Chapter 45
Sabi ng iba "Meant To Be", pero bakit parang hindi? Bakit parang lahat against sa gusto ni Kaella.
"Kaella are you not happy?"
"Paano ako magiging masaya kung sarili kong boyfriend wala sa 18th birthday ko"
Inakbayan sya ng Papa nya, "Anak you have to understand Gino, may trabaho sya..."
Hindi nalang nagsalita si Kaella. Sumasama ang loob nya everytime na maalala nya na ang karibal nya sa boyfriend nya ngayon ay ang trabaho ni Gino.
Dinaan na nya sa lambing, at galit at kung anu pa na pwedeng sya ang piliin ni Gino. Isa nalang nga ang hindi nya nagagawa, ang hiwalayan si Gino. But she's not crazy to do that. Kahit na masama ang loob nya, break up is not one of her choices.
"Pa pwede bang wag na nating ituloy?" this is not the first time na nakiusap sya sa Papa nya about this.
"Anak... Nakakatampo ka na ah..." napayuko sya "Hindi lang naman si Gino ang lalaki sa buhay mo,."
Three days nalang birthday na nya. Matagal tagal na ang preparations, almost done na lahat. Pati nga escort meron na rin sya, at si Jao yun.
"Kaella, magsisimula na raw ang practice in a while" singit ni Jao.
"Okay"sabay tayo nya ng di pinapansin si Jao.
Mainit ang ulo nya sa lahat ngayon. Kay Gino na matagal na silang hindi halos naguusap. Matapos kasi talagang iconfirm ni Gino.na hindi sya makakapunta nagtampo na talaga si Mikay. Kay Jao? Mainit din ang ulo nya sa lalaking yun, everytime kasi na may practice sila for cotillion, walang ibang kinikwento ito kundi relationship nila ni Julia, kung anong adventure ang ginawa nila, anong orphanage ang nadalawa nila.
Hindi naman sa nagseselos sya, kaya in times like this na gusto mong makasana ang mahal mo, wag kang epal ng epal sa kakakwento ng love life mo. Bastusan ang tawag doon. Kaya badtrip sya.
"Hoy," habol sa kanya ni Jao. "Nagtatampo ka pa ba?"
"Jao please, kung magkikwento ka nanaman ng masayang love life mo, wag ka nalang lumapit sa akin"
"Hindi ko na nga gagawin kung ganyan nagtatampo ka..."
"Okay fine., let's get this done" sagot ni Kaella na parang natatamad na.
Mabilis na lumipas ang araw, bukas na ng gabi ang birthday nya party nya. Maraming pupunta and mostly mga politicians with their sons and daughters.
[Mikay, bukas ng 6am ang alis namin]
"Ah ganun?" medyo mataray na boses ni Mikay "Hindi ka na nga magaattend ng birthday ko, hindi ka pa makikipag kita sa akin para batiin ako personally?"
Magkausap sila ni Gino sa phone. At nagaaway nanaman sila. No, hindi sila nagaaway, inaaway nanaman ni Mikay si Gino. Well she has the right, pinili nya ang work over sa kanya na mag-i-18th birthday.
[Pupunta ako sa bahay nyo mamayang gabi...]
"Hindi mamaya ang birthday ko.."
[Mikay, wag naman ganito. Ilang araw na tayong di naguusap ng maayos]
"Was it my fault?" tanong ni Mikay "Well anyway, since you don't have time for me, ako rin wala,. Magusap nalang tayo kapag di ka na busy"
Matapos noon ay binaba na nya ang phone. Gusto nyang basagin ang cellphone nya sa sobrang inis. Kahit anong gawin nya hindi nya parin mabago bago ang isip ni Gino.
Ginawa nya busy ang isip nya at ang sarili nya para hindi na sumama ang loob nya. 8pm natapos narin ang grand practice nila, maayos naman ang lahat.
Kanina pa sya paikot ikot sa kama, pagod sya pero hindi sya makatulog. Dapat excited sya dahil ilang oras nalang 18 years old na sya. And that age offers a lot of oppurtunity, marami ng 'pwede'.
Pero hindi nya magawa dahil naiinis sya sa boyfriend nya. Naiinis sya kay Gino. Habang nakahiga parin, tumunog naman ang cellphone.
Si Gino tumatawag...
Nagiisip muna sya kung sasagutin nya ba ang tawag nito but after several seconds... Sinagot narin nya.
"He---"
Hindi na nya natuloy ang pag 'Hello' dahil may narinig sya from the other line...
Kay tagal din nating hindi nagkita
Ako nasasabik na sayo,
Kamusta ka na,
nalulungkot ka rin ba?
Sana'y kapiling kita...
A-ah.. A-ah... A-ah...
Si Gino kumakanta sa kabilang linya. Hindi sya sigurado sa title ng kanta, pero parang 'Kamusta ka' ang title.
"Hon," bihira lang gumamit si Gino ng endearment. At laging 'hon' ang ginagamit nito dahil nga sa nangyari sa kanila sa scene nila sa jeep.
"Andito ako sa labas ng bahay nyo, pwede ka ba kahit nasa bintana ka lang?"
Dahil sa pagkabigla, dali-dali syang lumabas sa terrace ng kwarto nya. And there she saw Gino nakatayo hawak parin ang cellphone.
~Tumawag ako,
upang malaman mo
Ako'y tapat parin sayo,
May problema ka ba, matutulungan ba kita,
Sa akin ay wag kang mangamba.~
Ipinagpatuloy ni Gino ang pagkanta. With thay simple gesture nawala agad ang inis ni Mikay sa kanya. Napangiti sya agad, natuwa agad ang puso nya, kinilig agad sya! Pambihira! Burado agad ang kasalanan ni Gino.
~Tandaan mo nalang ang sasabihin ko sayo.
Ang pag-ibig ko'y itong di magbabago
Kahit malayo ka sa piling ko,
Umulan bumagyo ayos lang.
Wag kang mangangamba ayos lang,
Kamusta ka mahal ko, okay ba?
Sana'y di parin nagbabago.~
Feel na feel ni Gino ang bawat lines ng kanta. Bawat ngiti, bawat pagpapacute nito, nakakapakilig kay Mikay.
"Mikay,..." malambing na sabi ni Gino. Naguusap parin sila through phone. Nakita nya na tumingin ito sandali sa phone "1,2,3,4,5.... Happy Birthday mahal kong Princesa!"
Napangiti si Mikay. "Wait me there..." bago yan mabilis na tumakbo si Mikay pababa.
In a less than minute nakarating na sa baba si Kaella, at isa lang ang una nya agad na ginawa.
"Aray!! Mikay anu ba?" reklamo ni Gino matapos syang batukan ni Mikay.
"You deserve that! Binabalewala mo na kasi ako" she paused for a while "...tapos without a notice bigla bigla ka nalang magpapakilig"
Gino's face lightened up "Kinilig ka? Wow! Atleast sigurado parin ako na mahal mo parin ako..."
"Bakit?"
"Naisip ko kasi na baka dahil sa wala ako sa birthday mo, hindi mo na ako mahal...."
"Anun tingin mo sa akin ganun kababaw? Naku Gino ha, dinadag dagan mo nalang mga kasalanan mo sa akin"
He took her arms for a hug "Natatakot lang ako dumating ang araw na magsawa ka, o magsisi ka na ako ang minahal mo"
Gino's low self-esteem issue ay hindi nawala, lumalabas lang kapag may mga katulad nitong scenario.
Yumakap narin si Mikay "Ang drama mo Gino... Pero don't worry, di pa naman ako nagsisisi o nagsasawa."
Humiwalay si Gino kay Mikay "Hindi pa?"
Ngumiti si Mikay... "Hindi Na... Hindi na yun mangyayari pa"
Natawa si Gino "Aba, bumabanat ka narin ah..."
"syempre, lakas mo makahawa"
Niyakap sya ulit ni Gino. Natahimik sila for a sec. "Mikay pwede bang pahiram ng phone?"
Lumayo si Mikay "Bakit?"
"Basta ipahiram mo nalang ba..."
Iniabot naman ni Mikay kay Gino ang phone. May kinalikot ito sa phone, parang nagba-browse ng mga kanta.
"Eto,... Akala ko wala eh.." Gino played the song.
Habang nasa intro pa ang I Won't Give Up na kanta. "Pwede ba kitang maisayaw nahal na Princesa?"
Napangiti si Mikay before she accept Gino's hand.
When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
"Mikay salamat dahil minahal mo ako kahit marami akong kulang. Kahit ang daming mali sa akin, minahal mo parin ako..." mataman lang na nakikinig si Mikay.
Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
"Salamat sa exboyfriend mo na si Mr. TAN..," napahiwalay sya kay Gino.
"Mr. Tan?" sa pagkakatanda nya wala naman syang ex na Tan ang apilyedo.
"Si Ranz.. Sya si Mr. S.A. TAN..."
"anong S.A Tan?"
Hinila sya ulit ni Gino para sumayaw ulit. "Ang slow mo naman Mikay, S.ATAN. As in SATAN."
Doon lang naget ni Mikay kaya napatawa sya. "Paano kung di ka nya dinala sa mga kasamaan nya, di ka makukulong, kung di ka makukulong, di ka titira sa bahay, kung di ka tumira sa bahay,.. Edi sana wala kang gwapong boyfriend ngayon"
"Ang yabang mo..."
"Pero seryoso Mikay, salamat dahil dumating ka sa buhay ko." natahimik sila ulit at nagpatuloy sa pagsasayaw.
And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find
"Pangako Mikay, Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko"
Lihim na napangiti si Mikay "Ako din. Ikaw lang mamahalin ko"
Kasunod noon ay sinabayan na ni Gino ang kanta... Habang patuloy na kumakanta.
'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up
Hindi perfect si Gino and Mikay as lovers. Pareho silang dumarating sa point na maiinis sila sa isat-isa, yung point na unconsciously nasasaktan na pala nila ang isat-isa... Pero lahat yun okay lang, basta ba walang bibitaw. Sabi nga sa kanta,..
I won't give up!
------------------
Ayan, mahaba na sya. :)
Cheesy ba ang chapter na to? hahaha