Chapter 77

17.7K 278 58
                                    

Chapter 77

Tumingin sya kay Rj. "Ikaw bro? Kung kunin ko ba sayo si Kaella, anu bang mararamdaman mo?"

Nakita ni Kaella na natigilan si Rj. Napatingin pa ito kay Kaella bago tumingin muli kay Yuan.

'Shocks! Death sentence ba to?' bulong nya sa sarili.

Napainom si Kaella ng tubig, kinakabahan sya dahil halatang natigilan si Rj. Gusto nito magsalita, pero parang walang lumalabas sa bibig nya.

"A-Ahm..."

"See? Di ka makasagot kasi alam mong masasaktan ka kapag kinuha si Kaella ng ex nya sayo. That same reason goes for me too..."

Napailing si RJ "Bro iba ang sitwasyon namin ni Kaella eh."

Ngumiti si Yuan "Pareho lang yun bro,.." uminom muna si Yuan ng tubig bago nagsalita ulit. "Medyo inaantok na ako, matutulog muna ako, if you want pwede kayong mamasyal muna."

"Sige bro, magpahinga ka na. Mukha ka ng zombie eh. You need rest."

Kaella is cursing herself. Bawat minuto, oras na dumadaan, lalo nyang dinadagdagan ang kasalanan kay RJ. Pati narin kay Gino.

"Tara, maglakad lakad tayo..." yaya ni Rj sa kanya. Katiwala nalang ni Yuan ang magliligpit ng napagkainan nila.

Naglakad lakad sila sa tabing dagat, hawak hawak ni RJ ang kamay ni Kaella. Habang si Kaella, tahimik na nagiisip ng anu ba ang dapat gawin. Naguguluhan sya. Kahi alam nya kung sino ang gusto nya, gulong gulo parin sya.

"Alam mo kanina ko pa napapansin na tahimik ka..." pansin ni RJ.

"Sorry,.."

"May problema ba Kaella?"

Napahinto sila sa paglalakad. Nakatingin sa kanya si RJ with full emotion. Full of love, at halatang nagaalala ito.

"May gumugulo lang sa isip ko..."

"Anu ba yun?"

Naglakad ulit sila. At hindi sumasagot si Kaella sa tanong ni Rj. Hindi nya alam ang sasabihin nya, kahit alam nya ang sagot sa tanong nito. Bigla namang nagsalita si Rj.

"Kanina, when Yuan asked me kung anong mararamdaman ko kapag kukunin ka nya sa akin..."

Napatingin sya kay Rj na nakatingin lang sa malayo habang patuloy silang naglalakad magkahawak kamay. "Bigla akong kinakabahan Kaella..."

"...Kinabahan ako na paano nga kung may dumating na isang lalaki na kukunin ka nya sa akin, at mas gusto mo syang makasama... Hindi ko alam ang gagawin ko Kaella"

"Rj, may kailangan kang malaman..." napahinto si Rj sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"RJ kasi..."

Hindi naituloy ni Kaella ang sasabihin dahil may biglang dumating. "Ser RJ, aalis po ako. Okay lang po bang pabantayan si Ser Yuan, mamimili lang po ako ng stocks namin dito"

"Sino po kasama nyo?" tanong ni Rj.

"Ako lang po, magcommute nalang po ako"

"Sasamahan ko na po kayo... Para mas madali, kasi di narin po kami magpapagabi ni Kaella."

"Ser, hindi pwede maiwan magisa si Ser Yuan eh "

"I know, si Kaella na magbabantay sa kanya and we'll go to Bayan"

"Ako?" tanong ni Kaella

"Yes baby, magkaibigan naman kayo. And he's sleeping now, kaya di naman ganun kahassle diba?"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon