Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
A Letter To The Reader ♥

LTMS: Epilogue

51.1K 1.2K 345
By wistfulpromise

 


Dedicate sa kanya :) Maraming salamat sa suporta at pagbabasa. Sana wag kang magbago ^^ Godbless dear!! <3

Yung Author's Note don't forget ~___^ (Ang kulit ko lang eh noh XD)

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT

***

Chapter 70

(YEHEY!!!!)

 

 

"Master! Dali halina kayo mag-uumpisa na ang padasal!"

"Oo nanjan na! Sandali lang!"

Nagmamadali kong ikinakabit ang hikaw sa aking tenga. Nasa harapan ako ng salamin at ng matapos ay ngumiti ako sa harapan nito. Nakabistida ako ng itim dahil sa padasal namin para sa pagkawala ni Sharie. Ilang buwan na ang nakalipas matapos ang Battle of the Gang. Naihatid na rin namin si Sharie sa Canada para doon sya ilibing kaya ngayon sa ika-40 araw na pagkawala nya ay magpapadasal kami dito sa mansion. Bumaba ako at sinalubong ako nila Nyree at Kelly kasama si Reece bago niyakap ng napakahigpit. Malungkot silang ngumiti pero masaya pa rin dahil tapos na lahat ng problema namin. Masakit man sa amin ang pagkawala ni Sharie masaya pa rin kami dahil alam naming kasama na nya si kuya sa heaven. Nakapangpormal din sila at sinumulan na naming lahat ang padasal. 

... 

"Teka sandali saan tayo pupunta?" hinila ko ang kamay ko palayo sa tatlo halos katatapos lang ng padasal. Meron evil smile sa mga mukha nila.

"Basta! Kailangan mong magpalit ate!" excited na sambit nila Kelly

"Para saan?" kunot noo kong tanong. Nakarating na kami sa harap ng kwarto ko. Ayaw kong pumasok dahil kinakabahan ako sa gagawin nila. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang nakakalokong tulak sa akin ni Reece sa likod bago nila isinara ang pinto.

Lumabas kami sa bahay at hindi ako mapakali sa damit na ipinilit nilang isuot ko. Kulay puti ito at pakiramdam ko masyadong maikli at masyadong seksing tingnan. Pero heto pa rin ako, naglalakad palabas ng bahay. Nakapila ang lahat ng myembro ng gang ko sa bawat gilid at ng makita ako palabas ay agad nila akong binigyan ng saludo bago yumuko. Sa dulo nakita ko si Niel na naghihintay. Inilahad nya ang kamay sa akin at tinulungan akong pumasok sa loob. Nakasakay na ako sa kotse at ng palabas na kami ng gate naguguluhan ako kung bakit napakaraming tao. Para kaming nasa parada dahil pati ang kotse ay mabagal umandar. Tinanong ko sa mga kasama ko kung anong nangyayari pero lahat sila ay nakangiti lang. Binuksan ko ang bintana para malaman ang nangyayari hanggang sa nakita at nakilala ko ang isa sa kanila. Ang leader ng Shinobi gang na tinulungan ko sa laban!! Ngumiti sya sa akin at yumuko. Ngayon ko lang napansin na may itsura pala sya at hindi nalalayo sa edad ko. Iba't-ibang gang ang nasa paligid at sa tuwing nahahagip ko sila ng aking mga mata ay ngumingiti sila sa akin sabay yuko at tango na para bang naghahayag ng respeto. Naguguluhan man sa nangyayari hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating ang kotse namin sa paroroonan namin.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas magmula ng mangyari ang Battle of the Gang pero dahil sa kaguluhang nangyari at sa hindi natapos na laban sa pagitan namin ni Jace ay medjo nahirapan ang buong gangster council para magdesisyon. Ngayon araw na ito na nila sasabihin kung sino nga ba ang papalit sa posisyon ni mama pero hindi ko maintindihan kung bakit kailngan ko pang magbihis ng ganito. 

"Dahil sa pinakita mong katapangan at sa pagliligtas mo sa buhay ng nakararami, nakapagdesisyon na ang lahat." sabi ng aking ina ng makarating kami sa loob ng isang malaking kwarto. Saksi ang lahat ng pinuno ng gang sa buong mundo pati na rin sa Lady Magdaleine. "Serene Lopez, leader of the Intricate Gang. I am proud to say that you are now the new "Gangster Queen."


Nagsipalakpakan at nagsitayuan at lahat. Pero ako nganga na lang sa nangyayari. Paano... Pero.. paano si Jace?

"P-pero.. si Jace?" tanong ko sa aking ina pati na rin kay Lady Magdaleine. Ngumiti sila sa akin.

"Majority ang nangyari iha. At kabilang si Jace sa nagboto. Ikaw ang pinili nya at ng lahat ng nakasaksi sa nangyaring labanan."

 


Lutang man ang utak ko ay ngumiti pa rin ako sa lahat ng bumabati sa akin. Some of them called me master and some of them even called me a hero dahil sa ginawa kong pagliligtas sa buhay nila. Kaya pala... kaya pala paglabas ko ng bahay kanina napakaraming tao o grupo ng mga gangster ang naghihintay sa akin sa labas. Alam na nila na ito ang mangyayari. Alam nila na ako na ang bagong Gangster Queen. Hindi lang ng The Intricate Gang kundi pati na rin ang Ellipses gang ng pamilya namin.

Pagkatapos ng labanan bigla na lang naglaho si The Highest. Wala na kaming narinig na balita sa kanya ngunit nagpataw na sila mama ng parusa dahil ginawa nyang kaguluhan. Pinaghahanap na sya ngayon at alam kong hindi titigil sila mama para matugis sya. 

Hindi ko alam pero idinala ako ng mga kasama ko sa school. Medjo maggagabi na kaya laking pagtataka ko kung bakit pumunta pa kami dito. Naglakad ako sa hallway ng school at nakita na lang na napakarami kong escort. Dahil sa laban na nangyari sa Battle of the Gang marami akong nakilalang mga bagong kaibigan at bagong mga ally. Masaya ako dahil nakilala ko sila. Pero anong ginagawa namin dito?

Third Person's POV


Napakaraming tao sa buong paligid. Lahat ng mga estudyante kabilang na ang mga teachers ay nasa loob ng theatre. Ngayon ang araw na dapat sana ay magpeperform ang Princeton band sa buong school ngunit dahil sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw hindi na naharap ng mga myembro ang pagprapractice. Wala si Serene, wala si Niel, pati si Jace ay wala rin. Tanging si Rico, Nathan at Shane lang ang naiwan at hindi nila alam kung anong gagawin. Mamaya maya ay mag-uumpisa na ang performance hindi nila ito maaring ipostponed dahil matagal na itong napagplanuhan. Hindi lang nila maintindihan kung bakit pinilit pa rin sila ni Mr. Valdez na ituloy ito ngayong halata naman na hindi sila preparado.

"Sigurado ka bang darating Serene?" bulong ni Rico kay Nathan

"Oo sigurado yun! Nagtext na nga si Niel eh at sabi nya nandito na raw sila."

"Sigurado ka ba? Eh bakit wala pa sila?! Mag-uumpisa na o!" turo ni Rico sa relo nya.

"Maghintay ka lang." Matipid na sagot ni Nathan sa kaibigan.

Pumwesto na sila sa sari-sarili nilang instrumento kahit na ba halata ang kaba sa kanilang mga mukha. Tulad ng dati, si Nathan sa piano, Rico sa bass at si Shane naman sa drums. Pinagpapawisan na sila dahil sa kaba. Sa oras kasi na bumukas ang pulang kurtina sa entablado wala silang magagawa kundi tumugtog. Kahit pa kulang sila. Ilan pang sandali ay nangyari na nga ang kinakatakutan nila. Dahan dahang bumukas ang pulang kurtina at tumambad sa kanila ang napakaraming tao na umaasa sa napakagandang musika na ihahatid nila. Hindi man alam ang gagawin ay sinumulan nilang patugtugin ang mga instrumento tulad ng prinaktis nila noon. 

Di kalayuan kung nasaan sila ay nakatayo si Clarisse. Ramdam nya ang problema sa dating mga kabanda at nagtatalo ang isipan nya kung tutulong ba sya o hindi. Alam nyang nakaligtas si Serene sa aksidente pero hindi sya nagsalita. Ngayon alam nya na kahit anumang mangyari ay darating ito para sa araw na ito pero mag-uumpisa na at wala pa rin sya. Kahit pa wala na sya sa banda nahihiya man syang  umamin pero sa bawat praktis ng banda ay lagi syang nakikinig ng patago. Kaya nga alam nya ang lahat ng kanta na dapat sana ay kakantahin ni Serene ngayon. Napailing si Clarisse sa naisip pero kusang humakbang ang mga paa nya at hinawakan ang mikropono sa harap ng stage. 

Nagulat na lang bigla sila Nathan ng may biglang kumanta. Akala nila si Serene na ito pero laking gulat nila ng makita na si Clarisse pala ito. Nagpatuloy lang sila sa pagtugtog at ng magtama ang tingin nilang apat ay tumango si Clarisse at ngumiti sa kanila. Kahit na ba may tumutugtog at may mang-aawit na sa stage kulang pa rin ang musika dahil walang gitarista. Malaki pa man din ang part ni Jace dito kaya kinakabahan pa rin sila na baka magfail sila sa pagpeperform. Ilan pang sandali may narinig ang apat na nagpapatugtog ng gitara. Nagulat na lang ang lahat ng manonood at naghiyawan ng makita na si Julian pala ito at si Ivan na kabilang sa sikat na Intricate Band. Nakisali rin si Reece at sinamahan si Clarisse na kumanta sa harap. Samantalang ang magkapatid na Kelly at Nyree ay kinuha ang anu mang instrumento na mahawakan ng kanilang mga kamay at nakisali na rin. Lahat ay gulat dahil sa di inasang pagdating ng tulong.  Nagsitanguan silang lahat may malaking ngiti sa kanilang mga labi bago sinimulan ay rock-rockan! 

Sa natatanging gabing ito nagsama ay ilan sa mga myembro ng sikat na banda. Ang Princeton Band kasama ang Intricate Band. Isang dream come true para sa lahat ng fans nila na hindi magkandaugaga sa kakahiyaw sa baba. Sa indak ng musika lahat ay napatayo, napasayaw at napasigaw. 

Serene's POV


May narinig akong ingay na nanggagaling sa loob ng theatre. Marami pa rin akong kasamang gangmates sa paligid na tila ba kahit anong gawin ko ay hindi nila ako hahayaang mawala sa tingin nila. Busy si Niel na kausap yung isa sa mga gangmates namin at ng tumingin ako sa paligid para kausapin sila Reece  wala na sila! Saan nagpunta ang mga yun?? Habang busy ang lahat dahan dahan akong tumakas sa nagmamatyag nilang mga mata. May nakahuli nga sa akin eh hehe at sabi ko magwawash room lang ako sandali kaya hinayaan na nila ako. Pinipilit pa nila akong sumama sila sa akin pero sabi ko wag na. Wala nang nakapagsalita ng medjo tumaas ang tono ko. Ang kulit kasi nila eh! Ako ang master nila kaya kailangan nila akong sundin. I'm the boss! charot!

 


Kasalukuyan na akong naglalakad sa hallway pero ng may marinig akong boses di kalayuan bigla akong nagtago. Para kasi galit yung boses at may kausap sya pero hindi ko kilala kung sino. At nang sumilip ako sa pagitan ng mga pader nakita ko si Jace na halos kababa lang ng telepono. Halatang medjo wala sya sa mood dahil sa naririnig kong pabulong bulong nya sa hangin. 

"Nasaan na yung squeezy ball mo? Di ba sabi ko sayo kapag uminit ang ulo mo pisilin mo lang yun ng napakadiin para mawala ang galit na nararamdaman mo?" bigla syang umikot at tumingin sa akin ng marinig ang boses ko. Wala akong magawa kundi mapangiti awkwardly habang nilalaro ang mga kamay ko sa aking likod. Kung bakit kasi sa isang tingin nya lang kaya nyang pabilisin ang tibok ng puso ko. 

"Just hold me. That's all I need." 

 


Wala pang ilang sandali nakita ko na lang ang sarili ko na nasa mga bisig nya. Niyakap nya ako ng napakahigpit at ipinatong ang ulo sa aking leeg. Ramdam ko ang init ng paghinga sa aking balat at hindi ko mapigilang mamula. Buti na lang hindi nya ako nakikita dahil nakayakap sya sa akin. Pag nakita nya kasi ako na ganito kapula ang mukha ko tiyak ay pagtatawanan nya ako. 

Pagkatapos ng labanan nagkikita pa rin kami yun nga lang medjo madalang dahil sa mga responsibilidad na kailangan naming gawin sa sari-sarili naming mga gang. Humiwalay na ang gang ni Jace sa gang ni 'The Highest' at unti unti ay nililinis na nya ang pangalan ng Black Savage na dinungisan ni The Highest. Alam namin na si The Highest talaga ang may kasalanan ng lahat pati na ang pagkawala ni kuya. Kaya kahit papaano ay nawala na rin ang galit nila kay Jace. Unti unti na ring nagkakasundo ang Intricate sa Black Savage na pinamumunuan ni Jace. Kahit na may pag-aalinlangan pa rin sa ibang myembro ng B.S.G. ang mahalaga ay nabigyan na ng linaw ang lahat. Nalaman rin namin na matagal na palang tumiwalag ang ama ni Jace sa masamang gawain ng Black Savage at mas piniling sumanib sa Ellipses Gang. Napatunayan din namin na si The Highest ang pumatay sa ama ni Jace kaya sa wakas ay tuluyan na ngang nalinis ang pangalan ko bilang si GClef sa mundo ng gang. Dahil sa ginawa ni Jace para mapatunayan na mahal at paninindigan nya ako sa harap ng aking mga magulang. Ayos na si Jace sa kanila kaya anong saya ko ng malaman ito. 

"I miss you so much." sabi nya at ng magkatitigan ang mga mata namin dahan dahan kong pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito ka sa tabi ko. I thought I'd lost you forever." Nag-sshh ako sa kanya at muli syang niyakap.

 Medjo hindi nga ata naging maganda ang pagkawala ko noon sa mga nakaraang buwan na akala nya ay wala na ako. Noong pumunta kasi ako sa bahay nila at pumasok sa kwarto nya nagulat ako sa nakita ko. Nagkalat ang mga bote sa paligid, mga damit at halos magkanda sira sira ang kwarto nya. It was a disaster! Binigyan nya na lang ako ng sorry smile dahil sa nadatnan kong gulo sa kwarto nya. Napa-pout nga ako eh at tinulungan syang mag-ayos. Pero ang totoo nyan, nauwi lang kami sa pillow fight noong araw na yun

 

"I'm sorry for everything. For keeping secrets from you. Ngayong alam mo nang ako si GClef will you still accept me?" tumingin ako sa kanya with hopeful eyes. Alam ko na ang sagot pero gusto ko pa rin ng reassurance mula sa kanya. Hindi sya sumagot at hinawakan lang ang kamay ko. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Will he leave me?

Nilaro pa nya ang mga daliri ko ng ilang sandali bago tumingin sa mga mata ko at sumagot. "Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko noong araw na nalunod ka at muntik ng mawala sa akin?" Umiling ako.

"Ipinagdasal ko sa Dyos na mabuhay ka lang gagawin ko ang lahat para maayos ang problema ng pamilya natin  Na gagawin ko lahat para sayo at hindi ka pababayaan habang buhay. Pero noong biglang tumigil ang pagtibok ng puso mo, namatay rin ako kasama mo. Sa mga oras na iyon... I stop believing in God." Napasingap ako dahil sa gulat pero hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ang mga mata nya sa akin.

"Sinisisi ko sya. Kung totoong mahal nya ako bakit hinayaan ka nyang mawala sa akin? Bakit hinayaan nyang mawala ang nag-iisang tao na bumubuo sa pagkatao ko? Galit na galit ako sa kanya dahil sa nangyayari sa buhay ko. Kinuha nya na ang lahat sa akin at wala man lang syang itinira. Galit ako sa kanya pero mas galit ako sa sarili ko. Masyado akong nabulag ng galit ko hanggang sa di ko namalayan na ginagamit na pala ako ni The Highest para sa sarili nyang mga plano. Nasaktan kita ng hindi ko namamalayan. Nanjan ka lang pala sa harap ko pero hindi man lang kita naramdaman. Pakiramdam ko nga noon namanhid na ang puso ko dahil sa sakit... dahil nawala ka sa akin." mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko at inilapit sa kanya.

"But when I see you, it was as if my heart starts to beat again. Every part of me seems to have woken. And when I stare at your eyes the world stops. No other noise, no worries... nothing else.  Everything stops and all that exists for me is you"

Halos maluha luha na ako habang sinisabi nya ang lahat ng ito. Kung kanina ako ang nagpupunas ng mga luha nya ngayon sya naman.

"Serene." he caress my cheeks ever so softly. "Wala akong pakialam kung sino ka pa. In my eyes and in my heart you will always be my Serene." Nagdikit ang mga labi namin at wala akong ibang inisip kundi ang puso ko na tumitibok para lang sa kanya. 

"I love you." sabi ko sa kanya. 

 "You're the music within me." sagot nya na parang yun ang pinaka-obvious na sabihin sa buong mundo. Napapout ako.

"Wala man lang bang 'I Love You too?'ngumiti sya bago kinirot ang pisngi ko. 

"I miss that pout." muli syang nagsmack ng halik sa mga labi ko. Mas lalo pang humaba ang nguso ko at pabirong itinulak palayo. Wala man lang I love you too? Kainis naman. Niyakap nya ako mula sa likod bago ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?" tinutukoy nya yung tungkol sa sagot nya sa akin nung nag- i love you ako. Nanatiling ganun ang posisyon namin. Nung hindi ako sumagot naramdaman ko ang ngisi nya. 

"Music is my life. And you're the music within me. Which means..." nangingiti nya akong iniharap sa kanya. "You're my life. And I love you so much...my panda bear."

Hindi ko mapigiling matawa at mapangiti dahil sa pagtawag nya sa tawagan namin. Kala ko nakalimutan nya na eh. 

"Sus! Sige na. Halika na nga baka hinahanap na nila tayo" hinila ko sya pero hindi sya gumalaw "O bakit? Dali na!"

"Wala ka man lang bang sagot dun?" simangot nya.

"Saan?" kunot noo kong tanong. Napaka-bipolar talaga nito kanina halos mangiti ngit lang sya ngayon kung makasimangot wagas. Tapos doon ko lang narealize na hinihintay pala nyang tawagin ko sya sa pangalang lagi kong tinatawag sa kanya. Bigla akong napangisi. 

"I love you more... my polar bear." at ngumiti na sya. Hindi talaga ako makapaniwala na isang Jace Alvarez na masungit at tinalo pa ang panahon sa pagbabago ng mood ang mamahalin ko at mamahalin ako ng ganito. Hinila nya ako pabalik noong magsisimula na ulit akong lakad. Naguguluhan ko syang tiningnan.

"I think I need to bring this back to you." pumunta sya sa likod ko at inayos ang buhok ko. May bigla akong naramdaman na malamig na bagay na dumampi sa balat ko at ng hawakan ko ito. Nagulat ako na ang GClef pendant ko ang isinusuot nya sa akin. I stared at him with with eyes. Bago sya niyakap dahil sa sobrang pasasalamat. I miss my pendant. 

Bumalik ako sa mga naghihintay kong gangmates sa labas ng theatre nauna na si Jace sa loob kaya hindi ko na sya kasama. 

"Oh there you are!" sabi ni Niel bago lumapit sa akin "Kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba nanggaling?" nagkibit balikat na lang ako at ngumiti ng pagkalaki laki. "Anyway, sakto lang ang pagdating mo"  May inabot syang violin. Noong una medjo naguguluhan pa ako pero noong maintindihan ko ang nais nyang ipahiwatig ngumiti na lang ako sa kanya. Naririnig kong may nagsasalita sa loob. Wala na ang maingay na musika. Nang buksan nila ang pintuan papasok sa theatre pumasok na ako. Hindi ko alam, isang sorpresa pala ang naghihintay sa akin sa loob. Si mama at papa nasa stage kasama si ate Des at si attorney!

"Lingid man sa kaalaman ng lahat..." pagpapatuloy ni mama sa sinasabi nya. "Ang nag-iisa naming anak ay matagal ng dito nag-aaral." napasingap ang lahat sa gulat dahil hindi nila inakalang ang anak ng nagmamay-ari ng pinakasikat at pinakamayamang paaralan sa buong Pilipinas ay nakakasama at nakakahalubilo nila ng hindi nila alam. 

"Everyone please welcome, our only daughter and the owner of this school... Serene Lopez."

Sobrang tahimik sa loob at sobrang dilim pero ng pumasok ako sa loob bigla nagkaroon ng liwanag... nag-iisang liwanag na nakatutok lang sa akin. Naglakad ako papunta sa stage at ramdam ko na lahat ng mga mata ay nasa akin. Tanging ang tunog ng suot kong heels ang naririnig sa buong paligid kasama ng mga singap at gulat sa mga mukha ng mga estudyante ng mapagtanto kung sino ang babaeng ito. Si Serene... na inaakala nilang wala na. 

"She can't be... isn't she's supposed to be dead?"

"Si loser??? Ang may ari ng school???!!!"

"Pero hindi ba't isa lang syang scholar?.. Paano?!"


Bulungan ng lahat ng nasa paligid.

Pumwesto ako sa harap at isa isa niyakap ang mga magulang ko, si ate Des at si attorney. They each gave me an encouraging smile before they leave. Naiintindihan ko ang gusto nilang mangyari kaya ngumiti na lang ako bilang sagot. Muli akong humarap sa naghihintay na mga manonood at taas noong itinaas ang violin sa aking balikat. May narinig akong tawanan at marami pang bulungan pero wala akong pinansin. Alam kong naaalala nila ang huling beses na humawak ako ng violin and it was a disaster. Pero ngayon... ngayong pakiramdam kong buo na ako kaya ko na ulit tugtugin ang musikang pinakamamahal ko. 

Pumikit ako at hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga tawanan nila. They are waiting for me to fail this pero hindi ko hahayaang mangyari yun. Huminga ako ng napakalalim bago inilapat ang bow sa string ng violin. Ngunit bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata, nakita ko si Jace na ngumiti at tumango sa akin. Napangiti ako.

(Now Playing... Listen to Serene's violin ----> )

Sinimulan ko ang tumugtog at habang tumatagal ang musika at ang damdamin ko ay naging iisa. Parang nagflashback sa akin ang lahat. Mula sa sakit na naidulot sa akin ng nakaraan, pagkawala ni kuya, pagpasok ko sa paaralang ito, sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, nakasali sa band, ang buhay ng pagiging gangster, kami ni Jace hanggang ang sa kasalukuyan... Bumalik ang lahat sa akin na parang isang dvd na inererewind pabalik. Sa bawat pagkakamali na nagawa ko alam kong natuto ako rito. Hindi na ako ang dating Serene noon dahil iba na ang Serene ngayon. 

Sa pagtatapos ng aking musika. Idinilat ko ang aking mga mata. Puno ng gulat at mangha ang lahat dahil sa musikang narinig nila. Dahan dahan isa-isa silang napatayo at napuno ng palakpakan ang buong lugar. Hindi lang yun, dahil may surpresa pa palang nahihintay sa akin. Sa pintuan ng theatre marami ang nagsipasukan. Mga cameraman, host, interviewer at marami pang ibang na natitiyak kong nanggaling sa Canada. Sila ang mga sikat na personalidad pagdating sa broadcasting. Hindi sila magkandaugaga na makalapit sa akin sa stage at hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang sa isang kamay ang umakbay sa akin at nakita si Julian na may malaking ngiti sa mga labi. 

"Looks like Serene Lopez with the whole Intricate Band is back to business." kindat nya. "The music industry needs to know where the missing star of the Intricate have been all this time."

 Lumapit sa akin sila Reece, Ivan, Kelly at Nyree. Sa paglapit ng mga reporters sa amin alam kong magbabago na ang buhay ko. Napuno ng liwanag ang lahat dahil sa dami ng flashes ng camera. Hindi na magiging sikreto ang identity ko dahil alam kong bukas na bukas ay nasa dyaryo at balita na kami. 

Pero nakasisigurado ako na sa pagsalubong ko ng bagong umaga ay hindi na ako muling mag-iisa. Kasama ang aking buong gang, mga kaibigan, kabanda, pamilya at si Jace. Sasalubungin ko ang bagong umaga na may ngiti sa aking mga labi. 

-

Ang buhay ay parang isang awitin

Minsan nasa tono

Minsan naman ay sintunado

Pero alam nyo sa dami ng pagsubok na dinanas ko

Marami akong napagtanto.

Maghintay ka lang

At wag mawalan ng pag-asa

'Dahil sa bawat dilim ay laging may liwanag.' 

Maikli lang ang buhay

Walang nagtatagal, lahat nagtatapos

Ngunit ang pagmamahal kailanman ay hindi maglalaho.

Hindi na importante ang sinasabi ng iba

Sundin mo ang puso mo at yun ang mahalaga.

May magagawa ba sila? 

Kung doon ka naman masaya?

Kaya minsan kapag may problema ang isang tao

Tahimik lang akong nauupo at nakikinig sa tabi nya.

Ano pa bang mahihiling ko?

Lumipas na ang panahon ko jan kaya ngayon gusto ko namang tumulong sa iba.

Pero okay lang ba sayo na umupo ako sa tabi mo?

Alam kong mahirap mag-isa,

Napagdaanan ko na rin yan. 

Nandito ako kaibigan bukas loob na makikinig sa kwento mo

Ng mabawan ang bigat ng pinapasan mo.

Kung ano mang problema ang kinahaharap mo 

Wag kang sumuko, magpakatatag ka. 

Bakit? Dahil sa mundong ito tatlong salita ang natutunan ko. 

You're worth it.

 At hindi ka nag-iisa.

Kaya...

Salamat...

Salamat sa pakikinig ng aking awitin

Salamat sa pakikinig...

Sa awitin ng buhay ko.

END FOR BOOK#1.

BOOK#2: Listen To My Heart. 

Copyright © 2013 by Wistfulpromise. All Rights Reserved.  

 12/27/11 - 03/29/13



Continue Reading

You'll Also Like

180K 4.6K 157
DC notebook Personal Property of : Arielle Marie Gueverra Note: - kapag nawala at napulot mo...UTANG NA LOOB! paki-balik. -BAWAL BASAHIN! nakita mo n...
31.4K 748 33
To give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, a...
274K 17.2K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
1.3M 47.7K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...