Chapter 13

30.2K 244 9
                                    

Chapter 13

"Gino, may problema ka ba?" tanong ni Miss Vicky kay Gino.

"Ha? Mam Vicky, wala masakit lang ang ulo ko" rason ni Gino

She tapped his shoulder "Alam mo Gino, matagal ka na dito sa fast food, hindi pa ako manager nagpa-part time ka na dito sa Mcdo. Nakita na kitang may sakit na nagtatrabaho, at pulido ka parin gumawa."

Napayuko sya dahil nahiya sya bigla; sa totoo lang hindi nya rin alam bakit ganoon ang nararamdaman nya. Nagsimula lang naman syang nawalan ng focus nung kumakain sya ng agahan kanina. Noong sinabi ni Mikay na excited na syang umalis.

At hindi nya lubos na maisip bakit ganun nalang sya naapektohan, eh dati pa naman nya alam na aalis si Mikay matapos ang three months.

"Ah, Mam Vicky, pasensya na... Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

"Sige, ikaw muna sa stocks, twice ka ng nagkamali ng pagbigay ng order eh, may nabasag ka pa..."

"Mam, pasensya ka na talaga,.."

"Anu ka ba Gino, ok lang yun... Kayalang yung mga nabasag mo naman kanina, charge sayo yun"

"Ok lang po ,mali ko naman eh.,"

Hindi alam ni Gino how he survived the day, basta namalayan nya nalang ang sarili na palabas na ng Mcdo bitbit ang gamit, tapos na pala ang shift nya.

Naglakad lakad si Gino dahil ayaw nya pa munang umuwi. Hilig nya ang maglakad lakad lalo na kung napakarami nyang iniisip? Anu nga ba ang malalim nya iniisip?

"Pambihira naman Gino oh... Nakakabakla ka na ah..." sabi nya sa SARILI nya.

"Kung maapektuhan ka akala mo aalis na bukas, eh halos dalawang buwan pa eh.. Teka teka... Pakialam ko ba na aalis na sya ng bahay? Kahit umalis pa sya bukas, wala akong pakialam!"

Napailing sya sa ginawa nya. Doon nya napansin na pinagtitinginan sya ng mga kasabayan nyang naglalakad. Malamang dahil nagsasalita sya mag-isa.

"Pambihira naman, nagmukha pa akong baliw.." pabulong na sabi.

*****

Kanina pa hindi mapakali si Mikay dahil sa kakaalala sa binalita sa kanya ng Papa nya. Hindi nya kasi alam paano harapin ito.

"Dapat kasi di na bumalik eh..." bulong nya sa isip. Napapikit sya ng muli nanamang maalala ang nakaraan at kung sino si MIGUEL sa buhay nya.

Flashback

Four Years Ago

"Iya, nabalitaan ko nanaman ang ginawa mo sa school; bakit mo naman sinaktan si Cindy?" tanong ng boyfriend nyang si Miguel. Si Miguel lang ang tumatawag sa kanyang Areeyah.

"Miguel, ako dapat ang kinakampihan mo, ako kaya ang napagsalitaan ng masakit kaya nagawa ko yun..."

"Iya, Im on your side but I just want you to realize na what you did is wrong. Kahit sya pa ang nauna, dapat di ganun ang reaction mo." paliwanag ni Miguel.

Niyakap ni Kaella si MIGUEL sa braso, "Sorry na... Wag ka na magalit... Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko" lambing ni Kaella,

He sigh "Alam mo namang di kita matitiis eh..."

More than a year ng boyfriend ni Kaella si MIGUEL. Kababata nya ito, nanligaw sa kanya at sinagot nya. Malamang, kaya nga sila na diba?

Si Miguel ang naging absorber nya kapag masama ang loob nito. He knows everything. Pero noong anniversary nila, may dicision na ginawa si Miguel.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon