Chapter 21

26.2K 244 21
                                    

Chapter 21

"Enjoy your date Sir," masayang sabi ni Mikay sa customer nilang papaalis na. Bumili lang ito ng bulaklak para sa girlfriend nya. Hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwala na mai-enjoy ang pagiging isang sales lady ng isang flowershop.

"Wow, parang ang ganda ng araw mo ngayon Mikay ah..." pansin ni Kuya Joma, Ngumiti lang si Mikay "Maganda lang ang gising Kuya Joma." Ngumiti ng nakakaloko si Kuya Joma "Baka naman kasi may isang tao na nagiging dahilan ng bawat masayang gising mo..."

"Anu nanaman yan Kuya Joma..." tanong ni Mikay na busy sa paglilinis ng mga ginamit nya sa pag-aayos ng bulaklak. "Si Gino. Sino pa ba? Eh mukhang nagkakamabutihan na kayo ah?"

Natigilan sya; naalala nya yung nangyari last night, those words that comes out from Gino's mouth. Hindi nya alam how to interpret those words but she can't help it, those words words easily reach her heart. Gusto nyang bigyan ng ibig sabihin yun; Gino might be falling for her, pero natatakot sya dahil kahit sya di nya mabigyan ng pangaln kung ano man ang nararamdaman nya kay Gino.

Hindi lang kasi si Kuya Joma ang nakapansin ng pagiging malapit nila sa isa't isa, pati si Aling Belen at pati si Aling Marian nasabihan din nya. Minsan nga pati Papa nya nagtatanong na dahil walang araw na hindi nya nakwento sa Papa nya si Gino kapag tumawag ito.

"Naku ikaw talaga kuya Joma kung anu-anong iniisip mo..." Hindi sya manhid para hindi maramdaman ang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Gino. The way na alagaan sya nito, the way na mag alala ito kapag di pa sya nakakauwi. Yung pagsundo nito sa kanya tuwing hapon. Ayaw nya mang maging assuming pero ramdam nyang may pagmamahal yun eh, iniisip nya lang pagmamahal bilang isang kaibigan.

"Tingnan mo na yan, natutulala ka..." doon lang sya natauhan ulit, kinakausap pala sya ni Kuya Joma na ngayon tawa na ng tawa "Alam mo Mikay, bagay naman kayo ni Gino eh, ibang iba ang dating nyo sa isat-isa."

Hindi alam ni Mika yang isasagot, tumalikod nalang sya dahil pakiramdam nya namumula sya sa panunukso nito "Ewan ko sayo Kuya Joma" mahinang sabi nya.

Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya kay Gino. The last time she fell inlove, it was with Miguel. Matapos sya iwanan nito hindi na nya nagawang magmahal ng katulad sa pagmamahal nya kay Miguel. Maayos naman ang break up nya with Miguel. She even ask for it, wala namang break up kung hindi dahil sa kanya eh. Pero hindi nya alam, parang may kulang.

Even with Ranz, she never felt anything like what she felt when she was still with Miguel. Though right now, hindi na sya sigurado kung ano pa ang mararamdaman nya kapag nakita nya na si Miguel. Matagal na syang hindi sigurado sa nararamdaman nya.

Alam nyang part of her likes Gino. But she's not sure kung mahal nya ba ito? Ganun ba ka-complicated ang magmahal? Pakiramdam nya kasi after Migues, hindi na sya capable na magmahal muli. "Mikay? Ayos ka lang?" napalingon sya sa nagsalita.

"Hi Aling Rosa, opo Im fine..."

"Mukhang malalim kasi ang iniisip mo eh," sagot nito. "Nga pala Mikay, may plano na ba kayo para sa susunod na linggo?"

"Anu pong meron next week?"

"Hindi mo alam? Birthday ni Gino. Yang batang yan hindi talaga nasicelebrate ng birthday. Pero dahil andyan ka na baka naman magcelebrate na sya." bangit ni Aling Rosa with a teasing tone.

"Hindi sya nagsi-celebrate ng birthday nya?" takang tanong ni Mikay.

"Hay naku, Oo Mikay, simula ng namatay ang Nanay nya naging ganyan na yan, ikaw nga lang ulit nakapagbalik ng ngiti ng batang yan."

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon