My Slum Girl Princess' Special Chapter #3

15.6K 194 11
                                    

Special Chapter 3

"I have witnessed your relationship for the past years. Nakita ko kung paano kayo ka-patay na patay sa isat-isa" nagtawanan ang mga tao na nasa reception.

Ngayon ang kasal ni Jao and Julia. And dahil nasa reception na sila, its time to give their wishes and messages for the newly wed. Si Gino ang next to the last na magbibigay ng message bago ang mga magulang ng baging kasal.

"Cheers on your wedding day! Enjoy your married life, at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin"

They all raised their glasses for a toast and after that nagpalakpakan sila.

Mabilis na lumipas ang oras. Bawat table binibisita ng bagong kasal. Nagpapa-picture at unting kwentuhan at tawanan.

Nasa iisang table naman ang Pamilya ni Gino at ni Mikay. Ngayon nalang ulit nagkasama ang Presidente at ang dating Vice President.

Nagfile lang si Jao at Gino ng petition para makalabas ang Papa nila for Jao's wedding. Ayaw kasi ituloy ni Jao at Julia ang kasal kung wala ang Papa ni Jao. Kaya sobrang saya nila ng tanggapin ang petition nila. Salamat sa tulong ng Presidente.

"Kayong dalawa, kelan kayo magsisimula sa preparation for your wedding?"

Saglit na nagkatinginan si Gino at Mikay "Next week na po Pa, may mga nakausap narin kaming tao. Planning nalang talaga ang gagawin namin" sagot ni Gino.

"Kaella,.. Alvarez parin pala talaga ang magiging last name mo." biro ni Henry kay Mikay.

Natawa nalang si Mikay. Naalala nya kasi before noong sila pa ni Jao, his Tito Henry love teasing her na magiging Alvarez din ito.

"You're right Tito, di ko rin ini-expect na Alvarez din pala ang bagsak ko"

"Kahit ano naman pong last name ko, I am 100% sure na ako parin ang pakakasalan ni Mikay" biro ni Gino.

Nagkatawanan naman sila sa table nila. Si Mikay mahinang hinampas si Gino sa braso. Pinagkakaisahan sya ng mga lalaking to.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito ah" she silently groan, dumagdag pa tong bagong kasal.

"Andito na pala ang bagong kasal" tumayo si Alberto para bumati "Congratulations. And... Sobrang naenjoy ko ang food"

Napatawa sila dahil talagang food pa ang nacompliment ng Presidente. Well, almost perfect naman ang ceremony eh, may mga ibang sablay lang katulad ng nadapa ang flower girl nilang si Chichay, buti napang dumating si Joaquin. Marami tuloy ang kinilig sa mga bata.

"Naku Tito, next year si Kaella nanaman" excited na sabi ni Julia.

"Oonga eh,. During ceremony nga kanina naisip ko na Im not yet ready to give my daughter away"

"Pa!" agad na singit ni Mikay. Natawa silang lahat sa reaction ni Mikay.

"Eh kahit tumutol ako, mukhang magpapakasal parin ang dalawang to." sagot ni Alberto

Nagkwentuhan pa ng saglit sila bago nagpapicture. Para na silang isang malaking family, kasama si Nay Belen.

Bigla namang may lumapit sa kanila... Si RJ

"Sama naman ako..."

Sumama naman sya sa picture taking. At nang matapos sya naman ang kinantyawan ng bagong magasawa. Ito na ata ang favorite job ng magasawa, ang mang asar.

"Iniwan mo ang kadate mo?"

"Hindi ko kadate yun, nagkita lang kami dito" depensa ni Rj.

"I didn't know na magkakilala pala kayo ni Gigie" sabi naman ni Julia

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon