Chapter 61

18.3K 168 14
                                    

Chapter 61

"Mikay, wag ng matigas ang ulo eh..."

"Gusto ko nga kasing sumama..."

Kanina pa sila nagtatalo dahil mapilit si Mikay na sumama sa Bonifacio Square para sa National Heroes Day. Ayaw ni Mikay magpaiwan dahil boring daw.

"Maghahanap ka ba ng ibang lalaki kapag umalis ako?"

"Ha? Syempre hindi!!"

"Yun naman pala eh, ako rin hindi maghahanap kaya wag ka magaalala, pagbalik ko sayo parin ako"

"Gino naman eh..." hinawakan si Mikay sa balikat ni Gino para iharap ito sa kanya.

"Ako si Ulysses at ikaw si Penelope ng Ithaca. Aalis si Ulysses at maiiwan si Penelope, pero kahit mahirapan sa dagat si Ulysses, gagawin nya ang lahat makabalik lang kay Penelope"

Napakunot noo si Mikay "Anong story yan?"

"Anu ba yan Mikay, nagsisimula na ako magpakilig tapos ikaw bigla kang magsisingit ng ganyan... Halatang di ka nagaaral ng mabuti noong nasa school ka pa"

"Ang yabang mo naman..." sagot ni Mikay na medyo nagtatampo pa.

Ngumiti si Gino at hinawakan ang dalawang kamay ni Mikay "Yun ang favorite story ko, Homer's Odyssey."

"Hindi ko pa talaga yan alam, baka nag cut ako ng class noong tinuro yan" bahagya pang natawa si Gino sa sinabi ni Mikay.

"Ganito nalang, bibigyan kita ng assignment... Babasahin mo kahit summary lang Homer's Odyssey, at sagutin mo yung question na to..."

"Willing ka bang maging Penelope ko? Na kahit anong mangyari, ako parin ang pipiliin mo"

Medyo strange yung feeling ni Mikay pero tumango parin sya, hindi talaga uubra ang katigasan ng ulo nya kay Gino.

"Gino! Malapit na tayong umalis..." sigaw ng isa nilang kasamahan.

"Susunod na po ako!" sagot nya bago bumaling kay Mikay "Ikaw behave ka dito ha, walang tatakas, gawin mo lang yung assignment ko. Ititext kita kapag may time"

Wala ng nagawa si Mikay kundi sumunod. Hindi rin nagtagal ay umalis na ang security team. Masyado syang nasanay sa presence ni Gino kaya medyo nalulungkot sya kapag hindi nya ito kasama. Pero sabi nga ng Papa ni Mikay, may mga priorities na dapat mas bigyan ng pansin.

"Manang pahatid nalang po sa garden yung pancake, doon po ako magbreakfast, I'll just get my laptop."

Gagawin nya ang pinapagawa sa kanya ni Gino, babasahin nya ang story na yun. Mukha naman interesting eh.

---------------------------

Nagsisimula na ang ceremony. Nasa stage ngayon si President Alberto Madrigal katabi ang Vice President na si Henry Alvarez at ang Defense Secretary na si Edward Hontiveros.

Kasama din nila General ng Armed Forces of the Philippines at pati narin ang Chairman ng National Historical Commission.

Napatingin si Gino sa paligid na ngayon ay nakatayo sa ilalim ng puno. Sa dinadaming malalaking tao na andito ngayon, possible kayang andyan ang totoong kalaban ng Madrigal?

Napatingin si Gino kay Kuya Roger na may kausap sa kanya 'Radio' "May nahuli kaming dalawang lalaki... Over"

"Okay, pupunta na ako dyan" sagot ni Kuya Roger.

"Pwede po ba akong sumama?"tanong ni Gino.

"Halika na.." yaya ni Kuya Roger at nagpaswap nalang sila ng iba pang security.

Habang naglalakad sila ni Kuya Roger papunta sa mga kasamahang nakahuli, naisip nya na ganito din kaya ang karanasan ng ibang naging Presidente ng bansa?

Yung tipong lahat ng special occassion mo parang yun nadin ang pwedeng maging date of death mo dahil sa daming gustong pumatay sayo?

Nakarating sila sa tent nilang mga security, ginawa nila ito para maging isang office.

Sa kalayuan palang kita na ni Gino ang dalawang lalaki na nakaupo sa may tent. Nakasuot lang ito ng white tshirt at isang rugged na pantalon. Mukha itong isang NPA.

"Anong balita dito?"tanong ni Kuya Roger sa mga kasama.

"Nakita namin ang dalawang ito.na umaaligid aligid at may dalawa pa silang isang baril"

"Sino ang boss nyo?" tanong ni Kuya Roger, si Gino nagnood lang sa kanila.

Hindi ito nagsasalita. Halos saktan na nga sila ng iba pang security pero hindi parin sila nagsasalita.

"Pwede bang pahiram ng cellphone nila?"

"Sige Gino, ikaw ang bahala dyan." sabay bato kay Gino ng cellphone na nasalo naman nya.

Isa lang itong basic phone, kaya hinanap nya ang message and explore it.

From: Amorseko

[Bakit wala pa kayo? Malaput na magsalita ang Presidente]

Yan ang nabasa nya agad kaya tinawagan nya ito agad. Isa lang ang ibig sabihin ng text, andito talaga ang kumakalaban ng patalikod sa Presidente, andito ang anay ng lipunan.

Agad na nasagot ang tawag at nagsalita ito. Hindi sya agad nakapagsalita ng.marinig ang boses. Hindi sya pwedeng magkamali, kilala nya ang boses nya yun.

--------------------

"It's so easy to forget what you're after, where you're going and why you want to go. Ten years we fought in a war, and ten years it took us to get home again. So many things to make us forget. And so many things to make us remember."

Nawili si Mikay sa pagbabasa ng Homer's Odyssey. Its kinda adventurous pero maraming lessons. Pati ang love story ni Ulysses at Penelope ay isa sa inaabangan nya.

Ngayon nga kahit halos ilang oras na syang nagbabasa, hindi parin sya napapagod. Every chapter and every event ay nagiging exciting.

"Mam Kaella, merienda po"

"Thank you Manang,."sagot ni Kaella habang nasakaharap parin sa binabasa.

Nainlove sya sa story na nabasa. At sa sobrang excitement nya, bawat character na meron ay nirerelate nya sa sarili. Tulad nalang kay Ulysses, ini-imagine nya na si Gino and hero at sya ang heroine.

Ang question ni Gino kanina ang nasa isip ni Mikay. "Willing ba sya maging si Penelope sa buhay ni Gino?"

Penelope and her son waited for Ulysses for almost 20 years. No communication, no signs kung makakauwi pa ba ito....

And yet, sa kabila ng napakaraming suitors,. She never think twice kapag nirereject nya ang mga ito.

"Will I be that kind of Penelope?" tanong nya sa isip.

------------------------

I borrowed some lines from a play ng Homer's Odyssey. Credits to the owner.

And to my reaDEARS out there... hold on! :D

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon