Chapter 72

17.7K 214 54
                                    

Chapter 72

Kaella is ubdeniably happy. She had a wonderful day with Yuan, kahit halos nilibot nila ang buong lupa ni Don Juanito. Super bonding talaga ang ginawa nila ni Yuan.

Kaya nga ngayon, mukha syang ewan na naghahanda matulog. Pakanta kanta pa. Masaya talaga sya ngayong araw na to. Bigla namang nagring ang phone nya.

Napatahimik sya saglit. Masaya sya because of Yuan habang may isang tao na nagaalala sa kanya "Hello Rj"

[How's my baby?] tanong ni RJ

"Im good, nagreready na ako matulog."

[aw, sige... Matulog ka na. Bukas nalang ako tatawag. Okay?]

Si Rj yung tipo ng tao na laging kapakanan ni Kaella ang iniisip. Kaya kahit halos wala silang communication for a day, malaman nya lang na ayos si Kaella at nakakapagpahinga ng maayos, okay na sya.

Nang matapos ang usapan nila, napaisip pa si Kaella. Bahagya nyang sinampal ang sarili "Ang arte mo kasi Mikay eh.,"

Napatahimik sya ulit. After six years, ngayon lang nya nagamit ang Mikay. "Pero nakakamiss maging masaya..."

Masaya naman sya kay Rj eh, kayalang may mga bagay talaga na partial lang kung kukunin mo sa ibang tao. Pero kapag mahal mo kasama mo, full blast talaga ng happiness.

"Wait wait Kaella... Don't tell me in love ka kay Yuan?" tanong nito sa sarili. "No... Kakakilala mo lang sya. Nadadala ka lang sa mukha nya."

Napatakip sya ng mukha gamit ang dalawang palad "Anu bang iniisip ko Kaella!"

Halos mapatalon naman sya ng may kumatok sa kwarto nya. Agad syang lumapit sa pinto at binuksan ito.

"Oh Yuan"

Ngumiti ito sa kanya "May dala akong gatas for you..."

"Wow! Thanks"

"Para makatulog ka ng maayos. Ang ingay mo matulog eh"

Naalala ni Kaella na narinig pala ni Yuan ang pag sleep talk nya. And alam nyang si Gino ang hinahanap nya.

"Im sorry for last night..." nahihiyang sabi ni Kaella.

"Its okay,." nakangiti nyang sabi. "Ubusin mo yan ha, and agahan mo gumising bukas, pupunta tayo sa site."

"Oonga pala... Sige goodnight."

"Sige goodnight..."

Halos mabitawan ni Kaella ang isang basong gatas na hawak dahil sa ginawa ni Yuan. Kaya napatulala sya sa harap nito.

"Im sorry if I kiss you..." hindi nakasagot si Kaella sa pagkabigla.

"Kaella,.." bakas sa mukha ni Yuan ang pagaalala.

Ngumiti si Kaella at hinawakan ng kanyang kaliwang kamay ang kanag pisnge ni Yuan "You sleep well.." at pumasok na sa kwarto.

Napainom ng gatas si Kaella ng makapasok sa kwarto, napahawak sya sa hinalikan ni Yuan...

"He kissed me..." pabulong na sabi nya habang hawak hawak ang PISNGE.

Naalala nya nung araw na naging sila ni Gino, sa pisnge nya rin hinalikan ito. "Oh my, anu bang nangyayari?"

Kinakabahan si Kaella dahil sa nararamdaman nya dahil alam nya kung anu ang nararamdaman nya. And its not right dahil she's with someone else, she's having a relationship with Rj.

Nang nasa kama na si Kaella, nakatingin parin sya sa ceiling ng bahay. Nagiisip ng kung anu ano, hindi rin kasi sya makatulog eh.

Napatingin sya sa mesa na pinaglalagyan ng cellphone nya, may nagtext kasi sa kanya.

[From Yuan

Don't over analyze things. Sleep tight Kaella. :)

Napapikit si Kaella "I have to enjoy this, habang andito pa"

Alam nyang si Yuan is nothing but a temporary comfort. After this week, babalik na sila sa totoong mundo nila. Sa mundo na hindi pwede ang totoong gusto nila.

------------------------

"Oh gising ka na pala..." sabi.ni Yuan. Naghahanda ito ng agahan "Let's eat"

Napatingin sya sa handa ni Yuan. Pancake ang una nyang napansin. "Kumakain ka ba ng pancake?"

"Ha? Ah, Oo naman..."

"Good! Pero yung syrup natin fresh honey... Masarap to"

Napangiti si Kaella. Parang unti unting bumabalik yung dati nyang buhay, yung buhay nya as Mikay, the slum Princess.

"Halika na, subukan mo yung luto ko" sabi ni Yuan ng may pagmamalaki.

"Hiyang hiya naman ako sa yabang mo" natatawang sabi ni Kaella.

"Hindi yun yabang, Im just stating facts" sagot naman ni Yuan.

"Well let's see... Halika na at sintensyahan na natin ang luto mo"

"Oh ayan,"Si Yuan ang naglagay ng pancake at syrup sa plato ni Mikay "And itong coffee mo"

Natutuwa si Mikay kasi maasikaso talaga si Yuan. "Mmm, masarap ha."

"I told yah..." maarteng sabi pa ni Yuan.

Natawa lang si Kaella. Masaya silang kumain, at maya't maya napapatingin sa isat isa bago ngingiti. Para lang silang sira.

"Ahm... Yuan?"pasimula ni Kaella "Paano mo nagustuhan tong coffee with chocolates?"

"Nabasa ko lang, perfect match daw yun. Gawain ko to sa Australia eh"

Gustong umasa ni Kaella na si Yuan at Gino ay iisa. Pero paano mangyayari yun? At kung nangyari nga, ang tanong bakit sya naging Yuan.

-------------------------

Nakaupo si Vicky sa labas ng bahay nila. Okay na rin ang Papa nya, pero hindi pa makakilos ng maayos nga lang.

Hawak hawak ni Vicky ang isang bottled water. "Kailangan kong gawin to..."

Ito ang bottled water na ininuman ni Yuan nung huli silang magkakasama bago sila umalis ni Kaella. Napansin ni Vicky ang kakaibang kilos at tingin ni Yuan kay Kaella, kaya nakaisip sya ng isang solusyon.

DNA.

------------------------------

Sorry!! Kasi marami talagang sablay na words, grammar and even anu pang kasablayan sa story na ito. Kaya sana pagpasensyahan nyo na. Wala talaga akong time magproof read.

And sorry, dagil ito na ang last UD for this day. Pagod ako sa byahe! Habang ginagawa ko mga UD ko kanina, yung bata iyak ng iyak sa harap ko dahil sa more than 3 times syang nainjectionan sa mukha pa.

BUT I LOVE THIS DAY!

THANKYOU FOR YOUR UNCONDITIONAL SUPPORT! GODBLESS

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon