My Genetically Modified Love

By GreenInked

1.1M 14.7K 1.6K

"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak... More

1:*Not Your Ordinary Day
2: The Baby Named Avie
3: Who's Your Daddy?
4: Going Back A Few Years Ago
5: Si Dave, Si Avie at Ako
6: Ako?!! Weh?! Di nga?!!
7: Ang Sabi Ko Sasama Lang Ako
8: Wanted: Perfect Wife
9: You, me and Avie
10: I Smell Bitterness In The Air
11: The Massage
12: Round Two! ding! ding! ding!
13: Teacher Michael
14: Zoo-per 'date'
15: Michael Vs. Dave
16: Walang Tulugan
17: Meet The Parents
18: Mangga, Santol at Bayabas
19: Having Avie
20: Happy 4th Birthday Avielle Marie!
21: Dancing Away With My Heart
22: The Birthday Gift
23: Si Mommy Kasi Eh!
24: Last Night Was.....
25: The Company Outing
26: When the Truth Catches Up
27: She Can't Know
28: The Playgirl in Action
29: The Great Pretender
30: The Day I Said Goodnight
31: Si Deedee
32: Unresolved Issues
33: My Very Own Christian Grey
34: *My Very Own Christian Grey Part 2
35: Legalities
36: Angels Brought Me Here
37: Goodbye Dati naming Buhay
Goodbye Dati Naming Buhay
38: *The boy named 'Derek'
39: Surprise Surprise!
40: *Si Jayjay
41: Seducing My Husband
42: It's All About Trust
43: It's All About Trust Part 2
44: When The Road Runs Out
45: One Brown Envelope
47: *Project: Daddy's Back
48: Project: Daddy's Back 2
49: Back To Square One
50: Prince Charming
51: A Deal with Avie
52: Whether you like it or you like it
53: It Takes Two to Tango
54: Initiating Peace Talks
55: Bati na Tayo?
56: The Hot Wife Is Back Along w/ Everything Else
57: The Ghost of Ex-fling's Past
TheGhost of Ex-fling's Past Part 2
Triple Trouble
Mommy's Day
Daddy Wars
Define Crazy
Twists and Wrong turns
The Day The Love Died
The Day The Love Died 2
Kidnapped??
La Isla Dianna
La Isla Dianna Part 2
Epilogue

46: Wag Kang Iiyak

11.9K 136 48
By GreenInked

[DIANNE'S POV]

"Ayan! Ang tapang tapang mong makipag hiwalay, waley ka naman pala pagkatapos" pagalit sakin ni Doc. Girlie. Isa pa 'to, nalate lang sa meeting ng tribal council. Pero at least may sense namang kausap si Girlie

"Grabe masama na nga loob ko, dadakdakan pako" I continued crying.

"Aba kung hindi ka naman kasi isa't kalahating tanga at nagpadala ka kina Sabrina, edi sana hindi ka nag-iiiyak ngayon" sermon sakin ni Girlie. "Anong balak mo ngayon, nakapirma na siya"

"Ewan ko, para kasing hindi ko pa kayang ibigay yan kay Atty. Ramiro." nanghihina ang tuhod ko naiisip ko palang.

"Gaga! Edi sana hindi mo nalang inaway, nagmamaka-awa na naman pala sayo kanina" sumandal si Girlie sa swivel chair habang inuubos yung chocolate bits sa ilalim ng float na iniinom niya. "Isa ka pang loka loka Dianne eh"

"Girlie hindi naman kasi ganun kadali yun, he needed to hear those." sabi ko. Totoo naman kasi. Dapat alam niya na hindi na siya nakakatuwa.

"O e anong plano mo ngayon? Officially hiwalay na kayo" sabi niya.

"Hindi ko alam, hindi pa naman namin ipapa-alam sa mga bata hangga't hindi pa sila makakaintindi" Naman! For sure baka mag-emotional breakdown si Avie kapag nalaman niya. Kay Jayjay wala pa namang mashadong impact.

"Dianne ikaw ba hindi pa uuwi? Gabi na o?" Girlie reminded me. Nandito pa kasi ako sa condo niya.

"Uuwi na pala ako, thanks ha?" Sabi ko while I'm wearing my shoes.

I went home. Haaay.. Kay Avie nalang ako makikitulog tonight. Malaking kalokohan kung katabi ko si Dave.

Wala si Dave sa room nung pumasok ako. Baka he needed some time off dahil nga sa nangyari kanina. Baka nga lasing yon pag-uwi. Pero bahala siya, buhay na niya yon.

Tulog na daw si Avie and Jayjay pagdating ko. Sabagay 11 na ako ng gabi dumating.

Haay.. Kung weird ang feeling noong dumating ako sa bahay na 'to. Ngayon gloomy na.

Si Jayjay at si Avie nalang naman yung reason kaya ako andito. Haay.. Lumabas nako ng room at lumipat sa room ni Avie.

Napangiti ako sa nakita ko, kaya pala wala si Dave sa kabilang room. Kasi andito siya kina Avie. Magkakatabi sila sa bed ni Avie.

Binuhat ko si Jayjay, baka kasi mahulog siya kung nasa tagiliran siya ni Dave. Nilipat ko siya sa tabi ni Avie at saka ako humiga sa kabilang dulo ng bed.

I kissed Avie and Jayjay. Matutulog nako, mashado nang masakit ang araw na 'to.

I woke up sa room namin ni Dave. Hindi ko alam kung papano ako napunta dito. Baka binuhat ako ni Dave, but why? Wala naman akong maalalang may nag-babawal na doon ako matulog. Unless....

I got up and checked if my parents are here. Ayun lang naman ang pinaka maayos na reason kaya dapat matulog kaming magkasama.

Shoot! Bag ni mommy yung nasa sofa. Dapat makabalik ako sa taas!

"Dianna! Gising ka na pala, halika nga magusap nga tayo" ang weird, seryoso si mommy, hindi kaya may alam si mommy? Pero papano naman? Nagsumbong kaya si Dave?

Lumapit ako kay mommy, nag-echo ang malakas na tunog ng sampal sakin ng mommy ko sa sala ng bahay.

"Ah" I touched my cheek. Masakit ang nararamdaman ko hindi dahil masakit ang sampal sakin ni mommy kundi dahil first time akong nasampal ng mommy ko.

"Dianne" lumapit sakin si Dave. Nakatikim rin siya ng sampal galing sa mommy ko.

"Papano niyo na-atim na maghiwalay ha?! Papano yung mga apo ko?!" binulyawan kami ni mommy.

"M-mommy papano naman po nakarating sa inyo yung balita?" baka kasi chismis lang kay mommy pwede kong--

She handed the envelope to me.

Shoot! Kitang kita pala ng mommy ko ang ebidensya bakit naman kasi hindi ko naitago kagabi!

"Akala nung maid naiwan ko yan dahil nasa sofa kanina, papano niyo nagawa yan?! Alam niyo ba kung gaano kalaki ang magiging epekto ng paghihiwalay niyo kay Avie at kay Jayjay!" parang nanlilisik ang mga mata ng mommy ko.

Buti nalang si mommy lang and nandito kung hindi---

"Dianna! Dave!" Nako po anjan pa pala ang daddy ko.

Nasampal na si Dave ng mommy ko nasuntok pa siya ni daddy.

"Dad stop please?!" Humarang na ako. Hindi ako masasaktan ng daddy ko.

"May ibang babae ba yang hayop na yan kaya kayo naghiwalay?! Dianna umamin ka!!" bulyaw samin ng daddy.

"Dad--" umalis si Dave sa likod ko at humarap sa dad ko.

"Dad kasalanan ko po, sorry po" saka naman umigkas ulit ang kamao ni daddy.

"Dad tama na please!" nilapat ko yung kamay ko sa likod ni Dave. Nakayuko pa kasi siya dahil hindi pa siya nakakarecover. Malalakas yung suntok sa kanya ng daddy ko kaya talagang mahihirapan siyang mag-recover.

Natigilan si mommy habang nakalingon sa likoran namin ni Dave. "Avie, baby" she ran paakyat ng stairs. Nasa hagdan pala si Avie and feeling ko kanina pa niya kami napapanood dahil iyak na siya ng iyak.

Buhat na ni mommy si Avie nung bumaba siya at umupo sa sofa. Pinigilan ako ni dad na lumapit kay Avie.

"Dad she needs me" sabi ko sa dad ko.

"You both don't deserve Avie and Jayjay" sabi ni daddy.

"But dad--"

"Dianna! Hindi humihinga si Avie!" Napalingon kami ni dad sa kanila ni mommy.

I ran towards Avie. "Baby?! Baby talk to me, please baby?" I laid Avie sa sofa and I loosened her pajama top.

"Baby breathe please?" I slightly raised Avie's head back and opened her mouth. I breathed into her.

Walang response si Avie, her chest just lifts up and falls. She has to respond and breathe on her own kung hindi pwede siyang magka-brain damage o di kaya mamatay.

I breathed in again. "Baby ko, Avie please breathe" Naiiyak nako, kapag may masamang nangyari kay Avie hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Please baby breathe, please please please" I breathed into her again.

 I patted her cheek.

She coughed and started crying again. I hugged her. "Baby ko I'm sorry, I'm sorry, I'm so sorry" wala akong sawang mag-sosorry kay Avie basta ba maibsan yung nararamdaman niya.

"Paki handa niyo yung gamit ng mga bata" sabi ng dad ko sa yaya ni Avie at Jayjay. Sumunod naman sila agad.

"Dianne, Dave, samin na muna yung mga bata, hindi makakabuti sa kanila na nandito sila sa inyo." sabi ni mommy. Kinuha niya sakin si Avie.

Dad went upstairs, pagbaba niya dala na niya si Jayjay kasunod yung maids na bitbit yung bags nila ni Avie.

Hindi ko alam kung dapat ko silang pigilan. After nung nangyari kay Avie, mas natatakot akong magkaganun ulit siya kapag nandito siya.

"Dianne we'll just call you and Dave kapag ok na, hindi naman namin ipapagkait sa inyo yung mga bata" sabi ni mom saka sila umalis. I watched them drove away.

 Hindi ako maka-iyak pero tuloy tuloy ang tulo ng luha ko.

Umakyat ako sa taas para kunin yung mga gamit ko. This time final na talaga 'to.

Wala na akong reason para magtagal sa bahay na 'to. I asked the maids to help me bring my things sa Lexus ko. Hindi ko na pwedeng gamitin yung Audi na regalo ni Dave noong second year anniversary namin.

Balik normal na, teka alin nga ba ang normal? Hindi ko narin alam.

"Dianne baka makalimutan mo" inabot sakin ni Dave yung envelope I took it from him. "Mag-iingat ka palagi ha?" He wiped his tears. Ang sakit sakit makita siyang ganyan. Ang panget panget niya kapag umiiyak.

"Hoy wag ka ngang umiyak jan, ampanget mo" ang hirap umiyak at tumawa at the same time.

"Ikaw din naman eh, hindi bagay sayong umiiyak" sabi niya with a bitter smile and tears falling from his eyes. "Galingan mong pumili ng ipapalit mo sakin ah? Kapag yon mas panget sakin, aawayin kita"

"Gago! Maganda ang taste ko at magaling akong pumili, baka ikaw panget ang ipalit mo sakin" natatawang sabi ko kahit walang tigil yung tears ko.

He just smiled bitterly. "Wala ba akong break up hug?"

Lumapit ako and I hugged him.

"Mamimiss kita, sorry ha? Gago kasi ako. Pero alam mo, mahal na mahal ka nitong gagong 'to, hindi lang niya alam kung papano ka i-handle kasi you're too hot" sabi niya sa likod ko.

"Ungas ka talaga. Sige na, aalis nako, wag ka nang iiyak ha? Ang panget mo eh, yung copy ng records ng lahat ng finances mo nasa PC sa office mo, doon kasi ako gumagawa para feeling boss ako kapag wala ka pa" I patted his shoulder and hopped in my car.

Lumakad pa siya kasunod ng sasakyan ko. It's so hard watching him watch me drive away. He stopped following me nung nakalabas na ako ng gate. I started crying nung hindi ko na siya nakikita sa rearview mirror ko.    

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 204 20
Isang babaeng nainlove sa kanyang bestfriend. Eto ang revelation guess what bakla yung bestfriend kaya naman itinago niya ang kanyang nararamdam. Isa...
711K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
123K 2.4K 34
Angel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood day...
698K 20.3K 67
(~WATTYS2018 WINNER~) Muntik nang himatayin si Dylan Eros dahil sa gulat pagkatapos niyang mag-over-the-bakod mula sa sarili nilang bakuran. He's sne...