Chapter 37

22.5K 198 30
                                    

Chapter 37

Kasalukuyang nagsasalita ang mga kandidato para sa kaninalng campaig rally. Kanya kanyang pangako, kanya kanyang parinig sa mga kalaban, pagandahan at pabanguhan ng pangalan, lahat yun ginagawa nila. Ginanap ang rally sa baywalk ng Puerto Princessa, malawak kasi ito.

Maraming tao ang dumalo, ang iba totoong sumusuporta sa mga nagsasalita, ang iba naman nakiki-usyoso lang, yung iba gusto makakita ng artista. Isa kasi sa tumatakbong Senator si Richard Torres. Yung iba naman umaasang mamimigay ng pera ang partido. Ganyan na nga siguro talaga kapag eleksyon sa Bansa.

Si Gino, tahimik na nakapwesto sa malayo. Pero kitang kita nya parin si Mikay kahit pa malayo sya. Nakikita nyang tahimik lang si Mikay at ngumingiti marahil sa mga bumabati sa kanya.

"Ngayon naman ay bibigyan tayo ng pagkakataon na makapagtanong sa mga kandidato natin"

Ito na ata ang pinaka interesting sa lahat, ang tanongin ang mga kandidato. Unang natanong si Richard Torres; tinanong ito patungkol sa pagiging artista nya at kagustuhang pumasok sa pulitika.

Kasunod na tinanong ay ang isa pang Senador na muling kakandidato. Tinanong sya sa kanyang kaugnayan sa isang sikat na artista.

Marami pang ibang katanungan ang nabigay sa kanila hanggang sa umabot na sa Presidente ng Partido.

"Senator Madrigal, yung katanungan ko po ay para sa inyong anak kung okay lang po..."

Napalunok ni Gino dahil nakita nyang parang kinabahan si Mikay. Nagaalangan din si Senator kung papayag ba sya, tumingin ito sa anak nagtatanong marahil kung okay lang sa anak. Tumango naman si Mikay at tumayo, naglakad papuntang microphone stand.

Kinakabahan si Gino, ang masaktan si Mikay ang huling bagay na gusto nyang mangyari. Kaninang umaga nga lang nakarinig na ito ng hindi magagandang comments patungkol sa kanya, at alam nyang nasaktan si Mikay.

Paano nya narinig lahat? Hindi sya pumasok sa rest room para malaman ang lahat, bago pa pumasok ang grupo ng mga babae sa rest room ay si Mikay na ang pinaguusapan, hinahamak at minamaliit. Kaya ng makita nyang pumasok si Mikay sa rest room, kasunod ng mga babaeng yun ay nagalala sya. Alam nyang kapag ang babae naguusap sa Rest room man hanggang labas, walang preno.

"Miss Madrigal, alam ko na aware kayo sa mga issues na kinasangkutan ninyo these past few years. At maraming political analysts na nagsasabi na ikaw ang magiging failure ng Ama mo. Pero sa kabila noon ay nakikita parin ng marami ang laki ng posibilidad na manalo ang Papa mo... Kung sakali, bilang Presidential daughter., anu ang magiging project mo? Meron ka bang naiisip o binabalak? O katulad ng alam ng lahat at wala kang pakialam."

Naghihintay ang marami sa sagot ni Mikay sa tanong ng isang middled aged woman. Pati ang Papa ni Mikay kasama ang kapartido nito ay kinakabahan. Si Jao naman parang gustong isave si Mikay, habang si Gino nasa malayo nananalangin para kay Mikay.

Ilang segundo pa bago nakasagot si Mikay.

"I am my Father's failure, I would agree to that. But given a chance na maging isang Presidential daughter, may isa akong naisip na project. Its a housing project."

"I am aware na alam nyong nasubukan kong tumira sa isang slum area. And one thing na nakita ko ay ang kakulangan sa maayos na tahanan for unfortunate Filipinos." sagot ni Mikay.

"A housing project? Hindi ba mamumulubi ang Bansa sa plano mong yan?"

Ngumiti si Mikay "In other Countries, if you want a new owned house, the governement will take care of 50% of your expenses. And you will pay for it for years hanggang sa matapos mo"

"But in our Country, I honestly don't know about the expenses, this plan of mine naman kasi ay naiisip ko palang a month ago. And i havn't yet consulted an expert. We'll figure it out kapag naging Presidente na si Papa and we'll make sure na hindi mamumulubi ang Bansa."

Napangiti si Gino. Hindi nya alam na may ganoong iniisip si Mikay. Hindi nga nya napansin na naisip yun ni Mikay. Alam nya kasing sinusubukan sya ng mga tao.

Nang mukhang wala naring follow up questions para sa kanya ay natapos na ang question and answer. Niyakap si Kaella ng Papa nya at bumulong "I am so proud of you. And you are not a failure to me"

Napahigpit ang yakap nya sa Papa nya. With all the judgments given to her ng mga taong minamaliit sya, isa ang Papa nya sa nagpapalakas ng loob nya, at pangalawa doon si Gino. She's just seventeen years old, at alam nyang mahina sya when it comes to law, and iba pang political issues dahil di naman sya sumasama sa Papa nya before.

-----------------------------

"Mikay, akalain mo nagiisip ka rin pala ng ganun? Hindi halata" pangaasar ni Gino. Nasa dining hall sila ng Hotel.

"ang yabang mo," sagot ni Mikay while pouting her lips "Kahit papaano naman nakakaisip din ako ng mabubuting bagay kahit maarte ako"

Natawa naman si Gino "Ito naman di na mabiro. Pero alam mo, proud ako sa sinabi mo. Medyo may kaguluhan yung pagkasabi mo kanina pero yung kagustuhan mo, naipakita mo ng maayos"

"Talaga?" masayang tanong ni Mikay "Tingin mo hindi iyun makakasira kay Papa?"

"Hindi syempre. Naririnig ko nga na naguusap ang mga kapartido ng Papa mo. Sabi nila na hindi iyon magiging problema. Maaring makatulong pa sa Papa mo"

"Grabe Gino, kinakabahan ako kanina na."

"Alam ko,. Basta ang mahalaga nasagot mo ng maayos." habang naguusap sila ay sumingit sa kanila.

"Tito Henry," tumayo si Mikay at nagbeso.

"I just wanna congratulate you. Your plans may be vague, but one thing is clearer now, you are ready to become a Presidential Daughter."

Nakangiti syang nagpasalamat "By the way Tito, hindi ko pa personal na napapakilala sayo si Gino. The last time you met him kasi sa bahay when you are having a meeting."

"Yeah, I guess proper introduction is needed now" sagot ni Tito Henry. He offered his hand to Gino for a handshake. "Call me Tito Henry Gino..."

Tinititigan lang ni Gino ang kamay ni Henry Alvarez. Nang medyo tumagal na siniko na sya ni Mikay as if reminding him to be polite. Kaya kinamayan nya ito without any eye contact.

Matapos ang pakilalanan ay sa hindi kalayuan ay tinawag si Mayor Alvarez ng Press.

"Mayor, hindi natanong kanina sa quesion and answer patungkol sa inyong napapabalitang anak sa labas, anung masasabi nyo?"

Napatingin si Mikaella sa press na nagtatanong nito at hinintay ang sagot ng Tito Henry nya.

"Hindi totoong may anak ako sa labas, so I guess asking me about that during campaign rally is not necessary anymore, because my answer would always be the same as my first"

Napangiti si Mikay sa sagot ng Tito Henry nya. Naniniwala sya dito, alam nyang mabuting tao ito at mabuting ama. Isa ito sa hinahangaan nyang tao.

Nagulat nalang sya ng tumayo si Gino "Masama na pakiramdam ko, doon nalang ako sa kwarto ko"

Hindi na nito hinintay ang sagot ni Mikay at walang lingon lingon na naglakad.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon