig.


Te - teka, mukhang si Zoey lang naman yata ang tumatawag sa akin 'nun. Well, I'm positive, si Zoey nga 'to kaya nilapirot ko na ang sticky note bago umikot sa kanya.


Zoey's POV


Nang bumalik ako sa classroom, nagulat nalang ako nang nasa loob na pala 'yung susunod na subject teacher namin. Napatingin ako sa oras, pero napansin kong wala pa naman sa oras.


"Kung hindi mo alam, inanunsyo na magkakaroon ng shortened schedule para makapag-practice ang mga athletes, gayunpaman, pumasok ka na," sabi ng guro at tsaka pumasok na rin ako.


Grabe, nakakabasa pa pala ng isip 'tong si Mrs. Abaddon. 


Dinistribute niya na rin ang mga testpapers at ako tahimik lang na naghihintay sa testpaper ko.


"Drake Evan Salazar," sabi ni Mrs. Abaddon sabay tingin sa upuan ni Drake. "Nasaan si Drake?" she asked.


"Uhm, mukhang lumabas po yata ma'am," sagot naman ng PRO namin.


Agad naman akong tinignan ni Mrs. Abaddon. Napalunok nalang ako. 


Ano naman kaya ang ipapagawa nito?


"Zoey, tutal, late ka namang pumasok sa klase ko, ikaw na ang tumawag kay Drake," sabi niya.


"Opo ma'am," sagot ko naman at agad na tumayo.


Lumabas na ako ng classroom at maiging naghanap ang mga mata ko habang naglalakad. Nakarating nalang ako sa groundfloor, pero parang hindi ko pa rin siya makita. 


Nasaan na ba ang asungot na 'yon?


Tss, matapos niya akong pinahabol sa kanya, heto't hahanapin ko na naman siya?


Nagtungo ako sa hallway ng mga lockers, at sa wakas, nahanap ko na rin siyang nakatayo sa - sa tapat ng locker ko? Bakit naman? Matawag nga 'tong asungot na 'to.


"Hoy asungot," pagtawag ko sa kanya.


Agad naman siyang napalingon. Napansin kong may nilapirot siya sa kamay niya. Tinignan ko 'yon pero agad rin akong napatingin sa mukha niya na mukhang hindi mapakali.


"Pinapapasok ka na ni Mrs. Abaddon," dagdag ko naman matapos kong tignan ang kamay niya.


"Uh, ha? Wala pa naman 'yung time niya," sabi niya na mukhang lutang.


"Shortened schedule daw, para makapag-ensayo na ang mga athletes sa IAAP," sabi ko naman. "Basta, 'yon na 'yon, sumunod ka na nga lang," dagdag ko at umikot na rin.


Parang hindi ko siya napapansing nakasunod sa akin kaya nilingon ko na naman siya. Nabigla naman siya at nilapirot ulit ang kamay.


"Alam mo? Ang labo mo rin minsan 'no?" sabi ko. "Kung hindi ka pinapasunod, sumusunod ka, tapos ngayong pinapasunod ka naman, hindi ka naman susunod."


"Oo, heto na, susunod na," sabi niya sabay lagay ng nilapirot niyang papel sa kanyang bulsa.


Umikot na ulit ako at naglakad na paakyat ng HS Building. 


Nang makabalik na kami sa classroom, nakuha ko na rin 'yung testpaper ko sa Economics. Two mistakes lang at highest rin ako. 


'Nung English time, pagkatapos dinistribute ni Mrs. Belo ang mga testpapers, agad niya rin akong tinawag para kausapin tungkol sa special publication ng IAAP Magazine. At bilang editor-in-chief, inatasan niya akong mag-conduct ng meeting mamayang hapon.


Bago mag-lunch, nakapasok na rin lahat ng subject teachers namin. Malalaki naman ang nakukuha kong marka. Pero sa Physics, Economics at Filipino lang ako naging highest sa buong batch.


Sa mga subjects pa kung saan habang nag-aaral ako eh, pumapasok ang asungot na Drake na 'yon. Does that make any sense?


Buntong-hininga.


Non-sense.


Well, lunch na and as usual, nandito kami nina Chantelle at Stacey sa cafeteria. Pinag-usapan namin ang mga grades namin at maya-maya napunta naman ang usapan namin sa upcoming IAAP.


"Excited na talaga ako sa IAAP, excited na akong makita si Tyler-baby kong maglao ng basketball. Anyway, samahan niyo naman akong manood ng first game nila oh," sabi ni Stacey na mukhang kinikilig.


"Uhm, sige Stacey, game ako d'yan," sagot ni Chantelle.


"How about you Zoey?" tanong ni Stacey.


"Hindi na 'no? Baka kung ano pang sabihin ng asungot na 'yon 'pag nanuod ako, tsaka manonood naman ako ng soccer game ni Lyndon eh," paliwanag ko naman nang mailunok ko na ang kinain ko.


"Duh, as if magkaparehas naman ng schedule ang game ng dalawa 'no?" sabi ni Chantelle.


"Ah, basta, ayaw ko pa rin," sabi ko naman sabay inom ng tubig. "Anyway, may meeting pa pala tayo para sa school paper mamaya, i-GM niyo na sa mga miyembro please," sabi ko nang matapos uminom ng tubig.


"Okay Ms. Editor-in-Chief!" sabi ni Stacey sabay kuha ng cellphone niya sa bag.


Ako nga pala 'yung binotong editor-in-chief ng karamihan sa high school department at inatasan nga ako kanina ng English teacher namin para magconduct nitong meeting. 


Kinuha ko nang contributors sina Chantelle at Stacey, eh gusto rin naman nila tsaka mabuti na rin 'yon para may nakakausap naman ako.


"Junior athletes and cheerleaders, please proceed to your respective fields or gyms, wear your jersey uniforms from your MAPEH class. School paper and publication members of the high school department, please proceed to your meeting room. Non-participants, please proceed to the Audio Visual Room," rinig namin sa buong HS Building.


Well, kung nagtataka kayo kung bakit junior, ibig kasing sabihin niyan, junior is for high school department while senior naman is for the college department.


Agad na ring tumayo ang lahat ng estudyante at nagtungo na rin kaming tatlo sa SPP Meeting Room. Maya-maya ay nakompleto na rin ang mga mebers from editor-in-chief hanggang sa mga contributors.


"So, last year, ito ang official 49th publication ng high school department tungkol sa IAAP Season 55," sabi ko habang hawak-hawak ang magazine last year. "So, sa pagkakaalam ko, our year will be the 50th year para sa publication nitong Fastbreak magazine, so I suggest we our tagline would be, 'Go for Gold' and with the help of our photo editors, we can make this magazine shine, like gold, at tamang-tama rin 'yan para sa mascot nating Golden Griffins," paliwanag ko.


Pumalakpak naman ang iba sabay bigay ng good-job sign sa akin. Maya-maya ay pinag-meetingan na namin ang assignments bawat section. 


"Secretary," sabi ko. "Please, pakisulat naman ng mga game schedules sa whiteboard," dagdag ko sabay bigay sa kanya ng whiteboard marker.


Habang sinusulat naman ito ng secretary, patuloy pa rin kami sa pagdidiscuss tungkol sa layout plans at 'dun pa rin sa assignments kung sino ang susulat ng article tungkol sa isang game.


"Stacey, ikaw nalang kaya ang gumawa ng sa basketball, tutal, sure na manonood ka naman 'di ba?" I suggested.


"Nako, 'wag na 'no, tsaka gusto kong mag-enjoy habang nanonood ng game," sagot niya naman. "Sa ibang sport nalang ako," dagdag niya pa.


Well, naintindihan ko naman 'yon. Buti na nga lang at marami na ang nagpresenta para sa ibang sports, pero bakit parang sa basketball wala? Well, siguro dahil isa ito sa magiging talk of the town, and no one ones to miss that, right?


"Chantelle, ikaw nalang, please," sabi ko ka Chantelle.


"Uhm, sige na nga, tutal nagpapasama naman si Stacey sa akin para manood ng games," sagot niya naman.


I heaved a sigh of relief nang matapos na ang assignments of tasks. Agad ko itong ipinalista sa assistant secretary.


Saktong pagkatapos isulat ng secretary ang schedule eh, settled na rin kami sa mga assignments. 


Actually, irerelease namin 'to after the season, ang agenda lang talaga namin ay ang mga assigned tasks and sections para sa mga articles.


"Guys, tignan niyo nalang ang schedules ng assigned sports ninyo at paki-take note nalang please," sabi ko naman.


Agad na rin silang kumuha ng kani-kanilang mga notebooks, cellphones, at kung anumang gadget para ilista ang dates.


So, sa Monday na nga ang opening ceremony which will be held naman sa Smart Araneta Coliseum. Wala namang laro sa kahit na anong sport on that day. 


Maya-maya ay may biglang pumasok sa pintuan ng SPP Room.


"Excuse me," sabi ni Julie nang buksan niya ang pintuan, agad naman kaming napalingon sa kanya. "Uhm, Zoey, pinapatawag ka nga pala ni Mrs. Ilustrisimo at Coach Arguelles," dagdag niya pa.


"Uh - eh, hindi pa kami tapos dito, pero malapit na, I'll adjourn the meeting na," sabi ko naman.


"Sige, punta ka nalang daw sa volleyball gym," sagot niya at isinara na rin ang pinto nang magpaalam na siya.


Nagbigay nalang ako ng kaunting instructions sa kanila at agad ko namang inadjourn ang meeting since tapos na nga rin kami sa agenda namin.


"Guys, ipasa niyo nalang ang mga articles ng bawat game sa akin every time na magkakaroon tayo ng meeting. Well, of course sa December pa irerelease ang magazine since sa December naman magtatapos ang IAAP season, pero magcoconduct tayo ng meeting maybe every week. At bilang editor-in-chief, mamimili ako ng mga interesting articles. Pero don't worry, mapipili talaga each of your articles, 'yun nga lang, I have to filter some since hindi naman pwede na maging kasing kapal ang magazine natin tulad ng mga novels," paliwanag ko habang nagtatake-note naman ang iba sa mga upuan nila. "Anyway, I guess that's all for today, meeting adjourned. See you sa susunod na meeting."


Sa December nga pala matatapos ang IAAP para sa junior division o high school department, habang para sa senior division o college department naman, mayroon silang first semester sports which is from August to October at second semester sports which is from December to March.


Pagkatapos kong i-adjourn ang meeting, agad na rin kaming lumabas sa SPP Meeting Room. Nagpasama na rin ako kina Chantelle at Stacey patungo sa volleyball gym.


Nang makarating na kami, nakita namin na puspusang nag-eensayo ang Gentle Griffinettes at Lady Griffinettes para sa incoming IAAP. Well, agad naman naming nilapitan si Mrs. Ilustrisimo at si Coach Arguelles.


"Buti naman at nandito ka na Zoey," panimulang bati ni Mrs. Ilustrisimo nang makita niya ako.


"Nakita namin na last IAAP season, nakuha mo ang rookie of the year award from your previous school, at since nandito ka na rin naman sa PIA, hindi naman namin gustong sayangin ang skills and abilities mo as athlete," pagpapaliwanag ni Coach Arguelles. "Kaya we are inviting you to be a part of the team. We are recruiting you since hindi ka naman nagtryouts," dagdag niya pa.


Matagal na nila akong inimbitahan, pero I always decline the offer. Well, una sa lahat, oo, naging kasali nga ako sa girls' volleyball team ng previous school ko, at nang lumipat ako dito, masyadong marami ang nangyari kaya hindi na ako nagtryouts, pakiramdam ko kasi, nagbago na ako eh.


"Uhm," I started, still thinking twice.


"Huwag mo nang pag-isipan, I'll give a high grade in MAPEH, since parte naman ito ng subject," sabi ni Mrs. Ilustrisimo.


Napatingin nalang ako sa mga nag-eensayo. Para tuloy bumalik 'yung kagustuhan kong maglaro ulit ng volleyball. Nang makita ko ang bola, parang gusto ko ngang angkinin eh.


"Uhm, sige po ma'am," sagot ko sabay tingin kay coach at kay teacher.


Agad nila akong pinagpalit ng jersey na gamit-gamit namin sa MAPEH tuwing naglalaro kami ng iba't-ibang sports kaya bumalik na muna ako sa HS Building. Nasa locker ko kasi 'yung jersey uniform ko.


"Wow, bigtime ka na Zoey ah? Hindi ka lang beauty and brains, sporty ka pa," sabi ni Chantelle habang naglalakad kami pabalik sa HS Building.


"Bakit may beauty? Kung brains lang, eh matatanggap ko. Nasaan naman ba kasi ang beauty sa mukhang 'to," sagot ko naman.


"Ano ka ba? Maganda ka kaya," sabi naman ni Stacey. "Anyway, we will support you all the way!"


"Paano ba 'yan Zoey? Ikaw pa naman editor-in-chief ng Fastbreak magazine, baka mahirapan kang pagbalansehin ang schedule mo," sabi naman ni Chantelle.


"Uhm, pwede bang magconduct kayo ng urgent meeting ngayon, since may oras pa naman, at please sabihin mo sa assistant editor-in-chief na kailangan ko ng tulong niya, at pakisabi na rin tungkol sa sitwasyon ko, ok?" sabi ko.


"Sige walang problema Zoey," sabi naman ni Chantelle.


Agad na ring nag-group message si Stacey sa mga members at iniwan na nga nila ako para magtungo muli sa SPP Meeting Room. 


Nagbihis agad ako nang makuha ko na ang jersey uniform mula sa locker ko. Naglakad na ako pabalik sa volleyball gym nang bigla akong tinabihan ni Lyndon.


"Te - teka? May sport kang lalaruin? Astig ah!" sabi niya sabay tingin sa akin.


"Uhm, actually kaka-recruit lang sa akin ni Coach Arguelles sa Lady Griffinettes, at dagdag grades rin 'yon kaya tinanggap ko nalang," paliwanag ko naman.


"So you mean, magaling kang sa volleyball? Wow," sabi niya na mukhang manghang-mangha.


"Hindi naman masyado, pero rookie of the year awardee ako last year from my previous school," sagot ko naman.


"Anong hindi naman masyado? Magaling ka talaga 'no. Ikaw pa," sabi niya.


"Mag-usap nga tayo, manood ka sa game ko this Thursday, at manonood naman ako sa game niyo, just tell me the schedule," he said. "Okay ba 'yon?"


"Sige ba, basta ikaw," sagot ko naman.


"Sige, mukhang nandito ka na yata sa volleyball gym, punta na rin ako sa soccer field," sabi niya naman.


Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa at 'yon pumasok na rin ako sa volleyball gym. Ayon, pinasali na ako ni coach sa warm-up drills ng team. At nagkaroon na rin kami ng practice game: Lady Griffinettes vs. Junior Griffinettes.


Pagkatapos, ginawa rin akong outside hitter ni coach.


Nang mag-waterbreak kami, humanga naman sila sa galing ko sa volleyball. Pero hindi naman talaga ako magaling 'no, moderate lang siguro.


"Ang galing mo naman pala ate Zoey, sana nagtryouts ka," sabi ni Patrisha, isang third-year high school.


"Oo nga, buti nalang at nirecruit ka ate," dagdag pa ng isang di ko kilala.


"Malaking tulong ka talaga sa team," sabi naman ni Nicole, isa ring fourth-year high school.


Pero mayroon ring nagalit. 


"Ano ba 'yan, perfect na sana ang team, may idinagdag pa," sabi ni Daphne. "Well, for sure, bench ka lang."


Kung matatandaan niyo, si Daphne nga 'yung patay na patay kay Drake noon. Isa rin siya sa mga queen bee 'raw' dito sa campus. Well, I don't agree. Hindi kasi pang-queen 'yung ugali niya.


Maya-maya ay muli nang nag-resume ang game. This time, ipinaghiwalay na ang boys' and girls' team. 


Sa kalagitnaan ng paglalaro, nabigla ako nang matapos kong i-spike ang isang bola, may paparating na naman. Siyempre, medyo mahirap pa sa akin na mag-adjust since kakagamit ko lang ng strength ko.


Napapikit nalang ako habang naka-kalasag naman ang aking mga kamay sa mukha ko.


Nabigla nalang ako nang hindi ako natamaan ng bola when in fact ilang segundo na rin ang nakalipas.


"Okay ka lang ba?" bigla kong narinig.


Drake's POV


Binigyan lang kami ng instructions ni coach. Nagwarm-up drills na rin kami at naglaro. Well, simula pa nga lang ng classes, nag-eensayo na kami at tama na rin 'yon para sa IAAP Junior's division.


Nang matapos na ang isang game namin with the team, agad naman akong nagfreshen-up. Habang nagbibihis, nag-usap naman kami ng G4.


"Regarding nga pala 'dun kay Delightful Serendipity, ngayon na ba ako magpakilala or what?" tanong kong nag-aalinlangan.


"Uhm, ikaw bahala, basta magpakilala ka lang, baka kasi may iba pang magpanggap," sabi ni Nathan.


"Well, siguro mas mabuti kung the day of our first game in basketball bago ng game. Para naman maimbitahan mo pa siyang makasama sa game 'di ba?" sabi ni Lance.


Napaisip naman ako sa sinabi niya, mukhang pwede nga 'yon 'no. Well, sana nga lang at dumalo siya. Pero kilala ko si Zoey eh, kung curious siya, inaalam niya talaga. Kaya sigurado dadating 'yon.


"Pero nasabi ko nang ngayon eh, baka hindi na 'yon maniwala kapag i'postpone ko," sabi ko naman.


"Pwede namang clue nalang muna ang ibigay mo eh," sabi naman ni Tyler.


Tama, magbibigay nalang muna ako ng clue. Pero, sisiguraduhin ko ring hindi niya mahahalata. Hahaha!


"Thanks, dudes," sabi ko sabay high five sa kanilang tatlo.


Nagpaalam na rin ako sa kanila at agad na naglakad pabalik sa HS Building para ihanda na ang Theater ng Main Building.


Maya-maya ay bigla ko nalang napansin si Zoey na nakajersey uniform habang naglalakad.


Te - teka, may sinalihan ba siyang sport or what?


Lalapitan ko na sana siya, ngunit bigla nalang akong naunahan ni Lyndon. Ayun nag-usap sila habang naglalakad, pero palihim ko naman silang sinusundan.


Then I found out na nakatayo na sila sa tapat ng volleyball gym.


Zoey . . . volleyball?


Hindi ko naman akalain na may skill pala 'tong Ice Princess na 'to sa sport. Mukhang hindi ko pa nga siya masyadong nakikilala. 


Matapos ang ilang minuto, umalis na rin si Lyndon at pumasok naman sa loob si Zoey. Napatingin nalang ako habang naglalaro siya.


Ang galing niya nga naman talaga.


Pagkatapos ng water break nila, bumalik naman ulit sila sa paglalaro. Kasali nga pala si Daphne sa team, 'yung babaeng patay na patay sa akin kaya nagamit ko ang walang kamalay-malay na si Zoey dahil pinagselosan niya ba naman.


Halos mapaindak nalang ako nang makita kong naka-spike si Zoey, 'yun nga lang, kakatapos nga lang ng talon niyang iyon, agad na nag-serve ng panibagong bola si Daphne patungo kay Zoey.


Mabilis akong tumakbo para saluhin ang bola. Buti nalang at tamang-tama lang ang timing ko. 


"Okay ka lang ba?" sabi ko sabay tapon ng bola.


Ibinuka niya naman ang mga mata niya at napalunok nalang nang makita niya ako. I smiled at her while she composed herself once again.


Agad namang lumapit si coach at si Mrs. Ilustrismo nang mapansin ang tensyon sa gitna ng court.


"Anong nangyayari dito?" tanong ni coach nang makalapit na sa kinatatayuan namin ni Zoey.


"Uhm, wala lang po coach," sabi ni Zoey.


"Anong wala? Kitang-kita ko ang pangyayari coach, sinadya ni Daphne na tapunan ng bola si Zoey," direkta kong sabi kay coach.


"Daphne, sumunod ka sa akin," sabi ni Mrs. Ilustrisimo sabay labas ng volleyball gym.


Agad namang sumunod si Daphne, pero bago 'siya sumunod, inihagis niya muna ang isang bola sa isang pader. 


At second offence na pala ni Daphne 'yon, last offence nalang at ikikick-out na siya sa volleyball team.


Maya-maya ay dinismiss na rin sila ng coach nila. Sinundan ko naman si Zoey habang papunta 'dun sa bench kung saan niya nilagay ang bag niya.


"Hindi mo na dapat ginawa 'yon, kaya ko namang labanan si Daphne eh," sabi niya sabay kuha ng tuwalya.


"Kinaya mo ba ang sitwasyon kanina? Tss. Kung hindi lang sana dumating 'tong Superman mo eh," sabi ko naman sabay flex ng muscles.


"Ang yabang talaga ng asungot na 'to," sagot niya naman. "Pero kahit na 'no, alam mo namang hindi nalang ako basta-bastang nagpapatalo."


"Mabuti na 'yung kampante 'no? Baka kung anu-ano pa kasing mangyari sa'yo kung wala ako eh," paliwanag niya naman.


Maya-maya ay tinignan ko ang relo ko. Nako, 4 PM na, siguro pagkatapos magbihis ni Zoey, pupunta na siya sa Theater.


"At bakit ka ba nandito? Dapat nasa basketball gym ka," sabi niya naman pagkatapos uminom ng tubig.


"Tapos na kasi 'yung practice naman, tsaka, ito na oh, aalis na po," sabi ko naman at nagpaalam na rin sa kanya kahit hindi niya ako sinagot.


Agad na akong lumabas sa volleyball gym at mabilis na nagtungo sa Theater ng Main Building.


Zoey's POV


Hindi ko akalaing niligtas ako ni Drake sa bruhang Daphne na 'yon. Well, at least now I'm aware. Pero humanda talaga ang Daphne na 'yon sa akin, 'pag gawin niya 'yon ulit sa akin, i-spispike ko talaga ang mukha 'nun.


"Ate Zoey, nakakakilig naman 'yung ginawa ni Kuya Drake sa'yo," sabi ng isa kong teammate na mukhang lower year yata.


"Oo nga eh, parang Guardian Angel lang siya ni Ate Zoey," dagdag pa 'nung isa.


"Bakit nga pala kayo nag-break ate? Sayang naman," sabi naman 'nung isa.


Saktong naayos ko na ang mga gamit ko at tsaka ko siya tinignan at ngumiti.


"I guess we're better off each other," sagot ko at agad na ring umalis.


Nagtungo muna ako sa locker room ng voleyball gym para magfreshen-up. Nagbihis agad ako pagkatapos at nagtungo na sa HS Building.


Agad naman akong sinalubong nina Chantelle at Stacey.


"How was your first training day?" panimula ni Chantelle.


"Okay lang naman, kaso muntik na akong natamaan ng bola na sinadyang ibato ni Daphne," paliwanag ko naman.


"Mabuti nalang at muntik lang pala, ang galing mo talagang sumalo," sabi ni Stacey.


"Hindi - hindi ko nga nasalo eh," sabi ko.


"Eh anong nangyari?" sabay sabi nilang dalawa.


"Sinalo ni . . . " tinignan ko muna sila bag magpatuloy.


Ipagpapatuloy ko na sana ang pagsasalita ko nang bigla silang nagsalita.


"Drake?" sabay ulit nilang sabi.


Napalunok nalang ako at tumango. At ayon, kinilig naman ng todo-todo ang dalawa. Noon, itong si Chantelle lang ang botong-boto kay Drake. Ngayon, pati si Stacey na rin. Hmm. Kung silang dalawa nadadala sa kasweetan ng asungot na 'yon sa akin, pwes ako hindi. 


"By the way, 'yung tungkol kay Delightful Serendipity, pupunta daw ako ngayong hapon sa Theater ng Main Building, samahan niyo naman ako," sabi ko.


"Sige ba, para sabay-sabay nating malaman kung sino 'yan, baka panibagong suitor na naman kasi 'yan eh," sabi ni Stacey.


"Ano pang hinihintay natin, gora na," sabi naman ni Chantelle.


Kaya agad na kaming nagtungo sa Main Building, umakyat kami sa pangalawang palapag at habang naglalakad sa hallway patungo sa Theater, may nakikita akong sticky notes sa mga dingding nito.


Isa-isa ko itong binasa.


'Kanina pa kita hinihintay, Zoey.'

'Huwag mag-alala- huwag matakot.'

'Buti naman at naparito ka na.'

'Sige, ilang hakbang nalang makakapasok ka na.'

'Pwede bang ikaw lang ang pumasok?'

'Alam ko kasing may kasama ka eh.'


"Ah, Zoey, dito nalang kami ni Stacey ah?" sabi ni Chantelle nang mabasa naminang huling note.


Tumango lang ako at mag-isang nagpatuloy sa paglalakad. Pinatuloy ko na rin ang pagbabasa ng mga sticky notes.


'Alam kong may iniisip kang iba.'

'Pero ngayon, bibigyan kita ng clue.'

'And I hope you're smart enough to find out.'

'Oh, nasa pinto ka na pala, pasok ka na.'


Nang pumasok na ako sa madilim na Theater, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gitna. 


Maya-maya ay biglang nagliwanag ang kinatatayuan ko. Nakatutok pala sa akin ang spotlight.


Tinignan ko ang entablado, pero parang wala naman yata akong napansin na kakaiba, ni wala man lang akong nakitang tao. Tss.


Niloloko ba akong taong 'to?


