Divine Connection

Oleh Hazel_KYJ

93 14 0

"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78

Chapter 26

2 0 0
Oleh Hazel_KYJ

Magdamag di lumabas ng kwarto si Mia...

Kinagabihan...

"Mia? Apo?" si Lola Maria habang nakatok sa pintuan ng kwarto ng kanyang apo

"Pasok po la" sambit ni Mia, pumasok naman si Lola Maria sa kwarto ng apo

Nadatnan ni Lola Maria si Mia na tahimik na nakaupo sa kama nya, lumapit si Lola Maria sa kanyang apo at umupo sa tabi nito

"Kumusta ka na apo?" bungad na tanong ni Lola Maria kay Mia

"Eto po la, getting by sa lahat ng nangyari sa buong dalawang araw" sambit ni Mia sa kanyang Lola

"Pagpasensyahan mo na ang nanay mo, kung sadyang sobrang higpit nya" paalala ni Lola Maria kay Mia, tumingin si Mia sa kanyang Lola

"Naintindihan ko naman po si Nanay, sadyang di ko lang talaga matanggap na bakit bawal, lahat na lang ba bawal? Pati pakikipagkaibigan sa lalaki bawal rin?" tanong ni Mia sa kanya lola

"Alam mo apo, pinoprotektahan ka lang ng nanay mo, alam kong minsan sobra na pero alalahanin mo rin apo nasa rules ng simbahan ang mga ganun usapin, hindi sa pinagbawalan kita makipagkaibigan kay Gabriel, dahil alam mo na, kapag mapalapit kayo sa isa't isa, humigit pa don ang relasyon nyong dalawa, kaya hangga't maaga ay pinaalalahanan ka na ng nanay mo" paliwanag ni Lola Maria kay Mia

"Bakit po ba nagkaroon ng ganon rules lola? Ganun rin po ba kayo ng ganitong edad?" takang tanong ni Mia sa kanyang Lola

"Di naman maiwasan apo na magkaroon ka ng espesyal na kaibigan, nagdaan rin ang lola dyan, marami rin akong kaibigan nung edad kong ganyan, mga babae rin pero meron bukod tangi na lalaki na naging malapit ako --" itutuloy na sana ni Lola ang kwento ng sumabat si Mia

"Si Lolo po ba Yun?" tanong ni Mia

"Tama ka dun apo, ang Lolo mo ang bukod tangi kong naging kaibigang lalaki ng ganyan edad, eh sobrang higpit ng Inang ko rin noon, ni ayaw akong pasamahin sa mga lakad ng mga kaibigan ko, lagi nyang sinasabi sa akin, bata ka pa kapag tapos ka na ng pag-aaral mo saka ka lumandi, ganoon ang term noon na sinabi sa akin ni Inang, sinunod ko sila kahit labag sa loob ko ay sinunod ko sila kaysa ako ay pagalitan, naintindihan naman ako ng Lolo mo noon, nagtyagang maghintay ang Lolo mo sa akin hanggang sa dumating na ang tamang edad at tapos na kami pareho ng pag-aaral and the rest Ika nga is history" pagtatapos ng kwento ni Lola Maria kay Mia

"So first love Nyo po talaga si Lolo?" tanong ni Mia

"Bakit mo naman natanong yan apo?" sagot ni Lola Maria

"Kasi po parang ang ikinuwento Nyo ang love story Nyo ni Lolo eh!" say naman ni Mia

"Ang totoo nyan di ko pa alam noon yang mga love love na yan, noon kasi simple lang sa kabilang ng kahigpitan ng mga matatanda noon ay nagagawa pa rin ng kabataan noon ang makipagkaibigan, nang palihim nga lang dahil di ka pwedeng magpahuli dahil siguradong pagbabawalan ka, eh ako nahuli ako ng Inang ko na kasama ang Lolo mo sa Plaza, abay inakalang ako ay nakikipagtagpo sa Lolo mo eh ang totoong nangyari ay nandun lang kami ng Iba kong kaibigang babae nakikipagkwentuhan kasama si Lolo mo, abay hinila ako ni Inang pauwi ng bahay at doon ako pinagsabihan na layuan ang Lolo mo dahil masyado pa kaming bata para sa mga ganon bagay" natatawang kwento ni Lola Maria sa kanyang apo

"Grabe pala noon lola, namamahiya ang mga matatanda noon" say ni Mia

"Totoo yun apo pero kita talagang tino ang mga kabataan noon, di tulad ngayon" say ni Lola Maria, medyo nahiya si Mia ng sambitin yun ni Lola Maria

"Lola, naniniwala po kayo na pwede naman pong sundin ang tradisyon at rules na ipinamana simula noon Pero may kaunting nagbabago?" tanong ni Mia

"Kaya kanina nung sinasabi mo ang saloobin at hinanakit mo sa ina mo, ay di ko na magawang kumontra dahil napagtanto tanto ko rin na totoo naman nagbabago ang panahon, sinusunod man natin ang tradisyon at rules Pero nagbabago rin talaga ang kabataan at may sarili ng pag-iisip ang mga kabataan ngayon, kaya na nilang ipagtanggol at ipaglaban ang kung ano ang tama at Mali, at higit sa lahat, Iba noon, Iba ngayon!" say ni Lola

"So? Di po kayo galit sa akin Lola?" si Mia

"Nagtatampo lang ng konti dahil binali mo ang patakaran at tradisyon ng pamilya at ng simbahan, pero alam ko naman na matigas ka at gagawin mo lahat para maging masaya ka, bata ka pa lang Mia, alam kong napakalaya mong bata, gusto mo makadiskubre ng bago, gusto mo magkakilala ng bago yan ang naging pagkukulang sayo ng nanay at tatay mo dahil di ka lumaki sa kanila kaya di ka nila magawang pakinggan lalo na ng nanay mo" say ni Lola Maria

"Kilalang kilala Nyo po talaga ako lola.." sambit ni Mia

"Ang nanay mong si Mila ay talagang lumaki masunurin sa tradisyon at patakaran ng pamilya at simbahan, kaya gusto nya lang ipasa to sa iyo, Gaya ng Sabi ko kanina sa iyo, nagbabago ang panahon, di na kontrolado ng mga nakakatanda ang kabataan ngayon, pero ikaw naman, alam kong di ka naman gagawa ng ikakasira ng tiwala ko di ba?" tanong ni Lola Maria Kay Mia

"Di Nyo po ako pagbabawalan makipagkaibigan kay Gabriel?" si Mia, Isang ngiti ang iginawad ni Lola Maria sa kanyang apo

"Matitiis ko bang makita ang apo kong malungkot, hindi di ba? Kung ano ang ikasasaya mo, nandito lang ang lola gagabayan ka!" pag-assured ni Lola Maria

"Salamat po talaga Lola!!" niyakap ng mahigpit ni Mia ang kanyang Lola Maria

"Basta apo, wag kalang gagawa ng di mo pinag-uusapan ng mabuti, klaro?" paalala ni Lola Maria kay Mia

"Klaro po Lola, salamat po at di Nyo ako pinagbawalan sa pakikipagkaibigan Kay Gabriel" masayang sabi ni Mia

"Pero alalahanin mo rin ang magiging kahihinatnan mo sa simbahan, oras na lumalim yan pagkakaibigan nyo ng Gabriel na iyon" bigay paalala ni Lola

Nag-iba muli ang aura ni Mia, Isang kasiyahan saglit na Madama sa pagpayag ng kanyang Lola napalitan ng Isang palaisipang mukhang nangangamba oras na malaman nila kung ano ang tunay na nararamdaman nito Kay Gabriel..

==================================

Chapter 27 is up next...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

168K 3.5K 46
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
152K 4.7K 32
SET ALIGHT BOOK TWO Theme- Wish That You Were Here - - - Jordan Swan is not ordinary. In fact, she's extraordinary, in Jasper's eyes. Happy, and ful...
Doors open. Oleh ash

Fiksi Penggemar

488K 7.4K 82
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
164K 4.7K 65
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...