A Man's Life

By aKo_Narcisso

368K 6.8K 1.2K

Lalaki ako. Yun. Period. Bago kayo mag-isip ng kung ano pa man, lalaki po ako. So clear all your misconceptio... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine ~END~
To be published under Life is Beautiful
FAQ

Five

9.6K 226 40
By aKo_Narcisso

Dahil sa puro babae ang nakapaligid sa akin, lubos na nag-alala si papa. Baka lumaki daw akong binabae.

“Chan-Chan anak, lika. May sasabihin si papa,” tawag ni papa.

“Ano yun pa?” sagot ko naman habang lumalapit.

Binuhat niya ako tsaka kinandong.

“Chan-Chan, tandaan mo. Lalaki ka ha. Kaya wag ka na masyadong makipaglaro sa mga ate mo okay?” sabi ni papa.

“EH? Wala naman po akong ibang kalaro,” nakakunot noo kong sagot kay papa.

“Wag kang mag-alala makakahanap ka din ng mga kalaro sa pasukan,”sabi ni papa.

Nagningning ang mga mata ko sa aking narinig. “Talaga po! Magkakaroon po ako ng maraming friends? As in maraming maraming maraming friends?”

“Oo Chan-Chan. Maraming maraming friends,” nakangiting tugon ni papa.

“YEHEY! I love you po papa!”

Pagdating ng pasukan, napag-alaman kong sa boarding school pala ako. Isang All boys boarding school. Umiyak ako ng todo-todo ng nalaman ko yun. Ilalayo nila ako kay mama. Di ko makakasama sina Pen-pen, Kleng-Kleng, Chu-Chu, Cha-Cha, Ken-Ken, Ton-Ton, Mik-Mik at iba ko pang stuffed toys. Pero wala akong nagawa. Tinaggap ko ang kapalaran kong mapahiwalay sa pamilya ko. Ang tanging sandalan ko lang ay si Basti. Hindi kasi ako papayag na pati si Basti ay maiiwan. Ayokong mag-isa.

Kung may gusto man akong kalimutan sa childhood ko, yung stay ko sa allboys school na yun ang pipiliin kong kalimutan. Doon nawasak ang aking kainosentehan.

Nakilala ko sa school na yun ang bestfriend ko na si Clinton. Siya yung batang nakita namin ni tita Charlene sa CaféFrance. Yung batang pinagkamalan akong babae. Akala ko talaga hindi kami magkakasundo dahil sa first meeting namin. Pero it turns out, mabait naman pala siya.

“Hello! Dito ka rin pala magsu-school?” tanong niya. Nakilala ko siya agad. Hindi ko kasi talaga makalimutan ang sinabi niya nung una kaming nagkita. Naalala ko nanaman ang sandaling yun kaya maiiyak nanaman ako.

“Uy uy uy, wag ka nang umiyak. Di naman kita aawayin eh! Sorry pala dati kung napagkamalan kitang girl ha! Di ko naman kasi alam,” dag-dag pa niya.

Tiningnan ko lang siya. “Di mo na ako aawayin?” sabi ko habang pinipigilang humikbi.

“Pramis hindi. Friends?” Iniangat din niya ang palad niya para makipag-shake hands.

Nakipagkamay ako sa kaniya. “Friends.”

“YEHEY! Pwede bang bestfriends na tayo?” sabi niya.

“Talaga? Sige!” tugon ko.

Halos dikit-tadyang kaming dalawa sa school mula noong araw na yun. Bumibisita rin siya sa amin tuwing bakasyon. Pag magkasama kami, nagbabasa lang kami ng libro. Masaya na kami sa ganoon. Hindi rin naman kasi siya mahilig sa barilan at habulan. Marami ang nagsasabing ginagamit lang daw niya ako. Matalino kasi ako. Ako lagi ang nangunguna sa klase. First honor din ako lagi at marami akong awards. Pero hindi ko yun pinansin. Kasi, sobrang bait ni Clinton. Maaalalahanin siya tsaka sweet. Malay ko bang iba na pala yun.

Minsan nung nasa bahay siya, napadalaw si ate Lorna. Bakasyon yun. Mag-gegrade four na kami sa pasukan.

“Uy Chan-Chan, sino yan? BF mo? AHAHAHAHA!” Tawa siya talaga ng tawa.

“Oo, bestfriend ko siya,” proud kong sagot kay ate Lorna. Kasi diba? Pag pina-ikli ang Best Friend, ‘BF’ yun?

“AHAHAHAHA! Ewan ko sayo Chan-Chan anong bestfriend? Teka, kasama niyo pa talaga si Basti. Anak niyo? AHAHAHA! Naku Chan-Chan naunahan mo pa akong magka BF!” dagdag pa ni ate.

“Eh ano ngayon? Inggit ka kasi wala kang BF! Ano ba naman kasi sayo kung mag-BF kami ni Chan-Chan? We like each other naman eh!” sagot naman ni Clinton.

Umalis si ate ng tawa ng tawa. Napatingin naman ako kay Clinton. Nagtataka.

“Bakit Chan-Chan? May problema ba?” tanong ni Clinton.

“Anong ibig sabihin nun Clinton?” tanong ko.

“Bakit? Diba mag BF naman talaga tayo?” balik-tanong niya.

“Bestfriends nga,” sabi ko.

“Hanggang bestfriends lang ba talaga?” tanong ni Clinton.

“Clinton gabi na. Inaantok na ako,” sabi ko sabay takbo papuntang kwarto.

“Alas kwatro pa lang naman Chan-Chan ah!” narinig ko pang sigaw ni Clinton.

Ayoko na siyang bestfriend. Kadiri. Akala ko mag bestfriends kami. Kaya pala siya sweet. Kaya pala siya mabait. Higit pala sa bestfriends ang tingin niya sakin. Kinagabihan, kinausap ko si mama at si papa. Ayoko na doon sa allboys school. Ikinuwento ko lahat sa kanila. Kaya kinabukasan, lumipat kami ng lugar agad-agad.

Sa nilipatan namin nakilala ko ang bestfriend ko. Ang totoong bestfriend ko – si Charlie.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 367 66
Eli made a mistake that he would never forget. But it will became worst when he met the girl who happened to be connected from his past. He fell in l...
15.2K 191 2
When you're in a trio and one of you is in a happy, healthy relationship, while you're both in your mid-20s nearing 30, the pressure is on for Hallor...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
46.6K 2.2K 30
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24