Maya-maya ay bigla nalang bumukas ang curtains ng entablado, at 'dun may nakita akong dalawang letra sa entablado na gamit ang mga maliliit na sticky notes.


D at S.


Well, I guess it stands for Delightful Serendipity.


Nilapitan ko ito at umakyat ako sa entablado, binasa ko isa-isa ang nakasulat sa bawat sticky note.


'Siguro, ito nalang muna sa ngayon.'

'Kung kilala mo na ako, mabuti.'


Paano ko naman makikilala kung sino siya, eh parang wala nga siyang clue na binigay eh. Tss. Kainis, sinayang pa oras ko.


'Pero kung hindi pa.'

'Then, magkita tayo this Thursday at 4 PM.'

'Promise, magpapakilala na talaga ako.'

'Sa Fountain of Glory nalang tayo magkita.'

'Hope to see you, soon.'


Thursday? Eh, soccer game 'yan ni Lyndon, at dapat pupunta na ako 'dun by that time, well, bahala na nga 'tong anonymous na 'to!


Pero paano kaya kung si Lyndon nga 'to? Hmm. Baka naman hindi, kasi dapat nasa Rizal Memorial Stadium na sila niyan.


Well, what if si Drake? 


Teka lang, DS . . . Drake Evan - ay hindi naman pala.


Napabuntong hininga nalang ako at dali-daling lumabas ng Theater, disappointed.


"Oy, so kilala mo na ba siya?" tanong ni Chantelle.


"Well, mukhang hindi yata, tignan mo nga naman ang expression niya oh," sabi naman ni Stacey.


"Hindi nga, pero sa Thursday raw kami magkikita, sa Fountain of Glory ng campus," sagot ko naman.


"Nako, pahard-to-get pa naman ng taong 'yan," sabi ni Chantelle.


"Anyway, hindi ka naman sasama sa junior's division baketball game 'di ba? So pwede na 'yan," sabi naman ni Stacey.


Well, now I'm positive, hindi nga si Drake 'yon. Well, kahit sino nalang basta 'wag lang 'yung asungot na 'yon 'no. Tsaka, kahapon, nagtaka naman siya habang hawak-hawak ko ang isang sticky note mula kay Delightful Serendipity, kaya for sure, hindi na nga siya 'yon.


"Pero manonood ako ng soccer game ni Lyndon 'no," sabi ko.


"Then, it's up for you to choose," sabi ni Chantelle.


"Oo nga, either ang Delightful Serendipity or si Lyndon," dagdag naman ni Stacey.


Bigla nalang akong napaisip at napalunok sa narinig ko.


Pero bakit naman kaya Delightful Serendipity ang napili ng anonymous person na 'yon? At bakit sa dinami-rami ng araw niya pede siyang magpakilala, bakit sa mismong araw na 'yon pa? Tss. Naiinis na talaga ako dito ah. 


Anyway, sino nga ba ang pipiliin ko? 


Delightful Serendipity o si Lyndon?


Zoey, kilala mo si Lyndon, eh kilala mo ba ang Delightful Serendipity na 'yan?


Bigla ko nalang naisip.


Pero Zoey, sundin mo ang nararamdaman mo, alam kong gusto mong makilala si Delightful Serendipity.


Bigla ko namang napakiramdaman.


Buntong hininga.


'Ano na Zoey?' sabay sabi ng puso at isip ko.


- - - - - - - - - - -


Author's Note


Hi Guys! Una sa lahat, don't forget to tweet: #MyWattysChoice The Ice Princess vs. the Casanova by Scribblerrific on Twitter starting July 13 - 20, 2015.

Anyway, excited na ba kayo para sa IAAP? Sino naman kaya ang piliing puntahan ni Zoey? Hmm. 

Sorry po sa mga typo at spelling errors. Please do Vote and Comment na rin po kung nagustuhan niyo ang Chapter.

Kung interested kayong malaman ang informations about the IAAP, just proceed on Side Chapter 1 - All About IAAP. It isn't really a narrative story, basta I posted infos about IAAP there like the game schedules, participating schools and correspinding nicknames/mascots. And, you don't have to read that anyway, only if curious lang talaga kayo tungkol sa IAAP.


Love Lots,

Scribblerrific

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 26.5K 47
[ Stanford Series #1] [FIN] She tends to forget a lot of things. She often forgets locking her unit. She forgets doing her grocery. She forgets her f...
608K 26.6K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...